You are on page 1of 39

Senior High School

NOT

KOMUNIKASYON AT
PANANALIKSIK
Kuwarter 2 - Modyul 6
Mga Sitwasyong Pangwika ng Pilipinas

Kagawaran ng Edukasyon ● Republika ng Pilipinas


Filipino- Ikalabing-isang Baitang
Alternative Delivery Mode
Kuwarter 2 – Modyul 6: Mga Sitwasyong Pangwika ng Pilipinas
Unang Edisyon, 2020
Isinasaad ng Batas Republika 8293, seksyon 176 na “Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-ari(sipi) sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung
itoý pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.”
Ang mga hiniram na materyales (awit, kuwento, tula, larawan, ngalan ng produkto o
brand names, tatak o trademarks atbp.) na ginamit sa aklat na ito ay sa nagtataglay ng
karapatang-ari ng mga iyon.
Pinagsikapang matunton upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng mga materyales
o mga kagamitang pampagtuturo na nasa online o sa mga aklat at iba pa. Hindi inangkin ng
mga tagapaglathala ang karapatang pagmamay-ari ng mga ito.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon – Sangay ng Cagayan de Oro


Tagapamanihala ng mga Paaralan: Dr. Cherry Mae L. Limbaco, CESO V
Mga Bumubuo ng Modyul para sa Mag-aaral
Manunulat: Geraldine Lincaro
Mga Tagasuri: Anita M. Gomez, PSDS
Maria Dulce Cuerquiz, MT
Mga Tagaguhit at Nag-layout : Mr. Ryan Roa
Ms. Mary Sieras
Mr. Allan Guibone
Mrs. Alma Sheila Alorro
Mga Tagapangasiwa
Tagapangulo: Cherry Mae L. Limbaco, PhD, CESO V
Tagapamanihala
Pangalawang Tagapangulo:
Alicia E. Anghay, PhD, CESE
Pumapangalang Tagapamanihala

Mga Miyembro: Lorebina C. Carrasco, OIC-CID Chief


Sol P. Aceron, Ph.D, EPS-Filipino
Brenda P. Galarpe,SSP- 1
Aniceta T. Batallones, MAFIL
Joel D. Potane, LRMS Manager
Lanie O. Signo, Librarian II
Gemma Pajayon, PDO II
Inilimbag sa Pilipinas ng
kagawaran ng Edukasyon – Sangay ng Cagayan de Oro City
Office Address: Fr. William F. Masterson Ave Upper Balulang Cagayan de Oro
Telefax: (08822)855-0048
E-mail Address: cagayandeoro.city@deped.gov.ph
Senior
Senior High
High School
School

KOMUNIKASYON
AT
PANANALIKSIK
Kuwarter 2 - Modyul 6
Mga Sitwasyong Pangwika ng Pilipinas

Ang modyul na ito ay magkatuwang na inihanda at sinuri ng mga


edukador mula sa mga pampublikong Paaralan. Hinihikayat namin ang mga
guro at ibang nasa larangan ng edukasyon na mag-email ng kanilang puna at
mungkahi sa Kagawaran ng Edukasyon sa depeddivofcdo@gmail.com

Mahalaga sa amin ang inyong mga puna at mungkahi.

Kagawaran ng Edukasyon ● Republika ng Pilipinas


TALAAN NG NILALAMAN

Para Saan ang Modyul Na Ito ............................................................................................................. i


Ano ang Inaasahan Mo .......................................................................................................................... i
Paano Mo Matutunan ............................................................................................................................ i
Mga Aykon ng Modyul ........................................................................................................................... ii

Ano ang Nalalaman Mo........................................................................................................................ iii

Aralin 1: Wikang Filipino at Mass Media


Alamin............................................................................................................................. 1
Subikin…………………………………………………………………………….
Tuklasin: ....................................................................................................... 1
Suriin: ........................................................................................................... 3
Pagyamanin : ................................................................................................ 6
Suriin: ...........................................................................................................
Pagyamanin: ................................................................................................
Isaisip: . ......................................................................................................... 9
Isagawa: ....................................................................................................... 10

Aralin 2: Wikang Filipino, Internet, at Social Media


Balikan ……………………………………………………………………………11
Alamin: .......................................................................................................... 12
Tuklasin: ………………………………………………………………………….
Suriin: .......................................................................................................... 17
Isaisip: ........................................................................................................
Isagawa: ..................................................................................................... 18

Aralin 3: Wikang Filipino at Pag-aaral ng Kultura


Balikan……………………………………………………………………………19
Alamin…………………………………………………………………………….20
Tuklasin…………………………………………………………………………
Suriin…………………………………………………………………………… 24
Isaisip…………………………………………………………………………..
Isagawa………………………………………………………………………… 25

Lagom …………………………………………………………………………………………… 26
Tayahin (Pangwakas na Pagtataya) ………………………………………………………… 27
Susi sa Pagwawasto…………………………………………………………………………… 29
Mga Sanggunian……………………………………………………………………………….. 30
Para Saan ang Modyul Na Ito

Ang modyul na ito ay tungkol sa wikang Filipino at ang malaking kaugnayan nito sa
ating Mass Media na sa kasalukuyang panahon ay napakalaki ng ginagampanan na Gawain
sa ating pang-araw-araw na pakikisalamuha sa mga taong nasa ating paligid, sa pagkakabatid
natin sa lahat ng mga pangyayari sa ating paligid, ang pakikipag-usap natin sa mga taong
may kabuluhan sa ating buhay malayo man o malapit. Ang Mass Media ay masasabi nating
naging daan upang maiparating natin sa kinauukulan ang lahat ng ating mga mungkahi o mga
hinaing, mass media rin ang nagpaparating sa atin ng kung ano ang mga pagbabago na
nangyayari sa ating bansa, o maging sa mga taong kilala natin.
Bagamat mas maraming banyaga kaysa local na pelikula ang naipapalabas sa ating
bansa taon-taon. Ang mga local na pelikulang gumagamit ng midyum na Filipino at mga
barayti nito ay mainit ding tinatangkilik ng mga manonood.
Katulad ng telebisyon, Filipino rin ang nangungunang wika sa radio. Ang halos lahat
ng mga estasyon sa radio sa AM man o sa FM ay gumagamit ng Filipino sa iba’t-ibang barayti
nito. Ang telebisyon ay itinuturing na pinakamakapangyarihang media sa kasalukuyan dahil
sa dami ng mamamayang naaabot nito. Ang magandang balita, wikang Filipino ang
nangungunang midyum sa telebisyon ng ating bansa

