You are on page 1of 5

W8

Asignatura Filipino Baitang 5


Markahan 4 Petsa
I. PAMAGAT NG ARALIN Pagsulat ng Iskrip para sa Radio Broadcasting at Teleradyo.
II. MGA PINAKAMAHALAGANG
KASANAYANG PAMPAGKATUTO Nakasusulat ng iskrip para sa radio broadcasting at teleradyo. (F5PU-IVc-i-2.12)
(MELCs)
III. PANGUNAHING NILALAMAN Napauunlad ang kasanayan sa pagsulat ng iba’t ibang uri ng sulatin.

• Natutukoy ang mga pamaraan ng pagsasagawa ng iskrip sa radio


broadcasting.
• Nakasusulat ng balita, infomercial at iba pang detalye para sa iskrip ng
radio broadcasting ayon sa pormat.

IV. YUGTO NG PAGKATUTO AT MGA GAWAING PAMPAGKATUTO


I. Panimula (Mungkahing Oras: 30 minuto)
Inaasahan na pagkatapos ng araling ito ay matutukoy mo ang mga pamaraan ng pagsasagawa at pagsulat ng iskrip sa
radiobroadcasting.
Ang radio broadcasting ay isang paraan upang mapadalhan ng impormasyon ang mga tao tungkol sa mga isyu o
balitang panlipunan at iba pang makabuluhang pangyayari.
Ang iskrip para sa broadcasting o teleradyo ay manuskrito ng gagawin ng isang announcer o tagapagbalita sa isang
programa sa radio, ito man ay berbal o di-berbal na kilos. Napakahalaga nito sapagkat ito ang nagsisilbing gabay sa mga
tagaganap, direktor, tagaayos ng musical (musical scorer), editor at mga technician. Samakatuwid, ang iskrip ang nagsasabi
kung ano ang gagawin, ano ang sasabihin, kailan at paano sasabihin.
Ang mga berbal na kilos ay may kaugnayan sa pagkilos at sa pagsasalita, samantalang ang di-berbal na kilos o aksiyon
ay nakatuon sa kilos o galaw ng katawan at mga bahagi nito. Ilan sa mga di-berbal na galaw ay ang pagtango sa halip na
sabihing sang-ayon o kaya’ý pag-iling bilang di-pagsang-ayon. Nariyan din ang tono ng boses, iba’t ibang ekspresyon ng
mukha kagaya ng pagkunot ng noo, pagkindat, pagtaas ng kilay o mga kilay, pag-thumbs up, at iba pang kilos ng katawan.

Bago mo pag-aralan ang pamantayan sa pagsulat ng iskrip, mahalaga ring kilalanin mo muna ang mga taong bumubuo sa
isang radio production:
1. Anchor – siya ang may buo at pinakamagandang boses; gumagawa ng tatak kung paano nya ipapakilala ang kanyang
sarili; nagbabasa ng balita.
2. News Presenters (NP) (2 hanggang 3) – may matured na boses; may tagapagbalita sa isports at showbiz.
3. Technical – may angking husay sa sa paghahanap ng angkop na musika o tunog na ilalapat sa bawat balita at mga sound
effects para sa infomercial; mabilis at attentive sa pagpindot sa kagamitan.
4. Infomercialist – may kakayahang baguhin o pag iba-ibahin ang boses ayon sa karakter niya.
5. Scriptwriter – kinakailangang mabilis mag-type sa kompyuter.

Sa broadcasting, ang nilalaman ng komunikasyon na gagamitin sa midya tulad ng radyo ay ilalagay muna sa iskrip. Bilang
iskrip, ito ay gagamit muna ng print medium. Mula sa pormang ito, ang iskrip ay gagawing pasalita at gagamitan ng mga
tunog. Dahil dito, ang iskrip ay isang transisyon lamang sa pakikipagkomunikasyon sa pamamagitan ng radyo. Maririnig
lamang ng mga tagapakinig sa pamamagitan ng radyo kung ano ang nakasulat sa iskrip.

