You are on page 1of 35

Pag-aari ng Pamahalaan Senior High School

HINDI IPINAGBIBILI

Pagsulat sa Filipino
sa Piling Larang
(Akademik)
Kuwarter 1 - Modyul 2:
Akademikong Sulatin:
Pagsulat ng Iba’t Ibang Uri ng Paglalagom:

Kagawaran ng Edukasyon ● Republika ng Pilipinas


Pagsulat sa Filipino sa Piling Larang (Akademik)
Filipino- Ikalabindalawang Baitang
Alternative Delivery Mode
Kuwarter 1 -Modyul 2: Akademikong Sulatin :Pagsulat ng Iba’t Ibang Uri ng Paglalagom
Unang Edisyon 2020

Isinasaad ng Batas Republika 8293, seksyon 176 na “Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-ari
(sipi) sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas.Gayunman, kailangan muna ang pahintulot ng
ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito’y pagkakakitaan. Kabilang sa mga
maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.”
Ang mga hiniram na materyales ( awit, kuwento, tula, larawan, ngalan ng produkto o brand names,
tatak o trademarks atbp.) na ginamit sa aklat na ito ay sa nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon.
Pinagsikapang matunton upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng mga materyales o mga
kagamitang pampagtuturo na nasa online o sa mga aklat at iba pa .Hindi inangkin ng mga tagapaglathala
at mga may-akda ang karapatang pagmamay-ari ng mga ito.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Alain Del B. Pascua

Mga Bumubuo ng Modyul para sa Mag-aaral

Manunulat: Teresa P. Mingo,PhD


Mga Tagasuri: Anita M. Gomez, PSDS
Maria Dulce Cuerquiz, MT
Hydee Marie Justine S. Aguilar
Mga Tagaguhit at Nag-layout : Mr. Ryan Roa
Ms. Mary Sieras
Mr. Allan Guibone
Mrs. Alma Sheila Alorro
Mga Tagapangasiwa
Tagapangulo: Dr. Arturo B. Bayocot, CESO III
Panrehiyong Direktor

Pangalawang Tagapangulo: Dr. Victor G. De Gracia Jr. CESO V


Pumapangalawang Panrehiyong Direktor

Cherry Mae L. Limbaco, PhD, CESO V


Tagapamanihala

Alicia E. Anghay, PhD, CESE


Pumapangalawang Tagapamanihala

Mala Epra B. Magnaong, Hepe ES, CLMD

Mga Miyembro: Lorebina C. Carrasco, OIC-CID Chief , Sol P. Aceron, Ph.D, EPS-Filipino
Brenda P. Galarpe,SSP- 1 , Marisa D. Cayetuna,P-1
Aniceta T. Batallones, MAFIL , Leonor C. Reyes,MAEDFIL
Joel D. Potane,PhD LRMS Manager ,Lanie O. Signo, Librarian II
Gemma Pajayon, PDO II
Inilimbag sa Pilipinas ng
Kagawaran ng Edukasyon – Sangay ng Cagayan de Oro
Office Address: Fr. William F. Masterson Ave Upper Balulang Cagayan de Oro
Telephone Nos.: (08822)855-0048
E-mail Address: cagayandeoro.city@deped.gov.ph
Senior High School

Pagsulat sa Filipino sa
Piling Larang
(Akademik)
Kuwarter 1 - Modyul 2:
Akademikong Sulatin:
Pagsulat ng Iba’t Ibang Uri ng
Paglalagom:

Ang modyul na ito ay magkatuwang na inihanda at sinuri ng mga edukador mula


sa mga publiko at pribadong paaralan at pamantasan. Hinihikayat naming ang mga guro
at ibang nasa larangan ng edukasyon na mag- email ng inyong mga puna at mungkahi
sa Kagawaran ng Edukasyon sa depeddivofcdo@gmail.com.
Mahalaga sa amin ang inyong mga puna at mungkahi.

Kagawaran ng Edukasyon ● Republika ng Pilipinas


Talaan ng Nilalaman

Para Saan Ang Modyul na Ito ............................................................................................…i


Ano Ang Inaasahan Mo......................................................................................................…i
Paano Mo Matutunan .......................................................................................................….i
Mga Icon ng Modyul………………………………………………………………………………….ii
Ano Ang Nalalaman Mo……………………………………………………………………………..iii

Aralin 1: Pagsulat ng Abstrak


Alamin ……………………………………………………………………………….1
Subukin: Pagsusuri sa Pahayag …………………………………………………
Balikan: Pagkilala sa Pangunahin at Pantulong na Kaisipan …………………2
Tuklasin: Pagsulat ng Abstrak ...................................................................…3
Suriin: Pagsagot sa Katanungan ..............................................................…4
Pagyamanin : Elemento ng Abstrak............................................................…5
Isaisip: Pagbubuod sa Natutunan………………………………………………..
Isagawa:Pagsusuri sa Elemento ng Abstrak (Matrix)……………………….....6
Tayahin :Pagtukoy sa Katangian ng Abstrak ……………………………….. ..7
Karagdagang Gawain: Pagsulat ng Abstrak: …………………………………..

Aralin 2: Pagsulat ng Sinopsis


Alamin ………………………………………………………………………………8
Subukin: Pagtukoy sa Paksa …………………………………………………….
Balikan:Elemento ng Abstrak …………………………………………………….9
Tuklasin: Pagsulat ng Sinopsis ...................................................................10
Suriin:Pagsagot sa Katanungan...................................................................11
Pagyamanin : Panonood ng Episodo sa Internet/Pagbasa ng kwento .........
Isaisip: Pagbubuod sa Natutunan ……………………………………………….12
Isagawa:Pagbubuod sa Parabula ................................................................12
Tayahin : Katangian ng Sinopsis ………………………………………………..13
Karagdagang Gawain: Pagsulat sa Kwento ng Buhay ……………………….
Aralin 3 : Pagsulat ng Bionote

Alamin ………………………………………………………………………………14
SubukIn : Pagkilala sa Uri ng Paglalagom ……………………………………..
Balikan:Ipabatid sa Bawat Titik …………………………………………………15
Tuklasin: Pagsulat ng Bionote ...................................................................…
Suriin:Pagsagot sa mga Tanong…………………………………………………17
Pagyamanin: Bionote ni Galileo S. Zafra......................................................18
Isaisip: Paghahambing sa Bionote at Talambuhay…………………………….
Isagawa:Pakikipanayam sa Guro ................................................................ 19
Tayahin : Katangian ng Bionote…………………………………………………
Karagdandang Gawain : Bionote Ukol sa Sarili ………………………………

Lagom ……………………………………………………………………………………………….20

Tayahin (Pangwakas na Pagtataya) ……………………………………………………………..21

Susi sa Pagwawasto……………………………………………………………………………….22

Mga Sanggunian……………………………………………………………………………………25

Para Saan ang Modyul Na Ito


Ang modyul na ito ay tungkol sa akademikong sulatin : uri ng paglalagom na inihanda para sa
pag-aaral ng Filipino sa unang semestre ng ikalabindalawang baitang. Ito ay naglalayong sanayin
ang mga mag-aaral sa pagsulat ng sulatin abstrak ,synopsis, at bionote lilinang sa mga kakayahang
magpahayag tungo sa mabisa, mapanuri at masinop na pagsusulat sa piniling larangan.
Tatalakayin sa modyul na ito ang iba’t ibang uri ng paglalagom tulad ng abstrak ,sinopsis, at
bionote at ang kahulugan ,katangian , layunin at gamit ng bawat isa. Hahasain ka sa pagsulat ng
nito sa pamamagitan nang maayos na pagsunod sa mga panuntunan upang matamo ang mga
kasanayang hinahangad.

Ang mga paksa, babasahin, gawain at mga pagsasanay ay sadyang iniaangkop sa


kakayahan at interes ng mga mag-aaral upang ang pagkatuto ay maging makabuluhan ,
napapanahon, kawili-wili ,nakalilinang ng kritikal at mapanuring na pag-iisip .

Ang modyul na ito ay may tatlong aralin :


Aralin 1 : Uri ng paglalagom : Abstrak
Aralin .2 : Uri ng Paglalagom : Sinopsis
Aralin 3 : Uri ng paglalagom : Bionote

Ano ang Inaasahan Mo

Inaasahang pagkatapos ng modyul na ito ang mga mag-aaral ay:

1.Nakikilala ang iba’t ibang akademikong sulatin ayon sa:


(a) Layunin (b) Gamit (c) Katangian (d) Anyo. CS_FA11/12PN-0a-c-90
2.Nakakasusulat nang maayos na akadamikong sulatin.CS_FA11/12PU-0d-f-92
3.Nakasusunod sa istilo at teknikal na pangangailangan ng akademikong sulatin. CS_FAPU-0d-f-93

Paano Mo Matutunan
Upang makamit ang mga inaasahan, gawin ang mga sumusunod:

 Magbigay nang malawak at mahabang panahon sa pagbasa , pag-unawa at pagsusuri sa


nilalaman ng mga aralin,
 Pag-aralan ang mga aralin nang may pagsisikap.
 Manaliksik sa iba pang sanggunian saloob aklatan at websites ukol sa aralin upang
maragdagan ang kaalaman .
 Sundin ang mga panuto at patnubay sa anumang gawain upang makuha ang akma at
tumpak na sagot..
 Sagutin ang lahat ng mga gawain o pagsasanay ,pagtataya at pagsusulit .