Sadyang inihanda ang modyul na ito upang makatuklas ng mga bagong konsepto at
kaalaman sa paggamit ng mga kaalamang matutunan sa pakikipagtalastasan sa
pamamagitan ng mass media. Ang mga gawain ay maingat na inihanda upang lubos na
malinang ang kakayahan sa pakikinig, pagsasalita, pagbabasa, pagsusulat at panonood.
Tutulungan ka ng modyul na ito na matukoy ang kahalagahan at kabuluhan ng mga
pangwikang paraan na may kaugnayan sa mass media na maaari nating matutunghayan sa
pakikipanayam, talumpati, pelikula, pahayagan, babasahin at radio, na naglalaman ng
maraming kaalaman.
Sa araling ito, ang kahalagahan ng wikang Filipino ay binibigyang pansin upang
malaman na ang wika ay sangkap at ugnayan sa pakikipagkapwa-tao, ito’y pagkakakilanlan
ng isang bansa sa pamamagitan ng mass media. Gagabayan ka ng modyul na ito sa iyong
paglalakbay at pagtuklas sa mundo ng kaalaman ng sitwasyong pangwika at pangmass
media.
Ang modyul na ito ay may tatlong aralin:

 Aralin 1 – Wikang Filipino at Mass Media

 Aralin 2 – Wikang Filipino, Internet, at Social Media

 Aralin 3 – Wikang Filipino at Pag-aaral ng Kultura

Inaasahang pagkatapos ng modyul na ito ang mga mag-aaral ay:

1. Natutukoy ang iba’t-ibang paggamit ng wika sa mga napakinggang pahayag mula sa


mga panayam at balita sa radio at telebisyon. (F11PN-IIa-88)
2. Nasusuri at naisasaalang-alang ang mga lingguwistiko at kultural na pagkakaiba-iba
sa lipunang Pilipino sa mga pelikula at dulang napanood. (F11PD-IIb-88)
3. Natutukoy ang iba’t-ibang paggamit ng wika sa nabasang pahayag mula sa blog, social
media posts at iba pa. (F11PB-IIa-96)

Paano Mo Matutunan i

Upang makamit ang mga inaasahan, gawin ang mga sumusunod:


 Basahin at unawain ng mabuti ang mga sitwasyong pangwika.
 Sundin ang mga bawat panuto na ibinibigay sa bawat gawain at pagsasanay.
 Sagutin ang lahat ng mga ibinibigay na gawain at pagsasanay.
 Isulat ang iyong sagot sa hiwalay na sagutang papel.

i
Mga Icon ng Modyul
ALAMIN Inihanay ang mga layunin sa aralin. .Mahalagang
maunawaan ng mga mag-aaral kung ano ang maaasahan
nila sa aralin.
SUBUKIN Panimulang pagtataya o Gawain upang matukoy ang lawak
ng kaalaman ng mag-aaral ukol sa tatalakaying paksa.

BALIKAN Binabalikan ang mga dating kaalaman ng mga mag-aaral


tungkol sa paksa ng bawat aralin. Mahalagang matukoy ito
upang matiyak na may napadagdag pang kaalaman.

TUKLASIN Inilalahad dito ang mismong aralin sa pamamagitan ng


kwento, pagsasanay ,tula, awitin ,sitwasyon at iba pang
paraan .Ginagalugad dito ang mga ideyang magkikintal ng
mahalagang kaisipan.
SURIIN Inilalahad dito ang mga tanong na sumusubok sa
pagkaunawa ng mag-aaral sa aralin. Maaari rin itong
pagtatalakay sa paksa.
PAGYAMANIN Makapagsagawa ang mga mag-aaral ng mga gawaing
magpapatotoo ng kanilang natutunan. Magtitipon sila ng
kanilang likhang mga sulatin at Gawain batay sa natutunan
sa aralin.
ISAISIP Patutunayan ng mga mag-aaral ang karunungan at
kaalamang kanyang natutunan sa pamamagitan ng
pagsusulit ,Gawain at pagsasanay.

ISAGAWA Pagtitipon ng mga natamong kaalaman at kasanayan ng


mga mag-aaral sa gawaing replektibo upang mailalapat sa
tunay na buhay.

TAYAHIN Tatayain ang mga mag-aaral ayon sa antas ng pagkatuto


mula sa natamong kasanayan .

KARAGDAGANG Mabibigyan ng karagdagang pagsasanay upang malinang


GAWAIN ang kakayahang pampagkatuto ng mga mag-aaral .

SUSI NG Mga kasagutan sa anumang pagtataya, pagsasanay at mga


PAGWAWASTO Gawain

ii
Ano ang Nalalaman mo

Panimulang Pagtataya

May mga grupo ng salita na ginagamit ng particular na grupo sa bawat bilang sa ibaba.
Isulat sa patlang ang isinasaad o hinihingi sa bawat letra.

A.Propesyon

_____1.Debit, kredit, akawnting, balance, remitans, tseke


_____2.Operasyon, iniksyon, istetoskop, thermometer
_____3.Afidavit, kontrata, notary publiko, krimen, kaso, batas
_____4.Tsok, tsokbord, pentel pen, klas record, test, bolpen
_____5.Kuryente, sirkit, transpormer, kawad, kilowatt, ilaw, bombilya

B. Sabjek o Asignatura

_____1.Nota, ,elodeya, bokalisasyon, oktava, tiyempo, kanta


_____2.Mouse, CPU, keyboard, log in, start, software, Microsoft Word
_____3.Anyo ng Panitikan, tula, akda, makata, tauhan, banghay, dula
_____4.Atom, atmospera, buhat at di-buhay na bagay, enerhiya, tubig
_____5.Plas, multiplay, square root, numero, maynus, hatiin, ikwal

C.Tao o Gumagawa

_____1.Keyk, beyking soda, sukatang tasa, tinapay, haluang bowl


_____2.Buhok, meyk-ap, lipstick, pulbos, tina, kulot, syampu, pilik-mata
_____3.Shokla, jowa, chaka, fafa, lukring, tsugi, balaysung, shongit
_____4.De padyak, gulong, pasahero, manibela, rayos, pedal, sukli
_____5.Sa pula sa puti, lo dyes, tare, kristo, pusta, salpukan, manok

iii
Mga Sitwasyong Pangwika sa
Pilipinas
1
BAITANG: 11 Markahan: Ikalawang Markahan

Panahong Igugugol: Una-ikaapat na Linggo

Alamin

Inaasahang pagkatapos ng modyul na ito ang mga mag-aaral ay:

1. Natutukoy ang iba’t-ibang paggamit ng wika sa mga napakinggang pahayag mula sa


mga panayam at balita sa radio at telebisyon. (F11PN-IIa-88)
2. Nasusuri at naisasaalang-alang ang mga lingguwistiko at kultural na pagkakaiba-iba
sa lipunang Pilipino sa mga pelikula at dulang napanood. (F11PD-IIb-88)
3. Natutukoy ang iba’t-ibang paggamit ng wika sa nabasang pahayag mula sa blog, social
media posts at iba pa. (F11PB-IIa-96)

Tuklasin
Gawin Mo

Gawain 1.1. Mula sa mga salitang nakatala sa kahon tukuyin kung alin sa bawat bilang
inilalarawan.

