You are on page 1of 26

Ang 

balita ay isang uri ng lathalain na


tumatalakay sa mga kasalukuyang
kaganapan sa labas at/o loob ng isang 
bansa na nakatutulong sa pagbibigay-
alam sa mga mamamayan. Maaari itong
ihayag sa pamamagitan ng paglilimbag,
pagsasahimpapawid, Internet, o galing sa
bibig at ikalat sa ikatlong partido o sa
maramihang mambabasa at nakikinig
URI NG BALITA
Balitang Panlokal
ito ay tumatalakay sa
mahahalagang
pangyayaring
nagaganap lamang sa
isang tiyak na bahagi
ng bansa .
Balitang Pambansa
Ito ay tumatalakay
sa mahahalagang
pangyayaring
nagaganap sa
buong bansa.
Balitang Pandaigdig
ito ay tumatalakay sa
mahahalagang
pangyayaring
nagaganap sa ibat
ibang bansa sa
daigdig.
Balitang Pang-
edukasyon
Ito ay tumatalakay sa
pangyayaring may
kinalaman sa
edukasyon.
Balitang Pampolitika
ito ay tumatalakay sa
pangyayaring may
kinalaman sa Politika.
Balitang
Pampalakasan
Ito ay tumatalakay sa
pangyayaring may
kinalaman sa mga
palaro at
kumpetisyong
pampalakasan.
Balitang
Pantahanan

tumatalakay sa
pangyayaring may
kinalaman sa
pamamahala ng
tahanan.
Balitang Pangkabuhayan
ito ay tumatalakay sa
pangyayaring may
kinalaman sa Negosyo at
takbo ng kabuhayan ng
bansa.
Balitang Panlibangan
ito ay tumatalakay sa
pangyayaring may
kinalaman sa
larangan ng
telebisyon,
radio,pelikula,
tanghalan at iba pa.
Katangian ng mga salitang
ginagamit sa pagsulat ng
balita.
• Simple ang mga salita.

• Maiintindihan ito ng lahat

• Akma ang pagkakagamit ng akda.


1. Huwag maging paligoy-ligoy.
2. Huwag gumamit ng
matatalinhagang salita.
3. Huwag na huwag maglalagay
ng sariling opinyon.
4. Isulat ang pawang katotohanan
lamang at banggitin ang mga
lehitimong pinanggalingan ng mga
impormasyon o datos.
5. Siguraduhing malinaw at tiyak
ang ginagamit na salita.
Ang isang balita ay maaaring
sumagot sa anim na pahiwatig o
ASSAKABAPA.
1. Ano – tumutukoy sa pangyayari ng isang balita.
2. Sino – tumutukoy sa taong pinag-uusapan sa balita.
3. Saan – tumutukoy sa pook o lugar na pinangyarihan sa
balita.
4. Kailan – tumutukoy kung kailan naganap ang pangyayari sa
balita.
5. Bakit – tumutukoy sa sanhi o dahilan ng pangyayari sa
balita.
6. Paano – tumutukoy sa paraan kung paano naganap ang
pangyayari sa balita.
Mga Dapat tandaan
sa pagsulat ng
balita?
1. Kawastuhan– ang balita ay dapat naglalahad ng mga
impormasyong walang labis at walang kulang.
2. Katimbangan – ang balita ay dapat maglahad ng datos na
walang kinikilingan sa sinomang panig na nasasakop ng balita.
3. Makatotohanan – ang balita ay dapat na naglalaman ng mga
impormasyon na tunay at hindi gawa-gawa lamang. Ang mga
impormasyon ay dapat na nanggagaling sa mapagkakatiwalaang
sources at hindi kung kani-kanino lamang. Kung ang
impormasyon ay galing sa social media, kilatisin ang
pinaggalingan bago ito ibalita.
4. Kaiklian – ang balita ay dapat inilalahad ng walang paligoy-
ligoy
Hakbang sa Pagsulat ng Balita
1. Pagkakuha ng mga impormasyon, isulat ang buod upang
makita ang lahat ng datos na nakalap.
2. Itala ang mga pangyayari ayon sa pababa o paliit na
kahalagahan.
3. Isulat ang balita gamit ang inverted pyramid. Sa paglalahad ng
mga datos ng balita, dapat ay nasa pinakatuktok ang panimula
PANIMULA
(lead) kung saan ang lahat ng pinakaimportanteng detalye ay
ilalagay. Susunod ang katawan ng balita na kung saan ilalahad KATAWAN
This Photo by Unknown Author is licensed under CC BY-NC-ND

ang mga importanteng detalye. Nasa pinakahulihan pangwakas PAN


GWA

ang mga hindi gaanong mahalagang detalye ng balita. KAS

4. Isulat ang headline na naangkop sa balita.


Upang masukat ko ang inyong mga natutunan, ay may ipapanood akong halimbawa ng
balita.
Panuto: Suriin ang mga salitang ginamit mula sa balitang napanood.
Gawing gabay ang mga katangian ng mga salitang ginagamit ssa pagsulat ng balita at ang
mga dapat tandan sa pagpili ng angkop na salita o pangungusap sa pagsulat ng isang balita
 
Pamprosesong Tanong:

• Paano mo maihahambing si Manny sa iyo bilang isang kabataan?


• Naunawaan ba ninyo ang mensaheng ipinaaabot ng balita?

• Naging madali ba ang inyong pag-unawa sa balitang pinanood? Bakit?


 
 
 
Pangkatang Gawain
Ngayon ay papangkatin ko kayo sa tatlong pangkat.

MAGBABALITA KAYO!
 
Panuto: Gagawa ng isang komprehensibong pagbabalita (newscasting)
ang bawat pangkat tungkol sa ibat’t ibang pangyayaring nagaganap sa
sariling lugar/bayan. Itatanghal ang pagbabalitang ito sa klase.
Paglalahat
 
Sa kabuuan, ano-ano ang mga dapat
nating tandaan sa pagsulat ng balita?
Pagtataya
 
Panuto: Isulat ang TAMA kung wasto ang pahayag sa bawat bilang at MALI naman kung hindi wasto ang
ipinahayag.Isulat ang sagot sa patlang bago ang bilang. Sagot na lamang ang inyong isulat.
 
________1. Ang katawan ng balita ang siyang tumutugon sa mga di-gaanong mahahalagang detalye hinggil
sa mga datos na binabanggit sa pamatnubay.
________2. Karaniwang isinusulat ang mahahalagang datos sa unang talata.
________3. Ang panghuling bahagi ang tumutugon sa di-gaanong mahahalagang detalye.
________4. Sa unang talata makikita ang mga impormasyon na sumasagaot sa mga tanong na ASSAKABA
at Paano.
________5. Ang balita ay kailangang gumamit ng simple,napapanahon,naiintindihan at madaling gamiting
mga salita.
________6. Nasa pinakahulihan pangwakas ang mga hindi gaanong mahalagang detalye
ng balita.
________7. Ang balita ay dapat naglalahad ng mga impormasyong walang labis at
walang kulang.
_______8. Ang balita ay dapat maglahad ng datos na
walang kinikilingan sa sinomang panig na nasasakop ng balita.
________9. Ang balita ay hindi naglalaman ng mga ng mga tunay na impormasyon at
gawa-gawa lamang.
________10. Ang mga impormasyon ay dapat na nanggagaling sa mapagkakatiwalaang
sources at hindi kung kani-kanino lamang.

You might also like