Ilan sa kahalagahan ng iskrip para sa radio broadcasting o teleradyo ay:


1. Tiyakin ang kawastuhan ng impormasyong ibabahagi.
2. Tiyakin ang tuloy-tuloy na daloy ng programa at walang antala.
3. Magamit nang higit ang airtime o pagsasahimpapawid ng programa.

Narito naman ang mga hakbang sa pagsulat ng iskrip:


1. Kumuha ng malinaw na instruksiyon o tagubilin at alamin kung sino ang mga tagapakinig.
2. Magsaliksik tungkol sa paksa.
3. Ihanda ang balangkas o content outline.
4. Isulat ang unang burador o draft.
5. Basahin ito nang malakas. Orasan din ito.
6. I-visualize ang iskrip.
7. Rebyuhin ang iskrip.
8. Rebisahin ang estilo at iwasto ang iskrip.

May sinusunod na pormat ang iskrip na panradyo. Halimbawa, ang papel na kadalasang ginagamit ay maaaring A4 size; ang
font style ay Arial; ang font size ay 12; at ang line spacing ay double.
Ang iskrip ay binubuo ng heading, news program (tulad ng: Radyo Malaya, airing time (tulad ng: 5 Minute News Broadcast),
petsa kung kailan ginawa ang iskrip (tulad ng: May 24, 2021), station ID (tulad ng: DWRB 8.30), at pahina ng iskrip (tulad ng:
Page 1 of 7).
Makikita sa isang iskrip ay ang: Una ay ang Body na nakasulat sa malalaking titik; technical directions; news o mga balita;
infomercial; optional parts tulad ng banter, flash report, at iba pa.
Magagamit sa paggawa ng iskrip ang iyong natutuhan sa pagsulat ng balita at iba pang bahagi ng pahayagan.
Narito ang halimbawa:

Bilang isang script writer o tagasulat ng iskrip, mahalagang alam mo ang wastong pagkakasunod-sunod ng mga detalye na
nakasulat sa isang iskrip mula sa heading hanggang sa closing billboard. Ito ay upang makabuo ng isang komprehensibong
iskrip para sa radio broadcasting, at maging maayos ang daloy ng pagbabalita.
Para sa halimbawa ng iskrip para sa radio broadcasting at teleradyo, maaaring buksan ang link na ito:
https://www.youtube.com/watch?v=eZ3gabQZEcQ
IV. YUGTO NG PAGKATUTO AT MGA GAWAING PAMPAGKATUTO

Para naman sa halimbawa ng isang buong radio production sa radio broadcasting, maaaring panoorin ang link na ito:
https://www.youtube.com/watch?v=ptwoa7UiUKU

* Upang higit na maunawaan at magkagkaroon ka pa ng mas malalim na pagkaunawa sa ang ating aralin, maaari kang
sumangguni sa batayang aklat na Alab Filipino 5, pahina 187, 226-227.

D. Pagpapaunlad (Mungkahing Oras: 20 minuto)

Ngayon, subukin natin ang iyong natutuhan sa kaugnay na pagtalakay sa ating aralin. Ihanda ang sagutang papel at
gawin ang sumusunod na mga pagsasanay.

Gawain sa Pagkatuto Bilang 1: Bilang isang scriptwriter o tagasulat ng iskrip, isaayos at isulat sa isang bond paper o sagutang
papel ang iskrip na nasa ibaba. Lagyan ng sariling heading; news program, airing time, petsa kung kailan ginawa ang iskrip,
station ID, at pahina ng iskrip. Maaaring i-type at i-print ang iyong sagot kung mayroong kompyuter at printer sa bahay.
(Hango mula sa iskrip ng BALITANG T.M.Y. – Tagaytay City Science NHS-ISHS)