Mga Icon ng Modyul


ALAMIN Inihanay ang mga layunin sa aralin .Mahalagang
maunawaan ng mga mag-aaral kung ano ang maaasahan
nila sa aralin.

SUBUKIN Panimulang pagtataya o gawain upang matukoy ang lawak


ng kaalaman ng mag-aaral ukol sa tatalakaying paksa.

BALIKAN Binabalikan ang mga dating kaalaman ng mga mag-aaral


tungkol sa paksa ng bawat aralin. Mahalagang matukoy ito
upang matiyak na may napadagdag pang kaalaman.

TUKLASIN Inilalahad dito ang mismong aralin sa pamamagitan ng


kwento, pagsasanay ,tula, awitin ,sitwasyon at iba pang
paraan .Ginagalugad dito ang mga ideyang magkikintal ng
mahalagang kaisipan.

SURIIN Inilalahad dito ang mga tanong sa sumusubok sa


pagkaunawa ng mag-aaral sa aralin.Maaari rin itong
pagtalakay sa paksa.

PAGYAMANIN Makapagsagawa ang mga mag-aaral ng mga gawaing


magpapatotoo ng kanilang natutuhan. Magtitipon sila ng
kanilang likhang mga sulatin at gawain batay sa natutunan
sa aralin.
ISAISIP Patutunayan ng mga mag-aaral ang karunungan at
kaalamang kanyang natutunan sa pamamagitan ng
pagsusulit ,gawain at pagsasanay.

ISAGAWA Pagtitipon ng mga natamong kaalaman at kasanayan ng


mga mag-aaral sa gawaing replektibo upang mailalapat sa
tunay na buhay.

TAYAHIN Tatayain ang mga mag-aaral ayon sa antas ng pagkatuto


mula sa natamong kasanayan .

KARAGDAGAN Mabibigyan ng karagdagang pagsasanay upang malinang


G GAWAIN ang kakayahang pampagkatuto ng mga mag-aaral .

SUSI SA Mga kasagutan sa anumang pagtataya,pagsasanay at mga


PAGWAWAST Gawain
O

ii
Ano ang Nalalaman Mo
Panimulang Pagtataya
Panuto: PAGKILALA SA URI NG PAGLALAGOM : Alamin natin kung gaano na ang lawak ng
iyong kaalaman sa nilalaman ng modyul na ito. Sagutin mo ang lahat ng aytem.Piliin ang letra ng tamang

____1.Ito ay ang pinasimple o pinaikling bersyon ng isang sulatin o akda.


A. Abstrak B.Sinopsis C.Bionote D.Lagom
____2.Isang uri ng paglalagom na kalimitang ginagamit sa mga akdang nasa tekstong naratibo
tulad ng kwento,salaysay ,nobela,dula,parabula at iba pa.
A.Abstrak B.Sinopsis C.Bionote D.Lagom
____3.Uri ng lagom na ginagamit sa pagsulat ng personal profile ng isang tao.
A.Abstrak B.Sinopsis C.Bionote D.Lagom
____4.Uri ng lagom na karaniwang ginagamit sa pagsulat ng mga akademikong papel
tulad ng tesis,disertasyon,papel na siyentipiko at teknikal ,lektyur at mga report.
A.Abstrak B.Sinopsis C.Bionote D.Lagom
____5.Ito ay bahagi ng akademikong papel o ulat na pinakahuling isinusulat ngunit kadalasang
unang binabasa ng mga propesor o mga eksaminer ng panel.
A.Abstrak B.Sinopsis C.Bionote D.Lagom
____6.Isang tala sa buhay ng tao na naglalaman ng kanyang academic career na madalas ay
makikita o mababasa sa mga dyurnal , aklat , abstrak ng mga sulating papel websites at iba pa .
A.Abstrak B.Sinopsis C.Bionote D.Lagom
____7.Sa pagsulat nito, mahalagang maibuod ang nilalaman ng binasang akda gamit ang sariling salita.
A.Abstrak B.Sinopsis C.Bionote D.Lagom
____8. Elemento ito ng Abstrak na naglalaman ng pinakabuod ng bawat bahagi ng sulatin o ulat.
A.Metodolohiya B.Delimitasyon C. Panimula D. kongklusyon
____9.Ang instrumentong ginamit sa pagtanto ng antas ng kasanayan sa pagsasalita ng mga
mag-aaral sa ikaapat na taon ay ang walang diyalogong film na pinamagatang “Ang Pamana” na
ginamit sa pagkuha ng datos sa pagkukuwento. (bahagi ito ng hal. ng Abstrak)
A.Saklaw at Delimitasyon B.Metodolohiya C.Introduksyon D.Resulta
____!0.Maipakilala ang sarili sa madla sa pamamagitang ng pagbanggit ng personal na
impormasyon tungkol sa sarili at maging ng mga nagawa o ginagawa sa buhay. Ito ay
A.gamit B.layunin C.kahulugan D.Kalikasan
____11.Ang salitang ito ay gamitin upang madaling maunawaan at makamit ang totoong layunin
nito na maipakilala ang iyong sarili sa iba sa maikli at tuwirang paraan.
A. matalinghaga B. tayutay C.payak D.idyoma
_____12.Gumagamit ito ng hugis tulad sa pagsulat ng balita at iba pang obhetibong sulatin,
talagang inuuna ang  pinakamahalagang impormasyon sa bionote  .
A.baligtad na tatsulok B.tatsulok C.bilog D.kwadrado
_____13.Unang isulat sa bionote upang makita agad ang katauhan ng taong ipinakilala at unang
nakarehistro sa kamalayan ng mga taong ang taong ipinakikilala.
A.kasarian B.natapos C.tirahan D.pangalan
____ 14Mahalagang isulat ito kung saan hinango o kinuha ang orihinal na sipi ng akda.
A.sanggunian B. akda C.pamagat D. may-akda
_____15.Batayan sa pagsulat nito mula orihinal na sipi . Kung ang damdaming naghahari sa akda ay
malungkot dapat na maramdaman din ito sa buod na gagawin.
A. damdamin B.larawan C.tono D.salita

iii
Aralin Uri ng Paglalagom:
1 Abstrak
Baitang : 12 Markahan : Una
Panahong Igugugol : Ikaapat na Linggo

Alamin

Pagkatapos ng araling ito, inaasahang maisasagawa ng mga mag-aaral ang sumusunod:


1.Nakasusunod sa istilo at teknikal na pangangailangan ng akademikong sulatin. CS_FAPU-0d-
f-93

Subukin

Panuto: PAGSUSURI SA PAHAYAG: Suriin ang mga pahayag .Isulat ang TAMA kung ito ay
nagtataglay ng katotohanan at MALI kung ito’y walang katotohanan.
____1.Ang lagom ay ang pinasimple at pinaikling bersyon ng isang sulatin o akda. Mahalagang
makuha ng sinumang bumabasa o nakikinig ang kabuoang kaisipang nakapaloob sa paksang
nilalaman sng sulatin o akda.

____2.Isang kakayahang mahuhubog sa mga mag-aaral ang natutuhan ang pagtitimbang-timbang ng


mga kaisipang nakapaloob sa binabasa.Natutukoy niya kung ano ang pinakamahalagang
kaisipang nakapaloob dito gayundin ang mga pantulong na kaisipan.

____3.Ito lamang ang tinataglay ng Abstrak na mahahalagang elemento tulad ng Rasyunali /


Introduksyon, metodolohiya, saklaw at delimitasyon.

____4.Kailangan ang paglalagay ng mga statistical figures o table sa abstrak sapagkat


ito ay nangangailangan ng detalyadong pagpapaliwanag na magiging dahilan para humaba ito.

____5.Kailangang unahin mong isulat ang Abstrak bago ka magsimula sa pananaliksik.

1
Balikan

Panuto: PAGKILALA SA PANGUNAHIN AT PANTULONG NA KAISIPAN.


Natalakay natin sa nakaraang linggo ang mga katangian ng akademikong sulatin tulad ng
layunin ,paraan o batayan ng datos ,pananaw at organisasyon ng ideya. Ngayon tukuyin mo ang
pangunahin at mga pantulong na kaisipan sa teksto. Sa puntong ito, isulat ang buong pangungusap sa
bawat kaisipan.
(Ang pangunahing kaisipan ay ang punong ideya na makikita sa unahan, gitna at hulihan ng talata. Ang
pantulong naman na kaisipan ay ang sumusuporta sa Punong ideya)

