You are on page 1of 10

4

Republic of the Philippines


Department of Education
NATIONAL CAPITAL REGION
Misamis Street, Bago-Bantay, Quezon City

UNIFIED SUPPLEMENTARY LEARNING MATERIALS


(USLeM)

EPP4 Industrial Arts


Bumuo sa Pagsusulat ng USLEM
Writers: Diosdado M. Cabacaba
Layout Artist Brian Spencer B. Reyes
Content Editors: Maya S. Sabinano
Language Editors: Jonald I. Fabia
Management Team: Dr. Malcolm S. Garma, Regional Director, NCR
Dr. Jenilyn Rose B. Corpuz, SDS, SDO-Quezon City
Dr. Genia V. Santos, CLMD Chief, NCR
Dr. Ebenezer A. Beloy, OIC- CID Chief, SDO-Quezon City
Dr. James Roldan, Regional EPS in EPP/TLE
Dennis M. Mendoza, EPS –LRMS, NCR
Roger S Tamondong, EPS in EPP/ TLE, SDO-Quezon City
Heidee F. Ferrer, EPS-LRMS, SDO-Quezon City
Nancy C. Mabunga, Librarian - NCR
Brian Spencer B. Reyes, PDO, SDO-Quezon City
Liza J. de Guzman, Librarian, SDO-Quezon City

__________________________________________________________________________________________
(Pag-aari ng Pamahalaan. Hindi ipinagbibili.)
UNIFIED SUPPLEMENTARY LEARNING MATERIALS
Grade 4 EPP- Industrial Arts

Aralin 2: Wastong Pamamaraan ng Basic sketching,


Shading, at Outlining

Inaasahan
Pagkatapos mong mapag-aralan ang USLEM na ito, inaasahang:

1. nakikilala ang mga paraan sa pagdidisenyo ng proyekto;


2. nakalilikha ng isang mahusay na disenyo; at
3. natutukoy ang pakinabang sa pagdidisenyo sa paggawa ng
proyekto.

Unang Pagsubok
Panuto: Basahin ang mga sumusunod na pangungsap. Isulat ang
W kapag wasto ang kaisipan at D kung hindi. Isulat ang sagot sa
kwaderno.
________1. Ang paglikha ng isang disenyo ay mahalaga sa pagbuo ng
isang proyekto.
________2. Ang basic sketching at outlining ay bahagi ng disenyo.
________3. Ang ortographic ay nagpapakita ng iba’t ibang tanawin o
views ng isang proyekto.
________4. Ang pagdidisenyo ng isang proyekto ay hindi
nangangailangan ng ispisipikasyon.
________5. Dapat bang maging masinop at malikhain sa pagbuo ng
isang proyekto.
________6. Ang mga kasangkapan at kagamitan sa pagbuo ng isang
proyekto ay kailangan hayahan sa lugar na pinaggawan.
________7. Upang mapadali ang pagbuo ng isang gawain ay dapat
makipagtulungan.
________8. Dapat na sundin ang mga paraan sa pagdidisenyo.
________9. Maaaring mapagkakitaan ang isang proyekto.
________10. Ang mga lalaki lamang ang maaaring bumuo ng proyekto.

__________________________________________________________________________________________
(Pag-aari ng Pamahalaan. Hindi ipinagbibili.) P a h i n a |2
UNIFIED SUPPLEMENTARY LEARNING MATERIALS
Grade 4 EPP- Industrial Arts

Balik-Tanaw
Ang mga paraan sa pagbuo ng pagdidisenyo ng isang proyekto ay
maaaring pagkakitaan o maging hanap buhay. Marami sa atin ang may
kakayahan at kaalaman ukol sa pagguhit o pagpipinta, pagdidisenyo at
paggamit ng iba’t ibang medium na may kaugnayan sa sining. Ang mga
kakayahang ito ang makapagbibigay sa mga tao na walang kabuhayan.
Hindi kailangan ang malaking kapital, lugar, at puwesto upang makagawa
sa gawaing ito. Ito ay maaaring isagawa sa tahanan lamang.
Tukuyin ang mga hanapbuhay na matatagpuan sa inyong pamayanan
na may kinalaman sa shading, basic sketching, at outlining. Isulat ang
sagot sa kwaderno. Ayusin ang JUMBLED WORD

