You are on page 1of 17

4

Department of Education
MIMAROPA Region
Division of Romblon

FILIPINO
Pampagkatutong Pahina
( Karagdagang Kagamitan sa Pagbasa)
Ikaapat na Markahan – Ikalawang Linggo

Paggamit ng Angkop na Pangungusap


para sa Sitwasyon (Uri ng Pangungusap
ayon sa Gamit)

Kagawaran ng Edukasyon • Rehiyong MIMAROPA


Karagdagang Kagamitan sa Pagbasa
Filipino
Ikaapat na Markahan
Unang Edisyon, 2021

Paunawa hinggil sa karapatang-sipi. Isinasaad sa Seksiyon 176 ng Batas


Pambansa Bilang 8293: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa
anumang akda ng Pamahalaan ng Pilipinas. Gayon pa man, kailangan muna ang
pahintulot ng pamahalaan o tanggapan kung saan ginawa ang isang akda upang
magamit sa pagkakakitaan ang nasabing akda. Kabilang sa mga maaaring gawin
ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang patawan ng bayad na royalty bilang
kondisyon.
Ang mga akda / materyales (mga kuwento, seleksyon, tula, awit, larawan,
ngalan ng produkto o brand names, tatak o trademarks, palabas sa telebisyon,
pelikula atbp.) na ginamit sa aklat na ito ay sa nagtataglay ng karapatang-ari ng
mga iyon. Pinagtibay sa isang kasunduan ng Kagawaran ng Edukasyon at Filipinas
Copyright Licensing Society (FILCOLS), Inc. na ang FILCOLS ang kumakatawan sa
paghiling ng pahintulot sa nagmamay-ari ng mga akdang hiniram at ginamit dito.
Hindi inaangkin ni kinakatawan ang tagapaglathala (publisher) at mga may-akda
ang karapatang-aring iyon.
Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon, Rehiyong MIMAROPA-Dibisyon ng
Romblon
SDS: MARIA LUISA D. SERVANDO, Ph. D., CESO VI
ASDS: MABEL F. MUSA, Ph. D, CESE

Mga Bumuo ng Kagamitang ito para sa Mag-aaral

Manunulat: Lelanie S. Tumbagahon

Pangnilalamang Patnugot: Junelyn A. Socajil

Editor ng Wika: Ma. Jennilyn M. Madeja

Ilustreytor: Wenceslao V. Morales Jr.

Tagapag-anyo: Wenceslao V. Morales Jr.

MgaTagasuri: Elalbe F. Junio, Maria Teresa M. Famorcan, Fe M. Moreno, Ma. Mia B. Muros,
Shieme M. Maestro, Lea M. Manungay, Germelyn M. Bauyon, Nema M. Forcado, Ma.
Jennilyn M. Madeja, Reynalyn E. Molo, Hilda M. Fondevilla, Wenceslao V. Morales Jr,
Ilene M. Moreno

MgaTagapamahala:

Maria Luisa D. Servando Ph. D., CESO VI SDS


Mabel F. Musa, Ph. D, CESE, ASDS
Melchor M. Famorcan, PhD, CID Chief
Elalbe F. Junio, EPS-Filipino/MTB-MLE

Inilimbag sa Pilipinas ng:


Kagawaran ng Edukasyon – Rehiyong MIMAROPA-Dibisyon ng Romblon
Office Address: Brgy. Capaclan Romblon, Romblon
E-mail Address: sdoromblon@deped.gov.ph
4
Karagdagang Kagamitan
sa Pagbasa
Filipino

Ikaapat na Markahan- Ikalawang


Linggo
Talaan ng Nilalaman

Paggamit ng Angkop na Pangungusap para sa Sitwasyon (Uri ng


Pangungusap ayon sa Gamit) ……………………………………………………… 1

Tuklasin Natin………………………………………………………………………….

Pagpapalawak ng Talasalitaan…………………………………………………….