Bagaman, ito ay naisip na kumalat sa hangin sa pag-ubo/pagbahing at malapit na personal na


pakikipag-ugnay, o sa paghawak ng mga kontaminadong bagay o ibabaw at pagkatapos ay sa paghawak
ng bibig, ilong, o mata. Ang Coronaviruses ay isang malaking pamilya ng mga virus na maaaring
magdulot ng sakit mula sa karaniwang sipon hanggang sa mas malubhang sakit tulad ng Middle East
Respiratory Syndrome (MERS-CoV) at Severe Acute Respiratory Syndrome (SARS-CoV). Ang bagong
coronavirus (nCoV) ay isang bagong uri na hindi pa nakilala sa mga tao. Marami pa ring coronavirus ang
natural na nakakahawa sa mga hayop, ngunit ang ilan ay maaari ring makahawa sa mga tao.
https://www.sccgov.org/sites/covid19/Pages/coronavirus-facts-tl.aspx

pantulong na kaisipan

pantulong na kaisipan

pantulong na kaisipan

pangunahing kaisipan

2
Tuklasin

Pagsulat ng Abstrak

Isa sa mga dapat matutuhan ng bawat mag-aaral ay ang kakayahang bumuo ng isang paglalagom
o buod. Ang lagom ay ang pinasimple at pinaikling bersyon ng isang sulatin o akda. Mahalagang
makuha ng sinumang bumabasa o nakikinig ang kabuoang kaisipang nakapaloob sa paksang
nilalaman ng sulatin o akda .Bukod sa nahuhubog ang mga kasanayang maunawaan at makuha ang
pinakanilalaman ng isang teksto ay marami pang ibang kasanayan ang nahuhubog sa mga mag-aaral
habang nagsasagawa ng paglalagom, Una,natutuhan ang pagtitimbang-timbang ng mga kaisipang
nakapaloob sa binabasa. Natutukoy niya kung ano ang pinakamahalagang kaisipang nakapaloob dito
gayundin ang mga pantulong na kaisipan.Tandaan na sa pagsulat ng lagom, mahalagang matukoy
ang pinakasentro o pinakadiwa ng akda o teksto. Pangalawa,natutuhan niyang magsuri ng nilalaman
ng kanyang binabasa. Natutukoy niya kung alin ang mga kaisipan o mga detalye ang dapat bigyan ng
malalim na pansin ng pagsusulat ng lagom at kung alin naman ang hindi gaanong importante.
Pangatlo, nahuhubog, ang kasanayan ng mag-aaral sa pagsulat ng partikular ang tamang paghabi ng
mga pangungusap sa talata sapagkat sa pagsulat ng lagom,mahalagang ito ay mailahad nang
malinaw,hindi maligoy o paulit-ulit. Pang-apat,ito rin ay nakatutulong sa pagpapaunlad o
pagpapayaman ng bokabularyo sapagkat sa pagsulat nito ay importanteng makagamit ng mga
salitang angkop sa nilalaman ngtekstong binubuod.
Bukod sa ang kasanayang ito ay kapaki-pakinabang sa mga mag-aaral,,ito rin ay nakatutulong
nang malaki sa larangan ng edukasyon,negosyo, at propesyon. Dahil samabilis na takbo ng buhay sa
kasalukuyan,at ang marami ay parang nagmamadali sa mga gawaing dapat tapusin o puntahan,
nakatutulong nang makali ang pagbabasa ng maiikling sulatin na kalimitang naglalaman ng
pinakabuod ng isang mahabang babasahin,teksto,o pag-aaral.Bilang paghahanda sa totoong buhay
ng propesyon at pagtatrabaho,mahalagang matutuhan mo ang paggawa ng iba;t ibang uri ng lagom na
madalas gamitin sa mga pag-aaral,Negosyo, at sa iba’t ibang uri ng propesyon. Kaya naman, sa arling
ito , ay lubos mong matutuhan ang pagsulat ng ilang uri ng lagom o buod – ang abstrak , synopsis o
buod at bionote.
Ang Abstrak ay isang uri ng lagom na karaniwang ginagamit sa pagsulat ng mga akademikong
papel tulad ng tesis, papel siyentipiko at teknikal,lektyur,at mga report. Ito ay kadalasang bahagi ng
isang tesis o disertasyon na makikita sa unahan ng pananaliksik pagkatapos ng title page o pahina ng
pamagat. Ito ay naglalaman ng pinakabuod ng akdang akademiko o ulat.

Ayon kay Philip Koopman sa kanyang aklat na How to Write an Abstract( 1997), bagamat ang
abstrak ay maikli lamang, tinataglay nito ang mahahalagang elemento o bahagi ng sulating
akademiko tulad ng Rasyunali / Introduksyon, metodolohiya, saklaw at delimitasyon, resulta at
konklusyon. Naiiba nito ang kongklusyon sapagkat ito ay naglalaman ng pinakabuod ng bawat bahagi
ng sulatin o ulat.

1. Pamagat - Pinakapaksa o tema ng isang akda/sulatin.


2. Introduksyon o Panimula /Rasyunali- nagpapakita ng malinaw na pakay o layunin at
mapanghikayat ang bahaging ito upang makapukaw ng interes sa mambabasa at sa
manunulat.
3. Kaugnay na literatura - Batayan upang makapagbibigay ng malinaw na
kasagutan o tugon sa para sa mga mambabasa.
4. Metodolohiya - Isang plano o sistema para matapos ang isang gawain.
5. Resulta - Sagot o tugon para mapunan ang kabuuan ng nasabing sulatin.
3
6. Konklusyon.- Panapos na pahayag na naglalaman ng ideya o opinyon na mag-iiwan ng
pala-isipan kaugnay sa paksa.

Mga Dapat Tandaan sa Pagsulat ng Abstrak

1.Bilang bahagi ng alituntunin ng pagsulat ng mga akdang pang-akademiko ,lahat ng mga detalye o
kaisipang ilalagay rito ay dapat na makikita sa kabuoan ng papel ; ibig sabihin, hindi maaaring
maglagay ng mga kaisipan o datos na hindi binanggit sa ginawang pag-aaral o sulatin.
2.Iwasan din ang paglalagay ng mga statistical figures o table sa abstrak sapagkat hindi ito
nangangailangan ng detalyadong pagpapaliwanag na magiging dahilan para humaba ito.
3.Gumamit ng mga simple ,malinaw at direktang mga pangungusap. Huwag maging maligoy sa pagsulat
nito.
4.Maging obhetibo sa pagsulat. Ilahad lamang ang mga pangunahing kaisipan at hindi dapat ipaliwanag
ang mga ito.
5.Higit sa lahat ay gawin lamang itong maikli ngunit komprehensibo kung saan mauunawaan ng babasa
ang pangkalahatang nilalaman at nilalayon ng pag-aaral ng ginawa.

Mga Hakbang sa Pagsulat ng Abstrak


Ang Abstrak ang bahagi ng akademikong papel o ulat na pinakahuling isinusulat ngunit
kadalasang unang binabasa ng mga propesor o mga eksaminer ng panel.Kaya naman, nakapahalagang
maging maingat sa pagsulat nito. Narito ang mga hakbang na maaaring gamitin sa pagsulat ng Abstrak.
1.Basahing mabuti at pag-aralan ang papel o akademikong sulatin na gagawan ng Abstrak.
2.Hanapin at isulat ang mga pangunahing kaisipan o ideya ng bawat bahagi ng sulatin mula sa
introduksyon ,kaugnay na literatura , metodolohiya resulta at kongklusyon.
3.Buoin gamit ang mga talata, ang mga pangunahing kaisipang taglay ng bawat bahagi ng sulatin.Isulat ito
ayon sa pagkakasunod-sunod ng mga bahaging ito sa kabuoan ng papel .
4.Iwasang maglagay ng ilustrasyon, graph , table at iba pa. maliban na lamang kung sagyang
kinakailangan .
5.Basahing muli ang ginawang Abstrak .Suriin kung may nakaligtaang mahalagang kaisipang dapat
isama rito.mabuti ang abstrak.
6.Isulat ang pinal na sipi nito.

Suriin

Panuto: PAGSAGOT SA KATANUNGAN :Batay sa binasang paksa ,sagutin ang mga katanungan
ukol dito.
1.Ano ang kahulugan ng lagom? _______________________________________________________
2.Ano-ano ang kasanayang nahuhubog sa mga mag-aaral habang nagsasagawa ng paglalagom?
______________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
3.Paano nakatutulong sa iba’t ibang larangan ang kasanayan sa paglalagom?___________________
__________________________________________________________________________________
4.Sa paggawa ng isang pananaliksik , bakit kailangang pinakahuling isulat ang isang Abstrak ?
______________________________________________________________________________
5.Ano kaya ang bunga ng iyong gagawing Abstrak kung hindi ka sumunod sa mga paraan sa
pagsulat nito? _______________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
4

Pagyamanin

Panuto : ELEMENTO NG ABSTRAK :Basahin ang halimbawa ng abstrak at suriin natin ang elemento nito.

KARANASAN NG ISANG BATANG INA: ISANG PANANALIKSIK


Gisella Mari A. Averion, Florentino L. Elic at Fernando A. Garcia BS in Psychology
Abstrak

Ang layunin ng pananaliksik na ito ay ang malaman at mabatid kung ano ang mga pinagdadaan ng
mga batang ina sa anim na aspeto: emosyonal, espiritwal, mental, pinansyal, relasyonal at sosyal.  Ang
sinabing pananaliksik ay sumailalaim sa quantitative method at ginamitan ng nonrandom convenient
sampling, kung saan ang mga respondente ay pinili ng mga mananaliksik base sa “convenience”. Ang bilang
ng mga respondente ay tatlumpo‟t lima (35) na batang ina na may edad na labing-dalawa hanggang labing-
walo na naninirahan sa Sta. Rosa Alaminos, Laguna. Ang lumabas na resulta ay walang pagkakaiba ang
mean score ng anim na salik kapag grinupo sa antas ng huling pag-pasok, edad ng unang panganganak at
kapag igrinupo sa pagkakakilanlan; kung ito ay tumigil o ipinag patuloy ang kanilang pag-aaral at mayroong
pagkakaiba sa mean score sa emosyonal at sosyal na salik kapag igrinupo sa estadong marital.