1. PRINTO _______________
2. TEKTOKIRA _______________
3. INROYEHIN _______________
4. PROGMERMA _______________
5. INROYEHIN _______________
6. TOONINGCAR _______________
7. RAITTROP ______________
8. PRITNING SPRES _______________
9. TURENIFUR _______________
10.DINGLIUB SINGED _______________

Maikling Pagpapakilala ng Aralin

Aralin 2
Wastong Pamamaraan ng Basic sketching,
Shading, at Outlining

Anong disenyong ang nagpapakita ng magkakahiwalay na tanawin


o views? Ano ang ipinakikita ng disenyong isometriko? Narito ang ilan sa
mga dapat mong malaman upang makapagdisenyo ng isang proyekto.

ORTOGRAPHIC. Ipinakikita nito ang tatlong tanawin o views ng disenyo


ng proyekto

__________________________________________________________________________________________
(Pag-aari ng Pamahalaan. Hindi ipinagbibili.) P a h i n a |3
UNIFIED SUPPLEMENTARY LEARNING MATERIALS
Grade 4 EPP- Industrial Arts

ISOMETRIC. Ito ay nagpapakita ng tatlong tanawin ng proyekto sa iisang


drowing na nakahilig ng (30 degrees) ang bawat tagiliran. Maari din itong
gawin sa pamamagitan ng malayang pagkokrokis upang maipakita ang
kabuuang hugis ng proyektong gagawin.
PERSPECTIVE. Isa itong krokis na nakahawig sa isometric. Ang hugis
nito ay tulad ng riles ng tren. Maraming paraan kung paano ilalarawan ang
disenyo. Ang ilan ay ang sumusunod:

A. Ortographic - ito ay nagpapakita ng iba’t ibang tanawin o views ng


proyekto. Ipinakikita nito ang tatlong tanawin o views sa disenyo.
➢ Tanawin pang-itaas (top view)- ipinakikita rito ang tanawin
pang-itaas ng proyekto.
➢ Tanawing pangharap (front view)- ipinakikita rito ang
harap na bahagi ng proyekto.
➢ Tanawing pantagiliran (side view)- ipinakikita rito ang gilid
na bahagi ng proyekto.

B. ISOMETRIC - ito ay nagpapakita ng tatlong tanawin ng proyekto sa


iisang drowing na nakahilig ng (30 degrees) ang bawat tagiliran.
Maari din itong gawin sa pamamagitan ng malayang pagkokrokis
upang maipakita ang kabuuang hugis ng proyektong gagawin.

__________________________________________________________________________________________
(Pag-aari ng Pamahalaan. Hindi ipinagbibili.) P a h i n a |4
UNIFIED SUPPLEMENTARY LEARNING MATERIALS
Grade 4 EPP- Industrial Arts

A. PERSPECTIVE – ito ay isang krokis na nakahawig sa isometric. Ang


hugis nito tulad ng riles ng tren.

Ang mga sumusunod ay ang mga kasangkapan at kagamitan na


karaniwang ginagamit sa paggawa ng shading, sketching, at outlining.
1. Tabla o Mesang pinagguguhitan - ito ay yari sa kahoy na
karaniwang may sukat na 16X22 pulgada o 18X 24 pulgada.
2. Kailangang makinis ang ibabaw at diretso ang mga gilid.

3. Iskwala o T-square - ito ay yari sa kahoy o plastic at binubuo ng


dalawang bahaging nakadugtong sa 90 degree anggulo ang ulo at
talim o blade. Ginagamit ito sa paggawa ng mga linyang pahalang
at gabay sa ibang kagamitan tulad ng trianggulo.

4. Trianggulo - ito ay ginagamit sa paggawa ng mga patayo at pahilis


na linya. Dalawang uri ng trianggulo ang karaniwang ginagamit: (1)
ang 45 degree na trianggulong may isang 90 degree anggulo at
dalawang 45 degree anggulo; at (2) ang 30 X 60 degree
trianggulong may tig –iisang 30,60, at 90 digring anggulo.

