You are on page 1of 1

Ang posisyong papel, kagaya ng isang debate, ito ay naglalayong maipakita ang katotohanan at katibayan ng isang

tiyak na isyung kadalasan ay napapanahaon at nagdudulot ng magkakaibang pananaw sa marami depende sa


persepsiyon ng mga tao.

Layunin nito na mahikayat ang nakararami o madla na ang paniwalaan nila ay katanggap-tanggap at may
katotohanan. Mahalagi nitong maipakita o mapagtibay ang argumentong pinaglalaban gamit ang mga ebidensiyang
magpapatotoo sa posisyong pinaniniwalaan o pinaninindigan.

Ayon kay, Grace Feming, ito ay ang pagsalig o pagsuporta sa katotohanan ng isang kontrobersiyal na isyu sa
pamamagitan ng pagbuo ng isang kaso o usapin para sa inyong pananaw o posisyon.

Kapag nailatag na ang kaso at ang posisyon hinggil sa isyu, mahalagang mapatunayang totoo at katanggap-tanggap
ito sa pamamagitan ng paggamit ng mga ebidensiyang kinapapalooban ng mga katotohanan, opinyon ng mga taong
may awtoridad hinggil sa karanasan, estadistika, at iba pang uri ng katibayang magpapatibay sa posisyong
pinanghahawakan.

Sa pagsulat nito, mahalaga ang pagkakaroon ng isang mahusay at magandang paksa ngunit higit na mas mahalaga
ang kakayahang makabuo ng kaso o isyu.

Maaaring ang paksa ay maging simple o komlikado ngunit ang gagawing argumento o pahayag ng pag-aaral ay
mahalagang maging matibay, malinaw, at lohikal.

You might also like