You are on page 1of 39

IKALIMANG LINGGO

MAGANDANG BUHAY!
IKALIMANG LINGGO

ARALIN 5
A.Panitikan – Nang Maging Naibubuod ang
Mendiola ko ang Internet tekstong binasa sa
(Sanaysay mula sa Maynila) tulong ng pangunahin
B. Wika – Pangunahin at at mga pantulong na
Pantulong na Kaisipan kaisipan
F7PB-IIIF-g-17
BALIKAN NATIN !
Gawain 1
Basahin ang mga salita sa bawat bilang.SABIHIN kung ang mga
salita ay hudyat ng panimula , gitna at wakas.
GITNA 1. Walang ano-ano
GITNA 2. Pagkatapos
PANIMULA 3. Una
GITNA 4. Sumunod
WAKAS 5. Sa wakas
TALAKAYIN
NATIN
Sanaysay
Ang sanaysay ay isang akdang nasa anyong tuluyan. Kadalasan ang mga
paksa nito ay ang mga sumusunod: sosyal, ekonomiko, pulitika,
kultura at panlipunan na kapupulutan ng aral at maari rin
makapagbigay libangan. Tumatalakay ito sa palagay, kuro- kuro ,
paninindigan at saloobin o nararamdaman ng sumulat ng
sanaysay tungkol sa napili niyang paksang tatalakayin.
2 uri ng Sanaysay :
1. Pormal - Tumatalakay sa mga seryosong
paksa at mga pormal na salita ang ginagamit.
Maingat ang pagpili ng mga salita tulad ng
salitang nasa anyong pampanitikan-
makahulugan, matalinghaga at matayutay. Ang
tono ng pormal ay seryoso at di nagbibiro
2. Di-pormal - Naglalaman ng mga paksang
personal at karaniwan na may layuning
mang-aliw ang mga mambabasa. Ang
pananalita ay karaniwan ang himig o tono,
gayundin ang gamit ng mga salita na
parang nakikipag-usap lamang ang may
akda sa kaniyang mambabasa.
Pangunahing Kaisipan – -
tumutukoy sa diwa ng
buong talata. Ang diwa ay
ang kaisipan o ideyang
binibigyang-diin sa tekstong
kadalasang matatagpuan sa
pangunahing pangungusap.
Pantulong na Kaisipan –
kaisipang tumutulong upang mas
mapalitaw ang pangunahing
kaisipan. Sa tulong ng mga
pantulong na kaisipan, mas
nauunawaan ng mambabasa ang
diwang nais iparating ng teksto.
Ang mga pantulong na kaisipan
ay kadalasang matatagpuan sa
mga pansuportang detalye.
PAGSASANAY 1
SURIIN NATIN
Suriin kung anong uri ng sanaysay ang
mababasang teksto.
SANAYSAY 1

Pinalaki tayo sa kasinungalingan. Bata pa lang tayo,


sinanay na tayo sa mga nilalang na hindi naman nakikita,
kapre, tikbalang manananggal, tiyanak, multo at
magkukulam. Mga lamang-lupa raw ang tawag dito.
Nagtataka ako kung bakit hindi isinama ang kamote,
sibuyas, at luya. Mga lamang-lupa naman iyon.
SANAYSAY 2
Ang ating mundo ay nangangailangan ng balance upang
mapanatili nito ang kaayusan ng ecosystem. Ang ecosystem na
ito ng nagdidikta sa kaayusan o “pagiging balance” ng ating
kapaligiran at nagiging dahilan ng balanseng pamumuhay ng
lahat nilalang na naktira dito sa ating planeta. Hindi lamang ang
mga tao ang kasama sa usaping ito. Mahalaga ring malaman na
ang mga hayop at halaman na kasama nating namumuhay rito ay
nangangailangan din ng mabuting pamumuhay. Kung hindi
mapananatili ang balanseng sistema nito, maaaring magdulot ito
ng problema hindi lamang sa ating panahon kundi pati na rin sa
mga panahong darating. Ayaw nating lahat na mangyari ito at
magdusa ang lahat.
Sanaysay 1 –
Di-pormal

SANAYSAY 2 - Pormal
SANAYSAY 1

Pinalaki tayo sa kasinungalingan. Bata pa lang tayo,


sinanay na tayo sa mga nilalang na hindi naman nakikita,
kapre, tikbalang manananggal, tiyanak, multo at
magkukulam. Mga lamang-lupa raw ang tawag dito.
Nagtataka ako kung bakit hindi isinama ang kamote,
sibuyas, at luya. Mga lamang-lupa naman iyon.
PAK
SAN
G PA
NGU
NGU
SAP
Subukin Natin

Sa paggamit ng anumang uri ng hatirang madla(social media)


dapat na alamin ang tamang pamamaraan ng paggamit nito.
Tiyakin na kapag ito ay
ay ginamit
ginamit hindi
hindi ito
ito makapipinsala
makapipinsala sa
sa
paninira sa kapwa.

