You are on page 1of 28

DepEd MIMAROPA

Curriculum and Learning Management Division

Filipino
Unang Markahan 10
Competency-Based Assessment Tools
at Performance Tasks

1
Filipino – Grade 10
Competency-Based Assessment Tools at Performance Tasks
Unang Markahan
Unang Edisyon, 2021

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna
ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay
pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang
pagtakda ng kaukulang bayad.Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan
ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit
sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang
mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga
tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa
modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.
Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa
anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.
Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon, Rehiyong MIMAROPA
Regional Director: Nicolas T. Capulong, Ph.D., CESO V
OIC, Office of the Asst. Regional Director: Atty. Suzette T. Gannaban-Medina
BUMUO NG ASSESSMENT TOOLS AT PERFORMANCE TASKS
Manunulat: Hannah R. Pesigan

Editor: Ma. Jennilyn M. Madeja

Tagasuri Jonalyn Socajil

Tagaguhit: Jhon Lee M. Tumanon

Tagalapat: Wenceslao Vil Morales Jr.

Tagapamahala sa Dibisyon: Eduardo D. Ellarma, Elabe F. Junio, Magdalena B. Morales, Marlon L. Francisco, Nora A. Nangit, Lius R.
Mationg, Florie M. Regencia

Tagapamahala: Nicolas T. Capulong


Mariflor B. Musa
Freddie Rey R. Ramirez
Rogelio F. Falcutila

Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________


Kagawaran ng Edukasyon – Rehiyong MIMAROPA
Office Address: Meralco Avenue, Corner St. Paul Road, Pasig City
Telefax: (02) 6314070
E-mail Address:mimaropa.region@deped.gov.ph

Talaan ng Nilalaman

I. Gawaing Pasulat na Pagtataya (Written Works)


2
MELC: Naisusulat ang isang talumpati tungkol sa isang kontrobersyal na isyu. (F10PU-IIg-h-
71)

Unang Bahagi:
3
Competency-Based
Assessment Tools

Gawaing Pasulat na
Pagtataya

Curriculum and Learning Management Division


FILIPINO 10
Ikalawang Markahan

GAWAING PASULAT NA PAGTATAYA

Pangkalahatang Panuto: Basahin at unawain ang talumpating pinamagatang


“Tanikala ng Pandemya: Hindi Hadlang sa Edukasyon”, suriin ang pagkakabuo ng
binasang talumpati na tumatalakay sa kontrobersyal na isyu sa pamamagitan ng
pagpili ng titik ng tamang sagot.
4
Pinakamahalagang Kasanayang Pampagkatuto
MELC: Naisusulat ang isang talumpati tungkol sa isang kontrobersyal na isyu. (F10PU-IIg-h-
71)

TANIKALA NG PANDEMYA: HINDI HADLANG SA EDUKASYON


ni Hannah R. Pesigan

Panandaliang inihinto pero hindi isinuko, ito ang ginawang hakbang ng


Kagawaran ng Edukasyon (DepEd) sa edukasyon ng mga mag-aaral sa
gitna ng pandemya. Ang paaralan na itinuring ng mga mag-aaral at mga
guro na ikalawang tahanan ay mistulang binagyo. Tahimik… Walang mga
mag-aaral na nag-iingay habang masayang ginagawa ang mga gawaing
pampagkatuto, walang mga gurong nakangiti habang nagtuturo sa
harapan ng silid-aralan, kahit mga halama’y tila matamlay dulot ng
katahimikan. Nakabibinging katahimika’y tila sumisigaw, “Tama na ang
pagtatago, hamon ng pandemya’y harapin, sigla ng edukasyo’y ibalik!”

Simula noong Marso 15, 2020, ang pagbabagong hatid ng


pandemya’y ating naranasan. Ang buhay na buhay na paligid natin noon
ay binalot ng kaba at takot kung kaya’t lahat tayo ay nanatili sa ating mga
tahanan. Academic Freeze, biglang ipinatupad. Ang nakasanayang paraan
ng pagtuturo at pagkatuto ay biglang nagbago nang lumikha ng isang “new
normal” ang COVID 19 sa sistema ng edukasyon. Mga mag-aaral ay
nangulila sa kanilang pangalawang magulang-ang kanilang guro. Mga
guro’y hinahanap-hanap ang animo’y musika sa pandinig na tinig at
tawanan ng mga mag-aaral. Ngunit ang pandemya na ito’y may naidulot
bang maganda sa atin? Kung ako ang tatanungin, ang sagot ko’y, “Oo,
sapagkat pandemya’y nagbigay rin ng sapat na pahinga at kalidad na oras
sa bawat pamilya.”

“Let the classes begin!” pahayag ng kalihim ng DepEd na si Leonor


Briones matapos pangunahan ang pormal na pagbubukas ng mga
pampublikong paaralan noong Oktubre 5, 2020. Tiniyak din niya na hindi
hahayaan ng DepEd na mahadlangan ng pandemya ang edukasyon at
kinabukasan ng mga kabataan. Mayroong mga nag-alinlangan sa pasyang
ito, sa katunayan sa taong panuruang 2020-2021 ang nagbalik-eskwela na
mag-aaral sa pribado at pampublikong paaralan ay 89% lamang ng
enrolment nang nakaraang taong panuruan. ‘Ika nga sa isang kanta,
“Kung gusto’y maraming paraan, kung ayaw maraming dahilan.” kaya sa
kagustuhanang maipagpatuloy ang edukasyon, umusbong ang iba’t ibang
uri ng modaliti sa pagtuturo at pagkatuto upang matiyak ang kaligtasan
ng bawat isa habang nag-aaral. Online class at modyular ang pumawi sa
kasabikan ng mga mag-aaral sa edukasyon. Hindi naging madali ang
“bagong normal”, minsa’y naiiyak na lamang ang mga mag-aaral at
kanilang magulang dahil sa kawalan ng gadget para sa online class, ang
iba ay may gadget nga ngunit wala namang pan-load para magkaroon ng
5
internet connection, ang pinakamasaklap pa na karanasan ng iba ay kahit
umakyat sila sa puno ng niyog ay walang signal na masagap. Mga guro
nama’y hindi magkandaugaga sa pag-print ng mga modyul, puyat at pagod
ay ‘di alintana para sa bata at para sa bayan. Paulit-ulit man tayong
pinadapa ng pandemya sa pamamagitan ng nakahahawang sakit,
lockdown, quarantine, pagbagsak ng ekonomiya, kahirapan subalit hindi
tayo napagod na paulit-ulit ding bumangon para bawiin ang edukasyong
ninakaw ng pandemya.