Mass Media Patalastas Internet Media Thomas Carlyle

___ 1. Ang pumapangalawa sa pinakagamiting media sa Pilipinas.


___ 2. Ito ang tumutulong upang kumita at mabuhay ang media.
___ 3. Ang taong unang gumamit ng media.
___ 4. Pinakaimpluwensyal at pinakamakapangyarihang institusyon sa ating lipunan.
___ 5. Ikaapat na estado sa bansang demokratiko.

1
Gawain 1.2. Magbigay ng apat na mahahalagang gamit ng Mass Media bilang isang mag-
aaral gamit ang graphic organizer . Isulat sa kahon ang iyong sagot.

Gawain 1.3. Kilalanin kung anong katawagan sa mga nasa larawan bilang uri ng Mass Media?
Sa bawat sagot ay isulat kung paano ito ginagamit.

A. __________________ B.__________________ C.____________________

D.____________________ E._________________

Source: google.com

2
Suriin
Gawain 1.4. Basahin at intindihing Mabuti ang pahayag na naglalaman tungkol sa
Mass Media. Pagkatapos ay sagutin ang mga sumusunod na tanong.

Ang Mass Media ay kahit na anong bagay o instrumento para sa


pakikipag-ugnayan sa masa o napakaraming tao sa isang tukoy o saglit na
oras.
Mass Media. Tinatawag rin na Pangmasang media o pangmadlang media. Malaki
ang impluwensiya ng Mass Media sa lipunan. Ito ay
isa ring malaking industriya at kinikilala bilang
Ikaapat na Estado (Fourth Estate) kasunod ng
tatlong sangay ng pamahalaan at umiiral sa mga
bansang Demokartiko.

Dahil na rin sa makabagong teknolohiya, mas


napapadali na ang paggamit ng mass media. Kasama
sa sangay ng mass media ang pahayagan, radyo, at
telebisyon. Ito rin ang ginagawang libangan,
pinagkukunan ng balita at dahilan ng pagsikat ng ilan.

Ayon kay Marshall Mcluhan,


Hinuhubog na tayo mismo ng mass media. Kailangang-kailangan na natin
ang mass media sa ating buhay.
Mass media din ang dahilan kung bakit mas napapalawak pa
natin ang ating kaalaman sa makabagong teknolohiya. Sa tulong ng
mga balita, pahayagan, magazine at iba pang sangay ng mass
media ay mas updated na tayo sa kung ano ang mga bagong
kagamitan o gadgets.
Isa rin sa aming mga natalakay ay tungkol sa Radyo –
ang media ng masa. Radyo ang pinakamura kumpara sa mga
telebisyon o ibang media gadget. Maaari rin itong umandar gamit
lamang ang baterya. Tipikal itong ginagamit na paraan sa mga
baryo o lugar na hindi abot ng elektrisidad. Ang mga drayber
ng taxi ay madalas nakikinig dito, pati ang mga nasa pribadong sasakyan, at ang
ibang nasa tahanan, restawran, at opisina upang makinig ng balita, musika, o
programang panradyo sa AM at FM. Samakatwid, pangmadla talaga ang radyo.

1. Sa iyong nabasa, ano ang pagkakaintindi mo sa Mass Media?Bakit sinasabing


makapangyarihang institusyon ito ng ating lipunan? Ipaliwanag.
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

2. Magbigay ng halimbawa ng Mass Media?Alin sa mga ito ang pinakatinatangkilik mo?


Ipaliwanag ang iyong panig.
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

3
3. Bakit sinasabing ang radio ay “media ng masa?’Sinu-sino ang karaniwang tumatangkilik
nito?
___
__________________________________________________________________________________

__________________________________________________________________________________
Mga Uri ng Palabas
A.Tanghalan/Teatro
Ang bulwagan, dulaan[1] , tanghalan o teatro ay ang sangay ng ginaganap na sining na may
kinalaman sa pag-arte ng mga kuwento sa harap ng mga nakikinig na ginagamit ang
magkahalong salita, galaw, musika, sayaw, tunog at panooring kahangahanga—tunay nga na
isa o higit pa na sangkap ng ibang gumaganap na sining. Karagdagan pa sa mga pamantayang
istilo ng diyalogo, kinukuha ng teatro ang iba pang anyo tulad ng opera, ballet, mime, klasikong
sayaw ng mga Indiyan, opera ng mga Tsino at pantomine.

B.Pelikula
Ang pelikula, na kilala din bilang sine at pinilakang tabing, ay isang larangan na sinasakop
ang mga gumagalaw na larawan bilang isang anyo ng sining o bilang bahagi ng industriya ng
libangan. Dahil naging pangunahing tagapamagitan para sa pagpapakita ng mga gumagalaw
na larawan ang letratong pelikula sa kasaysayan, kadalasang tinutukoy ang larangang ito ng
akademya bilang ang pag-aaral ng pelikula.
Isang anyo ito ng sining, at tanyag na anyo ng mga libangan, at negosyo. Nililikha ang pelikula
sa pamamagitan ng pagrekord ng "totoong" tao at bagay (kabilang ang inarte na pantasya at
mga peke) sa kamera, at/o sa pamamagitan ng kartun. 5

Mga nilalaman
Wika
Ang pelikula ay mayroong sariling wika. Ayon kay Ingmar Bergman, si Andrei Tarjirjy ang
kanyang tinuturing na pinakamagaling na direktor sapagkat nagawa niyang isa-pelikula ang
buhay sa paraang makikita ito bilang isang panaginip. Ang wika ng pelikula ay mababatay sa
pag-arte ng aktor na parang nagsasalita ng personal sa tagapanood.

Distribusyon
Karaniwang pinoproseso ang mga pelikula upang maibahagi ito sa madla. Karaniwang mga
propesyonal na distributor ang gumagawa nito at maaaring ipalabas sa teatro, telebisyon, o
personal na panonood sa pamamagitan ng DVD-Video o Blu-ray Disc, video-on-demand, o pag-
download mula sa internet. Dahil sa mabilis na pag-unlad ng teknolohiya, mabilis na ring
makapanood ng mga pelikula sa ibang nagbibigay ng serbisyong ito gaya ng Netflix o maaari na
ring makakuha ng mga pelikula online sa ilegal na paraan gaya ng torrent. [2]
Montage]
Ang montage ay isang paraan kung saan hinahati ang parte ng isang pelikula at ito ay pinipili,
inaayos, binabago para makagawa ng mas magandang seksyon ng pelikula. Ang pinangyarihan
ay pwede magpakita ng isang lalaki na sasabak sa laban, na may sulyap ng kanyang kabataan
at sakanyang buhay noon. Kapag kumpleto na ang pelikula na ito, dito dinadagdagan ang mga
pwede pang animasyon para gumanda lalo ang pelikula.
Pelikulang Pamumuna
Ang pagkritik ng pelikula ay ang pagpupuha ng isang gawa batay sa mga rubriks. Ang pagkritik
ay masusuri sa dalawang kategorya, ang pagsuri ng mga akenemiko at ang pagsuri ng mga
mamahayag na kalimntang magbabasa sa mga diyaryo at iba pang matining na katinig.

