Professional Documents
Culture Documents
3RD PT Sa Fil9
3RD PT Sa Fil9
Rehiyon ng MIMAROPA
Dibisyon ng Romblon
Mataas na Paaralan ng Macario Molina
Brgy. Tambac Romblon, Romblon
Panuto: Basahin at unawain ang sumusunod na tanong. Piliin ang letra ng tamang sagot at isulat
sa patlang.
_____1. “Sapagka't gayon na lamang ang pagsinta ng Diyos sa sanglibutan, na ibinigay niya ang
kaniyang bugtong na Anak, upang ang sinomang sa kaniya'y sumampalataya ay huwag
mapahamak, kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan.” – Juan 3:16. Ano ang
ibig sabihin ng matalinghagang pahayag na bugtong na anak?
A. maalalahanin C. mapagmahal
B. mabuti D. nag-iisa
_____2. Ang may-ari ng ubasan ay may ginintuang-puso. Ano ang nais ipakahulugan ng mga
salitang may salungguhit?
A. maalalahanin C. masayahin
B. mabuti D. mayaman
_____3. Sino ang nakaaalam kung anong oras tayo mawawala sa mundo? Ano ang nais
ipakahulugan ng pahayag?
A. kaguluhan C. kasiyahan
B. kapighatian D. katapusan
_____4. Marami ang ayaw makipagkaibigan kay Victor dahil siya ay masyadong mahangin. Ano
ang kahulugan ng salitang mahangin?
A. mabait C. mayabang
B. malakas ang hangin D. sinungaling
_____5. Lahat tayo ay may kani-kaniyang papel sa buhay. Ano ang nais ipakahulugan ng salitang
may salungguhit?
A. pananaw C. sinusulatan
B. posisyon sa buhay D. sinusunod
_____6. Ano ang akdang pampanitikang nagsasaad ng mga pangyayaring maaaring maganap sa
totoong buhay?
A. anekdota C. parabula
B. pabula D. talambuhay
_____7. “Maitutulad sa isang taong lumabas nang maagang-maaga upang humanap ng
manggagawa para sa kaniyang ubasan.” Alin sa mga sumusunod ang magbibigay-
patunay na ang pahayag na ito ay
nangyayari sa totoong buhay?
_____8. Ano ang nais ipakahulugan ng talinghagang, “Gayon din naman, ayaw ng iyong Amang
nasa Langit na mawala isa man sa maliliit na ito” –Mateo 18:14?
_____9. Sinabi nila, “Isang oras lamang gumawa ang mga huling dumating, samantalang
maghapon kaming nagtrabaho at nagtiis sa nakapapasong init ng araw. Bakit naman
pinagpare-pareho ninyo ang aming upa?” Anong sitwasyon sa tunay na buhay ang
maihahalintulad sa pahayag na ito?
_____10. Ano ang nais ipakahulugan ng pahayag na ito, “Ang nahuhuli ay nauuna at ang nauuna
ay mahuhuli?”
A. mahalaga ang oras sa paggawa
B. lahat ay may pantay- pantay na karapatan
C. ang nahuhuli, kadalasan ang unang umaalis
D. kung sino ang naunang dumating ay siya rin ang unang aalis.
_____12. Anong elemento ng elehiya ang tumutukoy sa mga paniniwala, gawi o mga
nakasanayang lumutang sa pagbuo nito?
A. damdamin C. simbolo
B. kaugalian o tradisyon D. wikang ginamit
_____15. Ano ang ginagamit na kasangkapan upang magpahiwatig ng mga ideya o kaisipang
nakapaloob sa elehiya?
A. damdamin C. simbolo
B. kaugalian o tradisyon D. wikang ginamit
_____16. Anong kaisipan ang nais iparating ng bahagi ng elehiyang nasa itaas?
A. pagkagalit C. paghihiganti
B. pagpapasakit D. pag-alala sa namayapa
17-18. Gawing batayan ang bahagi ng akdang, “Elehiya sa Kamatayan ni Kuya” na nasa loob ng
kahon para sa pagsagot ng mga tanong.