Taong 2022, dalawang taon na ang nakalipas mula nang


nagkapandemya. Matapos ang malawakang pagbabakuna para sa COVID
19 ay pinahintulutan ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte at ng gabinite ang
muling pagbubukas ng paaralan para sa limited face-to-face classes o
limitadong harapang pagkaklase sa mga piling paaralan. Alam ng DepEd
ang pagsubok na kakaharapin ngunit iwinaksi ang takot na hatid ng
pandemya para muling ibangon ang edukasyon. May mga magulang pa rin
na hindi sumang-ayon sa hakbang na ito ngunit mas marami ang natuwa
dahil sa paniniwalang mas makakapag-aral nang maayos at mas matututo
ang mga anak sa paaralan sa tulong ng kanilang mga guro. Dumaan sa
butas ng karayom upang mapahintulutan na magkaroon ng harapang
pagkaklase. Dugo’t pawis ang inialay ng mga guro, pamunuan ng
paaralan, mga magulang at lokal na pamahalaan upang matiyak ang
kaligtasan ng mga mag-aaral habang sila ay nasa paaralan. Naramdaman
natin ang bayanihan para isabuhay ang kampanya ng DepEd na sama-
sama sa Pagsulong ng EduKalidad para sa bata, para sa bayan.

Batid nating lahat ang nakaambang panganib sa muling paglabas


natin ng tahanan upang harapin ang bagong sistema ng edukasyon.
Pagbabalik eskwela’y nangangailangan ng tibay ng loob at pananalig sa
Maykapal, pluma’y hindi sapat, sandatang pangkalusuga’y higit na
kailangan din. Huwag nating hayaan na igupo ng pandemya ang inaasam
na edukasyon ng kabataan. Lahat tayo ay magigiting na sundalo ng
karunungan, walang susuko, hindi tayo titigil lumaban upang ang
minimithing edukasyon ng mga kabataang Pilipino ay tuluyang
makahulagpos sa tanikalang dulot ng pandemya.

Kategorya ng Aytem: Pag-unawa

1. Ano ang paksa ng binasang talumpati?


A. Mga hamong kinaharap ng edukasyon sa gitna ng pandemya
B. Mga pangyayari sa “bagong normal” na sistema ng edukasyon
C. Bayanihan ng bawat isa para sa edukasyon ng mga kabataan
D. Edukasyon ang lunas upang malagpasan ang pandemya

Kategorya ng Aytem: Pag-unawa

2. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang nagpapakita na ang layunin ng


talumpating binasa ay manghikayat?

6
A. Panandaliang inihinto pero hindi isinuko, ito ang ginawang hakbang
ng Kagawaran ng Edukasyon (DepEd) sa edukasyon ng mga mag-
aaral sa gitna ng pandemya.
B. “Let the classes begin!” pahayag ng kalihim ng DepEd na si Leonor
Briones matapos pangunahan ang pormal na pagbubukas ng mga
pampublikong paaralan noong Oktubre 5, 2020. Tiniyak din niya na
hindi hahayaan ng DepEd na mahadlangan ng pandemya ang
edukasyon at kinabukasan ng mga kabataan.
C. Naramdaman natin ang bayanihan para isabuhay ang kampanya ng
DepEd na sama-sama sa Pagsulong ng EduKalidad para sa bata,
para sa bayan.
D. Huwag nating hayaan na igupo ng pandemya ang inaasam na
edukasyon ng kabataan. Lahat tayo ay magigiting na sundalo ng
karunungan, walang susuko, hindi tayo titigil lumaban upang ang
minimithing edukasyon ng mga kabataang Pilipino ay tuluyang
makahulagpos sa tanikalang dulot ng pandemya.

Kategorya ng Aytem: Pagsusuri

3. Alin sa ibaba ang mga isinaalang-alang na hakbang sa pagsulat ng


manunulat upang makapagsulat ng isang talumpati tungkol sa isang
kontrobersyal na isyu?

I. Pagpili ng Paksa
II. Paghahanda sa Pagsulat
III. Aktuwal na Pagsulat
IV. Pagrerebisa at Pag-eedit
V. Pagsasaulo ng bawat detalye

A. I, II, III, V B. I, III, IV, V C. I, II, III, IV D. I, II, III, IV,


V

Kategorya ng Aytem: Paglalapat

4. Batay sa paksang tinalakay ng may-akda, alin sa mga sumusunod na


impormasyon ang maaari mong maidagdag sa ebidensya o katunayang
inilahad sa kanyang talumpati?
A. Hindi na mahihirapan ang mga magulang sa pagtuturo sa kanilang
mga anak dahil mga guro na ang magtuturo sa kanila sa paaralan.
B. Ipinagpatuloy rin ng mga Non-Government Organizations (NGO) ang
kanilang mga pagkakawanggawa upang mabigyan ng ayuda ang mga
mag-aaral na higit na naapektuhan ng pandemya.
C. Dagdag pasakit din sa mga magulang at mag-aaral na nakatira sa
malalayong lugar ang pagkuha ng modyul sa paaralan dahil sa

7
kakapusan ng pamasahe at takot na mahawa. Bilang tugon ng
paaralan, inihahatid na lamang sa bawat barangay o mismong bahay
ng mag-aaral ang modyul.
D. Sang-ayon ang ibang magulang sa panukalang hindi dapat obligahin
ang lahat ng mga mag-aaral na magpabakuna.

Kategorya ng Aytem: Pagtataya

5. Bigyang-pansin ang katawang bahagi ng talumpati, ano ang masasabi


mo sa kawastuhan ng nilalaman nito?
A. Tama, sapagkat sa bahaging ito ay inilahad ng may-akda ang paksa
at layunin ng kanyang talumpati upang makuha ang atensyon ng
mambabasa at tagapakinig.
B. Tama, sapagkat sa bahaging ito ay inilahad ng manunulat ang
paksa, salaysay, argumento at mga patunay ng tinatalakay na isyu.
C. Mali, sapagkat sa bahaging ito ay isinaad ng manunulat ang paksa
ng kontrobersyal na isyu.
D. Mali, sapagkat sa bahaging ito ay nilakipan ng manunulat ng
pananaw, karagdagang detalye at kwento ang paksa ng talumpati.

GAWAING PASULAT NA PAGTATAYA

Pangkalahatang Panuto: Basahin at unawain ang maikling kuwentong


pinamagatang “Modyul ko ba ‘to?”, suriin ang nilalaman ng kuwento batay sa
kasanayan at kaisahan sa pagpapalawak ng pangungusap.