4
Telebisyon
Para sa mga mahilig manuod ng telebisyon diyan heto ang ilang mga
impormasyon para sa inyo.
Ang telebisyon ay isang sistemang telekomunikasyon para sa pagpapahayag
at pagtanggap ng mga gumagalaw na mga larawan at tunog sa kalayuan.
Nakakapag pauso at nakakalikha din ng mga bagong salita at mga bagong
salita na pinapauso lamang. Naging patungkol sa lahat ng aspeto ng programa
at pagpapadalang pantelebisyon ang katagang ito.

Ito ang ilang mga pangunahing isyu ng wika sa ating telebisyon.Ang panunuod ng sa
telebisyon ay tiyak na nakakaaliw at na kakapag palipas oras dahil sa mga palabas
nito kaya maraming mamamayan lalo na sa ating bansang Pilipinas ang nanunuod
ng telebisyon dahil doon Maraming mga tao ngayon ang hindi alam ang mga
posibleng epekto ng telebisyon. Anu nga ba ang mga posibleng epekto nito? Ang
telebisyon ay nakakapag paunlad ng ating wika ang wikang Filipino na isa sa mga
pinaka laganap na wika na ginagamit sa telebisyon. Dahil sila ay nakakagamit ng
sariling wika at gumagamit sila ng mga bagong salita gaya ng mga bagong salita na
nauuso ngayon. Kaso may problema tayo sa mga bagong salita na uuso ngayon
dahil itong mga salitang ito ay minsan hindi nagagamit ng ayos ng mga manunuod
ngunit nagagamit ito bilang kasamaan para ibang tao dahil hindi pareparehas ang
pagkakaintindi ng bawat isa sa ibang salita na nalilikha dahil bawat isa sa ating mga
tao ay may kanya kanyang pananaw sa ma bawat isang salitang nauuso.

Ang mass media sa kasalukuyang panahon ay mahalagang bahagi ng pamumuhay


ng mga tao sa isang komunidad. Sinasabing ito ay makapangyarihang sandata o “tool”
ng komunikasyon. Ito ay malaki ang papel na ginagampanan sa pagpapalaganap ng
mga impormasyon na kinakailangang maipaalam sa mga mamamayan. Ang
telebisyon, radio at internet ay mga halimbawa ng makapangyaring mass media. Ito
ay “accessible” kahit sa maliliit na pamayanan sa ating bansa
Kapag may kalamidad, malaki ang ginagampanan ng mass media sa pagpapakalat
ng mga advisories o babala sa mga komunidad. Sa pagdating pa lang ng
nagbabadyang bagyo, halimbawa, naipapaalam na agad sa mga mamamayan ang
mga dapat gawin upang makaiwas sa sakuna. Ang pagbibigay ayuda sa mga
nasalanta ay nabibigyan din ng mass media ng tulong upang malaman ng gobyerno
ang kalagayan ng mga biktima. Maging ang paghingi ng mga donasyon ng relief o
tulong sa mga pribadong mamamayan ay dinadaan sa mass media. Dahil dito, kahit
ang mga liblib na lugar sa Pilipinas ay nagkakaroon ng pagkakataong maabutan ng
mga ayuda. aa pang araw-araw na pamumuhay, nabibigyan ng mass media ng tuwa
o “entertainment” ang mga tao sa isang komunidad. Katulad na lamang nang mga
panooring pangtanghali o sa gabi man. Ang mga balita sa ating bansa ay
naipapalaganap din sa pamamagitan ng mga telebisyon, radio at internet. Sa mass
media, nalalaman ng bawa’t isa kung ano o “in” o “trending” na nakakatulong sa mga
negosyo sa mga komunidad. Ang patalastas o mga “advertisement” tungkol sa
makabagong produkto ay idinadaan din sa mass media. Kung kaya’t ang mass media
ay sinasabing “powerful tool” para sa kasalukuyang panahon ng komersyalismo.

5
Pagyamanin

Gawain 1.5. Sa nabasa mong impormasyon tungkol sa Mga Uri ng Palabas, kumpletuhin ang
kahon sa pamamagitan ng pagbibigay ng katangiang ng bawat uri ng palabas.

TANGHALAN PELIKULA TELEBISYON

Isaisip

Media at Pambansang Wika


Ni Roland Tolentino
Media ang pangunahing daluyan ng pambansang wika, o ang popular nitong
bersyon, kolokyal na Tagalog, Filipino at Taglish. Maliban sa evangelical na palabas na
nagbibigay-aral at nanghihimok ng kumbersyon sa ingles, ang kalakhan ng free channels sa
telebisyon ay gumagamit na nitong Filipino.
Dati ay primetime telebisyon lang ang gumagamit nito. At simula ng pinakahuling balita sa
gabi, lahat ay bumabalik sa ingles, lalo na ang news magazine shows. Pero nahigop ito ng
Filipino, lumawak ang oras at palabas na tinaguriang “primetime,” at kung gayon, mas
maraming oras ng advertisement na pinagkakakitaan ng may-ari ng kompanya.

Magkabilang pisngi ng iisang mukha ang telebisyon bilang lunduyan ng pagpapalaganap ng


pambansang wika. Sa isang banda, ito na ang nakakapagpaunlad ng kontemporaryong
Filipinong kauna-unawa sa buong bansa. Ang kalakarang hindi kayang ilehislatura o isabatas
hinggil sa pambansang wika ay naisasakatuparan na ng popular na media.

At hindi nag-iisa ang telebisyon bilang pangunahing disseminator ng wika. Lahat ng AM


stations sa radyo ay gumagamit ng Filipino at mga wikang bernakular. Ang FM stations ay
kinakailangan ding gumamit ng Taglish kaysa ingles na may twang at slang dahil masyadong

6
nae-alienate ang tagapakinig, lalo na ang Amerikanong tagapakinig kapag ang DJs ay
“pretend” (nagpapanggap na American native speaker).

Ito na rin ang nagsisiwalat ng isang Filipino ingles na binibigkas. Walang American twang,
tadtad ng idiomatikong expresyong pidgin o kakatwa lang sa Pilipinas, at may rekurso sa
Taglish bilang performatibong wika ng gitnang uring tagapakinig ng FM station. Ang
umuunlad na pinapakinggang Taglish ang siyang benchmark ng isang wika aspirasyonal para
sa mababang uri na kahit man lamang ito—halong Tagalog at ingles—ay makayanang
maabot, at sa mataas na uri para makapagkomunikasyon sa sirkulo ng iniinugang mababang
uri, tulad ng kanilang katulong, driver, watch-your-car boy, nagbebenta ng sampaguita at
yosi, at iba pa.

