You are on page 1of 2

Paghahalaw/ Abstraction

Ang balita ay isa sa mga nakapahalagang bagay upang tayo ay may-alam. Sa


pamamagitan ng pagbabalita ang mga tao ay naging mapagmatyag sa lipunan, sa
pamumuhay, sa ekonomiya, sa kasarian, at anumang klaseng balita na nakakaapekto sa
kanilang pamumuhay at pagkatao. Samantala, ang pagbabalita ay isang napaka
sensitibong bagay o propesyon kung saan bilang isang mang-uulat ay kinakailangan mo
ng malaking pundasyon ng kaalaman upang ikaw ay matatawag na mamahayag. Ngunit
sa ngayon, dahil nga ang pagbabalita ay ay nangngailangan ng malawak na paghubog sa
ating kakayahan, pagtutuunan lamang nating ng pansin ay ang mga uri ng balita.
Nararapat lamang na sa inyong gulang ay alam na ninyo kung ano ang mga uri ng balita.
Ito ay lalong nakatutulong sa inyong kaalaman upang kung kayoy makapagtapos na ng
SHS ay puwede ninyong gawing propesyon ang pagbabalita sa telebisyon, sa radyo o
maging sa pampahayagan. Ngayon ang mga uri ng pagbabalita ay ang mga sumusunod:

1. Balitang Panlokal - Mga balita tungkol sa isang lokal na yunit ng pamahalaan tulad ng
barangay.

2. Balitang Pambansa - Mga balitang mahalaga at nagaganap sa buong bansa

3. Balitang Pandaigdig - Mga balitang nagaganap na mahalaga sa buong daigdig.


halimbawa: Digmaan sa iraq

4. Balitang Pampulitikal - Tungkol sa mga pangyayaring may kinalaman sa pulitika.


5. Balitang Pampalakasan - Tungkol sa mga pangyayaring may kinalaman sa mga palaro
at kompetisyong pangkalakasan.
6. Balitang Pang-edukasyon - Tungkol sa mga pangyayaring may kinalaman sa
edukasyon.
7. Balitang Pantahanan - Tungkol sa mga mahalagang pangyayaring may kinalaman sa
pamamahala ng tahanan.

8. Balitang Pangkabuhayan - Tungkol sa mga mahalagang pangyayaring may kinalaman


sa negosyo at takbo ng kabuhayan ng bansa.

9. Balitang Panlibangan - May kinalaman sa larangan ng telibisyon, radyo, pelikula,


tanghalan at iba pa.

10. Balitang buhat sa talumpati itoy buhat sa pinaghandaang okasyon tulad ng


palatuntunan, seminar, panayam o pulong.

Samantala sa pagbuo naman ng balita ay maaring isaalang-alang ang mga sumusunod


upang mas angkop at mabisang pagbabalita. Ito ay ang mga dapat tandaan:

Ang isang balita ay maaaring sumagot sa anim na pahiwatig


1. Ano itinatampok ang pinakamahalagang pangyayari.
2. Sino tinutukoy ang isang tanyag o kilalang tao.
3. Bakit tinatalakay ang sanhi o dahilan ng pangyayari.
4. Paano itinatampok ang paraan ng pagkakaganap ng pangyayari.
5. Kailan binabanggit ang petsa.
6. Saan itinatampok ang pook o lugar na pinangyarihan.

Ang lahat nang ito ay dapat tandaan upang madali nating maiintindihan kung anong balita
ang mga nangyayari sa ating lipunan, maging s abuong daigdig.

Paglalapat o Aplikasyon

Magkakaroon ng pangkatang gawain kung saan ang mga mag-aaral ay magkakaroon ng


News Casting sa mga mainit na isyu ng ating bansa sa kasalukuyan.

Pamantayan Kabuuan ng Puntos


Nilalaman 15%
Kahandaan 10%
Kahusayan sa Pagsasalita 40%
Organisayon ng mga balita 20%
Gawi sa Sarili 15%

Kabuuang Puntos 100%

Ebalwasyon

Panuto: Isulat kung ang pahayag ay tama kung ito ay purong katotohanan at mali kung
pawang walang katotohanan.

1. Ang Balitang Pantahanan ay tungko sa balita sa buong daigdig.


2. Ang balitang pampulitika ay tungkol sa pagbabalita na matatagpuan sa uri ng
pampalakasan.
3. Ang pang-ibayong dagat na balita ay katulad lamang sa balitang pandaigdig.
4. Ang balitang pang-edukasyon ay tungkol lamang sa edukasyon.
5. Ang balitang pang komersyo ay tungkol lamang sa mga negosyo o palabas.
6-10

Magbigay ng apat na sumusagot sa pahiwatig nang pagbabalita?

You might also like