You are on page 1of 42

Pagmamay-ari ng Pamahalaan

HINDI IPINAGBIBILI
Senior High School

NOT

KOMUNIKASYON AT
PANANALIKSIK
Kuwarter 2 - Modyul 6
Mga Sitwasyong Pangwika ng Pilipinas

Kagawaran ng Edukasyon ● Republika ng Pilipinas

Filipino- Ikalabing-isang Baitang


Alternative Delivery Mode
Kuwarter 2 – Modyul 6: Mga Sitwasyong Pangwika ng Pilipinas
Unang Edisyon, 2020
Isinasaad ng Batas Republika 8293, seksyon 176 na “Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-ari(sipi) sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung itoý
pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang
pagtakda ng kaukulang bayad.”
Ang mga hiniram na materyales (awit, kuwento, tula, larawan, ngalan ng produkto o brand
names, tatak o trademarks atbp.) na ginamit sa aklat na ito ay sa nagtataglay ng karapatang-ari
ng mga iyon.
Pinagsikapang matunton upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng mga materyales o
mga kagamitang pampagtuturo na nasa online o sa mga aklat at iba pa. Hindi inangkin ng
mga tagapaglathala ang karapatang pagmamay-ari ng mga ito.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon – Sangay ng Cagayan de Oro


Tagapamanihala ng mga Paaralan: Dr. Cherry Mae L. Limbaco, CESO V
Mga Bumubuo ng Modyul para sa Mag-aaral
Manunulat: Geraldine Lincaro
Mga Tagasuri: Anita M. Gomez, PSDS
Maria Dulce Cuerquiz, MT
Mga Tagaguhit at Nag-layout : Mr. Ryan Roa
Ms. Mary Sieras
Mr. Allan Guibone
Mrs. Alma Sheila Alorro
Mga Tagapangasiwa
Tagapangulo: Cherry Mae L. Limbaco, PhD, CESO V
Tagapamanihala
Pangalawang Tagapangulo:

Alicia E. Anghay, PhD, CESE


Pumapangalang Tagapamanihala

Mga Miyembro: Lorebina C. Carrasco, OIC-CID Chief


Sol P. Aceron, Ph.D, EPS-Filipino
Brenda P. Galarpe,SSP- 1
Aniceta T. Batallones, MAFIL
Joel D. Potane, LRMS Manager
Lanie O. Signo, Librarian II
Gemma Pajayon, PDO II
Inilimbag sa Pilipinas ng
kagawaran ng Edukasyon – Sangay ng Cagayan de Oro City
Office Address: Fr. William F. Masterson Ave Upper Balulang Cagayan de Oro
Telefax: (08822)855-0048
E-mail Address: cagayandeoro.city@deped.gov.ph

SeniorSenior High School


High School
KOMUNIKASYON
AT PANANALIKSIK
Kuwarter 2 - Modyul 6
Mga Sitwasyong Pangwika ng Pilipinas

Ang modyul na ito ay magkatuwang na inihanda at sinuri ng mga edukador


mula sa mga pampublikong Paaralan. Hinihikayat namin ang mga guro at ibang
nasa larangan ng edukasyon na mag-email ng kanilang puna at mungkahi sa
Kagawaran ng Edukasyon sa depeddivofcdo@gmail.com

Mahalaga sa amin ang inyong mga puna at mungkahi.

Kagawaran ng Edukasyon ● Republika ng Pilipinas

TALAAN NG NILALAMAN

Para Saan ang Modyul Na Ito ..................................................................................................................i


Ano ang Inaasahan Mo...............................................................................................................................i
Paano Mo Matutunan................................................................................................................................. i
Mga Aykon ng Modyul................................................................................................................................ii

Ano ang Nalalaman Mo............................................................................................................................ iii


Aralin 1: Wikang Filipino at Mass Media
Alamin.................................................................................................................................. 1
Subikin…………………………………………………………………………….
Tuklasin: .................................................................................................... 1
Suriin: ........................................................................................................ 3
Pagyamanin :.............................................................................................. 6
Suriin: ........................................................................................................
Pagyamanin: ..............................................................................................
Isaisip: ....................................................................................................... 9
Isagawa: ....................................................................................................10

Aralin 2: Wikang Filipino, Internet, at Social Media


Balikan ……………………………………………………………………………11
Alamin: ......................................................................................................12
Tuklasin: ………………………………………………………………………….
Suriin:....................................................................................................... 17
Isaisip: .....................................................................................................
Isagawa: .................................................................................................. 18

Aralin 3: Wikang Filipino at Pag-aaral ng Kultura


Balikan……………………………………………………………………………19
Alamin…………………………………………………………………………….20
Tuklasin…………………………………………………………………………
Suriin…………………………………………………………………………… 24
Isaisip…………………………………………………………………………..
Isagawa………………………………………………………………………… 25

Lagom …………………………………………………………………………………………… 26
Tayahin (Pangwakas na Pagtataya) ………………………………………………………… 27
Susi sa Pagwawasto…………………………………………………………………………… 29
Mga Sanggunian……………………………………………………………………………….. 30
Para Saan ang Modyul Na Ito

Ang modyul na ito ay tungkol sa wikang Filipino at ang malaking kaugnayan nito sa ating
Mass Media na sa kasalukuyang panahon ay napakalaki ng ginagampanan na Gawain sa ating
pang-araw-araw na pakikisalamuha sa mga taong nasa ating paligid, sa pagkakabatid natin sa
lahat ng mga pangyayari sa ating paligid, ang pakikipag-usap natin sa mga taong may
kabuluhan sa ating buhay malayo man o malapit. Ang Mass Media ay masasabi nating naging
daan upang maiparating natin sa kinauukulan ang lahat ng ating mga mungkahi o mga hinaing,
mass media rin ang nagpaparating sa atin ng kung ano ang mga pagbabago na nangyayari sa
ating bansa, o maging sa mga taong kilala natin.
Bagamat mas maraming banyaga kaysa local na pelikula ang naipapalabas sa ating
bansa taon-taon. Ang mga local na pelikulang gumagamit ng midyum na Filipino at mga barayti
nito ay mainit ding tinatangkilik ng mga manonood.
Katulad ng telebisyon, Filipino rin ang nangungunang wika sa radio. Ang halos lahat ng
mga estasyon sa radio sa AM man o sa FM ay gumagamit ng Filipino sa iba’t-ibang barayti nito.
Ang telebisyon ay itinuturing na pinakamakapangyarihang media sa kasalukuyan dahil sa dami
ng mamamayang naaabot nito. Ang magandang balita, wikang Filipino ang nangungunang
midyum sa telebisyon ng ating bansa

Sadyang inihanda ang modyul na ito upang makatuklas ng mga bagong konsepto at
kaalaman sa paggamit ng mga kaalamang matutunan sa pakikipagtalastasan sa pamamagitan
ng mass media. Ang mga gawain ay maingat na inihanda upang lubos na malinang ang
kakayahan sa pakikinig, pagsasalita, pagbabasa, pagsusulat at panonood.
Tutulungan ka ng modyul na ito na matukoy ang kahalagahan at kabuluhan ng mga
pangwikang paraan na may kaugnayan sa mass media na maaari nating matutunghayan sa
pakikipanayam, talumpati, pelikula, pahayagan, babasahin at radio, na naglalaman ng maraming
kaalaman.
Sa araling ito, ang kahalagahan ng wikang Filipino ay binibigyang pansin upang malaman
na ang wika ay sangkap at ugnayan sa pakikipagkapwa-tao, ito’y pagkakakilanlan ng isang
bansa sa pamamagitan ng mass media. Gagabayan ka ng modyul na ito sa iyong paglalakbay at
pagtuklas sa mundo ng kaalaman ng sitwasyong pangwika at pangmass media.
Ang modyul na ito ay may tatlong aralin:

 Aralin 1 – Wikang Filipino at Mass Media

 Aralin 2 – Wikang Filipino, Internet, at Social Media

 Aralin 3 – Wikang Filipino at Pag-aaral ng Kultura

Inaasahang pagkatapos ng modyul na ito ang mga mag-aaral ay:

1. Natutukoy ang iba’t-ibang paggamit ng wika sa mga napakinggang pahayag mula sa mga
panayam at balita sa radio at telebisyon. (F11PN-IIa-88)
2. Nasusuri at naisasaalang-alang ang mga lingguwistiko at kultural na pagkakaiba-iba sa
lipunang Pilipino sa mga pelikula at dulang napanood. (F11PD-IIb-88)
3. Natutukoy ang iba’t-ibang paggamit ng wika sa nabasang pahayag mula sa blog, social
media posts at iba pa. (F11PB-IIa-96)

Paano Mo Matutunan i
Upang makamit ang mga inaasahan, gawin ang mga sumusunod:
 Basahin at unawain ng mabuti ang mga sitwasyong pangwika.
 Sundin ang mga bawat panuto na ibinibigay sa bawat gawain at pagsasanay.
 Sagutin ang lahat ng mga ibinibigay na gawain at pagsasanay.
 Isulat ang iyong sagot sa hiwalay na sagutang papel.