Ang umuunlad na wika ay pragmatikong wikang kolokyal. Nasasapol nito ang aspirasyonal
na layunin ukol sa komunikatibong operasyon sa bansa. Na ang abang uri ay maari ring
umangat—at the very least, maging call cente agent—kung makikinig lamang ito ng Taglish
sa popular media, mga bagay na hindi niya lubos na matutunan sa akademikong kalakaran na
purong Filipino o purong ingles lamang.

At ang mataas na uri ay maaring magkaroon ng reli (relevance) sa kinakausap na abang uri,
dahil marahil sa kauna-unahang pagkakataon, may nauunawaang popular na wikang
pinaghahalawan ang kumakausap at kinakausap. Para itong wika ng popular na pelikula,
kahit mamilipit na ang mga karakter—na ginagampan ng pinakabatikang batang artista—na
magdiretsahang ingles, nakakapanghimok pa rin ang wika ng aspirasyonal na lifestyle choice:
edukasyon, career, pag-ibig, pamilya at gitnang uring buhay.

Na kahit nga abang uri ang mga tauhan at naratibo ng mga pelikulang popular, sa
pamamagitan ng gitnang uring panuntunan, ang punto-de-bista at pagpapahalaga ay
maglilikhang hindi nakikita at natutunghayan ang materialidad ng abang uri. Tanging ang
aspirasyon ng gitnang uri ang tumitingkad. Kaya ang ordinaryong assistant sa isang
advertising company na babae ay mai-inlove sa kanyang masungit na boss, at mai-inlove
gamit ang wikang Taglish.

Sa internet, sinasabing ang sites na sa Filipino at bernakular ay mas maraming trafiko at hits
kaysa sa sites sa ingles. Umaariba na ang kolokyal na pambansang wika, at ang panuntunan
ng gatekeepers ng ofisyal na wikang pambansa ay, sa pangunahin, nakasentro sa usaping
standardisasyon (baybay, panunumbas na kahulugan, gamit sa pangungusap, at iba pa).

Sa kabilang banda, sa mas pragmatikong usapin, ang pagpapalaganap ng media ng kolokyal


na pambansang wika ay hindi naman dahil sa pagmamahal ng una sa huli. Mas atas pa ng
pangangailangan ng higit na kita ng media—isa sa mga huling negosyong nilinaw ng
Konstitusyon na para sa mga Filipino lamang—ang motibasyon ng pagtangkilik ng
negosyong media sa wikang pambansa.

Narinig kong magsalita ang mga artista sa “The Buzz,” isang showbiz talk show. Si Shaina
Magdayao ay nagpapaliwanag kay Boy Abunda hinggil sa pang-aalipustang siya ang dahilan
ng pagka-setback sa career ni John Llyod Cruz. Ewan ko kung tipong inaabot ni Shaina o
Gerard Anderson—na nagpapaliwanag naman sa korte ng popular na publikong opinyon
hinggil sa paghihiwalay nila ni Kim Chu–ang manonood na kalakhan ay galing sa mababang
uri, pero hindi sila makapagsalita ng tuwid na Filipino o ingles.

Ang kanyang rekurso ay paghaluin ito, at ito ang tagumpay ng pag-inhinyero ng media
conglomorates sa artista at wika: wala nang nasa labas ng kolokyal na wika, at ang
pagpaminta ng ingles sa Filipino ay ang pagsasanib ng higit na aspirasyonal na halaga ng
wikang ingles sa Filipino. Hindi rin kakatwa na wikang ingles ang inaakalang literal na
magpapayaman sa nagsasanib nito sa wikang Filipino.

7
Hindi ba’t ingles ang siyang kolonyal na wika, at kasalukuyang tampok na global na wika sa
ating insular na mundo? Kahit pa sa boom economies ng India at China at ang
pangangailangan ng maraming Filipinong marunong ng wika ng mga ito para sa engagement
sa mga bagong global na economic powers, patuloy lamang ang pinupuntirya ng mga
Filipino ay ang circuitous na pakikisalumuha via ingles?

Sa madaling salita, pambansang aspirasyon ang kolokyal na pambansang wika. Ang sentral
na impetus ay nanggagaling sa pambansang motibasyong makaalinsabay sa globalisasyon, o
ang paghahanap ng lokal na idioma sa global na kapitalismo. Hindi ito dumidiretso sa
kalakarang global, ang pagpasok sa ekonomiya ng India, China at iba pang umuunlad at mas
mauunlad na bansa.

Ang trajektori ng aspirasyon ay tungo sa katagumpayan ng globalisasyon sa pambansang


kondisyon: ang higit pang penetrasyon ng global sa lokal. Ang kultural nitong pagsasalin ay
nangangahulugan ng mobilisasyon sa pamamagitan ng overseas contract work sa labas ng
bansa at call center work sa loob ng bansa. At media ang nagpako ng kasalukuyang estado ng
pangarap ng mamamayan.

Ang kahulugan ng paglaganap ng isang kolokyal na wikang pambansa sa media ay nagsaad


rin ng nasyonal na agenda: sa pamamagitan ng kolokyal na wikang pambansa makakalahok
ang bansa sa kolokyal na globalisasyon. Nananatiling nasa laylayan ang bansa at ang wika
nito tungo sa internalisasyon ng globalisasyon. At dahil magpakaganito, tumitingkad ang
materialidad ng di-pantay na penetrasyon ng globalisasyon sa buong mundo.

Kung titignan ang diyaryo, malinaw na ang broadsheets—ang lehitimong peryodismo—ay


nakasulat sa ingles. Sa mga tabloid, na higit na tinutunghayan ng mas maraming bilang ng
ordinaryong mamamayan, ay sadlak sa sensationalismo, ang bulgar at bawal, sexual at
bastos, at iba pa. Hindi ba’t ang isinasaad nito ay ang di-opisyal at popular na motibasyon sa
kaalaman-kultural na dulot ng tabloid ay tungo sa mismong hindi aangkop sa kinikilalang
ofisyal na peryodismo sa bansa?

Kaya ito ang debacle sa wikang pambansa at media na nagpapalaganap ng kolokyal na


variasyon nito: ang pinapatingkad ay ang kabalintuan ng di makapantay at makaagapay sa
ofisyal na globalisasyon, at ang kasalukuyang tereyn ng kolokyal na wikang pambansa ay
nananatiling nasa bulgar, ipinagbabawal, sexual at bastos. (Bulatlat.com)

Pagyamanin

Gawain 1.6. Sagutin ang sumusunod na katanungan.

1. Ano ang naging bahagi, ambag at impluwensya ng wikang Filipino sa radyo at


telebisyon?

8
2.Sa iyong palagay, ano ang dahilan kung bakit lumawak ang sakop ng Filipino sa
Primetime na palabas?