Source: LPU Laguna Journal of Arts and Sciences Psychological Research Vol. 2 No.2 September 2015

Suriin natin ang mga elemento ng abstrak batay sa nakatalagang kulay . Isulat ang tamang sagot kung ito ba
ay Rasyunali, Metodolohiya, Saklaw at Delimitasyon, o Resulta ng Pananaliksik.
Luntian: _____________________________________
Asul : _____________________________________
Itim : _____________________________________
Pula : _____________________________________

Isaisip

Panuto: PAGBUBUOD SA NATUTUNAN:.Sumulat ng isang talatang may 5 o higit pang pangungusap na


magbubuod sa pangkalahatang natutunan mo sa aralin. Salungguhitan ang pangunahing kaisipan.
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________

5
Isagawa

Panuto :PAGSUSURI SA ELEMENTO NG ABSTRAK: Basahin ang abstrak at suriin ang elemento nito
gamit ang matrix.

Kasanayan sa Pagsasalita ng Mga Mag-Aaral sa Ikaapat na Taon


Abstrak

Ang pag-aaral na ito ay tungkol sa kasanayan sa pagsasalita ng mga mag-aaral sa ika-apat na


taon ng pambansang mataas na paaralan ng Talevera,Nueva Ecija. Hinangad sa pag-aaral na ito na
matanto ang antas ng kasanayan sa pagsasalita ng mga mag-aaral sa mga sining pangtanghalan tulad
ng pasalitang pagkukuwento, pagtatalumpating impromptu at ekstemporenyo. Saklaw ng pag-aaral na
ito ang labing limang (15) mga mag-aaral na mag-rebyu sa ika-apat na taon. Nalimita ang pag-aaral sa
kasanayan ng mag-aaral sa pagsasalita sa mga gawaing pasalitang pagkukuwento at talumpating
impromptu,ekstomperenyo.  Ang instrumentong ginamit sa pagtanto ng antas ng kasanayan sa
pagsasalita ng mga mag-aaral sa ikaapat na taon ay ang walang diyalogong film na pinamagatang “Ang
Pamana” na ginamit sa pagkuha ng datos sa pagkukuwento. Ang paksang “Ang Pagtatapos” sa
impromptu at ang paksang “Global Krisis” sa ekstemporenyo gamit ang pamantayan o kraytirya sa
pagtatalumpati upang tukuying ang kasanayan sa pagsasalita ay ginamit sa paglikom ng
datos. Lumabas sa pag-aaral na may taglay na husay o kasanayan sa pagsasalita ang mga mag-aaral
sa pagkukuwento at pagtalumpating ekstemporenyo subalit sila’y nabalitaan na kakulangan sa
kasanayan sa pagtatalumpating impromptu. Sa kalahatan, tahasang maipapahayag na kulang sa
kasanayan sa pagsasalita ang mga mag-aaral.
http://filipinosapilinglaranggroup2.blogspot.com/2018/03/halimbawa-ng-abstrak.html

1.Introduksyon/Rasyunal 2.Saklaw At Delimitasyon

Kasanayan sa Pagsasalita ng mga


Mag-aaral sa Ikaapat na Taon

3.Metodolohiya 4.Resulta

6
Tayahin

Panuto : KATANGIAN NG ABSTRAK: Suriin ang kahulugan, kalikasan , mga


katangian , layunin , gamit , anyo (porma) ng Abstrak . Isulat ito sa tasrt.
Nakikilala ang iba’t ibang akademikong sulatin – Abstrak ayon sa:
a. Layunin b. Gamit c.Katangian d. Anyo CS_FA11/12PN-0a-c-90

Abstrak

Kahulugan

Kalikasan

Katangian

Layunin

Gamit

Anyo(porma)

Karagdagang Gawain

Panuto: PAGSULAT NG ABSTRAK:


Sumulat ng abstrak sa isang bondpaper/papel mula sa iyong sariling pananaliksik noong ikalawang
semestre sa nagdaang taong-panuruan (bilang tugon sa pangangailangan ng asignaturang “Pagbasa at
Pagsusuri ng Iba’t ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik”. )Sundin ang mga panuntunan sa pagbuo nito.

7
Aralin Uri ng Paglalagom:
2 Sinopsis
Baitang : 12 Markahan : Una
Panahong Igugugol : Ikalimang Linggo

Alamin

Pagkatapos ng araling ito, inaasahang maisasagawa ng mga mag-aaral ang sumusunod:


1.Nakakasusulat nang maayos na akademikong sulatin. CS_FA11/12PU-0d-f-92

Subukin

Panuto: PAGTUKOY SA PAKSA: Kilalanin ang tamang sagot sa mga katanungan. Isulat ang titik ng
tamang sagot.
____1.Maraming gawain dito ang nangangailangan ng masusing pagbasa.panonood , pagsasalita ,
pakikinig , at pagsulat.
A. akademiya B.opisina C.kantina D.librari
____2. Ito ay isang siksik at pinaikling bersyon ng isang teksto. Pinipili rito ang pinakamahalagang
ideya at sumusuportang ideya o datos.
A.Abstrak B.Bionote C.Sinopsis D.Hawig
____3.Tinutukoy agad ang pangunahing ideya o punto kaugnay ng paksa . Ito ay :
A. Gamit B. Katangian C.Kahulugan D.Anyo
____4. Sa pagbubuod ,basahin , panoorin, o pakinggan muna ang buong teksto. Ito ay ;
A. Paraan B. Kalikasan C.Kahulugan D.Anyo
_____5. Ito ay panauhan ng panghalip na gamitin sa pagsulat ng sinopsis .
A. una B.ikalawa C.ikatlo D.ikaapat
_____6.Gamitin ito sa paghahabi ng mga pangyayari sa kwentong binubuod lalo na kung ang
sinopsis na ginawa ay binubuo ng dalawa o higit pang talata.
A.Pangngalan B.Pang-ugnay C.Pandiwa D.Pang-ukol
_____7. Mahalagang isulat ito kung saan hinango o kinuha ang orihinal na sipi ng akda.
A.sanggunian B. akda C.pamagat D. may-akda
_____8.Ito ay maaaring lantad na makikita sa akda o minsan naman, ito ay di tuwirangnakalahads
kaya mahalagang basahing mabuti ang kabuoan nito.
A.buod B.abstrak C. tesis D. pahayag ng tesis
_____9. Batayan sa pagsulat nito mula orihinal na sipi . Kung ang damdaming naghahari sa akda ay
malungkot dapat na maramdaman din ito sa buod na gagawin.
A. damdamin B.larawan C.tono D.salita
_____10. Katangian ng gamiting salita sa pagbubuod o pagsulat ng sinopsis upang makamtan ang layuning
makatulong sa madaling pag-unawa sa diwa ng seleksyon o akda.
A. matalinghaga B.payak C.tayutay D.idyoma

8
Balikan

Panuto: ELEMENTO NG ABSTRAK SA SARILING PANANALIKSIK: Batay sa


karagdagang gawain sa ikaapat na linggo, ukol sa Abstrak sa sarili mong pananaliksik noong
nagdaang semestre sa ikalabing-isang baiting sa asignaturang “Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t ibang
Teksto Tungo sa Pananaliksik” , suriin ang mga elemento ng Abstrak . Isulat ito sa tsart .
Pamagat ng Pananaliksik
at Mananaliksik

Elemento ng Abstrak
Introduksyon/Rasyunali

Metodolohiya

Saklaw at Delimitasyon

Resulta

Tuklasin
Pagsulat ng Sinopsis

Ang sinopsis o buod ay isang uri ng lagom na kalimitang ginagamit sa mga akdang nasa
tekstong naratibo tulad ng kwento ,salaysay ,nobela , dula ,parabula, pelikula, video,pangyayari ,at
talumpati iba pang anyo ng panitikan. Ito ay maaaring buoin ng isang talata o higit pa o maging ng ilang
pangungusap lamang. Maaaring 1/3 ng pahina lamang ng buong nabasang teksto o mas maikli pa nito
ang sinopsis o buod. Sa pagsulat nito, mahalagang maibuod ang nilalaman ng binasang akda gamit ang
sariling salita. Ang pagbubuod o pagsulat ng sinopsis ay naglalayong makatulong sa madaling pag-
unawa sa diwa ng seleksyon o akda, kung kaya’t nararapat na maging payak ang mga salitang
gagamitin. Layunin din nitong maisulat ang pangunahing kaisipang taglay ng akda sa pamamagitan ng
pagtukoy sa pahayag ng tesis nito. Ang pahayag ng tesis ay maaaring lantad na makikita sa akda o
minsan naman, ito ay di
tuwirang nakalahad kaya mahalagang basahing mabuti ang kabuoan nito.

Sa pagkuha ng mahahalagang detalye ng akda, mahalagang matukoy ang sagot


sasumusunod: Sino? Ano? Kailan? Saan? Bakit? Paano? Sa pamamagitan ng pagsagot sa mga
tanong na ito, magiging madali ang pagsulat ng buod. Sa pagsulat ng sinopsis o buod ,mahalagang
maipakilala sa mga babasa nito kung anong akda ang iyong ginawan ng buod sa pamamagitan ng
pagbanggit sa pamagat , at pinanggalingan ng akda .

