You are on page 1of 15

Ayon kay Jocson et al.

(2005), ang pangangatwiran ay tinatawag ring


pakikipagtalo o argumentasyon na maaarin maiugnay sa sumusunod na mga
paliwanag:

Ito ay isang…

 Sining ng paglalahad ng mga dahilanan upang makabuo ng isang


patunay na tinatanggap ng nakakarami.
 Uri ng paglalahad na nagtatakwil sa kamalian upang maipahayag
ang katotohanan.
 Paraang ginagamit upang mabigyang-katarungan ang mga
opinyon at maipahayag ang opinyong ito sa iba.
Narito ang mga dapat isaalang-alang para sa isang mabisang
pangangatwiran:

1. Alamin at unawain ang paksang ipagmamatuwid.


2. Dapat maging maliwanag at tiyak ang pagmamatuwid.
3. Sapat na katwiran at katibayang makakapagpapatunay.
4. Dapat ay may kaugnay sa paksa ang katibayan at katwiran upang
makapanghikayat.
5. Pairalin ang pagsasaalang-alang, katarungan, at bukas na
kaisipan sa pagpapahayag ng kaalamang ilalahad.
6. Tiyaking mapagkakatiwalaan ang mga ilalahad na katwiran.
Kagaya ng isang debate, ito ay naglalayong maipakita ang katotohanan
at katibayan ng isang tiyak na isyung kadalasan ay napapanahon at
nagdudulot ng magkakaibang pananaw sa marami depende sa
persepsiyon ng mga tao.

Ito rin ay ang pagsalig o pagsuporta sa katotohanan ng isang


kontrobersiyal na isyu sa pamamagitan ng pagbuo ng isang usapin para
sa iyong pananaw o posisiyon.
Layunin nito ang mahikayat ang madla na ang pinaniniwalaan ay
katanggap-tanggap at may katotohanan.

Sa paggawa ng posisyong papel, mahalagang maging matibay,


malinaw, at lohikal ang paggawa ng argumento o pahayag ng tesis.
1. Pumili ng paksa.
2. Magsagawa ng panimulang pananaliksik.
3. Bumuo ng Thesis Statement.
4. Subukin ang katibayan ng iyong posisyon.
5. Magpatuloy sa pangangalap ng mga kakailanganing ebidensya.
6. Buoin ang balangkas ng posisyong papel.
1. Pumili ng paksa.
2. Magsagawa ng panimulang pananaliksik.
3. Bumuo ng Thesis Statement.
4. Subukin ang katibayan ng iyong posisyon.
5. Magpatuloy sa pangangalap ng mga kakailanganing ebidensya.
6. Buoin ang balangkas ng posisyong papel.
Tumutukoy sa mga ideyang Tumutukoy sa mga ideyang
tinatanggap na totoo dahil ang nakasalig hindi sa katunayan
mga katubayan nito ay kundi sa ipinapalagay lamang
nakabatay sa nakita, narinig, na totoo. Hindi ito katunayan
naamoy, nalasahan at nadama. kundi pagsusuri o judgement
ng katunayan.
I. PANIMULA

a. Ilahad ang paksa.


b. Magbigay ng maikling paunang paliwanag tungkol sa paksa at
kung bakit ito mahalaga.
c. Ipakikila ang iyong stand o posisyon tungkol sa isyu.
II. PAGLALAHAD NG COUNTERARGUMENT SA IYONG TESIS

a. Ilahad ang mga argumentong tutol sa iyong tesis.


b. Ilahad ang mga kinakailangang impormasyon para mapasubalian
ang binanggit na counterargument.
c. Patunayang mali o walang katotohanan ang mga
counterargument na inilahad.
d. Magbigay ng mga patunay para magpatibay and iyong ginawang
panunuligsa.
III. PAGLALAHAD NG IYONG POSISYON O PANGANGATWIRAN

a. Ipahayag ang mga punto ng iyong posisyon. (At least 3)


b. Maglahad ng mga patunay at ebidensiyang hinango sa
mapagkakatiwalaang sanggunian.
IV. KONGKLUSYON

a. Ilahad muli ang iyong argumento o tesis.


b. Magbigay ng mga plano ng gawain o plan of action na makakatul
Fonts used:
• rainyhearts
• Arial

You might also like