You are on page 1of 22

PAGSULAT NG

BALITA
(News Writing)
Katangian ng Balita
1. Kawastuhan-Ang mga datos ay inilahad
na walang labis, walang kulang.
2. Katimbangan-Inilahad ang mga datos na
walang kinikilingan.
3. Makatotohanan- Ang mga impormasyon
ay totoo at hindi kathang-isip lamang.
4. Kaiklian-Ang mga datos ay inilahad nang
deretsahan at hindi maligoy.
Mga Uri ng Balita
Ayon sa istilo sa paglalahad ng datos:
1. Tuwirang balita-deretsahan ang
pagkaka- hanay ng mga datos at
ginagamitan ng kombensyonal na
pamatnubay.

2. Balitang lathalain-hindi deretsahan


ang pagkakalahad ng mga datos at
ginagamitan ng makabagong
pamatnubay.
Balita ayon sa pinangyarihan:
1. Lokal na balita- Kung ang
kinasasaklawan ng balita ay ang
sariling pamayanan, probinsiya o
sariling bansa.

2. Balitang dayuhan- kung ang


pangyayari ay naganap sa ibang
bansa.
Balita ayon sa Nilalaman
1. Balitang Pang-agham at
teknolohiya

2. Balitang Pangkaunlaran
Komunikasyon

3. Balitang Pang-isports o
Pampalakasan
1. Batay sa aksyon-ang manunulat o
mambabalita ay naroon mismo sa lugar na
pinangyarihan ng aksyon o pangyayari.

2. Balitang batay sa tala-kung ang


pinagbatayan ay mga nakalap mula sa
talaan ng pulisya, ospital, punerarya at
ibang ahensya ng pamahalaan
3. Batay sa talumpati-kung ang
pinagkukunan ay batay sa talumpati ng
mga kilalang tao.

4. Batay sa pakikipanayam-kung ang


mga datos ay nalikom sa pamamagitan
ng pakikipanayam sa mga taong
sangkot sa mga pangyayari.
Balita ayon sa pagkakaanyo sa
pahina
1. Balitang kinipil- mga balitang pinaikli
nalamang dahil sa kawalan ng sapat na
espasyo.

2. Dagliang balita-pahabol na balita na


dahil sa kawalan ng espasyo na
nilalagyan na lamang ng Flash at
kasunod nito ang isang
linya o talatang nilalaman.
Ang Pamatnubay
Pamatnubay ang tawag sa una at
pangalawang talata ng balita.
Nagsisilbi itong pang-akit sa
mambabasa dahil ito ang pinakabuod
ng balita. Sa akdang lathalain o
balitang lathalain, ito ay maaring
isang salita o parirala, pangungusap o
isang talata.
Mga Uri ng Pamatnubay
1. Kombensyonal na Pamatnubay-
sinasagot nito ang mga tanong na
Ano? Sino? Saan? Kailan? Bakit? Paano?
Ang balita ay inilahad sa pabaligtad na
piramide kung saan ang mga
mahahalagang datos ay nasa una at
pangalawang talata. Ito ay karaniwang
ginagamit sa tuwirang balita.
2. Makabagong Pamatnubay-
ginagamitan ng pagganyak na
panimulaang akda upang akitin ang
mambabasa na basahin ang kabuuan
nito. Karaniwang ginagamit ito sa
pagsulat ng balitang lathalain at tanging
lathalain.
Mga Uri ng kombensyonal
na pamatnubay
Pamatnubay na Ano- Kung ang itinatampok
sa balita ay ang pangyayari.
Hal. Isang lindol ang yumanig sa Timog
Cotabato at mga kalapit na probinsya na
ikinamatay ng tatlong katao at ikinasira ng
maraming gusali noong Marso 6, 2002 nang
madaling-araw.
2. Pamatnubay na sino
Kung ang higit na tampok ay tao o
organisasyong kasangkot sa pangyayari

Hal. Tinanghal na Miss International si


Precious Larra Quigaman sa patimpalak
na ginawa sa Tokyo noong Febrero
2007.
3. Pamatnubay na saan
Kung higit na mahalaga ang lugar na
pinagdausan o darausan ng pangyayari.
Hal. Gaganapin sa Beijing, China ang
2008 Olympics.
4. Pamatnubay na kailan
Hindi gaanong ginagamit ang
pamatnubay na ito maliban kung
napakahalaga ng petsa kaysa ibang
pang aspeto ng pangyayari.
Hal. Hanggang sa abril 18 na lamang
ang palugit ng BIR sa pagbabayad ng
buwis.
5. Pamatnubay na Bakit
Ginagamit kung ang dahilan o sanhi ng
pangyayari ang higit na mahalaga.

Hal. Upang madagdagan ang kaalaman


ng mga tagapayo sa pahayagang
pangkampus, nagsagawa ng seminar-
workshop ang DepEd ngayong Hulyo 6-
7, 2006.
6. Pamatnubay na Paano
Kung ang kaparaanan ng pangyayari
ang pinakamahusay na anggulo.

Hal. Simbigat ng mga bakal ang kamao ni


Pacman kung tumama kay Oscar
Larious kaya ito napaluhod sa 11
rounds.
Mga Dapat Tandaan sa
Pagsulat ng Pamatnubay
1. Gumamit ng payak na pangungusap
2. Huwag isulat ang mga datos na
sumasagot sa tanong na (ano. Sino,
saan, kailan, paano, bakit) sa isang
pangungusap la-mang baka makakalito
sa mambabasa. May pangalawang talata
pa naman para sa ibang datos. Ang
pangalawang talata ay pamatnubay rin.
Mga Hakbang sa Pagsulat
ng Balita
1. Isulat kaagad ang balita matapos makaka-
lap ng impormasyon.
2. Isulat ang datos ayon sa pababang kahala-
gahan.
3. Unahing itampok ang pinakamahalagang
datos sa pamatnubay
4. Isulat ang buong pangalan ng taong
awtoridad na sorses ng datos at ang
katungkulan nito. Sa muling pagbanggit
sa kanya, gamitin na lamang ang G. at
Apelyido ng lalaki,Bb. oGng. at apelyido
ng babae o anumang titulo na angkop
sa kanya.
5. Iwasang magbigay ng opinyon sa
balita.
6. Maging tumpak sa paglalahad ng datos.
7. Gawing maikli ang mga talata.
8. Gumamit ng mga payak na salita.
9. Gumamit ng panghalip na nasa unang
panauhan.
10 Ilahad ang dalawang panig na sangkot sa
pangyayari.
11. Gawing pasalita ang bilang isa hanggang
siyam at gawing numero ang sampu pataas.
Maraming Salamat!

You might also like