Mga Icon ng Modyul i

ALAMIN Inihanay ang mga layunin sa aralin. .Mahalagang


maunawaan ng mga mag-aaral kung ano ang maaasahan
nila sa aralin.
SUBUKIN Panimulang pagtataya o Gawain upang matukoy ang lawak
ng kaalaman ng mag-aaral ukol sa tatalakaying paksa.

BALIKAN Binabalikan ang mga dating kaalaman ng mga mag-aaral


tungkol sa paksa ng bawat aralin. Mahalagang matukoy ito
upang matiyak na may napadagdag pang kaalaman.
TUKLASIN Inilalahad dito ang mismong aralin sa pamamagitan ng
kwento, pagsasanay ,tula, awitin ,sitwasyon at iba pang
paraan .Ginagalugad dito ang mga ideyang magkikintal ng
mahalagang kaisipan.
SURIIN Inilalahad dito ang mga tanong na sumusubok sa
pagkaunawa ng mag-aaral sa aralin. Maaari rin itong
pagtatalakay sa paksa.
PAGYAMANIN Makapagsagawa ang mga mag-aaral ng mga gawaing
magpapatotoo ng kanilang natutunan. Magtitipon sila ng
kanilang likhang mga sulatin at Gawain batay sa natutunan
sa aralin.
ISAISIP Patutunayan ng mga mag-aaral ang karunungan at
kaalamang kanyang natutunan sa pamamagitan ng
pagsusulit ,Gawain at pagsasanay.

ISAGAWA Pagtitipon ng mga natamong kaalaman at kasanayan ng


mga mag-aaral sa gawaing replektibo upang mailalapat sa
tunay na buhay.

TAYAHIN Tatayain ang mga mag-aaral ayon sa antas ng pagkatuto


mula sa natamong kasanayan .

KARAGDAGANG Mabibigyan ng karagdagang pagsasanay upang malinang


GAWAIN ang kakayahang pampagkatuto ng mga mag-aaral .

SUSI NG Mga kasagutan sa anumang pagtataya, pagsasanay at mga


PAGWAWASTO Gawain

ii
Ano ang Nalalaman mo

Panimulang Pagtataya

May mga grupo ng salita na ginagamit ng particular na grupo sa bawat bilang sa ibaba.
Isulat sa patlang ang isinasaad o hinihingi sa bawat letra.

A.Propesyon

_____1.Debit, kredit, akawnting, balance, remitans, tseke


_____2.Operasyon, iniksyon, istetoskop, thermometer
_____3.Afidavit, kontrata, notary publiko, krimen, kaso, batas
_____4.Tsok, tsokbord, pentel pen, klas record, test, bolpen
_____5.Kuryente, sirkit, transpormer, kawad, kilowatt, ilaw, bombilya

B. Sabjek o Asignatura

_____1.Nota, ,elodeya, bokalisasyon, oktava, tiyempo, kanta


_____2.Mouse, CPU, keyboard, log in, start, software, Microsoft Word
_____3.Anyo ng Panitikan, tula, akda, makata, tauhan, banghay, dula
_____4.Atom, atmospera, buhat at di-buhay na bagay, enerhiya, tubig
_____5.Plas, multiplay, square root, numero, maynus, hatiin, ikwal

C.Tao o Gumagawa

_____1.Keyk, beyking soda, sukatang tasa, tinapay, haluang bowl


_____2.Buhok, meyk-ap, lipstick, pulbos, tina, kulot, syampu, pilik-mata
_____3.Shokla, jowa, chaka, fafa, lukring, tsugi, balaysung, shongit
_____4.De padyak, gulong, pasahero, manibela, rayos, pedal, sukli
_____5.Sa pula sa puti, lo dyes, tare, kristo, pusta, salpukan, manok

iii
Mga Sitwasyong Pangwika sa
Pilipinas
1
BAITANG: 11 Markahan: Ikalawang Markahan

Panahong Igugugol: Una-ikaapat na Linggo

Alamin

Inaasahang pagkatapos ng modyul na ito ang mga mag-aaral ay:

1. Natutukoy ang iba’t-ibang paggamit ng wika sa mga napakinggang pahayag mula sa mga
panayam at balita sa radio at telebisyon. (F11PN-IIa-88)
2. Nasusuri at naisasaalang-alang ang mga lingguwistiko at kultural na pagkakaiba-iba sa
lipunang Pilipino sa mga pelikula at dulang napanood. (F11PD-IIb-88)
3. Natutukoy ang iba’t-ibang paggamit ng wika sa nabasang pahayag mula sa blog, social
media posts at iba pa. (F11PB-IIa-96)

Tuklasin
Gawin Mo

Gawain 1.1. Mula sa mga salitang nakatala sa kahon tukuyin kung alin sa bawat bilang
inilalarawan.

Mass Media Patalastas Internet Media Thomas Carlyle

___ 1. Ang pumapangalawa sa pinakagamiting media sa Pilipinas.


___ 2. Ito ang tumutulong upang kumita at mabuhay ang media.
___ 3. Ang taong unang gumamit ng media.
___ 4. Pinakaimpluwensyal at pinakamakapangyarihang institusyon sa ating lipunan.
___ 5. Ikaapat na estado sa bansang demokratiko.

1
Gawain 1.2. Magbigay ng apat na mahahalagang gamit ng Mass Media bilang isang
mag-aaral gamit ang graphic organizer . Isulat sa kahon ang iyong sagot.

Gawain 1.3. Kilalanin kung anong katawagan sa mga nasa larawan bilang uri ng Mass Media? Sa
bawat sagot ay isulat kung paano ito ginagamit.

A. __________________ B.__________________ C.____________________

D.____________________ E._________________

Source: google.com

Suriin 2
Gawain 1.4. Basahin at intindihing Mabuti ang pahayag na naglalaman tungkol sa Mass
Media. Pagkatapos ay sagutin ang mga sumusunod na tanong.

Ang Mass Media ay kahit na anong bagay o instrumento para sa pakikipag-


ugnayan sa masa o napakaraming tao sa isang tukoy o saglit na oras.
Mass Media. Tinatawag rin na Pangmasang media o pangmadlang media. Malaki ang
impluwensiya ng Mass Media sa lipunan. Ito ay isa ring
malaking industriya at kinikilala bilang Ikaapat na
Estado (Fourth Estate) kasunod ng tatlong sangay ng
pamahalaan at umiiral sa mga bansang Demokartiko.

Dahil na rin sa makabagong teknolohiya, mas


napapadali na ang paggamit ng mass media. Kasama sa
sangay ng mass media ang pahayagan, radyo, at
telebisyon. Ito rin ang ginagawang libangan,
pinagkukunan ng balita at dahilan ng pagsikat ng ilan.

Ayon kay Marshall Mcluhan,


Hinuhubog na tayo mismo ng mass media. Kailangang-kailangan na natin
ang mass media sa ating buhay.
Mass media din ang dahilan kung bakit mas napapalawak pa
natin ang ating kaalaman sa makabagong teknolohiya. Sa tulong ng
mga balita, pahayagan, magazine at iba pang sangay ng mass
media ay mas updated na tayo sa kung ano ang mga bagong
kagamitan o gadgets.
Isa rin sa aming mga natalakay ay tungkol sa Radyo –
ang media ng masa. Radyo ang pinakamura kumpara sa mga
telebisyon o ibang media gadget. Maaari rin itong umandar gamit
lamang ang baterya. Tipikal itong ginagamit na paraan sa mga
baryo o lugar na hindi abot ng elektrisidad. Ang mga drayber
ng taxi ay madalas nakikinig dito, pati ang mga nasa pribadong sasakyan, at ang ibang
nasa tahanan, restawran, at opisina upang makinig ng balita, musika, o programang
panradyo sa AM at FM. Samakatwid, pangmadla talaga ang radyo.

1. Sa iyong nabasa, ano ang pagkakaintindi mo sa Mass Media?Bakit sinasabing


makapangyarihang institusyon ito ng ating lipunan? Ipaliwanag.
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________

2. Magbigay ng halimbawa ng Mass Media?Alin sa mga ito ang pinakatinatangkilik mo?


Ipaliwanag ang iyong panig.
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________

3. Bakit sinasabing ang radio ay “media ng masa?’Sinu-sino


3 ang karaniwang tumatangkilik nito?
___
__________________________________________________________________________________

__________________________________________________________________________________
Mga Uri ng Palabas
A.Tanghalan/Teatro
Ang bulwagan, dulaan[1] , tanghalan o teatro ay ang sangay ng ginaganap na sining na may
kinalaman sa pag-arte ng mga kuwento sa harap ng mga nakikinig na ginagamit ang magkahalong
salita, galaw, musika, sayaw, tunog at panooring kahangahanga—tunay nga na isa o higit pa na
sangkap ng ibang gumaganap na sining. Karagdagan pa sa mga pamantayang istilo ng diyalogo,
kinukuha ng teatro ang iba pang anyo tulad ng opera, ballet, mime, klasikong sayaw ng mga
Indiyan, opera ng mga Tsino at pantomine.

