You are on page 1of 35

•Ano ang posisyong

papel?
•➔Ayon kay Grace Fleming,ang posisyong
papel ay pagsalig o pagsuporta sa
katotohanan ng isang kontrobersiyal na isyu
sa pamamagitan ng pagbuo ng isang kasa o
usapin para sa iyong pananaw posisyon.
•➔Sinasabing ito ay isang sining ng paglalahad
ng mga dahilan upang makabuo ng isang
patunay na tinatanggap ng nakararami.
•Ano ang layunin
posisyong papel?
➔Ang layunin ng posisyong papel ay
kumbinsihin ang mga mambabasa na may
saysay at bisa ang mga argumentong inihain
sa kanila.
➔Ang argumento ay pahayag na ginagamit
upang mahikayat at mang impluwensiya ng
iba upang ipaliwanag ang mga dahilan sa
pagkiling sa isang posisyon.
1.Alamin at unawain
ang paksang
ipagmamatuwid.
➔Sa pakikipagdigma, hindi sumusuong sa
labanan ang mga sundalo na walang armas.
Dapat ganun rin sa posisyong
papel .
➔Alamin mo muna kung ano ang paksang
ipangmamatuwid mo upang mas lalo mong
mapanindigan ito. Huwag basta sugod ng
sugod.Laging mong tandan,alamin at
unawain
2. Dapat na
maging tiyak at
maayos ang
pagmamatuwid.
➔Huwag maging paligoy-ligoy. Hindi naman
kailangan ng posisyong papel ang
mabulaklak na pananalita.
➔Sikaping mong maging maliwanag ang
pagmamatuwid na gagawin mo upang sa
ganun ay maunawaan ng mambabasa ay
iyong akda.
➔Siguraduhin mong tiyak ang
pagmamatuwid mo.
➔Lagi mong tatandaan na mas gusto ng
mambabasa ang Direkta.
3. Dapat may sapat
na katwiran at
katibayang
makapagpapatunay
➔Kailangan magkaroon ka ng
katibayan. Hindi ba’t sa korte, kung
wala kang ebidensya sa iyong
sinasabi, ay hindi ka nila
paniniwalaan?
➔Ganun din sa posisyong papel.
➔Dapat may sapat kang patunay
upang mas lalo itong maging kapani-
paniwala.
4. Dapat may
kaugnayan sa paksa
ang katibayan.
➔Huwag maglagay ng katibayan na
wala namang kaugnayan sa paksa.
➔Hindi ito makadaragdag ng
kaayusan sa akda,bagkus makagugulo
pa.
➔Ibig sabihin, huwag maglagay ng
hindi angkop sa sulating ginagawa.
5. Pairalin ang
pagsaalang-alang sa
katarungan at bukas
sa kaisipan.
➔Lagi mong tatandaan na bagama’t
may pinatutunayan ka sa posisyong
papel ay dapat lagi ka pa rin bukas sa
mga kaisipan na maipapahayag.
➔Bawat isa sa atin ay may kanya-
kanyang pa ring opinyon.
➔Pairalin pa rin ang katarungan.
6.Tiyaking
mapagkakatiwalaan
ang ilalahad na
katuwiran.
➔Piliin ang mapagkakatiwalaang
katwiran.
➔Ayaw ng mga mambabasa na
mula lang sa kung saan-saan ang
mga pinupulot mong
impormasyon sa posisyong
papel.
1. Pumili ng
paksang malapit sa
iyong puso.
➔Tandaan mo na ang posisyong
papel ay nagpapakita ng kaisipan at
paniniwal ng may akda.
➔Siguraduhin mo na dapat malapit
sa iyong puso ang paksa mo upang
mas maging makatotohanan ang
paglalahad mo ng mga kaisipan dahil
interesado ka sa napili mong paksa.
2. Magsagawa ng
panimulang
pananaliksik.
➔Layunin nito na malaman kung
may sapat ka bang mapagkukunan ng
ebidensya sa iyong posisyon.
➔Maghanap sa mga educational
websites at iba pang angkop na
website para makapamili ng maayos
na impormasyon.
➔Siguraduhin beripikado ang site na
pagkukunan ng impormasyon.
3. Bumuo ng
pahayag na tesis o
thesis statement.
➔Ang pahayag na tesis o thesis
statement ay ang pinakasentral na
kaisipan ng posisyon.
➔Sa pamamagitan nito, madaling