Halinat tayo’y Magbasa……………………………………………………………… 2

Makasaysayang Dalampasigan
ni Buenafe P. Fabila…………………………………………………………………

Pag-alam sa Natutuhan……………………………………………………………… 4

Tandaan …………………………………………………………………………………. 5

Tayahin…………………………………………………………………………………… 8

Susi sa Pagwawasto…………………………………………………………………… 10

Sanggunian ………………………………………………………………………….…. 11
Aralin 1

Pagsagot at Pagsulat ng Iskrip ng Radio


Broadcasting o Teleradyo
Layunin
1. Nasasagot ang tanong sa binasang iskrip ng radio broadcasting.
(F4PB-IVg-j-101)
2. Nakasusulat ng iskrip para sa radio broadcasting at teleradyo. (F4PU-
IVg-2.7.1)
3. Naibabahagi ang obserbasyon sa iskrip ng radio broadcasting at
teleradyo. (F4PS-IVh-j-14)

Tuklasin Natin

Alam mo ba kung ano ang iskrip?

Ang iskrip para sa radio broadcasting o teleradyo ay isang materyal


na nakasulat na naglalaman ng mga dayalogong binabasa ng tagapagbalita
upang maging gabay sa wastong daloy at pagkasunod-sunod ng mga
programang panradyo at teleradyo. Naglalaman ito ng mga mahahalagang
impormasyon na nais ipaabot sa mga tagapakinig.

Pagpapalawak ng Talasalitaan
Panuto: Ibigay ang kahulugan ng mga salita. Piliin ang sagot sa kahon.
Letra lamang ang isulat sa sagutang papel.

A. Tagapagbalita, Announcer
B. Paalala na isinasadula
C. Pangalan ng Istasyon at frequency ng radyo
D. Isang paraan ng pagsasahimpapawid ng mga impormasyon at balita sa
pamamagitan ng radyo
E. Isang channel pangtelebisyon ng isang istasyon ng radyo

1. Radio Broadcasting
2. Anchor
3. Teleradyo
4. Infomercial
5. Station ID

Halina’t Tayo’y Magbasa


Naranasan mo na bang sumali sa isang Radio Broadcasting sa inyong
paaralan? May iskrip ba kayong binabasa? Alam mo ba kung paano ito
sinusulat?

Panuto: Basahin ang iskrip na ito para sa radyo. Unawaig mabuti kung paano ito
sinulat.

DZXL
Iskrip ng Radiobroadcasting
Pebrero 10, 2022

(Malakas na bagsak ng tunog at biglang hihina)

Station ID: DXZL! Mata ng sambayanan, tinig ng katotohanan. DZXL, syete


- otso sa palapihitan ng inyong mga radyo. Ito ang Radyo
Filipino!
Anchor 1: Lance Diaz
Anchor 2: Patty De Leon
News Presenter: Earl Perez
Sports Presenter: John Tamayo
Scriptwriter: Kenneth Sarito
Technical Application: Aaron Sulat
Infomercial: Danah Ojerio

(Sound Effects malakas)

Voice: Mula sa bulwagang pambalitaan, himpilan ng bayan, ito ang


DZXL!
Anchor 1: Mga kaganapang nakalap sa loob at labas ng bansa
Anchor 2: Mga isyung tinutukan.
Voice: DZXL!
Sa loob ng limang minute, maghahatid ng balitang sulit na
sulit. Narito ang tambalang maaasahan. Ito ang RADYO FILIPINO!

(Sound effects TING)

Anchor 2: Ang oras natin ngayon, limang minute makalipas ang alas
kwatro ng hapon, araw ng Huwebes, ika-sampu ng Pebrer taong
dalawang libo dalwampu’t dalawa.
(Sound effects)
(Background music lively)

Anchor 1: Isang mapagpalang hapon Pilipinas!


Anchor 2: Ito ang inyong tagapagbantay, Lance Diaz.
Anchor 1: At inyong kaagapay, Patty De Leon.
Anchor 1 & 2: At kayo’y nakikinig sa… RADYO FILIPINO!

