You are on page 1of 7

School

Senior High School

Komunikasyon at Pananaliksik
sa Wika at Kulturang Pilipino

Sanayang Papel 4: Mga Gamit ng Wika Ayon Kay Halliday

NAME: ________________________

STRAND & SECTION: _________

IKA-PITONG LINGGO

1|Mga Gamit ng Wika Ayon Kay Halliday


Sa sanayang papel na ito, tatalakayin ang gamit ng wika sa lipunan. Ang mga
kasanayang matutuhan dito ay makatutulong nang malaki upang ihanda ka sa mga
gawaing may kinalaman sa pagkakaroon ng mabungang interaksyon.

PAUNAWA:
Lahat ng kasagutan sa mga pagsasanay at
gawain ay kailangang ilagay sa hiwalay na long
bond paper. Sa pagsagot, sundin ang
pagkasunod-sunod ng bawat gawain at
pagsasanay upang maiwasan ang pagkalito.
Gamitin ang sumusunod na format: Arial Font,
Font size 12, Margin Normal
Para sa naka-offline na mag-aaral: Magsumite
ng hard copy (maaaring encoded o sulat-kamay)
ng mga nasagutang pagsasanay at gawain.
Para sa naka-online na mag-aaral: Magsumite
ng soft copy ng mga nasagutang pagsasanay at
gawain. (Isumite ito sa google classroom)

2|Mga Gamit ng Wika Ayon Kay Halliday


MGA LAYUNING PAMPAGKATUTO

 Magagawa kong mabigyang-kahulugan ang mga komunikatibong gamit


ng wika sa lipunan ayon kay Halliday.
 Magagawa kong matukoy ang iba’t ibang ng wika sa lipunan sa
pamamagitan ng napanood na palabas sa telebisyon at pelikula.
 Magagawa kong makapagbigay ng sariling halimbawa ng iba’t ibang
gamit ng wika sa lipunan.

TUKLASIN

(Bago tayo tumungo sa ating paksa, gawin mo muna ang gawain sa ibaba)

Basahin ang mga sumusunod na pahayag na nasa loob ng kahon.

A. “Uy pare! Long-time-no-see. D. “Paano magparehistro bilang botante


Maligayang Kaarawan!” para sa mga 1st Time Voters?

Siguraduhing mayroon kang sapat na


kwalipikasyon bago magparehistro (Pilipino,
B. “Bumangon kana at 18 taong gulang o higit pa, kasalukuyang
mamalengke. Bumili ka ng naninirahan sa Pilipinas ng isang taon o higit
buhay na manok para sa pa bago ang araw ng eleksiyon at
salusalo mamaya.” naninirahan ng hindi bababa ng anim na
buwan sa bayan o siyudad kung saan siya’y
boboto sa araw ng halalan). Pumunta sa
C. “Ang sa akin lang, hindi ako Lokal na COMELEC na malapit sa inyong
komportable na nagpopost ng lugar. Magdala ng 2 valid ID. Sagutan at
litrato sa internet gamit ang ipasa ang application form (CEF-1A.)
aking social media accounts Pagdaanan ang proseso ng validation o ang
tulad ng facebook at instagram.” pagkuha ng biometrics data (litrato, pirma, at
finger prints). Itago ang ibibigay na
registration stub.”

E. “Anu-anong elemento ang F. “Kamakailan, inilunsad ng pamahalaan ang


matatagpuan sa planetang P2P Bus System o Point-to-point System na
Mars? Sapat ba ito para may ruta mula sa SM North Edsa Quezon City
3suportahan
| M g a G aang
m i tbuhay
ng W ngi k a A y o n– Glorietta,
K a y H aMakati
l l i d a yCity sa Kamaynilaan.
halaman?” Naglalayon itong maibsan ang matinding
trapiko sa EDSA. Ang P2P bus system ay
nagsasakay at nagbababa lamang sa isang
Pagkatapos ng pagbabasa, ano sa tingin mo ang layunin ng tagapagsalita sa bawat
pahayag? Ano ang nais mangyari ng tagapagsalita? Punan ang talahanayan na nasa
ibaba, ang pahayag A ay ginawa na para sa iyo.

Pahayag Layunin o Nais Mangyari ng Tagapagsalita

A - Nangangamusta ang tagapagsalita.


- Nais bumati ng tagapagsalita sa kanyang kaibigan.

B - Nag-uutos ang tagapagsalita.


- Nais ng tagapagsalita na mamalengke ang kaniyang kausap.

C - Nagpapahayag ng saloobin ang tagapagsalita.


- Nais ng tagapagsalita na ipahayag ang hindi niya kagustuhang
magpost ng mga litrato sa social media.

D - Nagpapaalala at nagbibigay ng panuto ang tagapagsalita.


- Nais ng tagapagsalita na matuto ang mga 1 st time voter kung
paano magparehistro bilang botante sa pamamagitan ng
pagbibigay ng panuto at mga paalala.

E - Nagtatanong ang tagapagsalita.


- Nais ng tagapagsalita na matuklasan at masagot ang kaniyang
katanungan tungkol sa planetang Mars.

F - Ang tagapagsalita ay nagbibigay ng impormasyon.


- Nais ng tagapagsalita na maiulat ang kamakailan lamang na
inilunsad ng pamahalaan na P2P Bus System o Point-to-point
System.

ALAMIN NATIN!

4|Mga Gamit ng Wika Ayon Kay Halliday


Pagbabasa/Panonood:

Ngayon, nabatid mo na kung sa paanong paraan nagagamit ang wika. Upang mas
lumawak ang iyong kaalaman at mas maunawaan ang ating paksa, kunin ang iyong
aklat at buksan sa pahina 111-115. Maaari ring panoorin ang bidyo na nakalakip sa
folder na ito.

