You are on page 1of 11

PAgSUlAt

ng
POSISYOng
PAPel
Mahalaga ang matibay na ebidensiya para
sa pagpapatunay ng katotohanan at
paghubog ng kakayahan sa pagiging totoo
at prinsipyado. Ang pangangatwiran ay
nagpapakita ng kaalaman at pag-unawa
sa isang paksang pinangangatwiran at
nagtutulak ng tamang paniniwala sa mga
tagapakinig.
Ayon kay Jocson et al. (2005), ang pangangatwiran
ay tinatawag ding pakikipagtalo o argumentasyon
na maaring maiugnay sa sumusunod na mga
paliwanag:

-Ito ay isang sining ng paglalahad ng mga


dahilan upang makabuo ng isang patunay na
tinatanggap ng nakararami.

- Ito ay isang uring paglalahad na nagtatakwil sa


kamalian upang maipahayag ang katotohanan.

-Ito ay isang paraang ginagamit upang


mabigyang- katarungan ang mga opinyon at
maipahayag ang mga opinyong ito sa iba.
Narito ang mga dapat isaalang-alang para sa isang
mabisang pangangatwiran:

1. Alamin at unawain ang paksang


ipagmamatuwid.

2. Dapat maging maliwanag at tiyak ang


pagmamatuwid.

3. Sapat na katwiran at katibayang


makapagpapatunay.

4.Dapat ay may kaugnayan sa paksa ang katibayan


at katwiran upang makapanghikayat.

5.Pairilin ang pagsasaalang- alang, katarungan at


bukas na isipan na nagpapahayag ng kaalamang ilalahad
Ang Posisyong papel ay isang paraan
ng masining na pagpapahayag ng mga
katwiran sa pamamagitan ng pagsulat.
Ito ay naglalayong ipakita ang
katotohanan at katibayan ng isang tiyak
na isyu at mahikayat ang iba na
tanggapin ang pananaw o posisyon ng
isang tao. Sa pagsulat ng posisyong
papel, mahalaga ang pagbuo ng kaso o
usapin para sa iyong pananaw o
posisyon. Mahalaga rin na ang
argumento o pahayag ng tesis ay
matibay, malinaw, at lohikal.
Ayon naman kay Grace Fleming, sumulat ng
artikulong "How to Write an Argumentative Essay,"
ang posisyong papel ay ang pagsalig o pagsuporta sa
katotohanan ng isang kontrobersiyal na isyu sa
pamamagitan ng pagbuo ng isang kaso o usapin para
sa iyong pananaw o posisyon. Kapag nailatag na ang
kaso at ang posisyon hinggil sa isyu, mahalagang
mapatunayang totoo at katanggap- tanggap ito sa
pamamagitan ng paggamit ng mga ebidensiyang
kinapapalooban ng mga katotohanan, opinyon ng
mga taong may awtoridad hinggil sa paksa,
karanasan, estadistika, at iba pang uri ng katibayang
magpapatibay sa posisyong pinanghahawakan.
MGA HAKBANG SA PAGSULAT NG POSISYONG PAPEL

1. Pumili ng paksa malapit saiyong puso

2.Magsigawa ng panimulang pananaliksik hinggil


sa napiling paksa

3. Bumuo ng thesis statement or pahayag ng tesis

4.Subukin ang katibayan o kalakasan ng iyong pahayag


ng tesis o posisyon.

5.Magpatuloy sa mga pangangalap ng mga


kakailanganin ebidensya.
Para sa higit na pagpapatibay ng iyong
posisyon ay maaari ding gamitin bilang
saligan ng paliwanag ang mga pananaw
ng mga taong eksperto sa larangang
iyong tinatalakay tulad ng doktor,
abogado, propesor, at iba pa.
Ayon kay Constantino at Zafra (1997), nauuri sa
dalawa ang mga ebidensiyang magagamit sa
pangangatwiran:

A.Mga
B. Mga Opinyon
Katunayan (facts)

- Ang mga katunayan ay mga - Ang mga opinyon ay mga


ideyang tinatanggap na totoo dahil sa pananaw ng mga tao at hindi
nakita, narinig, naamoy, nalasahan, katunayan. Kung gagamitin
at nadama. Maaaring gamitin ang bilang ebidensiya, dapat
mga pahayag ng ibang tao bilang manggaling ito sa taong may
testimonya o patotoo, ngunit awtoridad na magsalita hinggil
kailangang tiyaking reliable o sa isang isyu o paksa.
mapagkakatiwalaan ito.
6.Buoin ang balangkas ng posisyong papel

I. Panimula

II.Paglahad ng counterarguement o
arguementong tumututol or kumokontra sa iyong
tesis

III. Paglalahad ng iyong posisyon o pangangatwiran


tungkol sa isyu

IV. Kongklusyon
Maraming Salamat
Sa pakikinig!

You might also like