(Sound Effects)

Voice: Para sa ulo ng mga balita.


Anchor 1: Limited F2F, pinalawak! AES naghahanda
Voice: DZXL
Anchor 2: Safety Seal, iginawad ng DILG sa AES
Voice: DZXL
(Dagling pagputol ng sound effects)

Anchor 2: Para sa mga detalye

(Pagpapatuloy ng background music)

Anchor 1: Pinalawak ng DepEd ang limited face-to-face classes at


naghahanda na rin ang Agmanic Elementary School (AES) para sa
implementasyon ng pagpapalawak ng limitadong harapang
pagkaklase.
Masusing pinag-aralan ng pamunuan ang apat na dimension ng
School Safety Assessment Tool (SSAT) upang masunod ang mga
pamanatayang nakasaad dito upang mapabilang sa implementasyon
ng pagpapalawak ng limitadong harapang pagkaklase.
Kabilang sa isinagawang paghahanda ang pagsasaayos ng
aspetong pisikal ng paaralan, action plan, contingency plan, Covid-19
case management at mga kinakailangang dokumento sa
pagpapatuapd ng haraapang klase, sapat na suplay ng face masks,
alcohol, hand sanitizer, thermal scanner, gloves, PPE at Health Kits.

Anchor 2: Ginawaran ng Safety Seal ang AES ng Department of Interior


and Local Government (DILG) bilang pagkilala sa pagsunod ng
pamunuan sa mga pangkaligtasan at pangkalusugang sistema laban
sa Covid-19.
Bunga ito ng masusing pagsisiyasat ng DILG na kinatawan ni
MLGOO R’vyl Federico, mga kasapi ng MPS at BFF ng Santa Fe sa
pagsasagawa ng ebalwasyon sa paaralang elementarya ng Agmanic.
Nagkaroon ng masusing pagsisiyasat ang pangkat particular sa
pagkakaroon ng contact tracing tool, temperature/thermal scanner,
health declaration sheet, isolation area, BHERTS at Covid-19
Emergency Hotlines, at hand washing facilities at iba pa.
(Sound effects malakas magpapalit)

Anchor 1: AES nagsagawa ng simulation classes, Earl Perez ibahagi mo.

News Presenter: Nagsagawa ang pamunuan ng AES ng paunang


kapanggapan (simulation) na limitadong harapang pagkaklase upang
ihanda ang mga mag-aaral sa pangunguna ni G. Ace V. Rufon,
punongguro ng paaralan.
Tinuruan ng pamunuan ang mga sabik na mag-aaral ng mga
pangkaligtasan at pangkalusugang mga hakbang laban sa Covid-19
gaya ng paggamit ng thermal scanner, alcohol dispenser, contact
tracing tool at health declaration form bago pumasok ng paaralan,
pagsunod sa social distancing, handwashing, at pagsunod sa mga
markers at traffic signs sa loob ng paaralan.
Earl Perez, nag-uulat.

Anchor 1: Salamat Earl. Para sa isang paalala, magbabalik ang…

Anchor 1& 2: RADYO FILIPINO!

(Sandaling pagputol ng sounds)


(Bagong Sound Effects)

Infomercial:
NANAY: Anak, dito ka muna sa bahay ha. Pupunta muna ako sa
health center at ngayon ang schedule ng second dose ng
Covid vaccination ko.
ANAK: Kailangan po ba talaga magpa-vaccine Inay?
NANAY: Oo anak, para manatili akong protektado laban sa malalang
epekto ng Covid -19 lalo na ngayon at araw-araw na ulit
akong pumapasok sa opisina.

Iwasan ang Covid-19, maging protektado, magpabakuna na!


Isang mensahe mula sa IATF at ng himpilang ito.

(Malakas na pasok ng kanta papahina)


(Pasok ng bagong kanta)

Anchor 1: Kayo’y patuloy na nakikinig sa…


Voice: D-Z-X-L
Anchor 1 & 2: RADYO FILIPINO!