_____17. Anong damdamin ang nangibabaw sa bahagi ng akdang nasa loob ng kahon?
A. kaligayahan C. pagkainis
B. kalungkutan D. pagkapoot
_____18. Ano ang nais ipahiwatig ng huling taludtod sa bahagi ng akdang nasa kahon?
A. Gaano man kahirap ang pinagdaraanan sa buhay, matutong bumangon.
B. Bigyang-pagpapahalaga ang mga bagay na naiwan ng taong namayapa.
C. Pahalagahan ang buhay sapagkat hindi natin alam kung kailan tayo mawawala sa mundo.
D. Hindi maipaliwanag ang sakit at matinding dagok na naramdaman dahil sa pagpanaw ng
minamahal.
_____19. Alin sa mga pahayag ang hindi masasalamin sa pagsulat ng isang elehiya?
A. Marapat na simbolo ang palutangin sa elehiya.
B. Alamin ang magiging kabuuang daloy ng pagsulat.
C. Emphasis ang kailangan sa pagdama at pagdanas sa buhay ng taong pag-aalayan nito.
D. Yariing mapagparanas ang elehiya upang mag-iwan ng mapagnilay na mensahe sa mga
mambabasa.
_____20. Alin sa mga pangungusap ang hindi nagsasaad ng katangian ng isang elehiya?
A. Ito ay personal sa pagpapahayag ng damdamin.
B. Ang himig ng elehiya ay dakila at mapagmuni-muni.
C. Ito ay pag-alaala, pananangis, at pagpaparangal sa namayapang mahal sa buhay.
D. Madadaling salita ang naghahari sa akdang ito upang lubos na maunawaan ng
mambabasa.
_____21. “Nabalisa ako nang malaman kong nagkasakit ka.” Ano ang pinakamasidhing antas ng
damdamin ng salitang may salungguhit?
A. kinabahan C. nagimbal
B. kinilabutan D. natakot
_____23. Simula nang mawala ang kaniyang mahal na ina ay labis ang ___________
naramdaman ni Cecilia. Tukuyin ang angkop na salitang may pinakamasidhing damdamin.
A. lumbay C. pagdadalamhati
B. lungkot D. pighati
_____24. Alin sa mga sumusunod na salita ang nasa wastong pagkakasunod-sunod mula sa
pinakamababa hanggang sa pinakamataas na antas ng salita?
A. pikon, inis, tampo
B. singhal, sigaw, hiyaw
C. bungisngis, ngiti, ngisi
D. nabighani, nagandahan, naakit
_____25. Bakit mahalagang nagkakaiba-iba ang antas ng damdamin ng salitang may ugnayang
magkatulad?
A. Maganda sa pandinig.
B. Nagiging malinaw ang nais ipakahulugan.
C. Naipakikita ang husay sa pakikipag-usap.
D. Natutukoy ang tunay na saloobin o nararamdaman ng nagsasalita.
_____26. Bakit mahalaga ang pagkakaroon ng eye-to-eye contact sa mga manonood habang
bumibigkas ng tula?
A. mahalina ang mga manonood
B. bigyang-aliw ang mga manonood
C. maipadama ang katapatan ng manunula
D. makita sa mga mata ang samu’t saring emosyong nais ipahayag ng manunula
_____27. Ano ang isa sa mahahalagang elemento sa pagbigkas ng tula na tumutukoy sa kalidad
at kabuuan ng boses, swabe at maganda ang dating sa nakikinig?
A. pagbigkas C. tindig
B. pagkumpas D. tinig
_____28. Paano masasabing epektibo sa mga manonood ang pagbigkas ng tula?
A. Ang mga manonood ay pumapalakpak.
B. Seryosong nakikinig ang mga manonood.
C. Ang mga linya ay tumitimo sa isipan ng mga manonood.
D. Natitinag ang mga manonood at nagagawa silang patawanin o paiyakin sang-ayon
sa
diwang isinasaad ng tula.
_____30. Dahil sa katagalan nang ‘di pag-uwi ng lalaki, nakadama siya ng kalungkutan at
pagkabagot. Anong tunggalian ang isinasaad ng pahayag?
A. tao vs. tao C. sarili vs. tao
B. tao vs. sarili D. sarili vs. sarili
_____31. “Kapatid ko ang lalaking ipinakulong ninyo, inaway nang hindi namin nakikilala, subalit
nagsinungaling ang lalaking tumestigo laban sa kaniya.” Anong tunggalian ang nanaig sa
pahayag?