Makatutulong ito upang maipaunawa sa mga mambabasa na ang mga kaisipang iyong
inilahad ay hindi galing sa iyo kundi ito ay buod lamang ng akdang iyong nabasa. Iwasan din ang
magbigay ng iyong sariling pananaw o paliwanag tungkol sa akda at kailangang maging obhetibo sa
pagsulat nito .
9

Mga Dapat Tandaan sa Pagsulat ng Sinopsis o Buod


1.Gumamit ng ikatlong panauhang panghalip na (isahan o maramihan) sa pagsulat nito.
2.Isulat ito batay sa tono ng pagkasulat ng orihinal na sipi nito. Kung ang damdaming naghahari sa
akda ay malungkot ,dapat na maramdaman din ito sa buod na gagawin.
3.Kailangang mailahad o maisama rito ang mga pangunahing tauhan maging ang kanilang mga
gampanin at mga suliranin kanilang kinakaharap.
4.Gumamit ng mga angkop na pang-ugnay ( gayunpaman,kung gayon, samakatuwid,gayundin, sa
kabilang daku ,bilang kongklusyon) sa paghabi ng mga pangyayari sa kwentong binubuod lalo na
kung ang sinopsis ay ginawa ay binubuo ng dalawa o higit pang talata.
5.Tiyaking wasto ang gramatika, pagbabaybay,at mga bantas na ginamit sa pagsulat.
6.Huwag kalimutang isulat ang sangguniang ginamit kung saan hinango o kinuha ang orihinal na sipi
ng akda.
Mga hakbang sa Pagsulat ng Sinopsis
1.Basahin ang buong seleksyon o akda at unawaing mabuti hanggang makuha ang buong kaisipan o paksa
ng diwa nito.
2.Suriin at hanapin ang pangunahin at di pangunahing kaisipan.
3. Habang nagbabasa,magtala kung maaari ay magbalangkas.
4. Isulat sa sariling pangungusap at huwag lagyan ng sariling opinyon o kuro-kuro ang isinusulat.
5.Ihanay ang ideya sang-ayon sa orihinal na pagkakasunod-sunod. Laging sa pangkasalukuyan ang
gamit ng pandiwa. Gamitan din ng malaking titik ang pangalan ng karakter sa unang pagbanggit
nito.Tiyakin ang pananaw o punto de vista kung sino ang nagkukwento.
6.Basahin ang unang ginawa, suriin at kung mapaikli pa ito nang hindi mababawasan ang kaisipan ay
lalong magiging mabisa ang isinusulat na buod. Narito ang halimbawa ng sinopsis o lagom

Ang Alamat ng Ko So Thah


ni : Joaquin Sy
May isang bundok sa Tsina na pinangalanang Bundok ng Pao Kai. Naninirahan sa paanan
niyon si HAI SENG at kanyang asawa at kapatid. Bagamat mahirap,may paggalang at pagmamahal
sila sa isa’t isa kung kaya’t kuntento at masaya silang namumuhay.Ngunit heto’t dumating ang
matinding tagtuyot hindi lamang sa bukirin kundi pati sa karagatan. “Wari’y bigla ring naglaho ang
isda sa dagat.!”Dahil sa pag-aalala sa kanilang kahihinatnan, matatag ang pagpapasya ni Hai Seng
na humanap ng ikabubuhay sa ibayong dagat. Sumakay siya bangkang may layag.Humayo siya
habang hinahatid ng tanaw ang maghipag. Narating niya ang isang napakalayong pulo ngunit tila
mailap ang kapalaran. Ilang taon na siyang namalagi roon kahit nangungulila sa asawa at kapatid.
Nasasabik at naiinip ang maghipag sa tagal ng panahong hindi bumalik si Hai Seng. Umakyat
sila sa tuktok ng bundok para maghintay . Araw-araw nila itong gagawin.Sa bawat akyat nila, may
dala silang mga batong isinasalansan nila pataas para lalo nilang matanaw ang kalawakan ng
karagatan pero wala pa rin ang hinihintay. ,kayat sumulat ng liham ang asawa sa pamamagitan ng
dugong dumaloy sa kinagat na daliri. Ikinabit ang liham sa isang ginawang saranggola at
ipinailanlang ito sa kalawakan upang tangayin ng hangin.
Sa ibayong dagat ,nakita ng Hai Seng ang saranggola habang nangungulila itong nakatanaw sa
dalampasigan. Nagpasya itong umuwi sakay ng bangkang may layag na gawa ng mga kasamahan sa
pulo.Laking tuwa niya nang matanaw ang tuktok ng bundok at makita ang asawa at hipag.
Nagkawayan sila ngunit biglang sinalpok ng malaking alon ang kanyang sinasakyan at tinangay siya
ng alon. Nakita ito ng maghipag. Agad silang bumaba ng bundok at tinangka siyang sagipin ngunit pati
sila’y nilamon ng mabagsik na karagatan.Nalungkot ang buong nayon. Dahil dito , nagtayo sila ng
pagoda sa salansan ng mga bato sa tuktok ng bundok. Tinatawag nila ito ngayong Pagoda ng
Maghipag o Ko So Thah.
10

Suriin
Panuto: PAGSAGOT SA KATANUNGAN: Tukuyin at sagutin ang mga katanungan.
.
1.Ano-ano ang layunin ng sinopsis?:___________________________________________________
________________________________________________________________________________
2.Bakit kailangang banggitin ang pamagat at pinanggalingan ng akda sa iyong sinopsis?
________________________________________________________________________________
3. Batay sa paksa ,masasabi mo bang kapaki-pakinabang ang pagsunod sa mga pamamaran sa
paggawa ng sinopsis ? Bakit?
__________________________________________________________________________________
4. Isulat ang paraan o hakbang na ginagamit sa ikalawang pangungusap ng sinopsis ng Ang Alamat
ng Ko So Thah “May isang bundok sa Tsina na pinangalanang Bundok ng Pao Kai. Naninirahan sa
paanan niyon si HAI SENG at kanyang asawa at
kapatid.”____________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________
5. Bakit kailangang basahin o panoorin ang buong seleksyon ,akda o pelikula bago ka sumulat ng
sinopsis? __________________________________________________________________________
6..Kunin ang mga panghalip na panao na nasa ikatlong panauhan na maaaring( isahan at maramihan)
mula sa halimbawang sinopsis. “Ang Alamat ng Ko So Thah” hal. sila
___________________________________________________________________________________
7. Kunin din ang lahat ng pandiwang(verb) nasa pangkasalukuyang aspekto sa “Ang Alamat ng Ko So Tah”
hal. naninirahan -
__________________________________________________________________________________
8. Ganoon din ang lahat ng pang-ugnay sa “Ang Alamat ng Ko So Thah”. hal.bagamat
___________________________________________________________________________________

Pagyamanin

Panuto: PANONOOD NG EPISODO SA INTERNET o MAGBASA NG KWENTO SA AKLAT:


Pumili ng isang panoooring episodo o dokumentaryo sa sumusunod na palabas sa telebisyon
o internet sa mga pagpipilian sa ibaba o magbasa kayo ng isang kwento sa aklat at
gumawa ng sinopsis sa tulong nga graphic organizer. Isulat sa bondpaper. Sundin ang mga
paalaala at paraan sa pagsulat nito .
A.Maalaala Mo Kaya https://www.youtube.com/watch?v=6eSvZR23G7I
B.Magpakailan Man https://www.youtube.com/watch?v=3rDFyzUMZs0
C.I-Witness Dokumentaryo ni Kara David https://www.youtube.com/watch?
v=3THuUnF2LCY

Pamagat at May-akda

Simula /
Tagpuan

Gitna/
Mga Tauhan , Banghay
(Panimula,Pataas na aksyon o tunggalian,

Wakas
Kinalabasan/Resolusyon
11

Isaisip

Panuto: PAGBUBUOD SA NATUTUNAN:.Sumulat ng isang talatang may lima o higit pang pangungusap
na magbubuod sa pangkalahatang natutunan mo sa aralin. Salungguhitan ang pangunahing kaisipan.
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________

Isagawa

Panuto: PAGBUBUOD SA PARABULA: Basahin ang parabula at gumawa ng sinopsis o buod sa


tulong ng pagsunod ng mga hakbang sa pagsulat nito . Isulat ito sa bondpaper/ papel.

Ang Alibughang Anak


Lukas 15:11-32
 
Sinabi pa ni Jesus, “May isang tao na may dalawang anak na lalaki. 12 Sinabi sa kanya ng bunso,
“Ama, ibigay na po ninyo sa akin ang mamanahin ko.” At hinati nga ng ama ang kanyang ari-
arian. 13 Pagkalipas ng ilang araw, ipinagbili[a] ng bunso ang kanyang bahagi at nagpunta sa malayong
lupain. Nilustay niya roon sa mga bisyo ang lahat niyang kayamanan. 14 Nang maubos na ito, nagkaroon
ng matinding taggutom sa lupaing iyon, kaya't siya'y nagsimulang maghirap. 15 Namasukan siya sa isang
tagaroon, at siya'y pinagtrabaho nito sa isang babuyan. 16 Sa tindi ng kanyang gutom, at dahil sa wala
namang nagbibigay sa kanya ng pagkain, halos kainin na niya ang mga pinagbalatan ng mga
bungangkahoy na pinapakain sa mga baboy. 17 Ngunit napag-isip-isip niya ang kanyang ginawa at nasabi
niya sa sarili, ‘Labis-labis ang pagkain ng mga alila ng aking ama, samantalang ako'y namamatay dito sa
gutom! 18 Babalik ako sa aking ama at sasabihin ko sa kanya, “Ama, nagkasala po ako sa Diyos at sa
inyo. 19 Hindi na po ako karapat-dapat na tawaging anak ninyo; ibilang na lamang ninyo akong isa sa
inyong mga alila.”’ 20 At siya'y nagpasyang umuwi sa kanila.