B.Pelikula
Ang pelikula, na kilala din bilang sine at pinilakang tabing, ay isang larangan na sinasakop ang
mga gumagalaw na larawan bilang isang anyo ng sining o bilang bahagi ng industriya ng libangan.
Dahil naging pangunahing tagapamagitan para sa pagpapakita ng mga gumagalaw na larawan ang
letratong pelikula sa kasaysayan, kadalasang tinutukoy ang larangang ito ng akademya bilang ang
pag-aaral ng pelikula.
Isang anyo ito ng sining, at tanyag na anyo ng mga libangan, at negosyo. Nililikha ang pelikula sa
pamamagitan ng pagrekord ng "totoong" tao at bagay (kabilang ang inarte na pantasya at mga peke)
sa kamera, at/o sa pamamagitan ng kartun. 5

Mga nilalaman
Wika
Ang pelikula ay mayroong sariling wika. Ayon kay Ingmar Bergman, si Andrei Tarjirjy ang kanyang
tinuturing na pinakamagaling na direktor sapagkat nagawa niyang isa-pelikula ang buhay sa paraang
makikita ito bilang isang panaginip. Ang wika ng pelikula ay mababatay sa pag-arte ng aktor na
parang nagsasalita ng personal sa tagapanood.

Distribusyon
Karaniwang pinoproseso ang mga pelikula upang maibahagi ito sa madla. Karaniwang mga
propesyonal na distributor ang gumagawa nito at maaaring ipalabas sa teatro, telebisyon, o personal
na panonood sa pamamagitan ng DVD-Video o Blu-ray Disc, video-on-demand, o pag-
download mula sa internet. Dahil sa mabilis na pag-unlad ng teknolohiya, mabilis na ring
makapanood ng mga pelikula sa ibang nagbibigay ng serbisyong ito gaya ng Netflix o maaari na ring
makakuha ng mga pelikula online sa ilegal na paraan gaya ng torrent. [2]
Montage]
Ang montage ay isang paraan kung saan hinahati ang parte ng isang pelikula at ito ay pinipili,
inaayos, binabago para makagawa ng mas magandang seksyon ng pelikula. Ang pinangyarihan ay
pwede magpakita ng isang lalaki na sasabak sa laban, na may sulyap ng kanyang kabataan at
sakanyang buhay noon. Kapag kumpleto na ang pelikula na ito, dito dinadagdagan ang mga pwede
pang animasyon para gumanda lalo ang pelikula.
Pelikulang Pamumuna
Ang pagkritik ng pelikula ay ang pagpupuha ng isang gawa batay sa mga rubriks. Ang pagkritik ay
masusuri sa dalawang kategorya, ang pagsuri ng mga akenemiko at ang pagsuri ng mga
mamahayag na kalimntang magbabasa sa mga diyaryo at iba pang matining na katinig.

4
Telebisyon
Para sa mga mahilig manuod ng telebisyon diyan heto ang ilang mga
impormasyon para sa inyo.
Ang telebisyon ay isang sistemang telekomunikasyon para sa pagpapahayag at
pagtanggap ng mga gumagalaw na mga larawan at tunog sa kalayuan. Nakakapag
pauso at nakakalikha din ng mga bagong salita at mga bagong salita na pinapauso
lamang. Naging patungkol sa lahat ng aspeto ng programa at pagpapadalang
pantelebisyon ang katagang ito.

Ito ang ilang mga pangunahing isyu ng wika sa ating telebisyon.Ang panunuod ng sa
telebisyon ay tiyak na nakakaaliw at na kakapag palipas oras dahil sa mga palabas nito
kaya maraming mamamayan lalo na sa ating bansang Pilipinas ang nanunuod ng
telebisyon dahil doon Maraming mga tao ngayon  ang hindi alam ang mga posibleng
epekto ng telebisyon. Anu nga ba ang mga posibleng epekto nito? Ang telebisyon ay
nakakapag paunlad ng ating wika ang wikang Filipino na isa sa mga pinaka laganap na
wika na ginagamit sa telebisyon. Dahil sila ay nakakagamit ng sariling wika at
gumagamit sila ng mga bagong salita gaya ng mga bagong salita na nauuso ngayon.
Kaso may problema tayo sa mga bagong salita na uuso ngayon dahil itong mga salitang
ito ay minsan hindi nagagamit ng ayos ng mga manunuod ngunit nagagamit ito bilang
kasamaan para ibang tao dahil hindi pareparehas ang pagkakaintindi ng bawat isa sa
ibang salita na nalilikha dahil bawat isa sa ating mga tao ay may kanya kanyang
pananaw sa ma bawat isang salitang nauuso.

Ang mass media sa kasalukuyang panahon ay mahalagang bahagi ng pamumuhay ng


mga tao sa isang komunidad. Sinasabing ito ay makapangyarihang sandata o “tool”
ng komunikasyon. Ito ay malaki ang papel na ginagampanan sa pagpapalaganap ng
mga impormasyon na kinakailangang maipaalam sa mga mamamayan. Ang telebisyon,
radio at internet ay mga halimbawa ng makapangyaring mass media. Ito ay “accessible”
kahit sa maliliit na pamayanan sa ating bansa
 Kapag may kalamidad, malaki ang ginagampanan ng mass media sa pagpapakalat ng
mga advisories o babala sa mga komunidad. Sa pagdating pa lang ng nagbabadyang
bagyo, halimbawa, naipapaalam na agad sa mga mamamayan ang mga dapat gawin
upang makaiwas sa sakuna. Ang pagbibigay ayuda sa mga nasalanta ay nabibigyan din
ng mass media ng tulong upang malaman ng gobyerno ang kalagayan ng mga biktima.
Maging ang paghingi ng mga donasyon ng relief o tulong sa mga pribadong
mamamayan ay dinadaan sa mass media. Dahil dito, kahit ang mga liblib na lugar sa
Pilipinas ay nagkakaroon ng pagkakataong maabutan ng mga ayuda. aa pang araw-
araw na pamumuhay, nabibigyan ng mass media ng tuwa o “entertainment” ang mga tao
sa isang komunidad. Katulad na lamang nang mga panooring pangtanghali o sa gabi
man. Ang mga balita sa ating bansa ay naipapalaganap din sa pamamagitan ng mga
telebisyon, radio at internet. Sa mass media, nalalaman ng bawa’t isa kung ano o “in” o
“trending” na nakakatulong sa mga negosyo sa mga komunidad. Ang patalastas o mga
“advertisement” tungkol sa makabagong produkto ay idinadaan din sa mass media.
Kung kaya’t ang mass media ay sinasabing “powerful tool” para sa kasalukuyang
panahon ng komersyalismo.

5
Pagyamanin

Gawain 1.5. Sa nabasa mong impormasyon tungkol sa Mga Uri ng Palabas, kumpletuhin ang
kahon sa pamamagitan ng pagbibigay ng katangiang ng bawat uri ng palabas.

TANGHALAN PELIKULA TELEBISYON


Isaisip

Media at Pambansang Wika

Ni Roland Tolentino
Media ang pangunahing daluyan ng pambansang wika, o ang popular nitong bersyon,
kolokyal na Tagalog, Filipino at Taglish. Maliban sa evangelical na palabas na nagbibigay-aral at
nanghihimok ng kumbersyon sa ingles, ang kalakhan ng free channels sa telebisyon ay
gumagamit na nitong Filipino.
Dati ay primetime telebisyon lang ang gumagamit nito. At simula ng pinakahuling balita sa gabi,
lahat ay bumabalik sa ingles, lalo na ang news magazine shows. Pero nahigop ito ng Filipino,
lumawak ang oras at palabas na tinaguriang “primetime,” at kung gayon, mas maraming oras ng
advertisement na pinagkakakitaan ng may-ari ng kompanya.

Magkabilang pisngi ng iisang mukha ang telebisyon bilang lunduyan ng pagpapalaganap ng


pambansang wika. Sa isang banda, ito na ang nakakapagpaunlad ng kontemporaryong Filipinong
kauna-unawa sa buong bansa. Ang kalakarang hindi kayang ilehislatura o isabatas hinggil sa
pambansang wika ay naisasakatuparan na ng popular na media.

