You are on page 1of 15

) ) ) ) ) ) ) ) )

) ) ) ) ) ) ) ) )
Ika-7 na Pangkat

Posisyong
Papel
) ) ) ) ) ) ) ) ) Intro
) ) ) ) ) ) ) ) )

Ang posisyong papel ay sanaysay na naglalahad ng mga opinyon


tungkol sa partikular na paksa o usapin. Kailangang pumosisyon sa
isang panig.

Halimbawa, naniniwala kang nakagagamot ang marijuana kaya


isinusulong mo ang pagamit nito sa medicina o kaya bapor ka sa
divorce. Anuman ang posisyon, kailangang magbigay ng malinaw at
matatag na mga argumento at mga makatwirang ebidensiyang
susuporta sa mga ito sa kabuuan ng papel.
) ) ) ) ) ) ) ) ) Intro
) ) ) ) ) ) ) ) )

• Ang posisyong papel , kagaya ng isang debate, ay naglalayong


maipakita ang katotohonan at katibayan ng isang tiyak na isyung
kadalasan ay napapanahon at nagdudulot ng magkakaibang
pananaw sa marami depende sa persepsiyon ng mga tao.
• Ang layunin ng posisyong papel ay mahikayat ang madla na ang
pinaniniwalaan ay katanggap- tanggap at may katotohanan.
Mahalagang maipakita at mapagtibay ang argumentong
pinaglalaban gamit ang mga ebidensyang magpapatotoo sa
posisyong pinaniniwalaan o pinaninindigan.
) ) ) ) ) ) ) ) )
) ) ) ) ) ) ) ) )

• Ang layunin ng posisyong papel ay mahikayat ang madla na ang Contents


pinaniniwalaan ay katanggap- tanggap at may katotohanan.
Mahalagang maipakita at mapagtibay ang argumentong
pinaglalaban gamit ang mga ebidensyang magpapatotoo sa
posisyong pinaniniwalaan o pinaninindigan.
• Ayon naman kay Grace Feming, sumulat ng artikulong “How to
Write an argumentativen Essay,” ang posisyong papel ay ang
pagsalig o pagsuporta sa katotohanan ng isang kontrobersiyal na
isyu sa pamamagitan ng pagbuo ng isang kaso o usapin para sa
inyong pananaw o posisyon.
• Kapag nailatag na ang kaso at ang posisyon hinngil sa isyu,
) ) ) ) ) ) ) ) )
) ) ) ) ) ) ) ) )
mahalagang mapatunayang totoo at katanggap- tanggap ito sa
pamamagitan ng paggamit ng mga ebidensyang kinapapalooban Contents
ng mga katotoohan, opinion ng mga taong may awtoridad hinggil
sa paksa, karanasan, estadistika, at iba pang uri ng katibayang
magpapatibay sa posisyong pinanghahawakan.
• Ayon sa kanya, sa pagsulat ng posisyong papel ay mahalaga ang
pagkakaroon ng isang mahusay at magadang paksa ngunit higit
na mas mahalaga ang kakayahang makabuo ng isang kaso o isyu.
• Maaring ang paksa ay maging simple o komplikado ngunit ang
iyong gagawing argumento o pahayag ng tesis ay mahalagang
maging matibay, malinaw, at lohikal. .
) ) ) ) ) ) ) ) )
) ) ) ) ) ) ) ) )
• Ayon kay Jacson et al (2015) sa kanilang aklat na Pagbasa at
pagsulat tungo sa pananaliksik, ang pangangatwiran ay
Contents
tinatawag ding pakikipagtalo o argumentasyon na maaring
maiugnay sa sumusunod na paliwanag:

Ito ay isang sining ng paglalahad ng mga dahilan upang makabuo


ng isang patunay na tinatanggap ng nakararami.Ito ay isang uri ng
paglalahad na nagtatakwil sa kamalian upang maipahayag ang
katotohanan, Ito ay isang paraang ginagamit upang mabigyang –
katarungan ang mga opinyon at mapahayag ang mga opinyong ito
sa iba.
) ) ) ) ) ) ) ) ) • KATANGIAN ng isang posisyong papel malilinaw na tesis makikita ang
) ) ) ) ) ) ) ) )
pakiling o bias mayroong pansuportang detalye o ebidensiya may
pang-kontra ng argumento maikli ngunit may punto ang bawat
talata mayroong emosyon ng may akda mayroong solusyong
ipinapakita.
• Ang LAYUNIN nito ay maipaglaban kung ano para satinginmo ang
tama. Ito rin ay naglalayongitakwil ang kamaliannahinditanggap ng
karamihansamgatao.
• Ang pagsulatnito ay dapatnasaisangpormalna format. Sunod,
dapatorganisadorin ang paglagay ng mgaideyasaiyongpapel. Ito rin
ay dapatnagbibigaylinawsapanignapinaboran. Ngunit,
dapatipinapakitarin ang pagsisiyasatsakabilangpanig.
) ) ) ) ) ) ) ) )
) ) ) ) ) ) ) ) )