STRAIGHT NEWS 2:
H - DALAWANG NAWAWALANG CLOSE CONTACT NG PINOY NA MAY NEW COVID VARIANT, TINUTUNTON NA
NP2 : DALAWANG NAKASALAMUHA NG UNANG PINOY NA
: NAHAWAAN NG UNITED KINGDOM VARIANT NG
: CORONAVIRUS DISEASE ANG KASALUKUYANG HINAHANAP
: NG DEPARTMENT OF HEALTH SA TULONG NG
: DEPARTMENT OF JUSTICE.
: AYON KAY HEALTH UNDERSECRERETARY ROSARIO
: VERGEIRE, NAKIPAG-UNAYAN SILA SA DOJ UPANG
: MAPABILIS ANG PAGHAHANAP AT MAPANGALANAN NA
: ANG DALAWANG CLOSE CONTACT NGAYONG ARAW.
: DAGDAG PA RITO, NAGPAKALAT NA RIN NG MEMORANDUM
: ANG PHILIPPINE NATIONAL POLICE-CALABARZON NA MAY
: UTOS NA GALUGARIN ANG PROBINSYA PARA SA MGA
: NAWAWALANG CONTACTS.

STRAIGHT NEWS 1:
H - UNANG KASO NG COVID-19 VARIANT, NAKAPASOK NA SA PILIPINAS
NP1 : NAITALA NA ANG BAGONG KASO NG SARS-COV-2
: B-1-1-7 VARIANT O MAS KILALA BILANG U-K VARIANT SA
: ISANG LALAKING PILIPINONG TAGA QUEZON CITY NA
: BUMIYAHE GALING DUBAI AT NAKA-ISOLATE NA NGAYON.
: AYON KAY HEALTH SECRETARY FRANCISCO DUQUE
: III, NAGKAROON NG BUSINESS MEETING ANG LALAKI
: NOONG IKA-TATLOMPU NG DISYEMBRE NGUNIT PAG-UWI
: NAMAN NITO AY POSITIBO NA SA BAGONG VARIANT NG
: COVID-19 AT MAY PNEUMONIA NA ANG LALAKI.
: DAGDAG PA NI PRESIDENTIAL SPOKESPERSON
: HARRY ROQUE, HINDI PA KAILANGANG HIGPITAN O
: BAGUHIN ANG MGA UMIIRAL NGAYON NA COMMUNITY
: QUARANTINE KAHIT NAKAPASOK NA ANG MAS
: NAKAHAHAWANG BAGONG VARIANT DITO SA PILIPINAS.
SHOWBIZ NEWS:
H - CORONATION NIGHT NG MISS UNIVERSE 2020, INAASAHAN NA GAGANAPIN NGAYONG VALENTINES’ DAY
NP4 : AYON SA NEW YORK CITY, USA AT MISS UNIVERSE
: ORGANIZATION HINDI RAW NATULOY ANG MISS UNIVERSE
: NOONG 2020 DAHIL NGA SA PANDEMIC.
: BUT, AS OF NOW, NA CONFIRM NA MAYROON NG 59
: CANDIDATES NA READY-ING READY NANG MAG COMPETE
: SA MISS UNIVERSE 2020.
: AND HETO NA NGA MGA KA CHIKA, IF SA VALENTINE'S
: DAY MAGAGANAP ANG CORONATION NIGHT NG MISS
: UNIVERSE, EXPECTED DAW NA MAYROON PANG 30 MORE
: CANDIDATES NA KOKORONAHAN FOR THE MISS UNIVERSE
: 2020.
IV. YUGTO NG PAGKATUTO AT MGA GAWAING PAMPAGKATUTO
SPORTS NEWS:
H - GILAS PILIPINAS ALL-FILIPINO LINE-UP, SASABAK SA FIBA ASIA QUALIFIERS
NP3 : LALAHOK ANG GILAS PILIPINAS SA 2021 FIBA ASIA
: CUP QUALIFIERS NANG WALANG NATURALIZED PLAYER
: SA DARATING NA PEBRERO.
: MATATANDAANG TAUN-TAONG MAY NATURALIZED
: PLAYER ANG GILAS GAYA NG KANILANG KA-BRACKET NA
: KOPONAN ANG SOUTH KOREA AT INDONESIA.
: AYON KAY SAMAHAN NG BASKETBOL NG PILIPINAS O
: S-B-P PRESIDENT AL PANLILIO AY PANGUNGUNAHAN ITO
: NI 7’3 CENTER NBA G LEAGUE PLAYER KAI SOTTO, KIEFER
: RAVENA, GILAS CADETS AT ILAN PANG MGA PBA PLAYER.
: SA KASALUKUYAN, NANGUNGUNA ANG PILIPINAS SA
: TALAANG 3 TO 0 WIN OR LOSE RECORD SA 4-TEAM
: BRACKET NG GROUP A PARA SA 20-21 FIBA ASIA CUP
: QUALIFIERS SA DOHA, QATAR.