At hindi nag-iisa ang telebisyon bilang pangunahing disseminator ng wika. Lahat ng AM stations
sa radyo ay gumagamit ng Filipino at mga wikang bernakular. Ang FM stations ay kinakailangan
ding gumamit ng Taglish kaysa ingles na may twang at slang dahil masyadong nae-alienate ang
tagapakinig, lalo na ang Amerikanong tagapakinig kapag ang DJs ay “pretend” (nagpapanggap na
American native speaker). 6

Ito na rin ang nagsisiwalat ng isang Filipino ingles na binibigkas. Walang American twang, tadtad
ng idiomatikong expresyong pidgin o kakatwa lang sa Pilipinas, at may rekurso sa Taglish bilang
performatibong wika ng gitnang uring tagapakinig ng FM station. Ang umuunlad na
pinapakinggang Taglish ang siyang benchmark ng isang wika aspirasyonal para sa mababang uri
na kahit man lamang ito—halong Tagalog at ingles—ay makayanang maabot, at sa mataas na uri
para makapagkomunikasyon sa sirkulo ng iniinugang mababang uri, tulad ng kanilang katulong,
driver, watch-your-car boy, nagbebenta ng sampaguita at yosi, at iba pa.

Ang umuunlad na wika ay pragmatikong wikang kolokyal. Nasasapol nito ang aspirasyonal na
layunin ukol sa komunikatibong operasyon sa bansa. Na ang abang uri ay maari ring umangat—at
the very least, maging call cente agent—kung makikinig lamang ito ng Taglish sa popular media,
mga bagay na hindi niya lubos na matutunan sa akademikong kalakaran na purong Filipino o
purong ingles lamang.

At ang mataas na uri ay maaring magkaroon ng reli (relevance) sa kinakausap na abang uri, dahil
marahil sa kauna-unahang pagkakataon, may nauunawaang popular na wikang pinaghahalawan
ang kumakausap at kinakausap. Para itong wika ng popular na pelikula, kahit mamilipit na ang
mga karakter—na ginagampan ng pinakabatikang batang artista—na magdiretsahang ingles,
nakakapanghimok pa rin ang wika ng aspirasyonal na lifestyle choice: edukasyon, career, pag-
ibig, pamilya at gitnang uring buhay.

Na kahit nga abang uri ang mga tauhan at naratibo ng mga pelikulang popular, sa pamamagitan
ng gitnang uring panuntunan, ang punto-de-bista at pagpapahalaga ay maglilikhang hindi nakikita
at natutunghayan ang materialidad ng abang uri. Tanging ang aspirasyon ng gitnang uri ang
tumitingkad. Kaya ang ordinaryong assistant sa isang advertising company na babae ay mai-
inlove sa kanyang masungit na boss, at mai-inlove gamit ang wikang Taglish.
Sa internet, sinasabing ang sites na sa Filipino at bernakular ay mas maraming trafiko at hits
kaysa sa sites sa ingles. Umaariba na ang kolokyal na pambansang wika, at ang panuntunan ng
gatekeepers ng ofisyal na wikang pambansa ay, sa pangunahin, nakasentro sa usaping
standardisasyon (baybay, panunumbas na kahulugan, gamit sa pangungusap, at iba pa).

Sa kabilang banda, sa mas pragmatikong usapin, ang pagpapalaganap ng media ng kolokyal na


pambansang wika ay hindi naman dahil sa pagmamahal ng una sa huli. Mas atas pa ng
pangangailangan ng higit na kita ng media—isa sa mga huling negosyong nilinaw ng
Konstitusyon na para sa mga Filipino lamang—ang motibasyon ng pagtangkilik ng negosyong
media sa wikang pambansa.

Narinig kong magsalita ang mga artista sa “The Buzz,” isang showbiz talk show. Si Shaina
Magdayao ay nagpapaliwanag kay Boy Abunda hinggil sa pang-aalipustang siya ang dahilan ng
pagka-setback sa career ni John Llyod Cruz. Ewan ko kung tipong inaabot ni Shaina o Gerard
Anderson—na nagpapaliwanag naman sa korte ng popular na publikong opinyon hinggil sa
paghihiwalay nila ni Kim Chu–ang manonood na kalakhan ay galing sa mababang uri, pero hindi
sila makapagsalita ng tuwid na Filipino o ingles.

Ang kanyang rekurso ay paghaluin ito, at ito ang tagumpay ng pag-inhinyero ng media
conglomorates sa artista at wika: wala nang nasa labas ng kolokyal na wika, at ang pagpaminta ng
ingles sa Filipino ay ang pagsasanib ng higit na aspirasyonal na halaga ng wikang ingles sa
Filipino. Hindi rin kakatwa na wikang ingles ang inaakalang literal na magpapayaman sa
nagsasanib nito sa wikang Filipino.

Hindi ba’t ingles ang siyang kolonyal na wika,7at kasalukuyang tampok na global na wika sa ating
insular na mundo? Kahit pa sa boom economies ng India at China at ang pangangailangan ng
maraming Filipinong marunong ng wika ng mga ito para sa engagement sa mga bagong global na
economic powers, patuloy lamang ang pinupuntirya ng mga Filipino ay ang circuitous na
pakikisalumuha via ingles?

Sa madaling salita, pambansang aspirasyon ang kolokyal na pambansang wika. Ang sentral na
impetus ay nanggagaling sa pambansang motibasyong makaalinsabay sa globalisasyon, o ang
paghahanap ng lokal na idioma sa global na kapitalismo. Hindi ito dumidiretso sa kalakarang
global, ang pagpasok sa ekonomiya ng India, China at iba pang umuunlad at mas mauunlad na
bansa.

Ang trajektori ng aspirasyon ay tungo sa katagumpayan ng globalisasyon sa pambansang


kondisyon: ang higit pang penetrasyon ng global sa lokal. Ang kultural nitong pagsasalin ay
nangangahulugan ng mobilisasyon sa pamamagitan ng overseas contract work sa labas ng bansa
at call center work sa loob ng bansa. At media ang nagpako ng kasalukuyang estado ng pangarap
ng mamamayan.

Ang kahulugan ng paglaganap ng isang kolokyal na wikang pambansa sa media ay nagsaad rin ng
nasyonal na agenda: sa pamamagitan ng kolokyal na wikang pambansa makakalahok ang bansa sa
kolokyal na globalisasyon. Nananatiling nasa laylayan ang bansa at ang wika nito tungo sa
internalisasyon ng globalisasyon. At dahil magpakaganito, tumitingkad ang materialidad ng di-
pantay na penetrasyon ng globalisasyon sa buong mundo.

Kung titignan ang diyaryo, malinaw na ang broadsheets—ang lehitimong peryodismo—ay


nakasulat sa ingles. Sa mga tabloid, na higit na tinutunghayan ng mas maraming bilang ng
ordinaryong mamamayan, ay sadlak sa sensationalismo, ang bulgar at bawal, sexual at bastos, at
iba pa. Hindi ba’t ang isinasaad nito ay ang di-opisyal at popular na motibasyon sa kaalaman-
kultural na dulot ng tabloid ay tungo sa mismong hindi aangkop sa kinikilalang ofisyal na
peryodismo sa bansa?

Kaya ito ang debacle sa wikang pambansa at media na nagpapalaganap ng kolokyal na variasyon
nito: ang pinapatingkad ay ang kabalintuan ng di makapantay at makaagapay sa ofisyal na
globalisasyon, at ang kasalukuyang tereyn ng kolokyal na wikang pambansa ay nananatiling nasa
bulgar, ipinagbabawal, sexual at bastos. (Bulatlat.com)

Pagyamanin

Gawain 1.6. Sagutin ang sumusunod na katanungan.

1. Ano ang naging bahagi, ambag at impluwensya ng wikang Filipino sa radyo at


telebisyon?

2.Sa iyong palagay, ano ang dahilan kung bakit lumawak ang sakop ng Filipino sa
Primetime na palabas?
8

3.Paano nagkakaroon ng interaksyon sa pagitan ng Ingles at Filipino sa bahagi


ng mga popular na pelikula at maski sa FM na estasyon ng radio?

4.Batay sa paliwanag sa artikulo, ang wikang Filipino ba ay masasabing wika


Ng mass media sa Pilipinas? Patunayan ang iyong sagot.

Isaisip
Panuto: Sumulat ng sariling pahayag tungkol sa “ Pagpapahalaga Ko sa Mass Media
Kaugnayan sa Wikang Filipino”

_________________________________________________
Isagawa
9

Panuto: Gumupit ng mga halimbawa ng bahagi ng pahayagan at idikit sa papel.

BAHAGI NG PAHAYAGAN
Wikang Filipino,
10
Internet, at
Aralin Social Media
2
Balikan

Gawain 2.1. IPABATID SA BAWAT LETRA


Sa panahon ngayon na hindi matatawaran ang pagkakahumaling ng mga
mamamayan sa mass media sa tulong ng mga gadget na hindi mo mawari kung saan ginagamit
at kung papaanong gagamitin. Bagamat masasabi natin na sobra ang halina ng Internet sa ating
sarili. Kung tutuusin halos kalahating oras o mahigit ang naigugugol natin sa internet kung tayo
ay gising.

