You are on page 1of 14

 Maraming krimen at kalamidad ang nangyayari sa

ating lipunan. Kayraming nasasaktan na naging


biktima ng iba't Ibang pangyayaring di maiiwasan.
Bilang mamamayan sa inyong pamayanan, napakalaki
ng inyong papel na gagampanin. Simpleng paalala,
paunawa at babala ay sapat na. Wika nga nila "Kung
Alam mo, pakiramdaman mo" Kaya, silipin natin ang
ka sunod nga mga pahayag upang tayo'y maging
handa anumang pagsubok ang ating kahaharapin.
Silipin natin ito.
 Napakahalagang mahasa ang inyong kahandaan sa
anumang nangyari, nangyayari o mangyayari sapagkat ito'y
kailangan upang kayo ay Malayo sa kapahamakan.
Matutong makiramdam sa mga nagaganap o magaganap sa
inyong mundong ginagalawan. Pahalagahan niyo ang mga
impormasyong makatutulong gaya ng patalastas. Ayon Kay
Gonzales (1995), ang patalastas ay isang uri ng pahayag ng
nagbibigay ng impormasyon sa mga mambabasa tungkol sa
isang pangyayaring naganap na o magaganap pa lamang.
Dagdag pa niya, ang salitang patalastas ay kasing
kahulugan ng paunawa, babala at anunsyo. Makikita na
ang patalastas ay may iba't Ibang uri batay na rin sa
nilalaman nito. Ilan sa mga uri ng patalastas ang
pambansang patalastas, patalastas na pangkalahatan,
patalastas na pang-industriya, at patalastas na
pampropesyunal.
 Ginamit ang mga ito upang makapagbigay sa tao ng
impormasyon tungkol sa mga iskedyul, mahikayat ang mga
turista na pumunta sa pilipinas, anunsyo ng mga
kompanya, mga subasta, konsyerto, padasal at Iba pa. Ayon
naman Kay dellague (2000), ang patalastas din ay
napapanahon at mahalagang impormasyon o panawagan
na kailangang malaman agad o dagat na makarating sa
mga kinauukulan. Ito'y maaaring na sa anyo ng poster,
anunsyo, larawan o panawagan. Ito rin ay isang kasanayang
nagdudulot ng pagiging malikhain tungkol sa isang bagay
na nais iparating. Ito ay nanghihikayat upang tangkilikin
ang isang produkto o kalakal at naghahatid ng
impormasyon pangkalusugan, pang-edukasyon at Iba pa.
Naglalaman ito ng mahahalagang detalye katulad ng
sumusunod: ano ang gaganapin ito ba'y pulong,
pagdiriwang, o piging; Saan at kailan gagawain; sino ang
mga dadalo at ang tao o Samahang namamahala nito.
IPINAGBIBILI!
MGA HALAMANG GAMOT SA BAKURAN NI ALING
MELY.
SUBUKANG GAMITIN.
MABISANG GAMOT SA INYONG KARAMDAMAN
Kumuha ng ½ sheet paper
Suriin ang patalastas at sagutin ang kasunod na mga
katanungan.
May suliranin ka ba sa inyong buhok?
Heto na ang kasagutan. Magkapatid.
Ang Shine Shampoo ay natatanging solusyon
Magmadali!
Mabibili ito sa inyong suking tindahan
 1 Ano ang problema binanggit sa Patalastas?

 2 Paano mo solusyunan ang nasabing problema?

 3 Saan mabibili ang naturang produkto?

 4 Sapat ba ang impormasyon nakapaloob ? Ano ang


maidagdag mo rito?
 Ayon Kay vico (2003), ang babala ay abiso o paunawa
mula sa mga taong Nasa kinauukulan na may layong
paalalahanan, proteksyunan o pangalagaan ang mga
mamamayan sa anumang panganib na nakaamba
dulot ng kapaligiran at Kung ano pa man. Ito'y
makikita sa mga paligid Lalo na sa mataong Lugar.
Maraming din ito sa mga radyo at napapanood sa
telebisyon. Layunin nitong maisasagawa ang mga
paraan upang manatiling ligtas ang mamamayan,
mapanatiling Malin is ang mga pook pampubliko at
higit mabuting mangyayari dulot ng hindi
pagkakaroon ng babala. Sa babala, maaaring gamitin
ang mga Salita o pariralang katulad ng bawal ang.....
Mag-ingat sa..... Ang lahat ay pinag-iingat..... At
marami pang Iba.
 Ang anunsyo naman ay maikling pahayag na
nagbibigay ng impormasyon ukol sa isang bagay.
Maaaring nanghihikayat, nagbibigay ng panuto o
nanawagan. Isa itong anyo ng komunikasyon o
pakikipagtalastasan na hihimok sa madla na
manonood, babasa o makikinig layunin nito ang pag
pukaw ng atensyon ng mga tao patungo sa isang bagay
o serbisyo, produkto o impormasyon na nais ipabatid.

Ang paunawa naman ay nagbibigay ng paalala sa kung


ano ang dapat gawin sa isang bagay na kinakailangang
ipapatupad upang maging batayan sa lubusang
paunawa.
Inilahad ni Bro. Andrew Gonzales ang mga Layunin sa
pag sulat ng paunawa.
1 . Makuha ang atensyon ng taong kasangkot nito.
2 . Magawa ang mga bagay sa pamamagitan ng pag
sasama nang may kaugnayan impormasyon tulad ng
numero ng telepono
3 . Paglinang ng kamalayan sa mga taong kasangkot
nito at ang kahalagahan ng pagmomonitor ng mga
nabuong pagpapakahulugan sa nabasa.
Binigyan halaga rin ni Gonzales, et.al (1995), ang
hakbang sa pag sulat ng paunawa.
1 . Alamin kung anong mga bagay ang karapat dapat
bigyan ng pagpapahalaga o karampatang paunawa.
2. Tingnan Kung ano-ano ang dapat isaalang-alang sa
paunawa.
3. Making sa mga payo upang maka hanap o
makapangalap ng impormasyon na magiging
batayan sa lubusang paunawa.
Paunawa
Ang column na ito’y bukas para sa lahat ng opinyon o
kuro-kuro tungkol sa anumang isyu maging pulitika,
relihiyon, at iba pa, o maging tungkol sa mga problema
sa kapaligiran. Kinakailangan ito’y makinilyado o
kaya’y nakatitik (Printed) ang pagkakasulat, may
wastong tirahan, pangalan at lagda.
SA MGA BAGUHAN AT MAGSISIMULANG
MANUNULAT
Seminaw sa Pagsulat ng Teknikal na Sulatin
Dr. Dan O. Gomez, panauhing tagapagsalita
Editor, Mabuhay Magazine

You might also like