*Ang gagawin at isusulat na Infomercial ay may kinalaman sa epekto ng covid-19 sa pamilya. Gawing gabay sa pagsulat
ang halimbawa ng iskrip sa Panimula o bahaging talakayan nitong Learner’s Packet.

Kumusta? Nasagot mo ba ang gawain? Kung mayroon ka pa ring pag-aalinlangan o nais linawin tungkol sa aralin, maaari
mong balikan ang talakayan sa bahaging Panimula nitong Learner’s Packet. Para sa karagdagang pagsasanay o
pagpapayamang gawain, maaari mong sagutan ang mga pagsasanay sa batayang aklat na Alab Filipino 5, pahina 227.
E. Pakikipagpalihan (Mungkahing Oras: 30 minuto)
Sa puntong ito, muli nating susubukin ang iyong natutuhan ukol sa pagsulat ng iskrip para sa radio broadcasting at teleradyo.
Isulat ang sagot sa sagutang papel.
Gawain sa Pagkatuto Bilang 2: Sa gawaing ito, maaaring hingin ang tulong ng magulang o nakatatanddang kasama sa
bahay upang makabuo ng isang pangkat para sa radio production. Pumili sa ibaba ng isang lungsod na gagawan ng
pagsulat ng iskrip para sa radio broadcasting o teleradyo.
1) Tagaytay City 2) Davao City 3) Bacolod City
4) Vigan City 5) Baguio City
Ang mga siyudad na ito ay napabilang din sa nominasyon ng “Seven Wonder Cities”. Paano ninyo ipakikilala sa ibang tao
ang inyong napiling lungsod? Pagtulungang isulat sa isang papel ang iskrip na babasahin. Ang iskrip ay kailangang nasa anyo
ng mga pangungusap na nagtataglay ng mahahalagang impormasyon mula sa napiling siyudad tulad ng kasaysayan,
kultura, pagkain, sining, at iba pa. Magtalaga ng isang tagapagbalita. Itanghal ito na parang nagbabalita sa radio. Gawing
gabay ang rubrik sa ibaba para ssa pagbibigay ng puntos.

Rubrik sa Pagsulat ng Iskrip para sa Radio Broadcasting


5 4 3 2 1
Nakasulat ng isang maayos na iskrip ayon sa pormat
Gumamit ng iba’t ibang sanggunian/panayam ukol sa
paksa
Malinaw at mahusay na naitanghal ang iskrip na parang
nagbabalita sa radyo
5 – Pinakamahusay 3 – Katanggap-tanggap
4 – Mahusay 2 – Mapaghuhusay pa
1 – Nangangailangan pa ng mga pantulong sa pagsasanay

Mahusay! Binabati kita at natapos mo ang pagsasanay. Ngayon ay maghanda ka na para sa susunod pang mga gawain.