(Sound effects, magpapalit)

Anchor 1: Para naman sa balitang isports, Unang titulo sa 2022 Pole Vault
sa Poland, nahablot ni EJ Obiena, kasanggang John Tamayo ibahagi
mo.
Sports Presenter: Naiuwi ni EJ Obiena, Pinoy pole vaulter ang una
niyang titulo sa 2022 matapos pagharian ang Orlen Cup sa Lodz,
Poland.
Tinalo ni Obiena sina Tokyo Olympics participants Thiago Braz
ng Brazil at Lisek Piotr ng Poland na parehong nalagpasan ang 5.71
meters.
Nagtagumpay si Obiena ng lundagan ang 5.61m bago tuluyang
maisagawa ang malinis na record sa 5.71m at 5.81m.

(Sound effects- lalakas)

Voice: DZXL! Mata ng sambayanan, tinig ng katotohanan. DZXL.


Anchor 1: Iyan po ang limang minutong pagbabalita mula sa himpilang
naghahatid ng mga balitang makabuluhan.
Anchor 2: Ito ang inyong tagapagbantay, Lance Diaz.
Anchor 1: Ito ang inyong kaagapay sa pagbabalita, Patty De Leon.
Anchor 2: Balitang tapat at totoo.
Anchor 1 & 2: RADYO FILIPINO!
Voice: DZXL, syete - otso.

Pag-alam sa Natutuhan
I. Pag-unawa sa Binasa

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga tanong at ipaliwanag ang


iyong sagot. Isulat it sa sagutang papel.

1. Tungkol saan ang iyong iyong binasa?


2. Anong pangalan ng istasyon ang ginamit sa iskrip?
3. Ilang balita ang inilahad sa iskrip?
4. Paano sinimulan at tinapos ang isinulat na iskrip?
5. Batay sa iyong pagsusuri, ano ang napansin mo sa nabasang
iskrip? Ibahagi ang iyong sagot.

II. Tandaan/Suriin

Iskrip panradyo o teleradyo


Ang iskrip para sa broadcasting o teleradyo ay manuskrito ng
gagawin ng isang anchor o tagapagbalita sa isang programa sa radyo
o telebisyon. Ito ay nagsasabi kung ano ang gagawin, sasabihin,
kalian at paano sasabihin.
Mahalaga ang paggamit ng iskrip sa pagbabalita upang maging
maayos, malinaw at organisadong maiparating sa mga tagapakinig.
Ito ay ginagamit upang maiwasan ang paglitaw ng mga hindi
inaasahang kaganapan at makapag-iskedyul ng mga anunsyo at ang
pagkompleto ng programa.

MGA PANGUNAHING BAHAGI NG ISKRIP PANRADYO


 Pangkalahatang Iskrip – ginagamit ng anchor upang alam niya ang
pagkakasunod - sunod ng mga Gawain sa pag-ere sa radyo
 Balitang Iskrip – naglalaman ito ng mga balita sa loob at labas ng
bansa. Ito ay maaring balitang nasyonal, lokal, isports, showbiz at iba
pa.
 Infomercial - impormasyon na nagbibigay paalala sa pamamagitan
ng pagsasadula

MGA HAKBANG SA PAGSULAT NG ISKRIP


1. Alamin ang iyong manonood o tagapakinig
2. Gumawa ng pananaliksik tungkol sa paksa
3. Gumawa ng balangkas
4. Sumulat ng burador o draft
5. Basahin ng malakas ang nagawang iskrip at orasan

MGA DAPAT ISAALANG-ALANG SA PAGSULAT NG ISKRIP PANRADYO O


TELERADYO

1. Gawing malinaw at madaling maintindihan.


2. Gumamit ng salitang madaling unawain.
3. Gawing maikli at simple ang balita ngunit naglalaman ng mahahalagang
impormasyon.
4. Sa pagsulat ng balitang iskrip kailangan na ang bawat talata ay katumbas
ng isang pangungusap.
5. Tiyaking wasto at totoo ang impormasyong ibabahagi.
6. Guhutan ang mga SFX (sound effects) at MSC (music).
7. Gumamit ng tutuldok o kolon pagkatapos isulat ang mga pangalan ng
tagapagbalita