3.Paano nagkakaroon ng interaksyon sa pagitan ng Ingles at Filipino sa bahagi


ng mga popular na pelikula at maski sa FM na estasyon ng radio?

4.Batay sa paliwanag sa artikulo, ang wikang Filipino ba ay masasabing wika


Ng mass media sa Pilipinas? Patunayan ang iyong sagot.

Isaisip
Panuto: Sumulat ng sariling pahayag tungkol sa “ Pagpapahalaga Ko sa Mass Media
Kaugnayan sa Wikang Filipino”

_________________________________________________

___________________________________________________________
___________________________________________________________
___________________________________________________________
___________________________________________________________
___________________________________________________________
___________________________________________________________
___________________________________________________________
___________________________________________________________
___________________________________________________________
___________________________________________________________
___________________________________________________________
___________________________________________________________
___________________________________________________________
___________________________________________________________
___________________________________________________________
9
___________________________________________________________
Isagawa

Panuto: Gumupit ng mga halimbawa ng bahagi ng pahayagan at idikit sa papel.

BAHAGI NG PAHAYAGAN

10
Wikang Filipino, Internet, at
Aralin Social Media
2
Balikan

Gawain 2.1. IPABATID SA BAWAT LETRA


Sa panahon ngayon na hindi matatawaran ang pagkakahumaling ng mga
mamamayan sa mass media sa tulong ng mga gadget na hindi mo mawari kung saan ginagamit at
kung papaanong gagamitin. Bagamat masasabi natin na sobra ang halina ng Internet sa ating sarili.
Kung tutuusin halos kalahating oras o mahigit ang naigugugol natin sa internet kung tayo ay gising.

E
_
R

11
Alamin

Gawain 2.2. Sagutin ang sumusunod na tanong. Isulat sa sagutang papel kung Oo o Hindi ang
sagot kaugnay ng bawat tanong.

Mga Tanong

1. Alam ko ba ang naibibigay na mabuti at masamang naidudulot ng Internet sa aking sarili?


2. Kailangan ko bang magkaroon ng iskedyul sa paggamit ng internet?
3. Bakit at kailan ako gagamit ng internet?
4. Sa aking pag-aaral gaano ba kahalaga ang internet?
5. Ano-anong mga serbisyong pang-internet ang aking ginagamit?

Tuklasin

Tunghayan ang kaalaman ng Internet at Social Media.

ANO ANG INTERNET AT SOCIAL MEDIA?


Kasabay ng modernisasyon ay ang pagusbong ng teknolohiya sa mundo ngayon. Marami nang
mga naimbentong teknolohiya simula pa noong mga nakalipas na siglo, isa na dito ang internet.
Ano nga ba ang internet?
Ang internet ay isang sistema na ginagamit nang buong mundo upang mapagk
onekta ang mga kompyuter o grupo ng mga kompyuter na dumadaan sa iba’t-ibang klase ng
telekomunikasyon katulad ng linya o kable ng telepono, satellites, at ibang
kom
unikasyon na hindi gumagamit ng kable(wireless) na kung saan ang mga
iba’t-ibang impormasyon ay mapaparating at mababasa ng publiko.
Sa panahon ngayon ay hindi na lamang mga kompyuter ang makakakonekta
sa internet ngunit lahat na ng mga bagong gamit katulad ng mga tablet
computer, mga cellphone, at marami pang iba.
Kakambal na ng salitang internet ang social media na kung saan
ito ang lagi na ginagamit ng mga estudyante ngayon sa
maraming bagay. Hindi kapani-kapaniwala ang bilis ng
paglaganap ng impluwensya ng social media sa buhay ng mga
Pilipino. Pinagtitibay lang nito ang isang aspeto ng kultura
natin, ang pagpapa-halaga natin sa pakikipag-ugnayan.

Pinatunayan na natin ito dati pa sa mga naging popular na


paraan ng komunikasyon gaya ng pagte-text, pagbisita sa mga yahoo chat rooms,
pakikipag-talastasan sa mga online forums at sa pagtambay sa friendster.

12
Ano nga ba ang social media?

Ang Social Media ay tumutukoy sa sistema ng


pakikipag-ugnayan sa mga tao na kung saan sila ay
lumilikha, nagbabahagi at nakikipagpalitan ng
impormasyon at mga ideya sa isang virtual na
komunidad at mga network. Bukod dito, ang social
media ay may interactive platform na kung saan ang
isang indibidwal at mga komunidad ay maaaring
magbahagi, lumikha, tumalakay at baguhin ang
nilalamang binuo ng gumagamit. Ito ang nagbibigay
daan sa isang matibay at malaganap na pagbabago sa
komunikasyon sa pagitan ng mga organisasyon, mga
komunidad at mga indibidwal.

Mahalagang isaalang-alang na marami sa mga gumagamit


ng internet ang patuloy na gumugugol ng oras para
bisitahin ang maraming mga site ng social media kaysa sa
anumang iba pang uri ng site. Sa panahon ngayon, hindi na bago sa atin ang
katotohanang malaki ang naiaambag ng social media sa ikauunlad ng anumang aspeto
ng buhay ng isang tao.

Narito naman nag populasyon ng gumagamit ng Internet sa buong mundo batay sa


Estadistika:
May mga nagtanong ano ba raw ang blog? Ano daw ba ang pinagsasabi ko sa kanila?

Ano daw ba ang gagawin nila? Pano ba daw ito?

Kasi naman nag-imbita ako sa mga kaibigan kong maging


"may akda" sa tinagalog ko blog na ito, at siyempre na
surpresa sila at di alam ang gagawin o sasabihing sagot sa
akin! At siyempre may ilan ding sumagot ng "OO" payag
silang tumulong at mag-ambag sa blog na ito...

13
Sige para sa lahat ng nagtanong, sana makatulong ang sagot sa ibaba, sa tanong na,..
"Ano ang Blog" (na nagmula sa wikipedia).

Ito:

Blog : pinaghalong termino ng "web" at "log".

Ang blog ay iba pang katawagan o pinaiksing salita para sa weblog (literal na "talaan sa
web"). Isa itong websayt o sityo sa web na parang isang talaarawan. Karamihan sa mga
tao ang makagagawa ng isang blog at, pagkatapos nito, sumulat kasunod ng blog na
iyon. Tinatawag na mga blogero (mula sa Ingles na blogger o literal na "taga-blog") ang
mga taong sumusulat sa mga blog. Kalimitang isinusulat ng mga blogero sa mga blog
ang kanilang mga opinyon at mga naiisip.

Karamihan sa mga blog ay naglalaman ng mga komentaryo o balita ukol sa ilang mga
paksa; ang ilan naman ay ginagamit ito para gawing online diary (talaarawang nasa
internet). Isang mahalagang bahagi ng mga blog ay ang pagiging interaktibo, iyon ay
ang kakayahang mag-iwan ng mga komentaryo mula sa mga taong nagbasa ng isang
partikular na blog.Karamihan sa mga blog ay binubuo lamang ng purong salita (o
textual), pero mayroon ding nakapunto ang nilalaman sa mga obra (art blog), larawan
(photoblog), mga bidyo (video blogging), musika (MP3 blogging), at mga tunog
(podcasting). Microblogging naman ang tawag sa blog na sobrang ikli.