Ang Katotohanan, Kahalagahan, Sanhi, Kahulugan


Patakaran Mga dapat isaalang-alang para sa mabisang
pangangatwiran.
1. Alamin at unawain ang paksang ipagmamatuwid
2. Dapat maging maliwanag at tiyak ang pagmamatuwid
3. Sapat na katwiran at katibayang makapagpapatunay
4. Dapat may kaugnayan sa paksa ang katibayan at katwirang upang
makapanghikayat
5. Tiyaking makapagkatiwalaan ang mga inilahad na katwiran.
) ) ) ) ) ) ) ) )
) ) ) ) ) ) ) ) )

Talatinginan, ensayklopedya, handbooks Aklat, ulat ng


pamahalaaan Dyornal na pang-akademiko
Pahayagan, magasin, telebisyon Sangay ng
pamahalaan at mga organisasyon/samahaan
) ) ) ) ) ) ) ) )
) ) ) ) ) ) ) ) )

1. Sa Akademya
Nagbibigay daan ang mga posisyong papel sa akedemya upang
talakayin ang mga umuusbong na paksa nang walang
eksperimentasyon at orihinal na pananaliksik na karaniwan
makikita sa isang akademekong pagsulat. Karaniwan, pinagtitibay
ng isang dokumento ang mga posisyong iniharap gamit ang
ebidensiya mula sa malawak at obhetibong talakayan ng naturang
paksa.
) ) ) ) ) ) ) ) )
) ) ) ) ) ) ) ) )
2. Sa pulitika
Sa pamahalaan ang posisyong papel ay nasa pagitan ng white
paper at green paper kung saan kinakatigan nila ang mga tiyak na
opinion at namumungkahi ng mga solusyon ngunit hindi umaabot
sa pagdedetalye ng planong kung paano ipapatupad ito.

3. Sa batas
Sa pandaigdigang batas ang terminolohiya ginagamit para sa
isang posisyong papel ay Aide-memoire. Ang isang Aide-memoire
ay isang memorandum na naglalahad ng mga maliliit na punto ng
isang iminumungkahing talakayan o dipinagsasang – ayunan na
ginagamit lalo na sa mga di-diplomatikong komunikasyon.
) ) ) ) ) ) ) ) )
) ) ) ) ) ) ) ) )

Ayon kay Grace Fleming, ito ang mga kailangang kunsiderahin sa


paggawa ng isang magandang posisyong papel.
1. Pumili ng paksa batay sa iyong interes
– ito ay magiging daan upang mas mapadali ang pagpapatibay ng
iyong paninindigan o posisyon
2. Magsawa ng paunang pananaliksik
– Ito ay kinakailangan upang matukoy kung ang katibayan ay
magagamit upang suportahan ang iyong paninindigan.
) ) ) ) ) ) ) ) ) 4. Mangolekta ng sumusuportang katibayan
) ) ) ) ) ) ) ) )
– Manaliksik at maghanap ng mga katibayan upang suportahan ang iyong
paninindigan. Puwedeng gamitin ang mga datos, mga opinyon galing sa isang
dalubhasa o mga karanasan ng mga Iba’t ibang tao.
5. Lumikha ng balangkas
– Sa paglikha nito, kailangang kunsiderahin ang mga bagay na ito:
• Ipakilala ang iyong paksa gamit ang maikling paglalahad ng pangkaligirang
impormasyon at gumawa ng pahayag ng tesis na iginigiit ang iyong
posisyon
• Itala ang mga posibleng kasalungat na pananaw ng iyong posisyon
• Ipakita rin ang mga sumusuportang punto ng mga kasalungat na pananaw
ng iyong posisyon
• Kailangang pangatwiranang mabuti ang iyong posisyon sa kabila ng mga
inilahad na mga kontra-argumento
• Ibuod ang iyong argumento at muling igiit ang iyong posisyon
) ) ) ) ) ) ) ) )
) ) ) ) ) ) ) ) )
) ) ) ) ) ) ) ) )
) ) ) ) ) ) ) ) )

You might also like