E
_
R

N
Alamin 11

Gawain 2.2. Sagutin ang sumusunod na tanong. Isulat sa sagutang papel kung Oo o Hindi ang
sagot kaugnay ng bawat tanong.

Mga Tanong

1. Alam ko ba ang naibibigay na mabuti at masamang naidudulot ng Internet sa aking


sarili?
2. Kailangan ko bang magkaroon ng iskedyul sa paggamit ng internet?
3. Bakit at kailan ako gagamit ng internet?
4. Sa aking pag-aaral gaano ba kahalaga ang internet?
5. Ano-anong mga serbisyong pang-internet ang aking ginagamit?

Tuklasin

Tunghayan ang kaalaman ng Internet at Social Media.

ANO ANG INTERNET AT SOCIAL MEDIA?


Kasabay ng modernisasyon ay ang pagusbong ng teknolohiya sa mundo ngayon. Marami nang
mga naimbentong teknolohiya simula pa noong mga nakalipas na siglo,
isa na dito ang internet.
Ano nga ba ang internet? 
Ang internet ay isang sistema na ginagamit nang buong mundo upang
mapagk
onekta ang mga kompyuter o grupo ng mga kompyuter na dumadaan sa
iba’t-ibang klase ng telekomunikasyon katulad ng linya o kable ng telepono,
satellites, at ibang kom
unikasyon na hindi gumagamit ng kable(wireless) na kung saan ang mga
iba’t-ibang impormasyon ay mapaparating at mababasa ng publiko.
Sa panahon ngayon ay hindi na lamang mga kompyuter ang makakakonekta sa internet ngunit lahat na ng
mga bagong gamit katulad ng mga tablet computer, mga cellphone, at marami pang iba.
Kakambal na ng salitang internet ang social media na kung saan ito ang lagi na
ginagamit ng mga estudyante ngayon sa maraming bagay.  Hindi kapani-kapaniwala
ang bilis ng paglaganap ng impluwensya ng social media sa buhay ng mga Pilipino.
Pinagtitibay lang nito ang isang aspeto ng kultura natin, ang pagpapa-halaga natin sa
pakikipag-ugnayan.

Pinatunayan na natin ito dati pa sa mga naging popular na paraan ng komunikasyon


gaya ng pagte-text, pagbisita sa mga yahoo chat rooms, pakikipag-talastasan sa
mga online forums at sa pagtambay sa friendster.

Ano nga ba ang social media?

Ang Social Media ay tumutukoy sa sistema ng


pakikipag-ugnayan sa mga tao na kung saan sila ay
12
lumilikha, nagbabahagi at nakikipagpalitan ng
impormasyon at mga ideya sa isang virtual na
komunidad at mga network. Bukod dito, ang social
media ay may interactive platform na kung saan ang
isang indibidwal at mga komunidad ay maaaring
magbahagi, lumikha, tumalakay at baguhin ang
nilalamang binuo ng gumagamit. Ito ang nagbibigay
daan sa isang matibay at malaganap na pagbabago sa
komunikasyon sa pagitan ng mga organisasyon, mga
komunidad at mga indibidwal.

Mahalagang isaalang-alang na marami sa mga gumagamit


ng internet ang patuloy na gumugugol ng oras para
bisitahin ang maraming mga site ng social media kaysa sa
anumang iba pang uri ng site. Sa panahon ngayon, hindi
na bago sa atin ang katotohanang malaki ang naiaambag ng social media sa ikauunlad ng
anumang aspeto ng buhay ng isang tao.

Narito naman nag populasyon ng gumagamit ng Internet sa buong mundo batay sa


Estadistika:
May mga nagtanong ano ba raw ang blog? Ano daw ba ang pinagsasabi ko sa kanila?

Ano daw ba ang gagawin nila? Pano ba daw ito?

Kasi naman nag-imbita ako sa mga kaibigan kong maging


"may akda" sa tinagalog ko blog na ito, at siyempre na
surpresa sila at di alam ang gagawin o sasabihing sagot sa
akin! At siyempre may ilan ding sumagot ng "OO" payag
silang tumulong at mag-ambag sa blog na ito...

13
Sige para sa lahat ng nagtanong, sana makatulong ang sagot sa ibaba, sa tanong na,..
"Ano ang Blog" (na nagmula sa wikipedia).

Ito:

Blog : pinaghalong termino ng "web" at "log".

Ang blog ay iba pang katawagan o pinaiksing salita para sa weblog (literal na "talaan sa
web"). Isa itong websayt o sityo sa web na parang isang talaarawan. Karamihan sa mga
tao ang makagagawa ng isang blog at, pagkatapos nito, sumulat kasunod ng blog na
iyon. Tinatawag na mga blogero (mula sa Ingles na blogger o literal na "taga-blog") ang
mga taong sumusulat sa mga blog. Kalimitang isinusulat ng mga blogero sa mga blog
ang kanilang mga opinyon at mga naiisip.

Karamihan sa mga blog ay naglalaman ng mga komentaryo o balita ukol sa ilang mga
paksa; ang ilan naman ay ginagamit ito para gawing online diary (talaarawang nasa
internet). Isang mahalagang bahagi ng mga blog ay ang pagiging interaktibo, iyon ay
ang kakayahang mag-iwan ng mga komentaryo mula sa mga taong nagbasa ng isang
partikular na blog.Karamihan sa mga blog ay binubuo lamang ng purong salita (o
textual), pero mayroon ding nakapunto ang nilalaman sa mga obra (art blog), larawan
(photoblog), mga bidyo (video blogging), musika (MP3 blogging), at mga tunog
(podcasting). Microblogging naman ang tawag sa blog na sobrang ikli.

Ang salitang weblog ay unang narinig mula kay Jorn Barger noong Disyembre 17, 1997.
Habang ang pinaikling anyo nito - blog ay mula sa isang biro ni Peter Merholz noong
Mayo 1999. Magmula noon, nagsilbing isa sa mga pinakaimportanteng bahagi ng
journalism ang blogging.
Ang sumusunod ay ilan sa napakaraming uri ng blog. Dumami nang tuluyan ang mga uri
ng blog dahil sa Kalayaan ng mga blogger na mamili at gumawa ng sarili nilang tema
para sa kanilang mga blog.
1.Fashion Blog- Ito ang isa sa pinakasikat na uri ng blog. Ang mga blog na may ganitong
tema ay naglalaman ng mga damit o kung ano man ang bago sa mundo ng fashion o
pananamit. Kabilang ang mga blogger na sina Laureen Uy, Kryz Uy at Liz Uy sa mga
nagpapatakbo ng ganitong blog.
2.Personal Blog-Marami sa mga blogger ang gusto lamang magbahagi ng kanilang
buhay. Maaaring gusto lamang nilang matuto ang mga tao sa kanila o magbahagi lang
ng mga bagay na tumatakbo sa kanilang isipan. Halos walang tema ang mga blog na ito
– kahit ano ay pwede.
3.News Blog- Ang nais lamang ng mga blog na may ganitong tema ay magbahagi ng
mga bagong balita sa mga mambabasa. Isa sa mga mapagkakatiwalaang blogger mula
sa ganitong uri ay ang Time na kilala dahil sa kanilang magasin. Maari na ring isama rito
ang mga blog na nagbabahagi ng balita ukol sa kalusugan, isports at teknolohiya.
4.Humor Blog-Naglalayon ang mga blog na ito na makapagpatawa o makapagpaaliw ng
mga mambabasa. Maganda anfg may ganitong uri ng blog upag mas lumabas ang
galing ng bloggerna makuha ang kiliti at emosyon ng mga mambabasa. Pinakasikat na
marahil si Professional Hecker sa mga humor blogger ditto sa Pilipias. Ngunit hindi
lamang sila nagpapatawa, gusto rin nllang maimulat tayo sa katotohanan gamit ang
kanilang alam na paraan.
5.Photo Blog- Ang blog na ito ay naglalaman ng mga litrato hanggang sa mga
typographies. Naging malaking parte na ng 14buhay ng kabataan ang mga photo blog, Isa
na ,arahil sa pinakasikat na pinagkukunan at pinagmumulan ng nasabing blog ang
Tumblr. Hndi man katulad ng ibang mga blog site, maganda pa rin ang Tumblr dahil
bukod sa napakarami ng mga gumagamit ay nakikita ang talent ng mga makabagong
kabataan sa paggawa ng iba’t-ibang litrato na karaniwan ay naglalaman ng mga
mesahe.
6.Food Blog- Ang pangunahin at maaaring natatanging layunin ng blog na ito ay
magbahagi ng mga resipi at mga paraan sa pagluluto ng masasarap at kakaibang mga
pagkain.
7.Vlog-Ito ay kilala rin bilang video blog sapagkat naglalaman ito ng mga video mula sa
blogger. Ang mga video ay maaaring kuha ng mga paglalakbay, eksperimento, o kung
anumang personal na Gawain.
8.Educational Blog- Nakatutulong ang mga ganitong blog upang malinawan ang mga
mag-aaral sa mga aralin na hindi nila maintindihan sa paaralan. Napakarami ng mga
blogger na ay mabubuting mga puso upang ipaliwanag nang malinaw ang mga
aralin.Kabilang na rito ang blog site na AccountingCoach.com
9.Micro Blog- Ito ay maliliit na mga paksa o content ukol sa makabagong bagay tulad ng
bagong paksa, larawan at video. Mga mahahalagang pangyayari tulad ng mga concert
at mga palabas halibawa ng microblog ay twitter, Facebook at iba pa.
10.Aggregated Blog-Ito ay uri ng blog na ang mambabasa ay nakatuon o ang focus ay
pagbabasa pamang pero hindi masyadong nakuha ang mahahalagang content o paksa.
11.Reverse Blog- Isang uri ng blog na lahat ay puwedeng magsulat o mag-contribute
ukol sa isang paksa halimbawa sa web forum.

