You are on page 1of 9

PAGSULAT NG

BALITA
(News Writing)
Katangian ng Balita
1. Kawastuhan-Ang mga datos ay inilahad
na walang labis, walang kulang.
2. Katimbangan-Inilahad ang mga datos na
walang kinikilingan.
3. Makatotohanan- Ang mga impormasyon
ay totoo at hindi kathang-isip lamang.
4. Kaiklian-Ang mga datos ay inilahad nang
deretsahan at hindi maligoy.
Mga Uri ng Balita
Ayon sa istilo sa paglalahad ng datos:
1. Tuwirang balita-deretsahan ang
pagkaka- hanay ng mga datos at
ginagamitan ng kombensyonal na
pamatnubay.

2. Balitang lathalain-hindi deretsahan


ang pagkakalahad ng mga datos at
ginaga- mitan ng makabagong
pamatnubay.
Balita ayon sa pinangyarihan:
1. Lokal na balita- Kung ang
kinasasaklawan ng balita ay ang
sariling pamayanan, probinsiya o
sariling bansa.

2. Balitang dayuhan- kung ang


pangyayari ay naganap sa ibang
bansa.
Balita ayon sa Nilalaman
1. Balitang Pang-agham at
teknolohiya

2. Balitang Pangkaunlaran
Komunikasyon

3. Balitang Pang-isports o
Pampalakasan
1. Batay sa aksyon-ang manunulat o
mambabalita ay naroon mismo sa lugar na
pinangyarihan ng aksyon o pangyayari.

2. Balitang batay sa tala-kung ang


pinagbatayan ay mga nakalap mula sa
talaan ng pulisya, ospital, punerarya at
ibang ahensya ng pamahalaan
3. Batay sa talumpati-kung ang
pinagkukunan ay batay sa talumpati ng
mga kilalang tao.

4. Batay sa pakikipanayam-kung ang


mga datos ay nalikom sa pamamagitan
ng pakikipanayam sa mga taong
sangkot sa mga pangyayari.
Balita ayon sa pagkakaanyo sa
pahina
1. Balitang kinipil- mga balitang pinaikli
nalamang dahil sa kawalan ng sapat na
espasyo.

2. Dagliang balita-pahabol na balita na


dahil sa kawalan ng espasyo na
nilalagyan na lamang ng Flash at
kasunod nito ang isang
linya o talatang nilalaman.
Maraming Salamat!

You might also like