Pinakamahalagang Kasanayang Pampagkatuto


MELC: Nasusuri ang kasanayan at kaisahan sa pagpapalawak ng pangungusap. (F10WG-IIg-h-
64)

8
MODYUL KO BA ‘TO?
ni Hannah R. Pesigan

“Sa ulo ng mga nagbabagang balita, kaso ng COVID-19 sa bansa patuloy na


tumataas.”

Ito ang bumungad na balita kay Aling Mely pagbukas niya ng telebisyon.
Nakaramdam siya ng takot hindi lang para sa kanyang sarili kundi para sa
lahat lalo na sa kanyang mga mahal sa buhay. Tinawag niya ang kanyang
anak na 15 taong gulang na si Gino, ibinahagi sa anak ang napanood at
pinaalalahanan niyang mag-iingat palagi lalo na sa mataong lugar. Maya-
maya pa’y narinig nilang may kumakatok. Pinagbuksan ng pintuan ni Gino
ang kanyang amang si tatay Norman na galing sa trabaho.

“Nabalitaan niyo na ba iyong tungkol sa COVID-19? Naku! Siksikan sa botika


kanina. Nagkukumahog ang mga tao na bumili ng face mask at alcohol.” sabi
ng ama.
“Oo, ‘yan ang pinag-uusapan namin ng iyong anak kanina bago ka dumating.
Ikaw? Bumili ka rin ba ng face mask at alcohol? Kailangan din natin ang mga
iyon.” sagot ng asawa.
“Oo, andito sa isang supot. Baka ‘kako maubusan tayo kung ‘di pa ako bibili.”
tugon ng lalaki.
Pagkatapos maghain ng pagkain ay tinawag na ni Gino ang kanyang mga
magulang para kumain. Habang kumakain ay naging laman pa rin ng usapan
nila kinahaharap na suliranin ng bansa.
Dumating na ang kinatatakutan ng lahat. Idineklara na ng pangulo ang
lockdown sa buong bansa. Sinuspinde na rin ang klase upang matiyak ang
kaligtasan ng mga mag-aaral. Naramdaman ni Gino ang malaking pagbabago.
Mag-isa lang siya lagi sa bahay dahil patuloy pa ring nagtatrabaho ang
kanyang mga magulang. Isang araw habang abalang-abala si Gino sa
paglalaro ng Mobile Legend (ML) ay nakatanggap siya ng tawag mula sa
kanyang kaibigan na si Maki.
“Gino, tuloy na tuloy na raw ang klase natin sa Lunes kaso modyular daw.”
turan ni Maki.
“Awit. Hirap na nga ako makaintindi kahit may nagpapaliwanag na titser, ito
pa kayang tayo-tayo lang ang mag-aaral sa bahay.” malungkot na tugon ni
Gino.
“Iyon nga e. Patulong na lang tayo sa mga magulang natin.” sagot ng kaibigan.
Nagpaalam na si Maki dahil may gagawin pa raw siya samantalang nawalan
na ng gana si Gino na ipagpatuloy ang paglalaro dahil sa hindi niya
nagustuhan ang ibinalita ng kanyang kaibigan.

9
Lunes, unang araw ng klase. Namigay na ng module ang mga guro. Maaga
pang kinuha ni Aling Mely ang modyul ni Gino sa paaralan at inihatid ito sa
kanilang bahay.
“Anak, ito na ang modyul mo. Sinaglit ko lang ito sa iskul, aalis din ako agad
para bumalik sa opisina. Sabi ng titser mo kailangan mo raw itong matapos
ngayong linggo kasi sa susunod na Lunes daw ito ipapasa at sa araw rin daw
na iyon kukunin ang panibagong modyul mo.” patuloy ng ina.
Napasimangot si Gino. “Ang dami naman po nito. Hindi ko po yata ito kayang
tapusin sa loob ng isang linggo.” aniya.
“Kaya mo iyan, anak. Hayaan mo at pagkauwi ko galing sa trabaho
tutulungan kita. Simulan mo na basahin at sagutan iyan habang wala ako
tapos tutulungan nalang kita sa mga bahaging nahihirapan ka.” mahinahong
sabi ng ina.
Naging maayos naman ang pagmomodyul ni Gino ngunit pagdating ng
ikalawang markahan ay nalulong na siya sa paglalaro ng ML. Madalas na
siyang mapagalitan ng kanyang ina lalo na nang nahuli siya nitong puro lang
pagpipilian ang sinagutan niya at hindi niya sinagutan ang mga gawaing
pagganap. Tinamad na kasi siyang sagutan dahil kailangan niyang magsulat
ng talata, gumuhit at minsan kailangang gumawa ng bidyu na presentasyon
kaya mas pinili niya na lamang maglaro at mag-Facebook. Pati ama niya’y
nagagalit na rin sa kanya.
“Puro FB at ML nalang inaatupag mo. Nag-post ka pa na “Mas astig ang
Mobile Legend kaysa Module Legend” Mabuti ba iyon? Paano kung mabasa
iyon ng mga guro mo?” galit na sabi ng kanyang ama.
Araw ng Sabado, walang pasok si Aling Mely kaya maglilinis siya ng bahay.
Habang pinupunasan ang lamesa ni Gino ay napadako ang mata niya sa
nakabukas na laptop ng anak. Palitan ng mensahe ng anak at ng kaibigan
nito na si Maki ang nakabukas sa messenger. Nakita niya ang mga larawan na
naglalaman ng mga sagot sa modyul mula sa ibang kaklase ng magkaibigan.
Napagtanto niyang kaya pala hindi na sa kanya nagpapaturo ang anak nitong
mga nagdaang araw dahil may pinagkukuhanan na pala ito ng sagot. Dali-dali
siyang pumunta sa kusina upang masinsinang kausapin ang anak tungkol sa
kaniyang natuklasan. Nangako naman ang anak na hindi na uulitin ang
kanyang ginawang pagkakamali. Bumalik sila sa dating gawi na matapos ang
hapunan ay tinuturuan niya ang anak sa mga aralin nito.
Isang dapit hapon, nakipag-unahang sumakay sa dyip si Aling Mely dahil
batid niyang gagabihin siya kung mauubusan siya ng upuan lalo na ngayong
konti nalang ang pwedeng upuan dahil sa ipinatutupad na social distancing.
“Mare! Buti nagkasabay tayo. Nakisuyo sa akin si Bb. Valdez na ibigay sa iyo
itong modyul ni Gino.” wika ng kumare niyang si Aling Minda.
“Naku. Pasensya sa abala, Mare. Maraming salamat.” sagot niya.

