You are on page 1of 2

KATAWAN

Ang pangangatwiran ay tinatawag ding pakikipagtalo o argumentasyon na maaaring maiugnay


sa sumusunod na mga paliwanag:(1) ito’y sining ng paglalahad ng dahilan upang makabuo ng
patunay na tinatanggap ng karamihan; (2) isang uri ng paglalahad na nagtatakwil sa kamalian upang
maipahayag ang katotohanan, (3) isang paraang ginagamit upang mabigyang-katarungan ang mga
opinyon at maipahayag ang mga ito sa iba. Narito naman ang dapat isaalang-alang para sa isang
mabisang pangangatwiran: (1) Alamin at unawain ang paksang ipagmamatuwi; (2) Dapat ito’y
maging maliwanag at tiyak; (3) May sapat na katwiran at katibayang makapagpapatunay; (4) May
kaugnayan sa paksa ang katibayan at katwiran upang makapanghikayat; (5) Pairalin ang
pagsasaalang-alang, katarungan, at bukas na kaisipian sa pagpapahayag ng kaalamang nilalahad; At
pang huli (6) Tiyaking mapagkakatiwalaan ang mga ilalahad na katwiran. Ang posisyong papel ay
katulad ng isang debate na kung saan ay naglalayong maipakita ang katotohana’t katibayan ng isang
tiyak na isyung kadalasan ay napapanahon at nagdudulot ng magkakaibang pananaw sa karamihan
depende sa persepsiyon ng mga tao. Layunin nitong hikayatin ang mga tao na ang paniniwala ay
katanggap-tanggap at may katotohanan. Ito’y pagsuporta o pagsalig sa katotohanan ng isang
kontrobersiyal na isyu sa pamamagitan ng pagbuo ng isang kaso o usapin para sa iyong pananaw o
posisyon. Mahalagang mapatunayang totoo at katanggap tanggap ,ang kaso at ang posisyong hinggil
sa isyu na iyong ilalatag, sa pamamagitan ng mga ebidensyang kinapapalooban ng mga katotohanan,
opinyon ng mga may awtoridad hinggil sa paksa, karanasan, estadistika, at iba pang uri ng katibayang
magpapatibay sa posisyong pinanghahawakan. Ayon din sa kaniya, mahalaga ang pagkakaroon ng
isang mahusay at magandang paksa subalit higit na mahalaga ang kakayahang makabuo ng isang kaso
o isyu sa pagsulat ng isang posisyong papel. Maaaring maging simple o komplikado ang paksa ngunit
ang gagawing argumento o pahayag ng tesis ay mahalagang maging matibay, malinaw, at lohikal. Ang
pagsulat ng posisyong papel ay hindi lamang sining ng paglalahad ng mga argumento at
pangangatwiran kundi ito rin ay isang agham na kinapapalooban ng mga katibayang kinalap sa
pamamagitan ng pananaliksik. Ito ang mga hakbang sa pagsulat ng posisyong papel: (1) Pumili ng
paksang malapit sa iyong puso; (2) Magsagawa ng panimulang pananaliksik hinggil sa napiling
paksa; (3) Bumuo ng thesis statement o pahayag ng tesis; (4) Subukin ang katibayan o kalakasan ng
iyong pahayag ng tesis o posisyon; (5) Magpatuloy sa pangangalap ng mga kakailanganing
ebidensiya na ayon kay Constantino at Zafra (1997), nauuri ang mga ebidensyang magagamit sa
pangangatwiran sa dalawa: (a) mga katunayan (facts) kung saan tumutukoy sa mga tinatanggap na
totoo dahil ang mga katibayan nito ay nakabatay sa nakita, narinig, naamoy, nalasahan, at nadama;
(b) mga opinyon na tumutukoy sa pananaw ng mga tao, mga ideyang nakasalig hindi sa katunayan
kundi sa ipinapalagay lamang na totoo; (6) buoin ang mga balangkas ng posisyong papel na kung
saan bago tuluyang isulat ang kabuoang sipi ng posisyong papel ay gumagawa muna ng balangkas para
dito. Narito ang mga pormat na maaaring gamitin: (I) panimula kung saan dito inilalahad ang paksa at
maikling paunang paliwanag tungkol dito. Sa pagsulat ng panimula, mahalagang maunawaan na ito
ay may dalawang layunin. Upang ipakilala ang paksa at tesis, at upang maantig ang iteres ng mga
babasa nito; (II) paglalahad ng counterargument o mga argumentong tumututol o kumokontra sa
isyong tesis. Maaring matukoy ang mga posibleng counterargument tungkol sa isyu sa pamamagitan
ng pag-iisip ng mga tanong na maaaring iharap sa isang taong nakaalam ng paksa tungkol sa isyung
posisyon sa isyu sa pangkalahatan; (III) Paglalahad ng iyong posisyon o pangangatwiran tungkol sa
isyu. Upang higit pang maging matibay ang iyong pangangatwiran o posisyon sikaping maglahad ng
tatlo o higit pang mga puntos tungkol sa isyu; at pang huli ay (IV) Ang Kongklusyon na kung saan
ilalahad muli ang mga argumento o tesis. Ang pinakasimple at mabisang paraan ng pagwawakas ng
posisyong papel ay sa pamamagitan ng muling pagbanggit sa tesis sa ibang paraan ng paglalahad nito
at ang pagtatalakay sa mga magiging implikasyon nito.

You might also like