You are on page 1of 9

BANGHAY ARALIN SA PAGTUTURO

Filipino 9

(Daily Lesson Plan)

Oras: 60 Minuto

I. LAYUNIN

Pamantayang Pangnilalaman:

• Napatunayang ang mga pangyayari sa binasang parabula ay maaaring maganap sa tunay na


buhay . F9PB-IIIa-50

Pamantayang Pagganap

•Nabibigyang kahulugan ang mga matatalinhagang pahayag na ginagamit sa parabula.

Pamantayan sa Pagkatuto

• Nabibigyan ng sariling interpretasyon ang mga ipinahiwatig na ginamit sa akda.

II. PAKSANG-ARALIN

Paksa: Ang Talinghaga Tungkol sa May-ari ng Ubasan

Panitikan: Parabula

Pinagkunan: Ikasiyam na Baitang, Ikatatlo na Markahan

Kagamitan: Mga larawan, papel at panulat, vidyo ng parabula, laptop, telebisyon at iba pang
kagamitang panturo

III. PAMAMARAAN

A. Pang-araw-araw na gawain

Gawain Guro Gawaing Mag-aaral

Panalangin

Bago tayo dumako sa ating talakayan, tayo


muna ay manalangin upang hingin ang gabay ng
Panginoon.

Maaari mo bang pangunahan ang


panalangin. (Magtatawag ng pangalan ng mga
mag-aaral)
Pangungunahan ng mag-aaral ang
panalangin.

Pagbati

Magandang umaga sa inyong lahat?


Kumusta ang lahat? Nawa'y maganda ang inyong
pakiramdam ngayon.
Magandang umaga din po, guro.

Pagsasaayos ng Klase

Maghanda na ang lahat at kung may


nakikitang kalat sa ilalim ng upuan ay puluton
ang mga ito at itabi na ang mga hindi naman
kailangan sa ating talakayan.

Opo ma'am.
Pagwawasto ng Aralin

Bago tayo magpatuloy, may ibinigay ba


akong Takdang aralin sa inyo?
Wala po ma'am.
Kung mayroon ay hayaan n'yong iwasto ko
ang inyong takdang-aralin.

Pagbabalik Aral

Ano nga ba ang tinalakay natin kahapon?

Ang pinang-aralan natin kahapon ay tungkol


sa pahambing.
Tama! Ibigay nyo nga ang dalawang uri ng
pahambing. Ang dalawang uri ng pahambing ay
pahambing na di-magkatulad at pahambing na
magkatulad.
Magaling! Magbigay ng mga panandang
panggramatikang ginagamit sa paghahambing na
magkatulad.

Ang mga panandang panggramatika na


maaaring gamitin sa paghahambing na
magkatulad ay -ka, sing, kasing, magsing at
ga/gangga.
Mahusay! Ano naman ang mga panandang
panggramatika na ginagamit sa pahambing na
palamang?

Ang mga panlaping maaaring gamitin sa


paghahambing na palamang ay lalo, di-hamak,
Tama. Ano naman sa pahambing na labis at higit/mas.
pasahol?

Ang ginagamit sa pahambing na pasahol ay


Pagganyak lalo at di-gasino.
Klas sino sa inyo ang nagbabasa ng Bibliya?

Ano ang mga napapansin nyo sa mga


pangungusap na nakapaloob sa Bibliya?
Kami po ma'am.

Tama. May mga pangungusap na mahirap


unawain. Kailangan mo pang basahin ng paulit- May mga malalalim na kahulugan ang mga
ulit bago mo makuha ang gusto nitong ipaintindi. pangungusap.

Alam nyo ba na ang mga kwentong


nakapaloob sa Bibliya na mayroong
matalinhagang salita ay tinatawag na parabula?

Ano ba ang pagkakaintindi ninyo sa


parabula? Sino ang maaring magpaliwanag.

Tama. Ito ay naglalaman ng mga talinhaga


at kinapupulutan ng aral. Ano ang ibig sabihin
nito? Ibig sabihin ang mga mababasa mong
parabula ay hindi mo agad-agad mauunawan.
Kailangan mong suriin at intindihin ang buong Ito po ay kwentong hango sa Bibliya.
akda.