PANGUNAHING KAISIPAN
Tamang pamamaraan ng paggamit ng hatirang madla.
Ang katatagan ng loob ay
mahalaga sa isang tao. Kapag
matatag ang loob ng isang tao
ay nalalampasan niya ang bawat
pagsubok. Anoman ang pagsubok
na dumating ay hindi niya ito
inaayawan. Sa halip, buong
lakas na hinaharap. Kaya
mahalagang, ang isang tao ay
may matatag na kalooban.
Pagsasanay 2
Panuto: Basahin at unawain ang talata. ISULAT ang pangunahing
kaisipan.

Mabuti at masamang dulot ng COVID 19 sa buhay nating mga


Pilipino. Sa panahon ng pandemiya maraming nagkasakit maging
bata man o matanda may ilang pa nga ay namatay pa. Mayroon ding
mga nawalan ng trabaho. Dumanas ng gutom ang ilan dahil sa hindi
sapat ang sinusuweldo. Subalit huwag nating kalimutan na ito rin ay
nagdulot ng maganda tulad na lamang ng pagsasama-sama ng
pamilya sa tahanan lalo na’t sa hapag kainan ay sabay-sabay at
nagkakakuwentuhan. Tinuruan din tayong mas maging malinis sa
katawan at palakasin ang resistensya. Tumulong sa kapwa at maging
mapagbigay sa mga nangangailangan. At higit sa lahat marami sa
atin ang humihingi ng tulong at gabay sa Maykapal.
TAMANG SAGOT:

Mabuti at masamang dulot ng COVID 19 sa buhay


nating mga Pilipino. Sa panahon ng pandemiya maraming
nagkasakit maging bata man o matanda may ilang pa nga
ay namatay pa. Mayroon ding mga nawalan ng trabaho.
Dumanas ng gutom ang ilan dahil sa hindi sapat ang
sinusuweldo. Subalit huwag nating kalimutan na ito rin ay
nagdulot ng maganda tulad na lamang ng pagsasama-
sama ng pamilya sa tahanan lalo na’t sa hapag kainan ay
sabay-sabay at nagkakakuwentuhan. Tinuruan din tayong
mas maging malinis sa katawan at palakasin ang
resistensya. Tumulong sa kapwa at maging mapagbigay sa
mga nangangailangan. At higit sa lahat marami sa atin ang
humihingi ng tulong at gabay sa Maykapal.
Nang Maging Mendiola Ko Ang
Internet Dahil kay Mama
ni Abegail Joy Yuson Lee
(Ikalawang Gantimpala, Carlos
Palanca Memorial Awards
para sa Kabataan (Sanaysay)
PAGYAMANIN NATIN ASY
NC
HR
Gamit ang graph sa ibaba. Isulat ang kaalaman na ON
OU
nakuha mula sa sanaysay na Nang Maging Internet ko ang S@
BS
Mendiola Dahil kay Mama. (.pdf, .jpeg)
IsabuhayNatin Natin (PT#3)
Pagsulat ng Sanaysay
Sumulat ng sanaysay na may 10 hanggang 15 talata na ang paksa ay ang naging
karanasan mo sa panahon ng pandemya kung saan ipinatupad ang Blended Learning
na Online at Modular Classes. I-higlight ang pangunahing kaisipan at salungguhitan
ang pantulong na kaisipan. File format: .pdf/.jpeg
Narito ang iyong gabay na rubriks para sa nasabing gawain.
1. Pagmalikhain-25%
2. Pagkakabuo-25%
3. Pagkakasunod-sunod at ugnay ng ideya -25%
4. Paglalahad ng pangunahin at pantulong na kaisipan – 25%
MAGHANDA SA
PAGTATAYA SA
BIYERNES
F2F TAYAHIN NATIN
F2F TAYAHIN NATIN
1. Binigyan tayo ng Diyos ng bibig para makapagsalita at
utak para makapag-isip. Iyan ang paulit-ulit na dayalogo sa
akin ni Mama sa tuwing nalalaman niyang hindi na naman
ako nagsalita upang ipagtanggol ang aking sarili. Ako kasi
yaong tipo ng taong hindi nagsasabi ng tunay na
nararamdaman at hinaing. Napag-isip-isip kong may punto
naman siya doon. Tama naman talaga siya. Ginagamit natin
ang ating mga bibig para maisalita kung ano ang ating mga
saloobin kaagapay ang utak upang iproseso ang mga
napapansin at kapansin-pansing mga bagay-bagay na
nangyari sa ating paligid.
2. Ngunit, naisip ko, habang sinasabi na naman niya sa akin ang
paborito niyang linya, paano naman kaya ang mga piping hindi
naisasalita ang kanilang mga saloobin? O kaya, ang mga taong
katulad ko na nahihiya o kung minsan ay natatakot isalita ang mga
saloobin? Paano kaya nila sasabihin sa mga tao sa paligid nila ang
kanilang mga hinaing? Paano kaya nila maipararating ang kanilang
mga nasasaisip. Paano kaya nila maipagtatanggol ang kanilang mga
sarili laban sa iba? Hindi naman sa lahat ng oras ay nariyan ang mga
taong nakauunawa sa bawat pagkumpas ng kanilang mga kamay at
pagbabago ng ekspresyon ng kanilang mga mukha o ang mga
simpleng pananahimik nila sa sulok ng bahay. Nagtataka ako. Paano
kaya nila sasabihin ang mga gusto nilang sabihin kung ipinagkait sa
kanila ang kakayahan at karapatang makapagsalita?
3. Ang lahat naman ay magagawan ng paraan, ang motto
nga ni Mama.
Salamat sa internet! Ito ang nagsilbing tulay ko upang
maipahayag sa aking mga
kausap ang ilang mga bagay na hindi ko kayang
maiparating nang tuwiran. Hindi ko man maisatinig palagi
ang mga nais kong sabihin, maaari ko namang maisulat ang
mga ito. Gamit ito, naipaparating ko sa aking mga kaibigan
ang aking kasalukuyang kalagayan, opinyon, pananaw at
mungkahi ukol sa ilang mga isyung personal at panlipunan.
4. Minsan nga ay nabasa ko ang ipinost ng isa kong kaibigan sa Facebook.
Nanghihingi siya ng mga mungkahi sa kung anong magandang gawin ngayong
bakasyon. Marami ang nagbigay ng kanilang mga opinyon. May mga nagsabing
magbabad na lamang sa pagfe-Facebook. May mga nagsabing maglaro na
lamang daw sila ng mga computer games. Alam ko na mag-aaksaya lang sila ng
panahon, pati na rin ng kuryente na nagbabadyang tumaas na naman ang
halaga. Hindi ako sumang-ayon sa mga mungkahi nila. Sa una’y nag-aalinlangan
akong magbigay ng opinyon pero nag-aalala ako na baka hindi nila
magugustuhan ang sasabihin ko o baka hindi maganda ang magiging reaksiyon
ng mga makakapansin sa aking isusulat. Ngunit, maya-maya ay napagpasyahan
ko na magbigay na rin ng aking opinyon. Naisip ko, wala namang masama kung
susubukan kong magtipa ng mga nais kong sabihin. Iyon ang unang
pagkakataong nagbigay ako ng opinyon maliban sa mga madalas kong