PAGGAMIT NG SOCIAL MEDIA BILANG KASANGKAPAN


SA PAGKATUTO
Sa panahon ngayon, pinadadali ang buhay ng mga tao sa buong mundo ng dahil sa teknolohiya.
Sa pamamagitan ng nasabing
teknolohiyang ito’y nagkakaroon ng
malawak na oportunidad ang mga mag-aaral
para sa pagkatuto lalo na’t ang mga
kabataan ngayon ay may malawak na access
sa social media.

Ang social networking ay isang


istrakturang sosyal na gawa sa mga nodes
o sa mas madaling salita, mga indibidwal na konektado ng isa o maraming tema tulad ng
kaugalian, ideya, pagkakaibigan, hilig, at sexual na relasyon. Dianne P. Pimentel (2009). Parte na
ng ating lipunan ngayon ang social media. Ang mga estudyante ay palaging gumagamit ng
naturang mga social networking sites, katulad nalamang ng instagram, twitter, at facebook. At
ikaw, na nagbabasa ng naturang blog na ito, ay gumagamit ng social media.
Ang iba’t-ibang social networking sites katulad nalamang ng edmodo, facebook, youtube, google,
yahoo, instagram at iba pang mga social networking sites ay maaaring tumulong sa mga mag-
aaral upang mapadali ang kanilang pag-aaral. Kapag, nagamit ng maayos ay maaaring maging
tulong sa mga mag-aaral sa halip na maging distraction.

15 sites katulad nalamang ng Edmodo, dito


May mga nagsilabasang educational
maaaring magpost ng updates, magpost ng mga takdang aralin, at magpost ng mga
pagsusulit na maaaring gawin ng mga mag-aaral.

Ang facebook ay kilala bilang lugar kung saan, maaaring mag post ng mga status
updates, mga announcements, mga larawan at mga video. Upang magamit ito sa
pag-aaral, maaaring gumawa ng grupo dito para magpost ng mga takdang-aralin,
mag-paalala sa mga estudyante tungkol sa mga importanteng mga deadline at
mag- anunsyo. Dito rin, maaaring makapag-usap ang mga estudyante, maaari ring
makipag-usap ang isang guro sa kanilang estudyante , maaari ring mag-usap ang
mga estudyante at kanilang mga kapangkat ukol sa kanilang mga pangkatang gawain. Sa
medaling salita, pinapahaba ng site na ito ang talakayan sa labas ng silid-aralan.

Katulad ng facebook, ang youtube rin ay nagdadala ng pagkatuto sa labas ng


silid-aralan. Dito, maaaring manood ng mga lektiyur at iba pang mga video
na may kaugnayan sa kasalukuyang paksa ng mga mag-aaral.

Sa instagram, dito maaaring magpakita ng kani-kaniyang talent ang bawat


mag-aaral sa pamamagitan ng pagkuha ng litrato ng
kanilang mga artwork at maaari ring ipost ng mga mag-
aaral ang kanilang mga ginagawa sa kanilang paaralan. Isang halimbawa
nito ay, kung mayroong ipinakitang larawan ang kanilang guro, dito pu-
pwede nilang ipost ang larawang iyon at dito rin magsusulat ng kanilang
pagninilay tungkol sa larawang iyon. Dito rin, maaaring makakita ang mga
guro ng mga interesanteng mga detayle tungkol sa kaniyang estudyante.
Maraming magagandang dulot ang internet sa mga mag-aaral ngunit may kaakibat rin itong mga
disadbentahe. Isa sa mga halimbawa nito ay maaari nitong turuan ang mga mag-aaral na maging
tamad dahil sa isang pindot lamang ay makakakuha na kaagad ng mga impormasyon. Subalit
nasa- sa kamay pa din ng mga mag-aaral kung papaano nila gagamitin ang internet at ang social
media.

Bilang konklusyon, yamang gumagamit na ng social media ang mga estudyante malayo sa
eskuwelahan, ang paggamit nito bilang kasangkapan sa pagkatuto’y malaki ang maitutulong sa
pag-aaral nila.

Suriin

Gawain 2.3. PAGLINANG NG SALITA. Ilarawan ang mga sumusunod na uri ng blog.

16
5
6
7
8
9

Source:Google Chrome

17
Isagawa

Gawain 2.6 . Batay sa iyong mga nabasa tungkol sa Internet at Social Media, sagutin ang
mga sumusunod na katanungan.

1.Sang-ayon ka bang lumaganap na ang paggamit ng Internet sa buong mundo? Bigyang


katuwiran ang sagot.
_________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
__

2.Malaki ba ang naitutulong ng Internet at mga social networking site sa pagpapaunlad ng


edukasyon sa kasalukuyan? Sa paanong paraan?
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
______

3.Ano ang Blog? Ano-ano ang mga uri nito?


_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
______

4.Paano nakatutulong ang Facebook sa pagkatuto at pag-aaral ng kabataang Pilipino?


____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_______

5.Ano ang panganib na maaaring maidulot sa paggamit ng mga social networking site?
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
______

Wikang Filipino
18 at Pag-aaral
Aralin ng Kultura
3
Inaasahang pagkatapos ng modyul na ito ang mga mag-aaral ay:

1. Natutukoy ang iba’t-ibang register at barayti ng wika na ginagamit sa iba’t-ibang


sitwasyon (Haalimbawa: Medisina, Abogasya, Media, Social Media, Enhinyera,
Negosyo at iba pa) sa pamamagitan ng pagtatala ng mga terminong ginamit sa mga
larangang ito. (F11WG-IIc-87)
2. Natutukoy ang mga angkop na salita, pangungusap ayon sa konteksto ng
napakinggan sa mga balita, sa radio at telebisyon. (F11PN-IId-89)

Balikan

Gawain 3.1. Paano natin pag-aaralan ang kultura?


Sa talaan ay magtala ng mga iba’t-ibang yamang bayan at tukuyin ang
pinagmulan nitong lugar:

Panitikan

ALAMAT Pinagmulang Pangkat/ Rehiyon

EPIKO Pinagmulang Pangkat/ Rehiyon

PABULA Pinagmulang Pangkat/ Rehiyon

Alamin 19

Gawain 3.2. Sagutin ang sumusunod na tanong.


Mga Tanong

6. Anu-ano ang iba’t-ibang uri ng umpukan ng mga tao?

7. Saan ito nagaganap?

8. Sino-sino ang kasali sa usapan?

9. Ano-ano ang karaniwang pinag-uusapan sa umpukan ng mga tao?

Tuklasin

Tunghayan ang kaalaman tungkol sa Wika at Kultura

Ang ugnayan ng wika at kultura ay ang mga sumusunod:


Ang kultura ay hindi maipapasa o maipapahayag sa ilang henerasyon kung wala ang
wika.
Ang isang kultura ay hindi mabibigyan ng anyo sa diwa at saloobin kung wala ang wika.
Ang nag-uugnay sa mga tao sa isang kultura ay ang wika dahil dito ang kultura ay madaling
naiintindihan maging sa mga taong hindi napaloob sa tinutukoy na kultura.  Ang Kultura at
Ang Wika. Ang kultura ay ang pangkabuuang pananaw ng mga tao sa lipunan, mundo, at
kapaligiran.  

Ang mga pananaw ng mga tao ay hango sa mga:


Paniniwala, Tradisyon, Uri ng pamumuhay, Mga bagay na nagbibigkis ng pagkakaisa na
nagpapalaganap sa pangkalahatang diwa, pananaw, kaugalian, at adhikain
Ang wika ay: simbolong salita ng mga kaisipan, saloobin, o damdamin behikulo o paraan ng
pagpapahayag ng ideya, pananaw, opinion, o lohika instrumento sa pagtatago at
pagsisiwalat ng katotohanan . Kahalagahan ng wika at kultura. Nagkakaroon ang mga tao ng
pagkakaisa at pagkakaintindihan. Bawat bansa ay may sariling pagkakakilanlan.