MGA DAPAT TANDAAN SA PAGSAGOT NG MGA TANONG SA NABASANG


ISKRIP
 Sagutin ang mga literal na mga tanong na kung saan ay makikita
mismo sa binasang balita na sumasagot sa mga tanong na Ano, Sino,
Saan, Kailan, at Paano.
 Sagutin ang mga tanong na pagsusuri at paghihunuha. Ito ay hindi
matatagpuan sa binasang balita.

Dapat tandaan sa pagbibigay ng obserbasyon sa iskrip ng radio


broadcasting at teleradyo
 Maging mapanuri sa pagbibigay ng obserbasyon sa nabasa o
napakinggang iskrip panradyo o teleradyo upang mas madaling
magbigay ng sariling obserbasyon. Pansinin ang aspektong teknikal
kung maayos ang paghatid ng iskrip sa pagbabalita katulad ng
malinaw na pagbigkas ng mga salita at tamang lakas ng boses sa
pagbabalita.

III. Gawain 1

Panuto: Basahin nang mabuti ang panradyong iskrip. Sagutin ang


sumusunod na Gawain sa ibaba.

ISKRIP NA PANRADYO

91.5 DZXL
Pamagat ng Programa: Radyo Ng Bayan
Uri ng Programa: Balita
Oras ng Pagsasahimpapawid: 5:00 p.m. – 5:05 p.m.
Anchor: Ana Diaz
Reporter 1: Jeric Cho
Reporter 2: Fatima Son

(Malakas na bagsak ng tunog at biglang hina)

1. STATION ID: DZXL 91.5 Radyo ng Bayan


Mata ng sambayanan, tinig ng katotohanan.

2. MSC UP FOR 5 SECS AND UNDER


3. ANCHOR: Isang mapagpalang araw sa inyong lahat mga tagapakinig.
Mula sa bulwagang pangbalitaan at sandigan ng bayan, narito ang
DZXL Radyo ng Bayan muling maghahatid ng balitang siksik at sulit
na sulit sa loob ng limang minutong pagbabalita. Ito po ang inyong
lingkod Ana Diaz. Ang oras natin ngayon ganap nang alas – singko ng
hapon.

4. MSC UP FOR 2 SECS AND UNDER

5. ANCHOR: At ngayon sa ulo ng mga mahahalagang balita:


(SFX)
1. Early Registration isinagawa sa mga pampublikong paaralan sa
distrito ng Santa Fe
2. NSED Drill isinagawa, mga guro ng AES nakilahok

6. MSC UP FOR 2 SECS AND UNDER

7. ANCHOR: Sa detalye ng mga pangunahing balita. Distrito ng Santa


Fe, nagsagawa ng Early Registration. Para sa detalye, narito si Jeric.
8. MSC UP FOR 2 SECS AND UNDER

9. REPORTER 1: Nagsagawa ng early enrolment ang distrito ng Santa


Fe simula nitong Biyernes, Marso 25, 2022 alinsunod sa itinakda ng
Department of Education (DepEd) na pagdaraos ng early registration
sa mga pampublikong paaralan sa bansa para sa School Year 2022-
2023.
Idinaos ang gawaing ito batay sa DepEd Memorandum No. 017,
series of 2022 at may petsang Marso 21, 2022 na isasagawa simula
Marso 25 hanggang Abril 20, 2022 na layuning mabigyan ng
pagkakataon and DepEd na makapagsagawa ng kaukulang
paghahanda para sa darating na School Year.
Ang nasabing pre-registration ay nilahukan ng mga
estudyanteng papasok sa Kindergarten, Grade 1, 7 at 11. Hindi na
lumahok ang mga mag-aaral na nasa Grades 2 hanggang 6, 8
hanggang 10, at Grade 12 dahil sila ay itinuturing nang rehistrado
na.