A. Paglalapat (Mungkahing Oras: 5 minuto)

Ngayong natutuhan mo na ang pagsulat ng iskrip para sa radio broadcasting at teleradyo, punan ang patlang ng wastong
salita upang mabuo ang pahayag. Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel.
Ang ______ para sa broadcasting o teleradyo ay manuskrito ng gagawin ng isang announcer o tagapagbalita sa isang
programa sa radio, ito man ay berbal o ______ na kilos.
Sa pagsulat ng iskrip mahalagang ______ tungkol sa paksa. Ihanda ang ______ o content outline. Isulat ang unang ______
o draft.
IV. YUGTO NG PAGKATUTO AT MGA GAWAING PAMPAGKATUTO
V. PAGTATAYA (Mungkahing Oras: 30 minuto)
(Ang mga Gawain sa Pagkatuto para sa Pagpapayaman, Pagpapahusay, o Pagtataya ay ibibigay sa ikatlo at ikaanim na linggo)

Gawain sa Pagkatuto Bilang 3: Muli, maaaring hingin ang tulong ng magulang o nakatatanddang kasama sa bahay sa
gawaing ito upang makabuo ng isang pangkat para sa radio broadcasting. Magtutulong-tulong ang bawat miyembro sa
pagsulat ng iskrip na panradyo tungkol sa ginagawang paghahanda ng pamilya o pamayanan upang malabanan ang
pagkalat ng sakit na covid-19 o paghahanda sa isang kalamidad. Maaaring mag-interbyu o magsaliksik upang makakuha ng
karagdagang impormasyon. Isulat sa papel ang iskrip. Pagkatapos, itanghal ito sa paraang nagbabalita sa radio.
Gawing gabay ang rubrik na ginamit sa Gawain sa Pagkatuto Blg. 2.

VI. PAGNINILAY (Mungkahing Oras: 5 minuto)


Magsulat ka sa iyong kuwaderno ng iyong nararamdaman o realisasyon gamit ang mga sumusunod na prompt:

Naunawaan ko na________________________________________.
Nabatid ko na ____________________________________________.
Naisasagawa ko na_______________________________________.

Personal na Pagtatasa sa Lebel ng Performans Para sa Mag-aaral


Pumili ng isa sa mga simbolo sa ibaba na kakatawan sa iyong naging karanasan sa pagsasagawa ng mga gawain. Ilagay ito sa Hanay
ng LP o Lebel ng Performans. Basahin ang deskripsiyon bilang gabay sa iyong pagpili:
 - Nagawa ko nang mahusay. Hindi ako nahirapan sa pagsasagawa nito. Higit na nakatulong ang gawain upang matutuhan ko ang aralin.
 - Nagawa ko nang maayos. Nahirapan ako nang bahagya sa pagsasagawanito. Nakatulong ang gawain upang matutuhan ko ang aralin.
? – Hindi ko nagawa o nahirapan ako nang labis a pagsasagawa nito. Hindi ko nauunawaan ang hinihingi sa gawain. Kailangan ko pa ng
paglilinaw o dagdag kaalaman upang magawa ko ito nang maayos o mahusay.
Gawain Sa Pagkatuto LP Gawain Sa Pagkatuto LP Gawain Sa Pagkatuto LP Gawain Sa Pagkatuto LP
Bilang 1 Bilang 3 Bilang 5 Bilang 7
Bilang 2 Bilang 4 Bilang 6 Bilang 8
VII. SANGGUNIAN Agarado, Patricia Jo C.,et.al. (2016) Alab Filipino 5. Inilathala ng Vibal Group, Inc.,1253
Gregorio Araneta Avenue, Quezon City, Philippines. Pp. 228-233

Inihanda ni: JOEL B. ROLLE Sinuri nina: MARIBETH C. RIETA, EPS-FILIPINO


MARIA LEILANE E. BERNABE

You might also like