10
Sinilip niya ang enbelop na pinaglagyan ng modyul. Nalungkot siya sa
kanyang nakita dahil ito ang modyul na ibinigay niya sa anak nang isang
linggo. Nakaramdam siya ng galit sa anak dahil alam niyang hindi ito
nakaligtaang sagutan ni Gino. Sa isip niya’y pinairal na naman ng kanyang
anak ang katamaran.
Pagkarating na pagkarating niya sa bahay ay agad niyang pinagsabihan ang
anak na naglalaro na naman ng ML sa kanyang cellphone.
“Gino, sino ba talaga ang nag-aaral sa atin? Ako o ikaw?” pasigaw na tanong
niya sa anak.
Binitiwan ni Gino ang hawak na cellphone. Alam niyang galit na galit ang
kanyang ina. Nakita niya ang hawak-hawak nitong modyul.
“Bakit parang ako ang mas nagsusumikap na makapagpasa ng modyul?
Modyul ko ba ‘to? Baguhin mo nga ‘yang ugali mo.” mangiyak-ngiyak na sabi
ng ina.
“Inay, patawad po. Pangako mag-aaral na po ako nang mabuti.”
nagsusumamong sabi ni Gio.
Umupo ang ina at napayuko.
“Sinisikap kong maturuan ka tuwing gabi kahit pagod na pagod ako sa
trabaho. Oo, alam kong nahihirapan ka sa mga aralin pero kailangan mong
matutong tumayo sa sarili mong mga paa. Kailangan mong magtiyaga para sa
kinabukasan mo. Tulungan mo ang sarili mo.” paliwanag ng ina.
Nakaramdam ng awa si Gino sa ina, nakonsensya siya. Nilapitan niya ang ina
at niyakap habang paulit-ulit na humihingi ng tawad.
“Gino, nakikita mo naman siguro ang suportang ibinibigay namin sayo ng
iyong ama. Hindi kami marunong ng itay mo sa mga gadget na iyan pero
ginawa namin ang lahat para matulungan ka.” patuloy na paliwanag ng ina.
Bumalik sa alaala niya kung paano niya natapos ang gawaing pagganap sa
asignaturang Pisikal na Edukasyon (P.E.). Kailangan niyang magpasa ng
bidyu na sumasayaw siya. Ang ama niya ang tagahawak ng kamera, sa likod
ng kamera ay naroon ang kanyang ina na sumasayaw. Nagsilbing lider ang
kanyang ina para may masundan siya sa pagsayaw dahil mabilis niyang
makalimutan ang mga steps. Tila estatwa ang ama niya sa takot na baka
magalaw ang kamera at pumangit ang kaniyang presentasyon.
Tinupad ni Gio ang kanyang pangako. Nag-aral na siya nang mabuti. Tuwing
may bakanteng oras nalang siya naglalaro ng ML. Isang araw, habang
nanonood sila ng telebisyon kasama ang kanyang magulang ay tumunog ang
kanyang cellphone. Napangiti siya habang binabasa ang mensahe ng kanyang
guro sa kanilang group chat. Ipinasa ng guro niya ang bidyu ng presentasyon
niya sa P.E. at sa baba nito’y may kalakip na mensahe ng pagbati. Sunod-

11
sunod na “Congratulations!” ang kanyang natanggap na mensahe mula sa
kanyang mga kaklase.
“Nay, tay, tingnan n’yo. Ako ang nakakuha ng pinakamataas na marka sa
presentasyon namin sa P.E. Naaalala niyo pa ba iyong ginawa nating bidyu
noon?” masayang tanong ng anak.
“Oo naman, anak. Sino ba naman ang makalilimot noon. Pinagod mo ako sa
kakahawak ng kamera dahil lagi kang nagkakamali.” natatawang sagot ng
ama.
Pinatay ni Aling Mely ang telebisyon at humarap sa mag-ama.
“Sige nga, anak. Panoorin natin ulit ang ating bidyu na ginawa.” nasasabik na
wika ng ina.
Masaya nilang pinanood ang presentasyon na kanilang ginawa. Pinagtawanan
din nila ang mga galaw at ekspresyon ng mukha ni Gino habang sumasayaw.
Biglang napatitig si Gino sa kanyang mga magulang, naisip niyang
napakaswerte niya sa mga ito.
“Inay, itay, alam ba ninyong ang pagmamahal ko sa inyo ay parang modyul?”
sambit niya.
Nagtinginan ang mag-asawa. Alam nilang huhugot na naman ang kanilang
anak.
“Bakit?” tanong ng ina.
“Hindi matapos-tapos.” mabilis na sagot ni Gino.
“Mana ka talaga sa akin, anak.” natatawang sabi ng ama.
Napuno ng tawanan ang kanilang tahanan ng mga oras na iyon. Masaya ang
mag-asawa sa nakitang pagbabago at pagsisikap ng kanilang anak. Batid
nilang malayo ang mararating ng kanilang anak balang araw dahil sa
pagsisikap nito sa pag-aaral.

Kategorya ng Aytem: Pagsusuri

Batayang Pangungusap: Nagkukumahog ang mga tao na bumili.


Pinalawak na Pangungusap: Nagkukumahog ang mga tao na bumili ng
face mask at alcohol.
1. Ano ang komplementong ginamit ng may-akda upang palawakin ang
pangungusap?
A. Tagaganap B. Layon C. Kagamitan D. Sanhi

Kategorya ng Aytem: Pagtataya

“Iyon nga e. Patulong na lang tayo sa mga magulang natin.”


12
2. Alin sa mga sumusunod na pangungusap ang nagpapakita ng wastong
paggamit ng ingklitik bilang pagpapalawak ng pangungusap?
A. Patulong na lang daw tayo sa mga magulang natin.
B. Patulong na lang ba tayo sa mga magulang natin.
C. Patulong na lang raw tayo sa mga magulang natin.
D. Patulong na lang daw tayo sa mga magulang natin.

Kategorya ng Aytem: Paglikha

“Bakit parang ako ang mas nagsusumikap na makapagpasa ng modyul?


Modyul ko ba ‘to? Baguhin mo nga ‘yang ugali mo.”

3. Paano mo palalawakin ang pangungusap na nakasalungguhit gamit ang


atribusyon o modipikasyon na paraan?
A. Baguhin mo nga ‘yang di-magandang ugali mo.
B. Baguhin mo nga ang ugali mo.
C. Baguhin mo nga agad ‘yang ugali mo.
D. Baguhin mo na dapat ‘yang ugali mo.

Kategorya ng Aytem: Pag-alala

“Sinisikap kong maturuan ka tuwing gabi kahit pagod na pagod ako sa


trabaho. Oo, alam kong nahihirapan ka sa mga aralin pero kailangan
mong matutong tumayo sa sarili mong mga paa. Kailangan mong
magtiyaga para sa kinabukasan mo. Tulungan mo ang sarili mo.”