5. Protractor - ginagamit ito sa pagkuha ng anggulong hindi


masusukat ng alinmang trianggulo. May anggulo itong 180 degree
na masusukat mula kanan pakaliwa. Ang panglabas na gilid ay
nagsisimula sa 0 degree sa kanan at nagtatapos ito sa 180 degree
sa kaliwa. Sa dakong loob ng gilid ng iskala, mula kaliwa pakanan
naman ang pagbabasa ng 0 hanggang 180 digri.

6. Compass - ginagamit ang compass sa paggawa ng mga bilog at


arko. Kailangang laging matulis ang dulong may lapis ng compass.
__________________________________________________________________________________________
(Pag-aari ng Pamahalaan. Hindi ipinagbibili.) P a h i n a |5
UNIFIED SUPPLEMENTARY LEARNING MATERIALS
Grade 4 EPP- Industrial Arts

7. Divider - ginagamit sa paghahati-hati ng linya at sa paglilipat ng


mga sukat. Hindi katulad ng compass na may lapis ang isang dulo,
tila karayom ang tulis ng magkabilang dulo ng divider.

8. Lapis - iba’t ibang uri ng lapis ang ginagamit sa pagguhit. Ang HB


ang karaniwang ginagamit sa pagguhit at pagleletra. Nauuri pa rin
ang mga lapis sa 6B,3B,2B, B, HB, H, 1H, 2H, 3H, 4H, 5H, 6H, 7H,
8H, at 9H.
9. French Curve - ginagamit sa pagbuo ng mga kumplikadong kurba.

10. Iba pang gamit - kabilang dito ang pambura, papel, masking tape,
at pantasa ng lapis.

Gawain
Sa mga sumusunod na Gawain gamitin ang iyong sagutang papel para
sa iyong mga kasagutan.
Unang Gawain
Pagsunod-sunorin ang pangkaligtasan at pangkalusugang panuntunan
sa paggawa. Isulat ang bilang 1-5.
______ Ibigay ang buong atensiyon sa ginagawa.
______ Basahin ang tagubilin sa paggamit ng mga kasangkapang de-
kuryente.
______ Maglaan ng lugar, kahon o cabinet para sa mga kasangkapan at
kagamitan sa paggawa.
______ Tiyakin na ang mga kasangkapang gagamitin ay nasa maayos
na kondisyon.
______ Gamitin ng buong ingat ang mga kasangkapang de-kuryente at
kagamitang de-kuryente.

__________________________________________________________________________________________
(Pag-aari ng Pamahalaan. Hindi ipinagbibili.) P a h i n a |6
UNIFIED SUPPLEMENTARY LEARNING MATERIALS
Grade 4 EPP- Industrial Arts

B. Pangalawang Pagsubok
Panuto: Pangtambalin ang kaisipan sa hanay A sa hanay B. Gawin ito sa
sagutang papel.
Hanay A Hanay B
___1. Ang hugis na ito ay malaki a. Isometric
sa unahan at papaliit hanggang b. Top View
dulo tulad ng paningin sa riles c. Perspective
tren. d. Side View
___2. Ito ay nagpapakita ng e. Ortographic
tatlong tanawin ng proyekto sa f. Front view
iisang drowing na nakahilig ng 30 g. Compass
degrees ang bawat tagiliran. h. T-square
___3. Pinakikita dito ang i. Protractor
tanawing pang-itaas ng proyekto. j. Divider
___4. Ipinakikita rito ang gilid na k. Trianggulo
bahagi ng proyekto.
___5. Ipinakikita nito ang tatlong
tanawin o views sa disenyo.
___6. Ito ay ginagamit sa
paggawa ng mga patayo at
palihis na linya.
___7. Ginagamit sa pagkuha ng
mga anggulong hindi masusukat
ng alin mang trianggulo.
____8. Ginagamit sa pagguhit ng
linyang pahalang.
____9. Ito ay ginagamit sa
paghahati at paglilipat ng mga
sukat.
____10. Ginagamit sa pagguhit
ng mga bilog na arko.