maunawaan agad ng mga
mambabasa kung ano ang
pinapanigan ng may-akda sa kanyang
posisyong papel.
4. Subukin ang
katibayan ng
pahayag na tesis.
➔Pagkatapos mong gumawa ng
pahayag na tesis, subukin mo rin ang
kakayahan nito.
➔Tignan mo kung ano ang mga
possibleng maging katanungan sa
kabuoan nito upang mapaghandaan
ang mga posibleng pambato sa iyo
ng kabilang panig.
5.Magpatuloy sa
pangangalap ng mga
ebidensya.
➔Kapag nasubok mo na ang katatagan ng
iyong panig, palalimin mo na ang iyong
pananaliksik.
➔Magsagawa ng masusing pangangalap ng ga
datos na magagamit mo sa iyong sulatin.
➔Dapat tumpak, mapagkakatiwalaan,
napapanahon at nagmula sa mga masusing
pag-aaral.
➔Iwasan mo ang mga datos na mula lamang
sa opinyon.
➔Piliin mo ang mga datos na may katanungan.
6. Buoin ang
balangkas ng iyong
posisyong papel.
➔Bago tuluyang tapusin ang kabuoan
ng papel, gumawa muna ng burador na
balangkas.
➔Dapat mo makikita kung may dapat
pa bang baguhin sa iyong gagawin.
➔Pagkatapos nito ay puwede ka ng
gumawa ng pinal na sipi ng iyong
akdang susulatin.
Katangian ng Posisyong Papel
• Naglalarawan ng posisyon sa isang partikular na isyu at ipinapaliwanag
ang basehan sa likod nito.
• Nakabatay sa fact (estadistika, petsa, mga pangyayari) na nagbibigay ng
matibay na pundasyon sa mga inilalatag na argumento.
• Hindi gumagamit ng mga personal na atake upang siraan ang kabilang
panig.
• Gumagamit ng mga sangguniang mapagkatitiwalaan at may awtoridad.
• Sinusuri ng manunulat ang mga kalakasan at kahinaan ng sariling
posisyon maging ang sa kabilang panig.
• Pinaglilimian ng manunulat ang lahat ng maaaring solusyon at
nagmumungkahi ng mga maaaring gawin upang matamo ang layunin.
• Gumagamit ng akademikong lengguwahe.
Pagsulat ng Posisyong Papel
•Bago magsulat ng posisyong papel, kailangan
munang tukuyin ang isyu o paksang magiging
tuon ng papel.kapag malinaw na ang paksa,
magpasiya kung ano ang magiging posisyon.
•Sa introduksyon, talakayin ang kaligiran at
kahalagahan ng paksa at ilahad ang iyong
posisyon o ang tesis ng sanaysay. Isulat ito sa
paraang nakapupukaw ng atensiyon.
Pagsulat ng Posisyong Papel
• Simulan ang katawan ng posisyong papel sa pamamagitan ng pagbubuod ng
mga argumento ng kabilang panig, at pagbibigay ng mga impormasyong
sumusuporta sa mga pahayag na ito. Pagkatapos, pahinain ang mga
argementong ito sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga ebidensiyang
sumasalungat sa mga ito.
• A. Ilatag ang matalino at pinag-isipang opinyon
• 1. Ilahad ang matalino at pinag-isipang opinyon
• 2. Ilatag ang tatlo o higit pang suporta o ebidensya
• B. Ilatag ang pangalawang argumento
• 1. Ilahad ang matalino at pinag-isipang opinyon
• 2. Ilatag ang tatlo o higit pang suporta o ebidensya
• C. Ilatag ang pangatlong argumento
• 1. Ilahad ang matalino at pinag-isipang opinyon
• 2. Ilatag ang tatlo o higit pang suporta o ebidensya
Pagsulat ng Posisyong Papel

•Sa kongklusyon, muling ilahad ang mga


pangunahing argumento at patatagin
ang introduksiyon at katawan ng papel.
Hindi na kailangang magbigay pa ng mga
bagong impormasyon sa bahaging ito. Sa
bahagi ding ito, magmungkahi ka ng mga
solusyon sa nakikitang problema

You might also like