4. Ano-ano ang mga pang-abay na ginamit ng manunulat sa pahayag na


nasa itaas?
A. kong, ka, mo
B. sinisikap, pagod na pagod, nahihirapan
C. maturuan, matuto, tumayo
D. tuwing, oo, para sa

Kategorya ng Aytem: Pag-unawa


Batayang Pangungusap: Sige nga, anak. Panoorin natin ulit ang bidyo.
Pinalawak na Pangungusap: Sige nga, anak. Panoorin natin ulit ang ating
bidyo na ginawa.
5. Ano ang nais bigyang-diin ng may-akda nang pinalawak niya ang
pangungusap sa pamamagitan ng pagdagdag ng salitang “ating” sa
paksa?
A. paglalarawan sa paksa
B. pagpapahayag ng lugar
C. pagpapahayag ng pagmamay-ari
D. pagpapakita ng ugnayan
GAWAING PASULAT NA PAGTATAYA

13
Pangkalahatang Panuto: Basahin at unawain ang mga akda mula sa mga social
media, bigyang-puna ang akda batay sa mga elemento at nilalaman nito.
Pinakamahalagang Kasanayang Pampagkatuto
MELC: Nabibigyang-puna ang mga nababasa sa mga social media (pahayagan, TV, internet
tulad ng FB, e-mail, at iba pa)
F10PB-IIi-j-79

#MaJoHa: Sino ang Dapat Sisihin?


MAINIT na usapin ngayon ang isyu tungkol sa MaJoHa, ang itinawag ng Pinoy
Big Brother contestants sa mga martir na paring sina Padre Mariano Gomez,
Padre Jose Burgos, at Jacinto Zamora na kilala sa tawag na GomBurZa.
Sinisisi ng iba ang sistema ng edukasyon dito sa ating bansa, at ang
ahensiyang pang-edukasyon, kasama na ang kalidad ng mga librong
ginagamit sa mga eskuwelahan.

Sinisisi naman ng iba ang mga guro at paaralan, kabilang ang pamamaraan
ng pagtuturo.

Ayon naman sa ibang nagbigay ng kanilang opinyon, nasa mga estudyante


mismo ang kakulangan, kasama na rin siyempre ang kanilang mga magulang
o guardians. Iba’t ibang pananaw, ngunit sino nga ba o ano nga ba ang dapat
sisihin sa kinahinatnan ng ating mga kabataang estudyante ngayon?

May mga nagsasabi ring responsibilidad ng mass media na taasan ang kalidad
ng mga palabas at mensahe, upang maengganyo ang mga manonood na
matuto at maging mas mapanuri sa kanilang mga pinipiling materyales,
maging ito ay babasahin, palabas, interes o hobby, at iba pa.

Ang pag-uugat ng dahilan ay mahalaga hindi upang magbunton ng sisi kundi


upang maitama ang mali.

Para sa akin, may kanya-kanyang kakulangan ang lahat ng nabanggit, at


mayroon ding maaaring gawin ang bawat isa upang matugunan ang
suliraning ito.

Malalim ang ugat ng isyung ito at may kontribusyon ang bawat isa upang
magkaroon ng pagbabago, kaunlaran at tagumpay, pagdating ng panahon.
Kailangan ng mahabang panahon upang maisagawa ang mahahalagang
pagbabago, ngunit ang pagsisimula sa lalong madaling panahon ay mahalaga.
May magagawa tayo ngayon, maaaring simulan sa pinakamaliit na hakbang
ang pangmatagalang pagbabago.
Pinagkunan: Jose Ferdinand M. Rojas II, “#MAJOHA: Sino ang Dapat Sisihin?” Pilipino Mirror, Abril 8, 2022,
https://pilipinomirror.com/majoha-sino-ang-dapat sisihin/?fbclid=IwAR1WyMzFOa5djUxFms2o7wo3uI3LvWkCn
Iifp6Nqcmgu0b8EiGl0h220go

Kategorya ng Aytem: Pagsusuri

14
1. Anong estilo ng manunulat ang ginamit ng may-akda?
A. Teknikal B. Jornalistik C. Propesyunal D. Malikhain

Kategorya ng Aytem: Paglikha

2. Anong bisa sa isip ang ibinigay sayo ng akda?


A. Huwag nang magsisihan bagkus magtulungan na lamang ang bawat
isa na gumawa ng hakbang upang matugunan ang suliraning pang-
edukasyon ng mga mag-aaral.
B. Gumawa ng hakbang na maipaabot ang suliraning pang-edukasyon
ng mga mag-aaral sa ahensya ng edukasyon upang mabigyan nila ng
solusyon.
C. Laging paalalahanan ang mga mag-aaral na mag-aral nang mabuti
dahil sila lang ang tanging responsable sa kanilang pag-aaral.
D. Sistema ng edukasyon ang pinag-ugatan ng suliranin kung kaya
kailangan nitong mas paunlarin ang kalidad ng edukasyon ng mga
mag-aaral.

Kategorya ng Aytem: Pagtataya

Pinagkunan: [@robertmarion]. (2022, Abril 12). Sa una, nakakatawa pero habang tumatagal, di na nakakatuwa.
Sana maging daan ito para makita kung ano ang kakulangan sa. [Tweet]. https://t.co/EWee7uZvZ5

3. Paano ginamit ang pang-ugnay na pananda sa pahayag upang bigyang-


diin ang pagkakasunod-sunod ng pangyayari?
A. Sa pamamagitan ng wastong paggamit ng bantas tulad ng kuwit,
tuldok at hashtag.
B. Sa pamamagitan ng paggamit ng salitang “Sa una” bilang hudyat ng
pagsisimula
C. Sa pamamagitan ng paggamit ng salitang “Sa lahat” bilang hudyat ng
pagtatapos
D. Sa pamamagitan ng pagbibigay ng hamon sa huling bahagi ng
pahayag

Yesterday, I was cheerfully playing with my dogs nang may lalaki na


paulit-ulit na nagsasabi ng “Hello”, “Hello, Beh”, “Ano pangalan ng aso
mo?”, “Beh, sana aso mo na lang ako.”, “Beh, akin na lang ang cellphone
number mo.”, “Ate, ano cellphone number mo?” habang nakadungaw siya
sa terrace na kinatatayuan niya to think na kina-catcall niya ako inside the
premises of our area plus I am wearing decent clothes.