A. tao vs. tao C. sarili vs. tao
B. tao vs. sarili D. sarili vs. sarili
_____32. Sa kabuuan ng nobelang, “Isang Libo’t Isang Gabi”, anong tunggalian ang
nangingibabaw rito?
A. tao vs. tao C. sarili vs. tao
B. tao vs. sarili D. sarili vs. sarili
_____33. “Apat na dinaryo ang halaga nito, subalit hindi ko na ito pababayaran kung papayagan
mo ako sa aking kahilingan.” Anong ipinahihiwatig na katangian ng nagsasalita?
A. maawain C. mapagpasensya
B. matulungin D. mapagsamantala
_____34. Sumigaw ang Cadi na nagsasabing bakit ba sila nagsasakitan gayong lahat naman sila
ay nakakulong. Batay sa tunggaliang tao vs. tao, ang katotohanan sa sitwasyon sa isang
bilangguan na ipinahahayag ay ang______________.
A. kawalan ng disiplina C. kakulangan sa pasilidad
B. kakulangan sa pagkain D. kakulangan sa kaalaman
_____36. “Subukin mo ngang pumasok at hindi ka kakasya riyan.” Pumasok nga ang karpintero
sa ikalimang compartment. At sinaraduhan ito ng babae. Sa ipinakitang tunggalian sa
pagitan ng babae at karpintero, anong kasabihan ang mas angkop na ilapat dito?
_____37. Alin sa mga pahayag ang nagpapakita ng tunggaliang tao vs. sarili?
_____39. Mahilig kumamot sa ulo si Jose kapag hindi niya alam ang isasagot o sasabihin. Ang
pariralang may salungguhit ay halimbawa ng _______________.
A. gawi C. kilos
B. karakter D. pananaw
_____40. Ang bunsong anak ni Mang Fidel ay mabait at mahinhin. Ang pariralang may
salungguhit ay halimbawa ng _______________.
A. gawi C. kilos
B. karakter D. pananaw
_____41. Mapanlait sa kapwa si Aling Bebang dahil siya ay nabibilang sa mataas na antas ng
lipunan. Ano ang ipinahihiwatig ng salitang may salungguhit sa pangungusap?
A. gawi C. kilos
B. karakter D. pananaw
_____42. Naninirahan sa dulo ng Barangay Matahimik ang pamilya nina Mang Nelson at Aling
Nelia. Saan nagmula ang salitang barangay sa lumang bangkang Malay?
A. balangay C. batangay
B. balanghay D. batanghay
_____43. Kahit saang lugar magpunta si Lorna, lagi siyang nagse-selfie. Saan nagmula ang
salitang selfie sa pagkuha ng litrato? _______________.
A. kaibigan C. kapatid
B. kalaro D. sarili
_____44. Magbabasa tayo ng aklat araw-araw upang madagdagan ang ating kaalaman. Ano ang
pang-abay na ginamit sa pangungusap?
A. ating C. tayo
B. upang D. araw-araw
_____45. Sasama ako sa pagsundo kung sasama ka. Ano ang pang-abay na ginamit sa
pangungusap?
A. ako C. kung sasama
B. sa D. sasama
_____46. Buhat nang dumating ang kaniyang kasintahan ay nag-iba na ang kaniyang pag-uugali.
Ano ang pang-abay na ginamit sa pangungusap?
A. kaniyang pag-uugali C. nag-iba na
B. kaniyang kasintahan D. buhat nang dumating
_____47. Anong paraan ang ipinakikita ng mga Hindu sa pagbati at pamamaalam sa kanilang
kapwa?
A. beso-beso C. pagmamano
B. namaste D. pagtango ng ulo
_____49. Ano pa ang pinaniniwalaan ng mga Hindu bukod sa mga pilosopiyang kagandahan at
katotohanan?
A. kabutihan C. kasipagan
B. kapayapaan D. katapangan
_____50. Hindi pumayag si Maritsa sa plano nina Ravana at Surpanaka laban kay Rama
sapagkat kakampi raw nito ang Diyos. Anong kultura ng mga Hindu ang ipinakita sa
pangungusap na ito?
A. pagiging duwag
B. pagkatakot sa Panginoon
C. pagpapahalaga sa kapwa
D. pagtanggi sa masamang gawain
Inaprobhan ni;
NOE P. MAGDATO JR, LPT.
Punong Guro - III