Ang salitang weblog ay unang narinig mula kay Jorn Barger noong Disyembre 17, 1997.
Habang ang pinaikling anyo nito - blog ay mula sa isang biro ni Peter Merholz noong
Mayo 1999. Magmula noon, nagsilbing isa sa mga pinakaimportanteng bahagi ng
journalism ang blogging.
Ang sumusunod ay ilan sa napakaraming uri ng blog. Dumami nang tuluyan ang mga uri
ng blog dahil sa Kalayaan ng mga blogger na mamili at gumawa ng sarili nilang tema
para sa kanilang mga blog.
1.Fashion Blog- Ito ang isa sa pinakasikat na uri ng blog. Ang mga blog na may ganitong
tema ay naglalaman ng mga damit o kung ano man ang bago sa mundo ng fashion o
pananamit. Kabilang ang mga blogger na sina Laureen Uy, Kryz Uy at Liz Uy sa mga
nagpapatakbo ng ganitong blog.
2.Personal Blog-Marami sa mga blogger ang gusto lamang magbahagi ng kanilang
buhay. Maaaring gusto lamang nilang matuto ang mga tao sa kanila o magbahagi lang
ng mga bagay na tumatakbo sa kanilang isipan. Halos walang tema ang mga blog na ito
– kahit ano ay pwede.
3.News Blog- Ang nais lamang ng mga blog na may ganitong tema ay magbahagi ng
mga bagong balita sa mga mambabasa. Isa sa mga mapagkakatiwalaang blogger mula
sa ganitong uri ay ang Time na kilala dahil sa kanilang magasin. Maari na ring isama rito
ang mga blog na nagbabahagi ng balita ukol sa kalusugan, isports at teknolohiya.
4.Humor Blog-Naglalayon ang mga blog na ito na makapagpatawa o makapagpaaliw ng
mga mambabasa. Maganda anfg may ganitong uri ng blog upag mas lumabas ang
galing ng bloggerna makuha ang kiliti at emosyon ng mga mambabasa. Pinakasikat na
marahil si Professional Hecker sa mga humor blogger ditto sa Pilipias. Ngunit hindi
lamang sila nagpapatawa, gusto rin nllang maimulat tayo sa katotohanan gamit ang
kanilang alam na paraan.

14
5.Photo Blog- Ang blog na ito ay naglalaman ng mga litrato hanggang sa mga
typographies. Naging malaking parte na ng buhay ng kabataan ang mga photo blog, Isa
na ,arahil sa pinakasikat na pinagkukunan at pinagmumulan ng nasabing blog ang
Tumblr. Hndi man katulad ng ibang mga blog site, maganda pa rin ang Tumblr dahil
bukod sa napakarami ng mga gumagamit ay nakikita ang talent ng mga makabagong
kabataan sa paggawa ng iba’t-ibang litrato na karaniwan ay naglalaman ng mga
mesahe.
6.Food Blog- Ang pangunahin at maaaring natatanging layunin ng blog na ito ay
magbahagi ng mga resipi at mga paraan sa pagluluto ng masasarap at kakaibang mga
pagkain.
7.Vlog-Ito ay kilala rin bilang video blog sapagkat naglalaman ito ng mga video mula sa
blogger. Ang mga video ay maaaring kuha ng mga paglalakbay, eksperimento, o kung
anumang personal na Gawain.
8.Educational Blog- Nakatutulong ang mga ganitong blog upang malinawan ang mga
mag-aaral sa mga aralin na hindi nila maintindihan sa paaralan. Napakarami ng mga
blogger na ay mabubuting mga puso upang ipaliwanag nang malinaw ang mga
aralin.Kabilang na rito ang blog site na AccountingCoach.com
9.Micro Blog- Ito ay maliliit na mga paksa o content ukol sa makabagong bagay tulad ng
bagong paksa, larawan at video. Mga mahahalagang pangyayari tulad ng mga concert
at mga palabas halibawa ng microblog ay twitter, Facebook at iba pa.
10.Aggregated Blog-Ito ay uri ng blog na ang mambabasa ay nakatuon o ang focus ay
pagbabasa pamang pero hindi masyadong nakuha ang mahahalagang content o paksa.
11.Reverse Blog- Isang uri ng blog na lahat ay puwedeng magsulat o mag-contribute
ukol sa isang paksa halimbawa sa web forum.

PAGGAMIT NG SOCIAL MEDIA BILANG KASANGKAPAN SA PAGKATUTO


Sa panahon ngayon, pinadadali ang buhay ng mga tao sa buong mundo ng dahil sa
teknolohiya. Sa pamamagitan ng nasabing teknolohiyang ito’y nagkakaroon ng malawak na
oportunidad ang mga mag-aaral para sa
pagkatuto lalo na’t ang mga kabataan
ngayon ay may malawak na
access sa social media.

Ang social networking ay isang


istrakturang sosyal na gawa sa mga
nodes o sa mas madaling salita,
mga indibidwal na konektado ng isa
o maraming tema tulad ng kaugalian, ideya, pagkakaibigan, hilig, at sexual na relasyon.
Dianne P. Pimentel (2009). Parte na ng ating lipunan ngayon ang social media. Ang mga
estudyante ay palaging gumagamit ng naturang mga social networking sites, katulad
nalamang ng instagram, twitter, at facebook. At ikaw, na nagbabasa ng naturang blog na ito,
ay gumagamit ng social media.
Ang iba’t-ibang social networking sites katulad nalamang ng edmodo, facebook, youtube,
google, yahoo, instagram at iba pang mga social networking sites ay maaaring tumulong sa
mga mag-aaral upang mapadali ang kanilang pag-aaral. Kapag, nagamit ng maayos ay
maaaring maging tulong sa mga mag-aaral sa halip na maging distraction.

15
May mga nagsilabasang educational sites katulad nalamang ng Edmodo, dito
maaaring magpost ng updates, magpost ng mga takdang aralin, at magpost ng
mga pagsusulit na maaaring gawin ng mga mag-aaral.

Ang facebook ay kilala bilang lugar kung saan, maaaring mag post ng mga
status updates, mga announcements, mga larawan at mga video. Upang
magamit ito sa pag-aaral, maaaring gumawa ng grupo dito para magpost ng
mga takdang-aralin, mag-paalala sa mga estudyante tungkol sa mga
importanteng mga deadline at mag- anunsyo. Dito rin, maaaring makapag-
usap ang mga estudyante, maaari ring makipag-usap ang isang guro sa kanilang estudyante ,
maaari ring mag-usap ang mga estudyante at kanilang mga kapangkat ukol sa kanilang mga
pangkatang gawain. Sa medaling salita, pinapahaba ng site na ito ang talakayan sa labas ng
silid-aralan.