“Malayo pa'y natanaw na siya ng kanyang ama, at dahil sa matinding awa ay patakbo siyang
sinalubong, niyakap, at hinalikan. 21 Sinabi ng anak, ‘Ama, nagkasala po ako sa Diyos at sa inyo. Hindi
na po ako karapat-dapat na tawaging anak ninyo.’ 22 Ngunit tinawag ng ama ang kanyang mga alila,
‘Dali! Kunin ninyo ang pinakamagandang damit at bihisan ninyo siya! Suotan ninyo siya ng singsing at
ng sandalyas. 23 Katayin ninyo ang pinatabang guya at tayo'y kumain at magdiwang. 24 Sapagkat ang
anak kong ito ay namatay na, ngunit siya ay nabuhay; nawala, ngunit muling natagpuan.’ At sila nga'y
nagdiwang. 25 “Nasa bukid noon ang anak na panganay. Nang umuwi siya at malapit na sa bahay,
narinig niya ang tugtugan at sayawan. 26 Tinawag niya ang isang utusan at tinanong, ‘Bakit? Ano'ng
mayroon sa atin?’ 27 ‘Dumating po ang inyong kapatid!’ sagot ng alila. ‘Ipinapatay po ng inyong ama
ang pinatabang guya dahil ang inyong kapatid ay nakabalik nang buháy at walang sakit.’ 28 Nagalit
ang panganay at ayaw niyang pumasok sa bahay. Pinuntahan siya ng kanyang ama at
pinakiusapan. 29 Ngunit sumagot siya, ‘Pinaglingkuran ko kayo sa loob ng maraming taon at
kailanma'y hindi ko kayo sinuway. Ngunit ni minsa'y hindi ninyo ako binigyan ng kahit isang maliit na
kambing para

12
30 
magkasayahan kami ng aking mga kaibigan.  Subalit nang dumating ng anak ninyong ito, na
lumustay ng inyong kayamanan sa masasamang babae, ipinagpatay pa ninyo siya ng pinatabang
guya!’ 31 Sumagot ang ama, ‘Anak, lagi kitang kapiling at ang lahat ng aking ari-arian ay sa
iyo. 32 Nararapat lang na tayo'y magsaya at magdiwang, sapagkat namatay na ang kapatid mo, ngunit
nabuhay; nawala, ngunit muling natagpuan.’

Tayahin

Panuto : KATANGIAN NG SINOPSIS : Suriin ang kahulugan, kalikasan , mga katangian


, layunin , gamit , anyo (porma) ng Sinopsis. Isulat ito sa tsart.
Nakikilala ang iba’t ibang akademikong sulatin Sinopsis ayon sa:
a. Layunin b. Gamit c.Katangian d. Anyo CS_FA11/12PN-0a-c-90

Sinopsis
Kahulugan
Kalikasan
Katangian
Layunin
Gamit
Anyo(porma)

Karagdagang Gawain

Panuto: PAGSULAT NG KWENTO SA BUHAY: Ang isa sa katangian ang


tekstong naratibo ay ang pagkakaroon ng maayos na banghay na magpapakita sa pagkakasunod-
sunod ng mga pangyayari. Gamitin ang bondpaper/papel at sundin ang proseso ng mga
pangyayaring bubuo sa banghay ng akdang “KWENTO NG AKING BUHAY ”.Isulat ang pamagat at
may-akda nito.
SIMULA

WAKAS SAGLIT NA
KASIGLAHAN

KAKALASAN KASUKDULAN

13

Aralin Uri ng Paglalagom :


3 Bionote
Baitang : 12 Markahan : Una
Panahong Igugugol : Ikaanim na Linggo

Alamin

Pagkatapos ng araling ito, inaasahang maisasagawa ng mga mag-aaral ang sumusunod:


1.Nakikilala ang akademikong sulatin- Bionote ayon sa:
(a) Layunin (b) Gamit (c) Katangian (d) Anyo. CS_FA11/12PN-0a-c-90
2.Nakakasusulat nang maayos na akadamikong sulatin..CS_FA11/12PU-0d-f-92
3.Nakasusunod sa istilo at teknikal na pangangailangan ng akademikong sulatin.
CS_FAPU-0d-f-93

Subukin

Panuto : PAGKILALA SA PAKSA:Basahin at suriin ang mga katanungan at piliin ang titik ng angkop
na sagot. Isulat ito sa patlang.
_____1.Isang uri ng lagom na ginagamit sa pagsulat ng personal profile ng isang tao. Katu-katulad ito sa
talambuhay o kathambuhay ngunit ito ay higit na maikli kompara sa mga ito.
A.Bionote B.Abstrak C.Tesis D. Sinopsis
_____2. Ito ay isang maiksing tala ng personal na impormasyon na kalimitang ginagamit o pinapahayag
tungkol sa isang tao na panauhin, magtatanghal o sinumang ipakikilalala sa isang kaganapan. Minsan ay
maaaring makita rin ito sa likuran ng mga pabalat ng aklat at kadalasan ay may katabi itong piktyur ng
may-akda.
A. Sinopsis B.Abstrak C.Tesis D.Bionote
_____3. Ito ay karerang madalas na makikita o mababasa sa journal , aklat ,abstrak ng mga sulating
papel, web sites at iba pa.
A.Negosyo B. Medikal C.Akademiko D.Arkitektural
_____4.Maipakilala ang sarili sa madla sa pamamagitang ng pagbanggit ng personal na impormasyon
tungkol sa sarili at maging ng mga nagawa o ginagawa sa buhay. Ito ay
A.gamit B.layunin C.kahulugan D.Kalikasan
_____5. Ang Bionote ay maikli at siksik ang nilalaman. Ito ay
A.layunin B.anyo C.katuturan D.katangian
_____6.Ginagamit ang hugis na ito tulad sa pagsulat ng balita at iba pang obhetibong sulatin, talagang
inuuna ang  pinakamahalagang impormasyon sa bionote  .
A.baligtad na tatsulok B.tatsulok C.bilog D.kwadrado
_____7.Ang salitang ito ay gamitin upang madali maunawaan at makamit ang totoong layunin nito na
maipakilala ang iyong sarili sa iba sa maikli at tuwirang paraan.
A. matalinghaga B. tayutay C.payak D.idyoma

14
_____8.Isulat gamit ang panauhan ito upang maging litaw na obhetibo ang pagkakasulat nito.
A.una B.ikalawa C.ikatlo D.ikaapat
_____9.Unang isulat sa bionote upang makita agad ang katauhan ng taong ipinakilala at unang
nakarehistro sa kamalayan ng mga taong ang taong ipinakikilala.
A.kasarian B.natapos C.tirahan D.pangalan
____10. Ang Bionote ay nabibilang sa pahayag na nagbibigay ng kaalaman sa mga mababasa ukol
sa kasanayan ng may-akda at mga parangal at nakamit nito.
A. naratibo B.impormatibo C.ekspresibo D.deskriptibo

Balikan

Panuto: IPABATID ANG BAWAT TITIK (Akrostik): Malaki ang tulong ng sinopsis sa pagpapaikli ng
isang akda o teksto. Ipinahahayag ito nang buo, maayos at mabisa anupa’t taglay nito ang mga
pangunahin at pantulong na kaisipan. Ngayon ,gamit ang mga letra ilahad ang kabuoang kaisipan ukol
sa paksa.

S ---

I ---

N ---

O ---

P ---

S ---

I ---

S ---
Tuklasin

PAGSULAT NG BIONOTE

Ang Bionote ay maituturing ding isang uri ng lagom na ginagamit sa pagsulat ng personal profile ng
isang tao. Marahil ay nakasulat ka na ng iyong talambuhay o tinatawag sa Ingles na autobiography o kaya
ng kathambuhay o katha sa buhay ng isang tao o biography. Parang ganito rin ang bionote ngunit ito ay
higit na maikli kompara sa mga ito. Ayon kay Duenas at Sanz (2012) sa kanilang aklat na Academic
Writing for Health Sciences, ang bionote ay tala sa buhay ng isang tao na naglalaman ng buod ng
kanyang academic career na madalas ay makikita o mababasa sa mga journal, aklat, abstrak ng mga
sulating papel, websites, at iba pa.
Kadalasan, ito ay ginagamit sa paggawa ng bio-data, resume, o anumang kagaya ng mga ito upang
ipakilala ang sarili para sa isang propesyonal na layunin. Ito rin ang madalas na mababasa sa bahaging
“Tungkol sa Iyong Sarili” na makikita sa mga social network o digital communication sites. Layunin din ng
bionote na maipakilala ang sarili sa madla sa pamamagitan ng pagbanggit ng mga personal na
impormasyon tungkol sa sarili at maging ng mga nagawa o ginagawa sa buhay.