Sa pagbabasa/panonood, alamin at unawain ang iba’t ibang gamit ng wika ayon kay
Halliday.

PAGYAMANIN

Gawain 1: Pagbibigay Halimbawa

PANUTO: Magbigay ng tig-isang halimbawa sa iba’t ibang gamit ng wika sa lipunan. Sa


pagsagot punan ang talahanayan sa ibaba.

GAMIT NG WIKA SARILING HALIMBAWA

1. INTERAKSYONAL Pagyakap sa magulang upang maiparamdam ditto na


mahal niya ito.

2. REGULATORI Pagbibigay paalala sa mga anak na huwag


magpapagabi.

3. INSTRUMENTAL Masinsinang pakikiusap ng mag-aaral sa kaniyang


guro na ilipat na muna ang araw ng pasahan ng
gawain.
.

4. PERSONAL Pakikipagdebate sa kaklase tungkol sa gagamiting


materyales sa naibigay na proyekto.

5. HUERISTIKO Pagtatanong sa mga magulang kung paano at kalian


niya ito natawag na “mama” at “papa.”

6. REPRESENTASYONAL Ang pag-uulat ng balita sa telebisyon ng mga taga-


/IMPORMATIBO ulat.

7. IMAHINATIBO Pagguhit ng karakter mula sa isang akdang


pampanitikan.

5|Mga Gamit ng Wika Ayon Kay Halliday


MAGAGAWA MO!

Gawain 2: News Time!

PANUTO: Manuod ng buong news program sa telebisyon. Maaari kang pumili ng kahit
anong estasyon o channel. Pagtuonan ng pansin ang iba’t ibang bahagi o segment.
Isulat ang pahayag ng reporter at tukuyin kung anong gamit ng wika sa bawat segment
gamit ang talahanyan sa ibaba.

SEGMENT MGA PAHAYAG NG REPORTER GAMIT NG WIKA

1. Balitang Lokal Bawal na munang mag-ani, Regulatori


magbenta, bumili at kumain ng mga
shellfish mula sa karagatan ng bayan
ng Milagros, Mabaste dahil positibo
ang mga ito sa red tide toxin, ayon sa
Bureau of Fisheries and Aquatic
Resources (BFAR).
2. Balitang Ang mga bakuna laban sa COVID-19 Representasyonal o
Internasiyonal ay libre sa lahat ng tao sa Australya. Impormatibo
Kabilang dito ang mga tao na walang
Medicare card, mga bisita mula sa
ibang bansa, mga estudyanteng
internasyonal, mga migranteng
manggagawa at mga humihiling ng
asylum. Ang pagbabakuna ay
makakatulong na maprotektahan ka,
ang iyong pamilya at iyong
komunidad laban sa COVID-19.
3. Balitang Naghahanda na si Pinoy boxer- Representasyonal o
Pampalakasa olympic medalist Eumir Marcial para Impormatibo
n sa kanilang laban ni American boxer
Steven Pichardo.

Nabatid na sinimulan na ni Marcial


ang kaniyang training noon pang
nakaraang buwan kung saan, ilan sa
kaniyang mga naging sparring
partner, ang kapwa Pinoy boxer na si
Jerwin Ancajas.

Target ni Marcial na maiuwi ang titulo


ng Pilipinas matapos ang huling
naging laban nito sa Tokyo Olympics
sa Las Vegas.

Gaganapin ang kanilang laban sa


October 9, 2022, sa Carson,
California para kanilang six-round
middleweight fight.
4. Balitang Nananatiling matatag ang ekonomiya Representasyonal o
Pangnegosyo ng bansa at tinatayang nakabalik na Impormatibo
ang GDP sa pre-pandemic level sa
6|Mga Gamit ng Wika Ayon Kay Halliday
ikalawang bahagi ng 2022. Inaasahan
pa rin na makakamit ang growth
target ng Gobyerno sa 2022.
5. Balitang Ex-rumored boyfriend na ni Ria Representasyonal o
Showbiz Atayde si Joshua Garcia. Impormatibo

Matagal-tagal din silang na-link pero


tropa lang talaga.

Kaya ang birthday wish ni Ria sa


actor na sa vlogger na si Bella
Racelis ngayon nali-link ay : “With
you, I’ve shared some of the most
wonderful memories, and most of
them we shouldn’t talk about out loud
hahaha. Thank you for being a true
friend, a great adventure buddy and a
no-questions-asked. love you
Choshuwa! Happy happy birthday, my
former rumored boyfriend”

SUBUKIN ANG NATUTUHAN

Pagnilayan:

Bilang isang mag-aaral, bakit mahalagang matutunan mo ang iba’t ibang


gamit ng wika? Ipaliwanag.

Bilang isang mag-aaral, mahalagang matutunan ko ang iba’t ibang gamit ng


wika dahil ito ang dahilan kung bakit nagkakaintindihan ang mga tao ngayon.
Ito ang susi sa mabuti at magandang komunikasyon. Sa pamamagitan ng
pag-aaral dito, mas may natututunan pa tayong mas malalim tungkol sa ating
wika. Mas naiintindihan natin ang wika, antas nito at iba’t ibang gamit nito.
Natututo tayo kung ano ang tamang paggamit rito at kung ano rin magiging
kahulugan nito base sa paggamit dito. Kung hindi natin ito pag-aaralan ay
maaaring mayroong may alam sa wika ngunit hindi marunong kung paano ito
gagamitin. Ito ay importante sapagkat ito ay ating nagagamit sa pang-araw-
araw nating pamumuhay.

7|Mga Gamit ng Wika Ayon Kay Halliday

You might also like