20
21
KAALAMAN NG BAYAN BILANG KULTURA NG PAMAYANAN
Ang kaalamang bayan ay umiiral nakuwento, panitikan, paniniwal, ritwal, gawi at
tradisyon ng mga mamamayan sa isang oamayanan I kalinangan na nagpasalin salin sa iba’t-
ibang lahi at pook dahil sa ito’y bukambibig ng taumbayan.

Iba’t-Ibang Uri ng Kaalamang Bayan

A. AWITING BAYAN

Mga Uri ng Awiting Bayan:

1.Ang KUNDIMAN ay awiting may tema ng pag-ibig na malungkot at mabagal. Mula noong
panahon ng Espanyol hanggang ngayon ay kadalasang ginagamit ito para maipadama ang
pagmamahal sa iniibig o pagmamahal para sa bayan o bansa.

2.Ang KUMINTANG ay dating sayaw ng digmaan na ngayon ay naging awit ng pag-ibig.

22
3.Ang DALIT o IMNO ay awit ng papuri, luwalhati, kaligayahan, o pasasalamat. Karaniwan
itong inaawit bilang papuri sa Diyos sapagkat nagpapakita at nagpaparating ito ng
pagpapasalamat.

4.Ang OYAYE o HELE ay awitin para sa pagpapatulog ng bata at karniwang naglalaman ng


mga bilin.

5.Ang TALINDAW ay awit sa pamamangka.

6.Ang DIONA, tulad ng Kundiman, ay awit ng pag-ibig ngunit madalas itong ginagamit sa
kasalan.

7.Ang DUNGAW o DUNG-AW ay makalumang tula at tradisyon ng mga Ilokano na inaawit


bilang panaghoy ng isang taong namatayan.

B. Ang ALAMAT ay isang uri ng panitikan na nagsasalaysay sa pinagmulan ng isang


bagay, tao o pook. Ang alamat ay legend sa wikang Ingles na mula naman sa Latin
na legendus na ang ibig sabihin ay "upang mabasa"
C. Ang PABULAy isang uri ng kathang-isip na panitikan kung saan ang mga hayop o kaya mga
bagay na walang-buhay ang gumaganap na mga tauhan, katulad ng leon at daga, pagong at
matsing, lobo at kambing, at kuneho at leon. May natatanging kaisipang mahahango mula sa
mga pabula, sapagkat nagbibigay ng mga moral na aral para sa mga batang mambabasa.
Tinatawag din itong kathang kuwentong nagbibigay-aral.

D. Ang EPIKO ay tulang pasalaysay na nagsasaad ng kabayanihan ng pangunahing


tauhan na nagtataglay ng katangiang nakahihigit sa karaniwang tao na kadalasan
siya’y buhat sa lipi ng mga diyos o diyosa.Ang paksa ng mga epiko ay mga
kabayanihan ng pangunahing tauhan sa kanyang paglalakbay at pakikidigma.Ang
salitang epiko ay galing sa Griyego na epos na nangangahulugang ‘awit’ ngunit
ngayon ito’y tumutukoy sa pasalaysay na kabayanihan.

E. Kuwentong Kababalaghan - isang uri ng kuwento na tungkol sa mga


kaganapang hindi maipaliwanag nang maayos o mahirap intindihin dahil kakaiba,
hindi kapanipaniwala at ukol sa hindi normal na pangyayari.

F. Ang PISTA (mula sa Espanyol na fiesta) ay isang malaking pagdiriwang bilang


paggunita sa isang mahalagang araw, karaniwang sa kaarawan ng patron ng baryo
o bayan. Bahagi ng pagdiriwang ang prusisyon, parada, paligsahan at palaro,
sayawan, kainan, programang kantahan, palabas na dula, at pagnonobena sa
ngalan ng patron na ipinagdiriwang.Ayon sa kasaysayan, ang pistá ay bahagi ng
sinaunang pasalámat para sa pangangalaga ng mga diwata at espiritu ng mga
ninuno. Isinalin ito ng mga Espanyol sa pagdiriwang ng mga santo”t santang patron
ng Simbahan. Tradisyonal na gawaing pampista noon ang misa, nobena, prusisyon,
at handaan. Nadagdag na kasayahan ang mga parada, palaro, at palabas. Nagiging
magarbo ito kapag todo ang paghahanda sa mga tahanan, paligsahan sa maarteng
parada, paramihan ng bánda ng musiko, at patalbugan sa magastos na programa’t
palabas. Tinangka itong ipagbawal dahil magastos para sa isang bansang
naghihikahos, ngunit hindi nasawata.

23
Naging kasangkapan ang pistá sa patuloy na pag-iingat ng tradisyonal na dulang
komédya, tradisyonal na pagkain, laro, at sining, at ibang kaugaliang Filipino.
Nagiging pang-akit naman ngayon sa mga turista ang iniimbentong mga sayáw
panlansángan (street dancing), na nilalahukan ng mga barangay at institusyon sa
bayan at isinasáma sa parada. (IPC) (ed VSA)
Source:Google Chrome

Suriin

Gawain 3.3. PAGLINANG NG SALITA. Sa mga sumusunod na Kaalamang Bayan,


magbigay ng isang salita na natatangi para sa mga katawagan.

Uri ng Kaalamang Bayan Natatanging Paglalarawan

1.Pabula

2.Epiko

3.Alamat

4.Pista

5.Kuwentong Katatakutan

Isaisip
Ano ang Araling Pilipino?

Ano nga bang disiplina ang saklaw ng Araling Pilipino? Paano ito
pinag-aralan?

Sa simula’t-simula kung tutuusin, produkto ng akademiya (ng kolonyal


na akademya) ang pagsilang o pag-usbong ng Araling Pilipino sa kamalayan ng mga
mag-aaral at guro, mga mag-aaral o iskolar sa mga pamantasan sa loob at labas ng
bansa. Masasabi nating pribilehadong kamalayan ito ng mga akademikong may
adhikaing maglunsad ng proyektong nakatuon sa pagtuklas ng ating kaakuhan at
pagkabansa. Pribilehado dahil mga aral sila sa kolehiyo o Pamantasan sa bansa at
maging sa ibang bansa. Nakasentro sa kamalayan dahil maituturing nating
replektibo’t kritikal napag-usisa ito ng “iilang Pilipino” na may akses sa mataas na
antas ng edukasyon at mga pilosopiya/ideolohiya/pananaw-mundong mapupulot sa
ibang bansa/kalinangan/lipunan. Kung kaya’t marapat na tawaging sa unang bugso
ng ebolusyon ng Araling Pilipino ang

24
ganito: Araling Pilipino ng mga Aral na Pilipino. Samakatwid, pinoproblema lamang
ito ng mga aral at iskolar at sa malaking bahagi nito, hiwalay ang diskursong ito sa
hinaing at kalagayan ng maraming Pilipino. At hangga’t ganito ang tabas at tinatahak
ng Araling Pilipino, walang pinagkaiba ito sa makitid, makipot, mapaniil at manipis na
pagturing/aproksimasyon ng kolonyal/malakolonyal na diskursong “bulto-bultong”
inangkat sa labas/Kanluran hinggil sa kalagayan ng nakararaming Pilipino sa bansa.
Sa kasalukuyan, ang pag-aaral sa ating lipunan at kultura ang
pinagkakaabalahan ng mga eksperto sa Araling Pilipino. Sa ganitong tahakin,
nabubuo ang isang talastasang pangkalinnangan o diskursong makabuluhan sa
ating sarili, sa ating pagbubuo ng bansa, sa kaularan natin at mga haharaping
pagbabago’t pagkilos sa hinaharap.

Gawain 3.5. Ibigay ang iyong masinsinang pagpapahayag ng kasagutan ukol sa


“Kalagahan ng Araling Pilipino bilang isang mamamayang nasa bansang Pilipinas.

_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
___________________________________________________________________

Isagawa

Gawain 3.6. Batay sa iyong mga nabasang kaalaman tungkol sa Wikang Filipino at Pag-
aaral ng Kultura, sagutin ang sumusunod na nga katanungan.

1.Ano ang ugnayan ng wika at kultura?