Sa tingin nyo ba ang parabula ay ang


nababasa lang natin sa Bibliya?
Hindi po dahil ang parabula ay maaring gawin
ng kahit sino.
Tumpak! Katulad nalang ng sinulat na
parabula ni Rizal.

C. Paglalahad ng Aralin

May mga larawan akong ipapakita sa inyo at


sa pamamagitan ng larawan ay alamin ninyo ang
salitang ipinapahiwatig nito.
Sino dito sa inyo ang nakapaglaro na ng
"4 Pics One Word"

Mabuti naman at ang karamihan sa


inyo ay may alam sa larong ito dahil ang ating
gagawin ay may kinalaman doon.

Ano ang nakikita ninyo sa larawan?

Sino ang pwedeng tumayo at ibahagi ang Ang nasa larawan po ma'am ay mga puno at
iyong kasagutan. ubas.

Magaling! Klas ano sa tingin nyo ang


sagot sa unang larawan?
Ang sagot sa larawan ay ubasan.

Tama! Makikita naman natin na ito ay


taniman ng mga ubas.
Makikita nyo naman ay ang mga lalaking
nakasuot ng damit na may mahahabang
manggas at nakasuot ng sumbrero. Ano sa tingin
nyo ang tawag sa mga lalaking yan?
Sa tingin ko po maam sila ay mga magsasaka.

Tama! Sila ay mga magsasaka o tinatawag


na manggagawa.

Dito naman klas, ano kaya ang maiisip nyo


sa ikatlong larawan? Pero bago ' yan ano muna
ang inyong nakikita sa larawan?

Ang nasa larawan po ay mga salapi.


Tama!

Ngayon ay dadako na tayo sa ating aralin.

Ngayon dadako na tayo sa panonood ng


parabulang tatalakayin natin na pinamagatang
"Ang Talinghaga Tungkol sa May-ari ng Ubasan"

Ang Talinghaga Tungkol sa May-ari

ng Ubasan

(Mateo 20: 1-16 sa Bagong Tipan)

Ang kaharian ng langit ay maitutulad sa isang


taong lumabas nang maagang- maaga upang
humanap ng manggagawa para sa kaniyang
ubasan. Nang magkasundo na sila sa upa na isang
salaping pilak sa maghapon, ang mga
manggagawa ay pinapupunta niya sa kaniyang
ubasan. Lumabas siyang muli nang mag-ikasiyam
ng umaga at nakakita siya ng iba pang tatayo-tayo
lamang sa palengke. Sinabi niya sa kanila,
"Pumunta rin kayo at magtrabaho sa aking
ubasan, at bibigyan ko kayo ng karampatang upa."
At pumunta nga sila. Lumabas na naman siya nang
mag-ikalabindalawa ng tanghali at nang mag-
ikatlo ng hapon, at sa ganoon din ang ginawa niya.
Nang mag-ikalima na ng hapon, siya'y lumabas
muli at nakakita pa ng mga ibang wala ring
ginagawa. Sinabi niya sa kanila, "Bakit tatayo-tayo
lang kayo rito sa buong maghapon?" "Kasi po'y
walang magbigay sa amin ng trabaho," sagot nila.
Kaya't sinabi niya, "Kung gayon, kayo at
magtrabaho kayo sa aking ubasan."

Nang gumagabi na, sinabi ng may-ari ng ubasan sa


kaniyang katiwala, "Tawagin mo na ang mga
manggagawa at bayaran mo sila magmula sa huli
hanggang sa unang nagtrabaho." Ang mga
nagsimula nang mag-ika-lima ng hapon ay
tumanggap ng tig-iisang salaping pilak. Nang
lumapit ang mga nauna, inakala nilang tatanggap
sila nang higit doon; ngunit ang bawat isa'y
binayaran din ng tig-iisang salaping pilak.
Nagreklamo ang mga nagtrabaho sa may-ari ng
ubasan. Sinabi nila, "Isang oras lamang gumawa
ang mga huling dumating, samantalang maghapon
kaming nagtrabaho at nagtiis sa nakapapasong init
ng araw, bakit naman pinagpare-pareho ninyo ang
aming upa?"