10. MSC UP FOR 2 SECS AND UNDER

11. ANCHOR: Salamat Jeric, muling magbabalik ang D-Z-X-L


pagkalipas ng isang paalala.

12. INFOMERCIAL:
NANAY: Happy Birthday anak, 5 years old ka na. Ano ba gusto mo
paglaki mo?
ANAK: Salamat po nanay. Gusto ko po paglaki ko maging doctor,
para ako na po gagamot sa mga maysakitnating
kapitbahay.
NANAY: Wow, ang galing naman ng anak ko! Ok, wish ko para sa
iyo anak ay sana matupad mo ang pangarap mo. Hayaan
mo, bukas, early enrolment na para sa kindergarten,
ipapalista na kita bukas.
ANAK: Talaga po?! Sige po nanay, excited na po ako pumasok sa
school. Pangako ko, gagalingan ko po mag-aral.

Makapag-aral ay karapatan mo. Magpalista na!


Isang mensahe mula sa DepEd at ng himpilang ito.

13. ANCHOR: Muling nagbabalik ang D-Z-X-L Radyo ng Bayan. Sa


pagpapatuloy ng ating balitaan, NSED Drill isinagawa, mga guro ng
AES nakilahok, pakinggan natin si Fatima para sa detalye.

14. REPORTER 2:…plug in… isinagagawa plug out… nag-


uulat…

15. ANCHOR: Salamat Fatima. Oras po natin, limang minuto


makalipas ang alas singko ng hapon. Hanggang sa muli ninyong
pakikinig. Maraming salamat!
Gawain A. Sagutin ang mga sumusunod na tanong. Gawin ito sa iyong
papel

1. Anong pangalan ng istasyon ang ginamit sa iskrip?


2. Anong oras nagsisimula ang programa ng DZXL?
3. Ano ang mensahe ng infomercial na iyong nabasa?
4. Sa iyong palagay, bakit mahalaga ang pagsagawa ng early
enrolment?
5. Batay sa iyong pagsusuri, ano ang napansin mo sa nabasang
iskrip?

Gawain B. Sumulat ng isang infomercial. Pumili ng tema na nakasulat sa


ibaba. Gawin ito sa iyong papel.

1. Kampanya sa pangangalaga ng kalusugan


2. Kampanya sa pagsulong ng Brigada Eskwela 2022
3. Kampanya sa pagsulong ng de-kalidad na edukasyon

Gawain C. Sumulat ng iyong obserbasyon tungkol sa nabasang iskrip.


Gawing basehan ang sumusunod na mga tanong:

1. Naging maayos ba ang daloy ng mensaheng nais ipabatid balita mula


habang binabasa ang iskrip? Naintindihan ba ang mga detalyeng
binanggit sa balita?
2. Makabuluhan ba ang mensaheng nais ipabatid mula sa binasang
iskrip? Bakit?

Tayahin

A. Panuto: Basahin at unawaing mabuti angbalitang iskrip at sagutin


ang mga sumusunod na tanong. Isulat ang titik ng tamang sagot.

MONKEY POX, Idenelarang “global public health emergency of


international concern” ng WHO

Noong nakaraang lingo, ideneklarang “global public health


emergency of international concern” ng World Health Organization (WHO)
ang monkeypox.
Tinatayang aabot sa 18,000 kaso ng monkeypox ang naitala
sa buong mundo ayon sa WHO, kung saan 5 ang namatay at 10
porsiyento ang naospital. 70 porsiyento sa kumpirmadong kaso sa buong
mundo ay mula sa Europa.
Kabilang sa mga sintomas ng monkeypox ang lagnat,
pananakit ng ulo, muscles at likod, pagkakaroon ng kulani at rashes.
Nilinaw naman ng DOH na hindi ito gaya ng Covid-19 na
isang airborne disease. Maaaring mahawa ng monkeypox ang isang tao
kung pumasok ang virus nito sa sugat sa balat, respiratory tract, mata,
ilong, at bibig.