iminumungkahi na ”hahaha,” ”tama,” at kung ano-anong mga pangkaraniwang
ekspresyon..
5. “Sulitin mo ang summer, kumain ka ng sorbetes o ’di kaya’y mag-
swimming ka para ma-enjoy mo ang init ng panahon. Kung gusto
mo’y pwede ka ring mag-exercise, magiging fit ka pa niyan. Sumulat
ng blogs tungkol sa iyong sarili o ilang mga tula tungkol sa iyong
mga nararamdaman ngayong tag-init.” Iba-iba ang naging reaksyon
ng mga nakapansin sa sinulat ko. Marami ang naglike ngunit may
ilan-ilang ding umalma. Gayunpaman, natuwa pa rin ako dahil
marami ang nagsabing maganda ang mungkahi kong iyon. Kahit
papaano’y naibahagi ko ang mga ideyang maaaring makatulong sa
iba, hindi ba? Kaya simula noon ay ganap nang natanggal ang mga
pag-aalinlangan kong magkomento o magpahayag ng aking mga
opinyon, pati ang mga nais kong sabihin ay madalas ko na ring
ipinopost sa Facebook at Twitter.
6. Hindi dapat magkaroon ng diskriminasyon sa
pagsasalita, isa na naman iyan sa mga pahayag ni Mama.
Ang pahayag na iyon ni Mama ang nagpapaalala sa akin
kung bakit hindi ako nagaalangang maghayag ng aking
saloobin sa internet sapagkat ito ay hindi namimili ng tao.
Sa madaling salita walang diskriminasyong nagaganap sa
mundong ito. Lahat ay puwedeng gumamit nito. Bukas kasi
sa publiko. Walang pinipiling taong gagamit. Mapabata,
estudyante, mangangalakal, guro, doktor, mga kawani ng
gobyerno, mga tagapag-ulat, manunulat, mga lolo’t lola,
maging ang mga may kapansanan – sinuman ay
mamamangha sa dami ng pakinabang nito.
7. Siyempre, hindi magpapatalo ang mga kabataang tulad
ko. Ito ngayon ang paraan ko at ng iba pang kabataan para
ipaalam sa lahat ang reaksiyon, opinyon, at saloobin namin
tungkol sa mga nangyayari sa aming paligid – pamilya,
pamayanan, lipunan at mundo. Ang bawat titik na itinitipa
namin sa kompyuter ay may mahalagang mensahe.
Umaasa kami na mapapansin ang mga ipinopost naming
mga blogs sa internet, na kahit sa mundo ng cyberspace ay
puwede naming baguhin ang realidad, na maaari naming
gawing tama ang ilang mga maling napapansin namin sa
paligid, at hindi lang kami bastabasta nagpapalipas ng oras
gamit ito. Alam kong mapatutunayan namin ito.
8. Napag-isip-isip ko na kahit sa lipunan ay makatutulong kaming
mga kabataan sa pamamagitan ng internet, hindi ba’t kami rin
naman ang sinasabing kinabukasan ng ating bayan? Ang mga
raliyista sa Mendiola ay nahihirapan na iparating ang kanilang mga
hinaing sa pamahalaan. Nakapagsasalita man sila, hindi naman sila
pinakikinggan ng gobyerno. Nakatitiyak ako na gumagamit din ng
internet ang pamahalaan at siguradong mababasa rin nila ang mga
blogs na naka-post doon. Isa ako sa mga sumusuporta sa kanila
kung alam kong tama ang ipinaglalaban nila. Lahat tayo’y umaasa
na sa oras na mabasa ng may kapangyarihan ang mga reaksiyon at
opinyon na inilalagay natin sa internet ay malalaman nila at
babaguhin ang kanilang mga pagkakamali.
8. Napag-isip-isip ko na kahit sa lipunan ay makatutulong kaming
mga kabataan sa pamamagitan ng internet, hindi ba’t kami rin
naman ang sinasabing kinabukasan ng ating bayan? Ang mga
raliyista sa Mendiola ay nahihirapan na iparating ang kanilang mga
hinaing sa pamahalaan. Nakapagsasalita man sila, hindi naman sila
pinakikinggan ng gobyerno. Nakatitiyak ako na gumagamit din ng
internet ang pamahalaan at siguradong mababasa rin nila ang mga
blogs na naka-post doon. Isa ako sa mga sumusuporta sa kanila
kung alam kong tama ang ipinaglalaban nila. Lahat tayo’y umaasa
na sa oras na mabasa ng may kapangyarihan ang mga reaksiyon at
opinyon na inilalagay natin sa internet ay malalaman nila at
babaguhin ang kanilang mga pagkakamali.
Nang Maging Mendiola Ko Ang
Internet Dahil kay Mama
ni Abegail Joy Yuson Lee
(Ikalawang Gantimpala, Carlos
Palanca Memorial Awards
para sa Kabataan (Sanaysay)
Nang Maging Mendiola Ko Ang
Internet Dahil kay Mama
ni Abegail Joy Yuson Lee
(Ikalawang Gantimpala, Carlos
Palanca Memorial Awards
para sa Kabataan (Sanaysay)
Panoorin ang ulat tungkol sa
COVID 19 at paraan na maaring
makatulong sa paglaganap nito.
Ibuod ang iyong naunawaan at
isulat ito sa isang buong
papel(WORD) para mahasa ang
kasanayan sa pagsulat.

Google classroom
ARALIN 5 Naibubuod ang tekstong
A. Panitikan – Nang Maging Mendiola ko binasa sa tulong ng
ang Internet (Sanaysay mula sa pangunahin at mga
Maynila) pantulong na kaisipan
B. B. Wika – Pangunahin at Pantulong na F7PB-IIIF-g-17
Kaisipan

You might also like