Sumagot ang may-ari ng ubasan sa isa sa kanila,


"Kaibigan, hindi kita dinadaya. Hindi ba't
nagkasundo tayo sa isang salaping pilak? Kunin
mo ang para sa iyo at umalis ka na. Ano sa iyo
kung ibig kong bayaran ang nahuli nang tulad ng
ibinayad ko sa iyo?"

"Wala ba akong karapatang gawin sa ari-arian ko


ang aking maibigan? Kayo ba'y naiinggit dahil
ako'y nagmagandang-loob sa iba?"

C.1 Pagtatalakay
C 1. Sino sa tingin ninyo ang tinutukoy na may-ari ng ubasan?

• 'Lumabas 'syang muli ng mag-ikasiyam ng umaga at nakakita siya ng iba pang tatayo-tayo sa
palengke. Sinabi nya sa kanila, "Pumunta rin kayo at magtrabaho sa aking ubasan at bibigyan ko kayo ng
karampatang upa", ano ang pagkakaintindi ninyo sa pahayag na ito?

C 2. Ano ang nais iparating ng Diyos ng sumagot sya sa manggagawa na nagreklamo ng "Kaibigan,
hindi kita dinadaya. "Hindi ba't nagkasundo tayo sa isang pilak! Kunin mo ang para sa iyo at umalis ka
na." Ipaliwanag.

C.3 Indibiduwal na Gawain

Panuto: Ipaliwanag at isulat sa kalahating papel kung ano ang ipinapahiwatig ng talinghagang
pangungusap na "Ang nauuna ang inihuhuli at ang nahuhuli ay nauuna".

C4. Pangkatang Gawain

Unang Pangkat: Magtala ng mga dahilan kung bakit nagwewelga ang mga manggagawa

Pangalawang Pangkat: Maglista ng mga dahilan kung bakit mas pinipili ng ilan nating mga
kababayan ang magtrabaho sa ibang bansa.

Pangatlong Pangkat: Dahilan kung bakit nagsasara ang isang kompanya.

Pang-apat na Pangkat: Magbigay ng mga karapatan na dapat makamtan ng mga manggagawa.

D. Paglalahat

Ipaliwanag kung ano ang naging mensahe o natutunan mo sa parabulang napanood "Ang
Talinghaga Tungkol sa May-ari ng Ubasan" .

E. Pagpapahalaga

1. Ano ang kahulugan ng pagiging isang mabuting manggagawa?

2. Bakit kailangan nating maging kontento?

F. Pagtataya

Panuto: Basahin ang mga sumunod na tanong at piliin ang tamang sagot.

1. Sino sa mga tauhan ang naghahanap ng manggagawa?

a namamahala ng ubasan

b. nagbabantay ng ubasan

c. may-ari ng ubasan

d. mamimili sa ubasan

2. Sino-sinong manggagawa ang nagreklamo sa natanggap na salapi?


a. Ang nauna manggagawa

b. Ang nahuling manggagawa

c. Ang nagbigay ng salapi

d. wala sa nabanggit

3. Sa anong aklat sa Bibliya, kabanata at bersikulo nakapaloob ang parabula na "Ang Talinghaga Tungkol
sa May-ari ng ubasan" ?

a. Mateo 20:1-16 Bagong Tipan

b. Mateo 20:1-6 Bagong Tipan

c. Mateo 20:1-16 Lumang Tipan

d. Mateo 20:1-6 Lumang Tipan

4. Sa parabula na "Ang Talinghagang tungkol sa May-ari ng Ubasan", sino ang tinutukoy na may-ari ng
ubasan?

a. Mga manggagawa

b. si Jesus

c. Si Joseph

d. Si Mary

5.Sino ang inutusan ng may-ari ng ubasan na magbigay ng mga upa ng manggagawa?

a. Unang manggagawa

b. Nanay

c. Kaibigan

d. Katiwala

Mga Sagot:

1. C

2. A

3. A

4. B

5. C
Inihanda ni:

ROSEMARIE A. MAESTRE

Tagapagpakitang-turo

Iniwasto ni:

WENCESLAO V. MORALES

Tagapamatnubay na Guro

Sinuri ni

MA. JENNILYN M. MADEJA

Dalubguro I/Koordineytor sa Filipino

Napag-alaman ni

NOE P. MAGDATO JR.

Punong Guro I

You might also like