___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

2.Bakit posibleng hindi pareho ang paggamit at pagpapakahulugan sa wika sa magkakaibang


lugar?
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
Lagom
Sa panahon ngayon laganap na ang 25 paggamit ng social media, lalo na sa
mga kabataan ng naging bahagi na nga kanilang buhay ang Social Media, naging
bahagi dahil dito sila lumalapit at nakakakuha ng mga mahahalagang kaalaman na
makakatulong sa kanilang pag-aaral o di kaya ay may kaugnayan sa pang-araw-
araw nilang nilalayon na maisagawa. Kahit sa mga simpleng mga mamamayan ay
bahagi ng kanilang buhay ang social media, dito sila nakakapanood ng mga bagong
kaalaman na nagbibigay ng interes sa kanilang sarili, kahit na sa mga taong
nagtatrabaho napakalaki ng tulong ng social media, lalo na ang internet, napapadali
ang gawain o trabaho upang matapos kaagada gamit ang napakaraming
kaparaanan sa loob ng google, youtube, twitter, messenger.
Sa loob ng modyul ay nabigyang pansin ang tungkol sa Mass Media - Ang Mass
Media ay kahit na anong bagay o instrumento para sa pakikipag-ugnayan sa masa o
napakaraming tao sa isang tukoy o saglit na oras. Internet - Ang Internet ay ang
mga magkakabit na mga computer network na maaaring gamitin ng mga tao sa
buong mundo. Naipapadala ang mga datos sa pamamagitan ng packet switching na
gamit ang inayunang pamantayan na Internet Protocol (IP). Binubuo ito ng milyon-
milyong pampribado, pampubliko, pampaaralan at pampamahalaan ng mga network
na may lokal hanggang malawakang saklaw at pinagkakaugnay sa pamamagitan ng
mga kawad na tanso, kawad na fiber-optic, wireless na koneksiyon at iba pang
teknolohiya. Dinadala nito ang mga iba't ibang impormasyon at serbisyo, katulad
ng electronic mail, online chat, at magkakaugnay na mga pahina ng web ng World
Wide Web. Social media - Ang Social Media ay tumutukoy sa sistema ng pakikipag-
ugnayan sa mga tao na kung saan sila ay lumilikha, nagbabahagi at nakikipagpalitan
ng impormasyon at mga ideya sa isang virtual na komunidad at mga network. Ito rin
ay itinuturing na isang pangkat ng mga Internet-based na mga aplikasyon na
bumubuo ng ideyolohikal at teknolohikal na pundasyon ng Web 2.0 na nagbibigay-
daan sa paglikha at pakikipagpalitan ng nilalaman na binuo ng gumagamit. Bukod
dito, ang social media ay may interactive platform na kung saan ang isang indibidwal
at mga komunidad ay maaaring magbahagi, lumikha, tumalakay at baguhin ang
nilalamang binuo ng gumagamit. Ito ang nagbibigay daan sa isang matibay at
malaganap na pagbabago sa komunikasyon sa pagitan ng mga organisasyon, mga
komunidad at mga indibidwal. Kultura - Ang kultura ng isang bansa ay binubuo ng
kanyang mga katutubo at katangi-tanging kaugalian, paniniwala at mga batas. Sa
kultura nakikilala ang isang bansa at ang kanyang mga mamamayan. Ang kultura ay
mabisang kasangkapan sa pambansang pagkakaisa dahil dito naipapahayag ang
tunay na diwa ng pakikipagkapwa. Ang ating mabubuting gawi, kaugalian at
kinamihasang Pilipino ay nailalarawan ng ating mga kaalamang-bayan gaya ng mga
alamat, kwentong-bayan, pabula at epiko. Kahit na ang mga ito ay makaluma, maari
itong pagbatayan ng mga kabutihang asal na dapat ipamana sa mga sumsunod na
henerasyon. Kung kaya’t nararapat nating pananatilihing buhay ang ating mga
kultura sapagkat dito nasasalig ang ating pagkakakinlanlan, kaisahan, kamalayan at
kinabukasan.

Sipi sa aklat na “SIDHAYA 11 Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang


Pilipino, Google chrome
Tayahin 26

Pangwakas na Pagtataya

______ 1. Ito ay dating sayaw ng digmaan na ngayon ay naging awit ng pag-ibig.


a.Tambol b. Kumintang c.Gulantang d.Karatula

______ 2. Ito ay awit sa pamamangka


a.Kakaraw b. Balintataw c. Anahaw d. Talindaw

______ 3. Ito ay makalumang tula at tradisyon ng mga Ilokano na inaawit bilang panaghoy
ng isang taong namatayan.

a. Bangaw b. Aliwan. c. Dungaw d. Larawan

4. ay tulang pasalaysay na nagsasaad ng kabayanihan ng pangunahing tauhan na


nagtataglay ng katangiang nakahihigit sa karaniwang tao na kadalasan siya’y buhat
sa lipi ng mga diyos o diyosa.Ang paksa ng mga epiko ay mga kabayanihan ng
pangunahing tauhan sa kanyang paglalakbay at pakikidigma.Ang salitang epiko ay
galing sa Griyego na epos na nangangahulugang ‘awit’ ngunit ngayon ito’y
tumutukoy sa pasalaysay na kabayanihan.

a. Epiko b. Parabula c. Pabula d.Alamat

5. ay awiting may tema ng pag-ibig na malungkot at mabagal. Mula noong panahon ng


Espanyol hanggang ngayon ay kadalasang ginagamit ito para maipadama ang pagmamahal sa
iniibig o pagmamahal para sa bayan o bansa.

a. Kundiman b. Alintana c. Kayamanan d. Harana

6. ay isang uri ng panitikan na nagsasalaysay sa pinagmulan ng isang bagay, tao o


pook. Ang alamat ay legend sa wikang Ingles na mula naman sa Latin na legendus na
ang ibig sabihin ay "upang mabasa"

a. Awiting Bayan b. Alamat c. Kuwentong Kababalaghan d.Epiko

7. Ang pangunahin at maaaring natatanging layunin ng blog na ito ay magbahagi ng


mga resipi at mga paraan sa pagluluto ng masasarap at kakaibang mga pagkain.

a. Photo blog b. Fashion blog c. Food blog d. News blog

8. Nakatutulong ang mga ganitong blog upang malinawan ang mga mag-aaral sa
mga aralin na hindi nila maintindihan sa paaralan. Napakarami ng mga blogger na
ay mabubuting mga puso upang ipaliwanag nang malinaw ang mga aralin.Kabilang
na rito ang blog site na AccountingCoach.com

a. News blog b. Humor blog c. Photo blog d. Educational blog

9. Ito ay kilala din bilang sine at pinilakang tabing, ay isang larangan na sinasakop ang mga
gumagalaw na larawan bilang isang anyo ng sining o bilang bahagi ng industriya ng libangan.
Dahil naging pangunahing tagapamagitan para sa pagpapakita ng mga gumagalaw
na larawan ang letratong pelikula sa kasaysayan, kadalasang tinutukoy ang larangang ito ng
akademya bilang ang pag-aaral ng pelikula.
a. Tanghalan b. Pelikula c. Kantata d. Sayawit

10. Ang patalastas ay pagpapakilala, pagbebenta o tuwirang pag-aalok ng mga


produkto, paglilingkod (services), tao, lathalain, pelikula  at maging sa
pampolitikong usapin. Naririnig, nababasa at nakikita natin

Ang tawag sa wikang opisyal na wikang ginagamit sa pormal na edukasyon.


a. Pagwawakas b.Palakasan c. Patalastas d. Balagtasan
Susi sa Pagwawasto 28
Panimulang Pagtataya
ARALIN 1
A.
1. Accountant
2. Surgeon/Doctor
3. Mananangol/Attorney
4. Guro/Teacher
5. Electrician
B. 1.Music
2.Computer
3.Filipino
4.Science
5.Mathematics
C.1.Baker
2.Beautician
3.Bakla
4.Pasahero
5. Sabungero
29.Gawain 1.1
Internet
Patalastas
Thomas Carlyle
4.Media
5. Mass Media
Gawain 1.2
Sagot: Nasa guro ang pagpapasiya kung tama
Gawain 1.3
A.Mass Media
B.Magasin/Newspaper
C.Internet
D. Radio
E. Television
Gawain 1.4 Nasa guro ang pagpapasiya kung tama
Gawain 1.5 Nasa guro ang pagpapasiya kung tama
Gawain 1.6 Nasa guro ang pagpapasiya kung tama
ARALIN 2Gawain 2.1
Nasa guro ang pagpapasiya kung tama
Gawain 2.2

Nasa guro ang pagpapasiya kung tama


Gawain 2.3

Nasa guro ang pagpapasiya kung tama


Gawain 2.5
1.Facebook
2.Instagram
3.Twitter
4.Yahoo
5.Youtube
6.Tumblr
7.Google Drive
8.Google Chrome
9.Messenger
10.Google
30
Gawain 2.6
MGA SANGGUNIAN
29
Dayag, Alma M., et al. Pinagyamang Pluma Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at
Kulturang Pilipino Quezon City, Phoenix Publishing House, Inc. 2016

Jocson, Magdalena O., Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino


Batayang Aklat 1253 Gregorio Avenue,Quezon City,Vibal Group Inc. 2016

Nuncio, Rhoderick V. et al, SIDHAYA 11 Komunikasyon At Pananaliksik Sa Wika At


Kulturang Pilipino Batayang Aklat 839 EDSA, South Triangle Quezon City, C & E
Publishing Inc.
30

Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)

DepEd Division of Cagayan de Oro City


Fr. William F. Masterson Ave Upper BalulangCagayan de Oro
Telefax: ((08822)855-0048
E-mail Address: cagayandeoro.city@deped.gov.ph

You might also like