15

Mga Dapat tandaan sa Pagsulat ng Bionote:


1. Sikaping maisulat lamang ito nang maikli. Kung ito ay gagamitin sa resume, kailangang maisulat
ito gamit ang 200 salita. Kung ito naman ay gagamitin para sa networking site, sikaping maisulat
ito sa loob ng lima (5) hanggang anim (6) na pangungusap.
2. Magsimula sa pagbanggit ng mga personal na impormasyon o detalye tungkol sa iyong buhay.
Maglagay rin ng mga detalye tungkol sa iyong mga interes. Itala rin ang iyong mga tagumpay na
nakamit, gayunman, kung ito ay marami, piliin lamang ang dalawa (2) o tatlong (3) na
pinakamahalaga.
3. Isulat ito gamit ang ikatlong panauhan upang maging litaw na obhetibo ang pagkakasulat nito.
4. Gawing simple ang pagkakasulat nito. Gumamit ng mga payak na salita upang madali itong
maunawaan at makamit ang totoong layunin nitong maipakilala ang iyong sarili sa iba sa maikli at
tuwirang paraan.
5. May ibang gumagamit ng kaunting pagpapatawa para higit na maging kawili-wili ito sa mga
babasa, gayunman iwasang maging labis sa paggamit nito. Tandaan na ito ang mismong
maglalarawan kung ano at sino ka.
6. Basahing muli at muling isulat ang pinal na sipi ng iyong bionote. Maaring ipabasa muna ito
sa iba bago tuluyan itong gamitin upang matiyak ang katumpakan at kaayusan nito.

https://www.buzzle.com/articles/how-to-write-a-short-bio-on-yourself.html.

Tunghayan ang isang halimbawa ng Bionote hinggil sa buhay ni Gng. Alma Dayag ,koordineytor at
may-akda ng aklat “Pinagyamang Pluma”

Si Alma M. Dayag ay nagtapos ng Bachelor of Science in Elementary and Secondary


Education magna cum laude at ng Master of Arts in Teaching Filipino Language and Literature sa
Philippine Normal University . Nakapagturo siya ng Filipino sa loob ng dalawampu’t limang taon at
nakapanglingkod bilang homeroom chairman , koordineytor ng Filipino at Sibika / HeKaSi at
Assistant principal for Academics sa St. Paul College Pasig. Nakadalo na rin siya sa iba’t ibang
kumperensyang pangguro sa iba’t ibang bansa tulad ng Amerika , Singapore ,China ( Macau) at
Thailand. Ang mga makabagong kaalamang natutuhan niya sa mga kumperensyang ito ay
nakatulong nang malaki sa kanyang pagbabahagi ng kaalaman at kasanayan sa pagiging trainer-
facilitator ng mga seminar-workshop na pangguro sa iba’t ibang panig ng bansa.
Siya ay accreditor din ng Philippine Accrediting Association of Schools , Colleges , and
Universities o PAASCU. Kontribyutor din siya sa ilang magasing pambata gayundin sa mga magasin
at journal na pangguro. Subalit ang itinuturing niyang pinakamahalagang katungkulan at biyaya mula
sa Maykapal ay ang pagiging simpleng maybahay at ina ng tatlong supling siya niyang inspirasyon
sa pagsulat ng mga aklat na kanyang iniaalay sa lahat ng mga batang Pilipino.

Pansinin :Nilalaman ng bionote ni Alma M. Dayag ang mga sumusunod:

Pangalan ng may-akda ,  kursong natapos (graduate at post-graduate) ,karangalang makamit,


trabaho bilang guro, mga tungkulin sa paaralan, mga kumperensyang nadaluhan,kontibyutor ,angkop
na kasanayan , akreditor , manunulat at iba pa

katangian ng Bionote
1.Maikli ang nilalaman -Sikaping paikliin ang iyong bionote at isulat lamang ang mahahalagang
impormasyon,

2.Gumagamit ng ikatlong panauhang pananaw – Tandaan ,laging gumagamit ng pangatlong panauhang


pananaw kahit na ito pa ay tungkol sa sarili.
Halimbawa: Si Juan dela Cruz ay nagtapos ng BA at MA Economics sa UP-Diliman. Siya ay
kasalukuyang nagtuturo ng Macroeconomic Theory sa parehong pamantasan .

16

3.Kinikilala ang mga mambabasa o ang target market - kailangang isaalang-alang ang mambabasa sa
pagsulat ng bionote. Kung ang target na mambabasa ay mga administrador ng paaralan , kailangang
hulmahin ang bionote ayon sa kung ano ang hinahanap nila.

4.Gumagamit ito ng baligtad na tatsulok - tulad sa pagsulat ng balita at iba pang obhetibong sulatin,
talagang inuuna ang  pinakamahalagang impormasyon sa bionote  
.

PINAKAMAHALAGANG IMPORMASYON

MAHALAGANG IMPORMASYON

DI-
GAANONG
MAHALAGA
NG
IMPORMASY
ON

5.Nakatuon lamang sa mga angkop na kasanayan o katangian – mamili lamang ng mga kasanayan o
katangian na angkop sa layunin ng bionote.
Halimbawa: “Si Pedro ay guro, manunulat , negosyante ,environmentalist at chef “.
Kung ibig pumasok bilang guro sa panitikan , halimbawa hindi na kailangan banggitin sa
bionote ang pagiging negosyante at chef.
6.Binabanggit ang degree o tinapos kung kinakailangan – Kung may PhD halimbawa at nagsusulat
ng artikulo tungkol sa kultura ng Ibanag sa Cagayan,mahalagang isulat sa bionote ang kredensyal na
ito.
7. Maging matapat sa pagbabahagi ng impormasyon – Walang masama kung paminsan-minsa ay
magbubuhat ka ng sariling bangko kung ito naman ay kailangan upang matanggap sa inaplayan o
upang ipakita sa iba ang kakayahan . Siguruhin lamang na tama o totoo ang impormasyon.

https://www.slideshare.net/CookiesAlajar/bionote-80249815
Suriin

Panuto: PAGSAGOT SA KATANUNGAN: Tukuyin at sagutin ang mga katanungan

1.Bakit isinusulat ang Bionote ? _________________________________________________________

2.Sinasabing ang Bionote ay kinikilalang isang marketing tool, ano sa palagay mo ang dahilan?
__________________________________________________________________________________

3.Sa pagsulat ng Bionote, bakit kailangang sundin ang baligtad na tatsulok?


__________________________________________________________________________________

4.Bakit kailangang kilalanin ang mga mambabasa o target na market sa pagsulat ng Bionote?
_________________________________________________________________________________

5. Bakit pinapahalagahan nang malaki ang katapatan ng isang tao sa pagsulat ng kanyang Bionote?
__________________________________________________________________________________

17

Pagyamanin

Panuto : BIONOTE NI GALILEO S. ZAFRA : Buoin sa isang talata ayon sa pagkakasunod-sunod ang
bionote ng isang manunulat ng aklat na “Filipino sa Piling Larangan (Akademik). Isulat ang sagot sa
bondpaper/papel.

 Dito rin siya kasalukuyang nagtuturo ng mga kurso sa panitikan,wika at araling Filipino.
 Aktibo rin siyang kontribyutor sa mga akademikong journal sa iba’t ibang pamatasan at
institusyong pangkultura.
 Nagtapos siya ng kanyang doktorado sa larangan ng Panitikan ng Pilipinas sa Departamento
ng Filipino at Panitikan ng Pilipinas sa University of the Philippines -Diliman.
 Si Galileo S. Zafra ay isang propesor, mananaliksik, manunulat at tagasalin.
 Nakapaglathala na siya ng mga aklat tulad ng Balagtasan: Kasaysayan at Antolohiya (1999) ,at
nakapag-edit ng serye ng Sawikaan: Mga Salita ng Taon at Ambagan : Mga Salita Mula sa Iba’t
ibang Wika sa Filipinas na kapwa proyekto ng Filipinas Institute of Translation sa UP Press.
Isaisip

Panuto: PAGHAHAMBING NG BIONOTE AT TALAMBUHAY : Batay sa natutunan mo sa


dalawang salita. Itala kung ano ang pagkakaiba at pagkakatulad ng Bionote at Talambuhay sa
pamamagitan ng Venn Diagram.Isulat ito sa sagutang papel

Bionote Talambuhay
(Pagkakaiba) (Pagkakaiba
Pagkakatulad )

18

Isagawa

Panuto: PAKIKIPANAYAM SA GURO :


Kapanayamin /interbyuhin mo ang isa sa iyong mga guro sa Senior High School tungkol sa
kanyang Bionote. Maghanda ka ng mga makabuluhang tanong na may kaugnayan sa kanyang
propesyon bilang guro. Sundin ang mga pamantayan sa wastong paraan ng pakikipanayam at sa
wastong pagsulat ng bionote . Isulat ito sa bondpaper/sagutang papel at sikaping lakipan ito ng
larawan ng kinakapanayam mo.

Tayahin

Panuto : KATANGIAN NG BIONOTE : Suriin ang kahulugan, kalikasan , mga katangian


.layunin
gamit , anyo (porma) ng Binote. Isulat ito sa tsart.

Bionote
Kahulugan
Kalikasan
Katangian
Layunin
Gamit
Anyo(porma)

Karagdagang Gawain

Panuto: BIONOTE UKOL SA SARILI: Sumulat ng iyong sariling bionote.Sundin ang wastong
pamaraan sa pagsulat nito. Isulat ito sa bondpaper/sagutang papel at sikaping lakipan ito ng iyong
larawan .