15
Then finally I snapped, we confronted the guy at harap-harapan
niyang dini-deny na sinabi nga niya ‘yon, kesyo “Hindi naman ikaw ‘yun,
‘teh. May kausap ako sa phone.” worst harap-harapan kang tinatawanan
na as if siraulo ka or feelingera ka para mabastos. Nagawa pa niyang
magpaliwanag na hindi raw niya alam na bawal na mambastos sa Quezon
City which is dapat alam ng bawat lalaki sa bawat sulok ng iskinita,
kalsada, kanto, o lugar sa Pilipinas na hindi talaga puwede ang kahit
anong uri ng pambabastos.

Salamat sa Anti-catcalling ordinance sa Quezon City, I was able to


send this man to jail to finally give a lesson that he deserves. Huwag niyo
naman sana sabihin na “’Yun lang?”, “Dahil doon lang ipakukulong mo?”
No. Never naging mababaw o never naging “lang” ang pambabastos sa
babae nor sa lalaki.

Ladies, it’s time to exercise our right to feel safe sa mga kalsada at
lugar na pupuntahan natin. Kahit mahirap at minsan nakapanliliit pa nga
kung ikukuwento mo, kung hindi natin sisimulan na bigyan ng leksyon
‘yung mga lalaking walang hiya kung sumipol at mambastos sa’tin, hindi
talaga sila madadala o matututo.

Pinagkunan: April Grace. (2019, Marso 2). Yesterday, I was cheerfully playing with my dogs nang may lalaki na
paulit-ulit na nagsabi ng “Hello”, “Hello, Beh”, “Ano [Status update] Facebook.
https://web.facebook.com/aprgracealcantara/posts/2394171844135830

Kategorya ng Aytem: Pagsusuri

4. Sa pang ilang talata isinaad ng may-akda ang pagtutol tungkol sa


kanyang karanasan?
A. 1 B. 2 C. 3 D. 4

Kategorya ng Aytem: Pag-unawa

5. Ano ang ipinahihiwatig na damdamin ng may-akda batay sa salitang


nakasalungguhit sa ikaapat na talata?
A. nahihiya B. nanlulumo C. nagagalit D. naiinsulto

Ikalawang Bahagi:

16
Performance Tasks

Gawaing
Pagganap

Curriculum and Learning Management Division


FILIPINO 10
Ikalawang Markahan
GAWAING PAGGANAP BLG. 1

Pamantayang Pangnilalaman:

17
 Naipapamalas ng mag-aaral ang pag-unawa at pagpapahalaga sa mga akdang
pampanitikan ng mga bansang kanluranin
Pamantayan sa Pagganap:
 Ang mag-aaral ay nakapaglalathala ng sariling akda sa hatirang pangmadla

Pinakamahalagang Kasanayang Pampagkatuto


MELC: Naisusulat ang isang talumpati tungkol sa isang kontrobersyal na isyu. (F10PU-IIg-h-
71)

Sapilitang Paglilingkod sa Sandatahang Lakas ng Pilipinas

KONTEKSTO/SITWASYON

Noong Enero 2022, sa isang online caravan ay inihayag ni Davao City Mayor Sara Duterte ang
kanyang mithiing isulong ang mandatory military service sa lahat ng mga Pilipinong edad 18, babae man
o lalaki sakaling Manalo sa pagka-Bise Presidente sa Mayo 2022. Ito umano ang nakikita niyang paraan
para gawing aktibo ang mga kabataan sa pagbuo ng ating bansa. Nais niyang maipasá ito sa kongreso,
hindi lang dahil gusto niyang maturuan sa paghawak ng armas ang mga kabataang Pilipino kundi
matutuhan ng mga ito ang pakikilahok sa paghahanda at pagtulong sa kapwa-Pilipino sa panahon ng
kalamidad.

Dagdag pa niya, ang mga naturang kabataan ay makatatanggap ng tulong pinansyal mula sa
pamahalaan habang naglilingkod sa Hukbong Sandatahan ng Pilipinas (AFP).

Ang panukala niyang ito ay umani ng maraming batikos mula sa iba’t ibang grupo at mga
katunggaling kandidato sa halalan 2022.

Ayon sa Akbayan party-list, ginagawa lamang ito ni Mayor Sara upang linisin ang pangalan ng
kanyang ama na si dating Presidente Rodrigo Roa Duterte na pinaniniwalaan nilang naduwag laban sa
Tsina.

Humirit din ang kanyang naging katunggali sa pagkabise-presidente na si Walden Bello, gusto
raw umano ni VP Sara na turuan din ang mga kabataan na humawak ng armas tulad ng ginawa ng
kanyang ama sa mga tao sa panahon ng kanyang panunungkulan.

Pinabulaanan niya ang pahayag na ito ni Bello dahil ito lamang daw ang nag-iisip ng masama ukol
sa kanyang panukala, hindi raw nito nakikita ang inspirasyon na hatid nito upang maging makabayan ang
mga kabataan.

GAWAIN/HAMON

18
Batay sa nabasang teksto, sumulat ng isang talumpati tungkol sa
kontrobersyal na Sapilitang Paglilingkod sa Sandatahang Lakas ng
Pilipinas o “Mandatory Military Service” para sa mga kabataan.

______________________________

__________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_______________________
__________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_______________________
__________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_______________________
__________________________________________________________________________
_______
RUBRIK SA PAGSULAT NG TALUMPATI

PAMANTAYAN NAPAKAHUSAY MAHUSAY NALILINANG NAGSISIMULA


(4) (3) (2) (1)
Nilalaman Malinaw ang Maayos ang Hindi gaanong Hindi maayos ang
pagkakalahad ng pagkakalahad maayos ang pagkakalahad ng
mga ideya, ng mga ideya, pagkakalahad mga ideya,
pananaw, pananaw, ng mga ideya, pananaw,
salaysay, salaysay, pananaw, salaysay,
19
argumento at argumento at salaysay, argumento at
patunay. Sapat patunay. argumento at patunay.
ang haba ng Katamtaman patunay. Masyadong
talumpati para sa ang haba ng Maiksi ang maiksi ang
tiyak na paksa. talumpati para ginawang ginawang
sa isang tiyak talumpati para talumpati para sa
na paksa. sa isang tiyak isang tiyak na
na paksa. paksa.
Organisasyon Organisado, may Organisado, Maayos ang Hindi maayos ang
ng mga Ideya koherens, malinaw at pagkakalahad pagkakalahad ng
malinaw at maayos ang ng mga ideya mga ideya
maayos ang pagkakalahad
pagkakalahad ng ng mga ideya
mga ideya
Malikhaing Naglahad ng Naglahad ng Hindi sapat Walang inilahad
Estratehiya sapat na mga katamtamang ang inilahad na na patunay o
patunay o bilang ng patunay o ebidensya upang
ebidensya upang patunay o ebidensya maging kapani-
maging kapani- ebidensya upang maging paniwala at hindi
paniwala at upang maging kapani- gumamit ng
gumamit ng kapani- paniwala at elementong
elementong paniwala at hindi gumamit naratib upang
naratib upang gumamit ng ng elementong maging kawili-wili
maging kawili-wili elementong naratib upang ang talumpati.
ang talumpati. naratib upang maging kawili-
maging kawili- wili ang
wili ang talumpati.
talumpati.
Kawastuhang Malinaw at wasto Wasto ang May mga Maraming mali sa
Panggramatika ang baybay ng mga iilang baybay ng mga
baybay ng mga salita, balarila, kamalian sa salita, balarila,
salita, balarila, kapitalisasyon, baybay ng mga kapitalisasyon, at
kapitalisasyon, at at salita, balarila, pagbabantas
pagbabantas pagbabantas kapitalisasyon,
at
pagbabantas