1. Ayon sa binasang baalitang iskrip, anong sakit ang idineklarang


“global public health emergency of international concern” ng World
Health Organization (WHO) ang monkeypox.
A. Covid-19 C. monkeypox
B. Rashes D. respiratory tract infection

2. Ayon sa WHO, ilan ang kabuuang bilang ng naitalang kaso ng


monkeypox?
A. 5 B. 10 C. 70 porsiyento D. 18,000

3. Sa kabuuang 18,000 kaso ng monkeypox ilang porsiyento ang


naospital.
A. 5 B. 10 C. 70 D. 100

4. Ano-ano ang mga sintomas ng sakit na monkeypox?


A. Lagnat
B. Pananakit ng ulo, musles, at likod
C. Pagkakaroon ng kulani at rashes
D. Lahat ng nabanggit

5. Ang mga sumusunod na paglalarawan sa monkeypox ay totoo


maliban sa isa. Alin ito?
A. Ang monkeypox ay isang uri ng sakit na ideneklarang “global
public health emergency of international concern” ng WHO.
B. Ang mga sintomas ng monkeypox ay lagnat, pananakit ng ulo,
muscles at likod, pagkakaroon ng kulani at rashes.
C. Mahahawa ng monkeypox ang isang tao kung pumasok ang
virus nito sa sugat sa balat, respiratory tract, mata, ilong, at
bibig.
D. Ang monkeypox ay hindi nakakahawa dahil ito ay hindi
airborne disease tulad ng Covid-19.
B. Panuto: Mangalap ng impormasyon sa pamamagitan ng isang
panayam sa inyong kapamilya o kamag-anak tungkol sa
isinasagawang Oplan Balik-Eskwela 2023 sa inyong paaralan.
Pagkatapos, sumulat ng panradyong iskrip. Sundin ang iyong
obserbasyon sa pagbuo ng iskrip. Gamitin ang Rubrik sa ibaba.
Gawin ito sa iyong sagutang papel.

A. Pangkalahatang Iskrip

B. Balitang Iskrip

C. Infomercial

Rubrik sa Pagsulat ng Iskrip para sa Broadcasting o Balitang Panradyo

5 4 3 2 1
Pagbuo at pagsulat nang malinaw at maayos na
iskrip ng isang balitang panradyo
Pagsunod sa tamang pormat ng iskrip
Pagsaliksik at paggamit ng iba’t ibang sanggunian
tungkol sa paksa
Paggamit ng tamang gramatika at ng natutunang
bagong mga salita

5- Pinakamahusay 2- Mapaghuhusay pa
4- Mahusay 1- Nangangailangan pa ng mga pantulong
3 – Katanggap-tanggap na pagsasanay
Susi Sa Pagwawasto

Pagpapalawak ng Talasalitaan
1. D
2. A
3. E
4. B
5. C

Pag-unawa sa Binasa
1. Iskrip ng Radio Broadcasting
2. DZXL
3. Apat
4. Nagsimula ito sa paggamit ng sound effects at nagtapos sa Station ID
5. (Depende sa sagot ng bata)

Gawain 1
Gawain A
1. DZXL
2. Alas singko ng hapon
3. Mahalagang magpatala para sa early enrolment
4. Mahalaga ang pagsagawa ng early enrolment dahil sa
pamamagitan nito ay nabibigyan ng pagkakataon na
makapaghanda para sa susunod na pasukan.
5. (Depende sa sagot ng bata)

Gawain B
Gumamit ng Rubrik

Gawain C
Iba-iba ang sagot

Tayahin
A.
1. C
2. D
3. B
4. D
5. D
B. Gumamit ng Rubrik

Sanggunian
Calatrava, S., et.al. (2015). Yaman ng Lahi Wika at Pagbasa sa Filipino 4.

1ST ed. Pasig City: Sunshine Interlinks Publishing House, Inc.

You might also like