19

Lagom
Iba’t Ibang Uri ng Paglalagom

Isa sa mga dapat matutuhan ng bawat mag-aaral ay ang kakayahang bumuo ng


isang paglalagom o buod. Ang lagom ay ang pinasimple at pinaikling bersyon ng isang
sulatin o akda. Mahalagang makuha ng sinumang bumabasa o nakikinig ang kabuoang
kaisipang nakapaloob sa paksang nilalaman ng sulatin o akda .Bukod sa nahuhubog ang
mga kasanayang maunawaan at makuha ang pinakanilalaman ng isang teksto ay marami
pang ibang kasanayan ang nahuhubog sa mga mag-aaral habang nagsasagawa ng
paglalagom,
Ang Abstrak ay isang uri ng lagom na karaniwang ginagamit sa pagsulat ng mga
akademikong papel tulad ng tesis, papel siyentipiko at teknikal,lektyur,at mga report. Ito ay
kadalasang bahagi ng isang tesis o disertasyon na makikita sa unahan ng pananaliksik
pagkatapos ng title page o pahina ng pamagat. Ito ay naglalaman ng pinakabuod ng
akdang akademiko o ulat.

Ang sinopsis o buod ay isang uri ng lagom na kalimitang ginagamit sa mga akdang
nasa tekstong naratibo tulad ng kwento ,salaysay ,nobela , dula ,parabula, pelikula,
video,pangyayari ,at talumpati iba pang anyo ng panitikan. Ito ay maaaring buoin ng isang
talata o higit pa o maging ng ilang pangungusap lamang. Maaaring 1/3 ng pahina lamang
ng buong nabasang teksto o mas maikli pa nito ang sinopsis o buod. Sa pagsulat nito,
mahalagang maibuod ang nilalaman ng binasang akda gamit ang sariling salita. Ang
pagbubuod o pagsulat ng sinopsis ay naglalayong makatulong sa madaling pag-unawa sa
diwa ng seleksyon o akda, kung kaya’t nararapat na maging payak ang mga salitang
gagamitin. Layunin din nitong maisulat ang pangunahing kaisipang taglay ng akda sa
pamamagitan ng pagtukoy sa pahayag ng tesis nito. Ang pahayag ng tesis ay maaaring
lantad na makikita sa akda o minsan naman, ito ay di tuwirang nakalahad kaya mahalagang
basahing mabuti ang kabuoan nito. Sa pagkuha ng mahahalagang detalye ng akda,
mahalagang matukoy ang sagot sa sumusunod: Sino? Ano? Kailan? Saan? Bakit? Paano?
Sa pamamagitan ng pagsagot sa mga tanong na ito, magiging madali ang pagsulat ng buod.

Sa pagsulat ng sinopsis o buod ,mahalagang maipakilala sa mga babasa nito kung


anong akda ang iyong ginawan ng buod sa pamamagitan ng pagbanggit sa pamagat , at
pinanggalingan ng akda .
Makatutulong ito upang maipaunawa sa mga mambabasa na ang mga kaisipang iyong
inilahad ay hindi galing sa iyo kundi ito ay buod lamang ng akdang iyong nabasa. Iwasan
din ang magbigay ng iyong sariling pananaw o paliwanag tungkol sa akda at kailangang
maging obhetibo sa pagsulat nito .

Ang Bionote ay maituturing ding isang uri ng lagom na ginagamit sa pagsulat ng


personal profile ng isang tao. Marahil ay nakasulat ka na ng iyong talambuhay o tinatawag sa
Ingles na autobiography o kaya ng kathambuhay o katha sa buhay ng isang tao o biography.
Parang ganito rin ang bionote ngunit ito ay higit na maikli kompara sa mga ito. Ayon kay Duenas
at Sanz (2012) sa kanilang aklat na Academic Writing for Health Sciences, ang bionote ay tala sa
buhay ng isang tao na naglalaman ng buod ng kanyang academic career na madalas ay makikita
o mababasa sa mga journal, aklat, abstrak ng mga sulating papel, websites, at iba pa.

Kadalasan, ito ay ginagamit sa paggawa ng bio-data, resume, o anumang kagaya ng mga


ito upang ipakilala ang sarili para sa isang propesyonal na layunin. Ito rin ang madalas na
mababasa sa bahaging “Tungkol sa Iyong Sarili” na makikita sa mga social network o digital
communication sites. Layunin din ng bionote na maipakilala ang sarili sa madla sa pamamagitan
ng pagbanggit ng mga personal na impormasyon tungkol sa sarili at maging ng mga nagawa o
ginagawa sa buhay.

20

Tayahin

Pangwakas na Pagtataya
Panuto: Batay sa natutunan mo sa buong modyul , basahin at sagutin ang mga katanungan. Piliin ang
titik ng tamang sagot.
____1.Ito ay ang pinasimple o pinaikling bersyon ng isang sulatin o akda.
B. Abstrak B.Sinopsis C.Bionote D.Lagom
____2.Isang uri ng paglalagom na kalimitang ginagamit sa mga akdang nasa tekstong naratibo tulad ng
kwento,salaysay ,nobela,dula,parabula at iba pa.
A.Abstrak B.Sinopsis C.Bionote D.Lagom
____3.Uri ng lagom na ginagamit sa pagsulat ng personal profile ng isang tao.
A.Abstrak B.Sinopsis C.Bionote D.Lagom
____4.Uri ng lagom na karaniwang ginagamit sa pagsulat ng mga akademikong papel tulad ng
tesis,disertasyon,papel na siyentipiko at teknikal ,lektyur at mga report.
A.Abstrak B.Sinopsis C.Bionote D.Lagom
____5.Ito ay bahagi ng akademikong papel o ulat na pinakahuling isinusulat ngunit kadalasang unang
binabasa ng mga propesor o mga eksaminer ng panel.
A.Abstrak B.Sinopsis C.Bionote D.Lagom
____6.Isang tala sa buhay ng tao na naglalaman ng kanyang academic career na madalas ay makikita o
mababasa sa mga akita , aklat , abstrak ng mga sulating papel websites at iba pa .
A.Abstrak B.Sinopsis C.Bionote D.Lagom
____7.Sa pagsulat nito, mahalagang maibuod ang nilalaman ng binasang akda gamit
ang sariling salita.
A.Abstrak B.Sinopsis C.Bionote D.Lagom
____8. Elemento ito ng Abstrak na naglalaman ng pinakabuod ng bawat bahagi ng
sulatin o ulat.
A.Metodolohiya B.Delimitasyon C. Panimula D. kongklusyon
____9.Ang akita enting ginamit sa pagtanto ng antas ng kasanayan sa pagsasalita ng mga
mag-aaral sa ikaapat na taon ay ang walang diyalogong film na pinamagatang “Ang Pamana” na
ginamit sa pagkuha ng datos sa pagkukuwento. (bahagi ito ng hal. Ng Abstrak)
A.Saklaw at Delimitasyon B.Metodolohiya C.Introduksyon D.Resulta
____!0.Maipakilala ang sarili sa madla sa pamamagitang ng pagbanggit ng personal na impormasyon
tungkol sa sarili at maging ng mga nagawa o ginagawa sa buhay. Ito ay
A.gamit B.layunin C.kahulugan D.Kalikasan
____11.Ang salitang ito ay gamitin upang madaling maunawaan at makamit ang totoong layunin nito
na maipakilala ang iyong sarili sa iba sa maikli at tuwirang paraan.
A. matalinghaga B. tayutay C.payak D.idyoma
_____12.Gumagamit ito ng hugis tulad sa pagsulat ng balita at iba pang obhetibong sulatin, talagang
inuuna ang  pinakamahalagang impormasyon sa bionote  .
A.baligtad na tatsulok B.tatsulok C.bilog D.kwadrado
_____13.Unang isulat sa bionote upang akita agad ang katauhan ng taong ipinakilala at unang
nakarehistro sa kamalayan ng mga taong ang taong ipinakikilala.
A.kasarian B.natapos C.tirahan D.pangalan
____ 14Mahalagang isulat ito kung saan hinango o kinuha ang orihinal na sipi ng akda.
A.sanggunian B. akda C.pamagat D. may-akda
_____15.Batayan sa pagsulat nito mula orihinal na sipi . Kung ang damdaming naghahari sa akda ay
malungkot dapat na maramdaman din ito sa buod na gagawin.
A. damdamin B.larawan C.tono D.salita

21

Mga Sanggunian

Aklat

Ailene Baisa-Julian et.al Pinagyamang Pluma Filipino sa Piling Larangan (Akademik )Phoenix
Publishing 2016
Pamela C.Constantino et.el Filipino sa Piling Larangan (Akademik)Rex Book Store 2016 Edition
Dayag, Alma M., et al. Pinagyamang Pluma Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang
Pilipino Quezon City, Phoenix Publishing House, Inc. 2016

Corazon L. Santos ,PhD et.al Filipino sa Piling Larang (Akademik)Kagamitan ng Mag-aaral


Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Republika ng Pilipinas

DepEd CDO SHARED Options Learning Activities

Internet Sites

https://www.youtube.com/watch?v=6eSvZR23G7I
https://www.youtube.com/watch?v=3rDFyzUMZs0
https://www.youtube.com/watch?v=3THuUnF2LCY https://www.biblegateway.com/passage/?
search=Lucas+15%3A11-32&version=SND;FSV
https://www.sccgov.org/sites/covid19/Pages/coronavirus-facts-
tl.aspxhttp://filipinosapilinglaranggroup2.blogspot.com/2018/03/halimbawa-ng-abstrak.html

Journal

LPU Laguna Journal of Arts and Sciences Psychological Research Vol. 2 No.2 September 2015

25
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)

DepEd Division of Cagayan de Oro City


Fr. William F. Masterson Ave Upper BalulangCagayan de Oro
Telefax: ((08822)855-0048
E-mail Address:cagayandeoro.city@deped.gov.ph

You might also like