GAWAING PAGGANAP BLG. 2


Pamantayang Pangnilalaman:
 Naipapamalas ng mag-aaral ang pag-unawa at pagpapahalaga sa mga akdang
pampanitikan ng mga bansang kanluranin
Pamantayan sa Pagganap:
20
 Ang mag-aaral ay nakapaglalathala ng sariling akda sa hatirang pangmadla
Pinakamahalagang Kasanayang Pampagkatuto

MELC: Nasusuri ang kasanayan at kaisahan sa pagpapalawak ng pangungusap. (F10WG-IIg-h-


64)

Social Media
KONTEKSTO/SITWASYON

1hour lang po! Pa-extend!

Tila umaalingawngaw pa rin sa tenga ko ang sigaw na ito ng mga kaklase ko sa internet café.
Idagdag pa ang hiyawan namin kapag malapit na matapos ang isang oras pero hindi pa kami tapos sa
aming mga gawaing pampaaralan. Yahoo at Friendster lang ang kilala ko noon. Para sa akin, sapat na ang
dalawang naturang website kaya nang nabalitaan kong mawawala na ang Friendster ay labis akong
nalungkot, buti na lang biglang sumulpot ang Facebook.

“Ang sikip sa dibdib ng mga problema. Gusto ko sumigaw nang malakas!” Ito ang unang post ko
noong nagkaroon ako ng Facebook. Maraming nagpadala ng pribadong mensahe upang kumustahin ako.
Pakiwari ko’y naibsan ang kalungkutan na aking nadarama ng mga panahong iyon. Sabi ko sa sarili ko,
maganda rin palang maging aktibo sa social media. Tuwing may pulang bilog bilang notipikasyon ay sabik
akong buksan ito kasi alam kong mayroong bagong mensahe o friend request para sa akin. Nagkaroon
ulit kami ng komunikasyon ng aking mga kababatang lumipat sa malalayong lugar at nagkaroon din ako
ng mga bagong kaibigan. Sa madaling salita, nagkaroon ako ng panibagong mundo sa pamamagitan ng
social media. Minsan, natatawa na lamang ako kapag nakababasa ng mga memes at hugot lines. Dahil sa
mga pakulong ito, nakalilimutan ko ang aking mga problema.

Bullying! Bashing! Ranting! Fake news!

Unti-unting ginugupo ng mga ito ang ating mental na kalusugan. Talamak ang mga sagutan,
laitan, parinigan, patama, bangayan at mali-maling impormasyon na nagkalat sa social media. Ang
dating nakatatawang memes, ngayo’y larawan na ng tao ang laman upang pagtawanan. Pati hiwalayan
ng mga kilalang personalidad ay ginagawang biro na lang. Ang mga pribadong problema’y pinag-uusapan
na rin sa pamamagitan ng social media. Kalaswaa’y pilit ginagawang normal.

Nakalulungkot dahil wala na, nawala na ang dating saysay ng social media.

GAWAIN/HAMON
Tukuyin sa binasang teksto ang mga pangungusap na ginamitan ng mga
salitang nagpapalawak ng pangungusap at muling isulat sa unang kolum
ng talahanayan. Pagkatapos ay suriin ang paraan ng pagpapalawak ng
pangungusap at salungguhitan ang mga salita o katagang ginamit upang

21
palawakin ang pangungusap. Itala sa ikalawang kolum ang ginamit na uri
ng pagpapalawak ng pangungusap.

Pangungusap mula sa Kuwento Uri ng


Pagpapalawak ng
Pangungusap
Halimbawa:
Tila umaalingawngaw pa rin sa tenga ko ang
sigaw na ito ng mga kaklase ko sa internet Pang-abay
café.
1.

2.

3.

4.

5.

GAWAING PAGGANAP BLG. 3

Pamantayang Pangnilalaman:
 Naipapamalas ng mag-aaral ang pag-unawa at pagpapahalaga sa mga akdang
pampanitikan ng mga bansang kanluranin
Pamantayan sa Pagganap:
 Ang mag-aaral ay nakapaglalathala ng sariling akda sa hatirang pangmadla

Pinakamahalagang Kasanayang Pampagkatuto


22
MELC: Nabibigyang-puna ang mga nababasa sa mga social media (pahayagan, TV, internet tulad
ng FB, e-mail, at iba pa)
F10PB-IIi-j-79
Depresyon
ni Mary Laine Catama

KONTEKSTO/SITWASYON

Malamang karamihan sa atin ay alam na kung ano ang tinatawag na depresyon, ngunit sapat na
nga bang alam mo lang ito? Nauunawaan mo ba kung ano ang epekto nito? Gising ka ba sa katotohanan
kung saan ang pinagmulan nito? Maaaring may mga sagot kayo sa mga tanong na ito. Subalit, bigyang lalim
natin ang salitang 'Depresyon' na pinagmumulan ng pighati, kahihiyan kabiguan at kumitil sa buhay ng
marami.

Ayon sa mga saykayatrist, ang depresyon ay isang mental na kondisyon na mailalarawan sa


pamamagitan ng mga matinding damdamin ng kawalan ng pag-asa at kalungkutan, kadalasan din na may
pakiramdam ng kakulangan at pagkakasala na madalas na sinasamahan ng kakulangan ng enerhiya at
kawalan ng gana sa pagkain at pagtulog. Ang kalimitang pinagmumulan nito ay iba't ibang uri ng problema,
maaaring problema sa pamilya, pag-ibig, trabaho, pinansyal at mga problema sa mga
pinakapinahahalagahan ng isang tao kagaya ng reputasyon. Ayon sa World Health Organization, ang
pagkitil ng sariling buhay ang ikalawa sa pangunahing sanhi ng kamatayan sa buong mundo.