Tandaan
Mahalaga ang pagdidisenyo sa paggawa ng isang proyekto upang
maipakita ang larawan o ayos ng iba pang ispesipikasyon ng gagawing
proyekto. Magagamit mo ito upang makabuo o makagawa ng isang kapaki-
pakinabang na proyekto.
__________________________________________________________________________________________
(Pag-aari ng Pamahalaan. Hindi ipinagbibili.) P a h i n a |7
UNIFIED SUPPLEMENTARY LEARNING MATERIALS
Grade 4 EPP- Industrial Arts

Pag-alam sa mga Natutuhan


Panuto: Pag-aralan ang ortographic drowing sa ibaba at isalin sa
isometric upang maipakita ang kabuuang drowing na naglalaman ng
tatlong tanawin.

Pangwakas na Pagsusulit

Panuto: Isulat ang letra ng tamang sagot sa inyong sagutang papel.


1. Alin ang hindi kasali sa pangkat?
A side view C. bottom view
B. front view D. top view

2. Napakahalaga sa disenyo ang ipakita ang tatlong tanawin ng


proyekto n na may kani-kaniyang sukat. Sa anong paraan ito
magagawa?
A. metric C. isometric
B. ortographic D. oblique

3. Bakit dapat magkaroon ng disenyo ang bawat proyekto?


A. para mukhang mamahalin ang proyekto
B. dahil ito ay utos ng guro
C. upang maging gabay sa gumagawa
D. para matibay tingnan

__________________________________________________________________________________________
(Pag-aari ng Pamahalaan. Hindi ipinagbibili.) P a h i n a |8
UNIFIED SUPPLEMENTARY LEARNING MATERIALS
Grade 4 EPP- Industrial Arts

4. Aling krokis ang may malaki sa unahan at papaliit sa dulo tulad ng


pagtingin sa riles ng tren?
A. obllique C. ortographic
B. perspective D. isometric

5. Anong nagpapakita ng tatlong tanawin sa iisang drowing?


A. Orthographic C. isometric
B. Perspective D. Oblique

6. Ito ay yari sa kahoy na karaniwang may sukat na 16 x 22 pulgada o


18 x 24 pulgada.
A. Protractor C. Mesang pinagguguhitan
B. T-square D. trianggulo

7. Ginagamit ito sa paggawa ng mga linyang pahiga at gabay sa ibang


kagamitan tulad ng trianggulo.
A. T-square C. Protractor
B. Divider D. Mesa pinagguguhitan

8. Kabilang dito ang pambura, papel, masking tape, at pantasa ng


lapis.
A. Divider C. French Curve
B. Isometric D. Iba pang gamit

9. Ang HB ang karaniwang ginagamit sa pagguhit at pagleletra.


A. French Curve C. Trianggulo
B. Lapis D. T-square

10. Ginagamit ito sa pagguhit ng mga patayo at palihis na linya.


A. Trianggulo C. Protractor
B. T-square D. Compass

__________________________________________________________________________________________
(Pag-aari ng Pamahalaan. Hindi ipinagbibili.) P a h i n a |9
UNIFIED SUPPLEMENTARY LEARNING MATERIALS
Grade 4 EPP- Industrial Arts

Susi sa Pagwawasto

10. G 5. E 4
9. J 4. D 2
8. H 3. B 5
7. I 2. A 3
6. K 1. C 1
Ikalawang Gawain Unang Gawain
Pagyamanin:

D 10.
W 9. 10.A
W 8. 9. B
8. D
W 7.
7. A
D 6.
6. C
W 5.
5. C
D 4.
W 3. 4. B
W 2. 3. C
2. B
W 1.
1. C

Subukin Tayahin

Sanggunian:

EPP IV kagamitan ng mag-aaral


EPP IV Patnubay ng guro
Dolores M. Lavilla, et.al. 2015. Edukasyong Pantahanan at
Pangkabuhayan, Pasig City, Philippines: Vibal Group, Inc. ph. 301 – 309
Most Essential Learning Competencies (MELCS) Code EPP4HE- Oi -14

__________________________________________________________________________________________
(Pag-aari ng Pamahalaan. Hindi ipinagbibili.) P a h i n a |10

You might also like