Ngayon, alamin natin ang nangunguna sa listahan ng mga pinagmumulan ng makamandag na


depresyon. Pagkabigo, sa salitang "bigo" pa lamang ay siguradong papasok sa isip ng marami ang katagang
pag-ibig. Ilan sa mga pangyayaring tungkol rito ay ang paghihiwalay ng magkasintahan, pag-iwan,
panloloko't pagpapalit, at pagpapaikot. Sa pamilya, may mga kasong hindi ka tanggap ng iyong sariling
pamilya kaya naman ang ilan ay humahantong sa pagtapos ng kanilang buhay. ‘Di rin kasi natin maiiwasan
na may mga ibang magulang na napakataas ng ekspektasyon sa kanilang mga anak. Isa pa rito ay ang mga
napapanahong dahilan tulad ng diskriminasyon na kalimitang nagaganap sa pamamagitan ng bullying o
cyberbullying. Ang mga biktima ng ganitong mga suliranin ay kalimitang sumusuko sa buhat dahil sa
kahihiyan na nagtutungo sa matinding kalungkutan, takot at minsan awa sa sarili. Ilan sa dahilan nito ay ang
kahirapan, kawalan ng trabaho, pagbago ng takbo ng buhay, at marami pang iba.

23
Kung ikaw ay nakararanas ng depresyon huwag kang mag-alala, may mga paraan upang
malagpasan mo ito.

Huwag kang umasa lamang sa medikasyon, totoo na may mga gamot na nakatutulong upang
malampasan mo ang depresyon ngunit mas mapapabilis ang proseso ng paggaling kung ikaw ay gagawa
ng ilang pagbabago sa iyong pang araw-araw na pamumuhay. Ang pag-eehersisyo ay isa sa mga
mabisang paraan upang magapi ang depresyon, napapataas nito ang serotonin at endorphins na
nakatutulong na magpatubo ng mga bagong brain cells. Nakatutulong din ang pagkakaroon ng sapat na
tulog o pito hanggang siyam na oras araw-araw dahil ito'y nakababawas ng pagka-irita, pagkamagagalitin,
pagkalungkot at pagkapagod. Ang pagkakaroon din ng sapat na panahon at koneksiyon sa iba ay
nakatutulong lalo na sa mga taong handang dumamay sayo anumang problema ang kinakaharap mo.
Iwasan mo rin ang mga bagay na nakapagbibigay ng stres sa iyo. Huwag na huwag kalilimutang
manalangin at manalig sa Diyos dahil wala tayong magagawa kung wala Siya sa mga buhay natin.

Tadaan na sa mga panahong may mga problema at kabiguan, hindi ka nag-iisa, nariyan ang iyong
pamilya, kaibigan, guro, at lalong-lalo na ang Poong Maykapal na pwede nating pagkatiwalaan sa mga
panahong ito. Huwag kang papatalo sa depresyon. Huwag mo ring tangkaing kitilin ang iyong buhay,
pagkat ito'y isang biyaya at walo sa iyong kamay o ng kahit sino man bukod sa Diyos ang may karapatang
kunin ito.

Pinagkunan: Ang Boses ng Kinabukasan, Nobyembre 22, 2019, “Depresyon"


ni Mary Laine Catama Malamang karamihan sa atin ay alam na kung ano ang tinatawag na Depresyon, ngunit sapat [Status update] Facebook.
https://free.facebook.com/permalink.php?story_fbid=106739764131431&id=100563451415729&_rdc=1&_rdr

24
GAWAIN/HAMON
Basahin at unawain ang sanaysay na pinamagatang Depresyon. Bigyang-
puna ang elemento at bahagi ng akda sa pamamagitan ng pagsagot sa mga
katanungang nakapaloob sa grapikong representasyon sa ibaba.

PAGSUSURI NG SANAYSAY

Pamagat: ____________________________
Ano ang tema ng binasang
sanaysay?
May-akda:___________________________

Ano ang layunin ng awtor?

Paano sinimulan ng awtor ang


kanyang sanaysay?

Ano-ano ang mga inilahad ng awtor


na pananaw at patunay sa katawan
ng sanaysay?

Ano ang kakintalan na iniwan ng


awtor sa wakas ng sanaysay? Pananaw:

Patunay:

25
PAMANTAYAN SA PAGMAMARKA NG PAGSUSURI

PAMANTAYAN NAPAKAHUSAY MAHUSAY NALILINANG NAGSISIMULA


(4) (3) (2) (1)
Nilalaman Lubos ang Nauunawaan Hindi gaanong Hindi
pagkaunawa sa ang akdang nauunawaan nauunawaan ang
akdang sinusuri sinusuri (tema, ang akdang akdang sinusuri
(tema, layunin, layunin, bahagi sinusuri (tema, (tema, layunin,
bahagi ng ng sanaysay) layunin, bahagi bahagi ng
sanaysay) ng sanaysay) sanaysay)
Organisasyon Napakalinaw ng Malinaw ang Hindi gaanong Hindi malinaw
pagkakalahad ng pagkakalahad malinaw ang ang
mga detalyeng ng mga pagkakalahad pagkakalahad ng
inilalahad sa detalyeng ng mga mga detalyeng
pagsusuri inilalahad sa detalyeng inilalahad sa
pagsusuri inilalahad sa pagsusuri
pagsusuri
Kaangkupan Lahat ng puna ay Halos lahat ng Maraming Hindi wasto at
wasto at puna ay wasto puna ang hindi tugma ang puna
tumutugma sa at tumutugma wasto at tugma sa konsepto ng
konsepto ng sa konsepto ng sa konsepto ng sinusuring paksa
sinusuring paksa sinusuring sinusuring
paksa paksa
Pagkakasulat Sistematiko, Maayos, Hindi gaanong Hindi maayos at
malikhain at malikhain at maayos at malikhain,
walang maling walang maling malikhain, may maraming maling
gramatika ang gramatika ang ilang maling gramatika ang
pagkakasulat ng pagkakasulat gramatika ang pagkakasulat ng
puna ng puna pagkakasulat puna
ng puna

26
Unang Bahagi
Susi sa

Unang Bahagi IkalawangBahagi Ikatlong Bahagi


1. A 1. B 1. B
2. D 2. D 2. A
3. C 3. A 3. B
4. C 4. D 4. C
5. B 5. C 5. D

27
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Kagawaran ng Edukasyon – Rehiyong MIMAROPA


Meralco Avenue, corner St. Paul Road, Pasig City, Philippines 1600
Telephone No. (02) 863-14070
Email Address: lrmds.mimaroparegion@deped.gov.ph

28

You might also like