Katulad ng facebook, ang youtube rin ay nagdadala ng pagkatuto sa labas


ng silid-aralan. Dito, maaaring manood ng mga lektiyur at iba pang mga
video na may kaugnayan sa kasalukuyang paksa ng mga mag-aaral.

Sa instagram, dito maaaring magpakita ng kani-kaniyang talent ang bawat mag-aaral sa


pamamagitan ng pagkuha ng litrato ng kanilang mga artwork at maaari
ring ipost ng mga mag-aaral ang kanilang mga ginagawa sa kanilang
paaralan. Isang halimbawa nito ay, kung mayroong ipinakitang larawan
ang kanilang guro, dito pu-pwede nilang ipost ang larawang iyon at dito
rin magsusulat ng kanilang pagninilay tungkol sa larawang iyon. Dito
rin, maaaring makakita ang mga guro ng mga interesanteng mga
detayle tungkol sa kaniyang estudyante.

Maraming magagandang dulot ang internet sa mga mag-aaral ngunit may kaakibat rin itong
mga disadbentahe. Isa sa mga halimbawa nito ay maaari nitong turuan ang mga mag-aaral
na maging tamad dahil sa isang pindot lamang ay makakakuha na kaagad ng mga
impormasyon. Subalit nasa- sa kamay pa din ng mga mag-aaral kung papaano nila gagamitin
ang internet at ang social media.

Bilang konklusyon, yamang gumagamit na ng social media ang mga estudyante malayo sa
eskuwelahan, ang paggamit nito bilang kasangkapan sa pagkatuto’y malaki ang maitutulong
sa pag-aaral nila.

16
Suriin

Gawain 2.3. PAGLINANG NG SALITA. Ilarawan ang mga sumusunod na uri ng blog.

Uri ng Blog Paglalarawan

1.Humor Blog

2.Food Blog

3.Photo Blog

4.Vlog

5.Photo Blog

Isaisip

Gawain 2.5. Kilalanin ang mga sumusunod na icons, isulat ang katawagan ng
mga ito.

1 2 3 4

5 6 7 8

Source:Google Chrome

17
Isagawa

Gawain 2.6 . Batay sa iyong mga nabasa tungkol sa Internet at Social Media, sagutin ang
mga sumusunod na katanungan.

1.Sang-ayon ka bang lumaganap na ang paggamit ng Internet sa buong mundo? Bigyang


katuwiran ang sagot.

_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
______

2.Malaki ba ang naitutulong ng Internet at mga social networking site sa pagpapaunlad ng


edukasyon sa kasalukuyan? Sa paanong paraan?

_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
______

3.Ano ang Blog? Ano-ano ang mga uri nito?

_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
______

4.Paano nakatutulong ang Facebook sa pagkatuto at pag-aaral ng kabataang Pilipino?

_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
______

5.Ano ang panganib na maaaring maidulot sa paggamit ng mga social networking site?

_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
______

18
Wikang Filipino at Pag-aaral
Aralin ng Kultura
3
Inaasahang pagkatapos ng modyul na ito ang mga mag-aaral ay:

1. Natutukoy ang iba’t-ibang register at barayti ng wika na ginagamit sa iba’t-ibang


sitwasyon (Haalimbawa: Medisina, Abogasya, Media, Social Media, Enhinyera,
Negosyo at iba pa) sa pamamagitan ng pagtatala ng mga terminong ginamit sa mga
larangang ito. (F11WG-IIc-87)
2. Natutukoy ang mga angkop na salita, pangungusap ayon sa konteksto ng
napakinggan sa mga balita, sa radio at telebisyon. (F11PN-IId-89)

Balikan

Gawain 3.1. Paano natin pag-aaralan ang kultura?


Sa talaan ay magtala ng mga iba’t-ibang yamang bayan at tukuyin ang
pinagmulan nitong lugar:

Panitikan

ALAMAT Pinagmulang Pangkat/ Rehiyon

EPIKO Pinagmulang Pangkat/ Rehiyon

PABULA Pinagmulang Pangkat/ Rehiyon

19
Alamin

Gawain 3.2. Sagutin ang sumusunod na tanong.

Mga Tanong

6. Anu-ano ang iba’t-ibang uri ng umpukan ng mga tao?

7. Saan ito nagaganap?

8. Sino-sino ang kasali sa usapan?

9. Ano-ano ang karaniwang pinag-uusapan sa umpukan ng mga tao?

Tuklasin

Tunghayan ang kaalaman tungkol sa Wika at Kultura

Ang ugnayan ng wika at kultura ay ang mga sumusunod:


Ang kultura ay hindi maipapasa o maipapahayag sa ilang henerasyon kung wala ang
wika.
Ang isang kultura ay hindi mabibigyan ng anyo sa diwa at saloobin kung wala ang wika.
Ang nag-uugnay sa mga tao sa isang kultura ay ang wika dahil dito ang kultura ay madaling
naiintindihan maging sa mga taong hindi napaloob sa tinutukoy na kultura. Ang Kultura at
Ang Wika. Ang kultura ay ang pangkabuuang pananaw ng mga tao sa lipunan, mundo, at
kapaligiran.

Ang mga pananaw ng mga tao ay hango sa mga:


Paniniwala, Tradisyon, Uri ng pamumuhay, Mga bagay na nagbibigkis ng pagkakaisa na
nagpapalaganap sa pangkalahatang diwa, pananaw, kaugalian, at adhikain
Ang wika ay: simbolong salita ng mga kaisipan, saloobin, o damdamin behikulo o paraan ng
pagpapahayag ng ideya, pananaw, opinion, o lohika instrumento sa pagtatago at
pagsisiwalat ng katotohanan . Kahalagahan ng wika at kultura. Nagkakaroon ang mga tao ng
pagkakaisa at pagkakaintindihan. Bawat bansa ay may sariling pagkakakilanlan.

20
21
KAALAMAN NG BAYAN BILANG KULTURA NG PAMAYANAN
Ang kaalamang bayan ay umiiral nakuwento, panitikan, paniniwal, ritwal, gawi at
tradisyon ng mga mamamayan sa isang oamayanan I kalinangan na nagpasalin salin sa
iba’t-ibang lahi at pook dahil sa ito’y bukambibig ng taumbayan.

Iba’t-Ibang Uri ng Kaalamang Bayan

A. AWITING BAYAN

Mga Uri ng Awiting Bayan:

1.Ang KUNDIMAN ay awiting may tema ng pag-ibig na malungkot at mabagal. Mula


noong panahon ng Espanyol hanggang ngayon ay kadalasang ginagamit ito para
maipadama ang pagmamahal sa iniibig o pagmamahal para sa bayan o bansa.

2.Ang KUMINTANG ay dating sayaw ng digmaan na ngayon ay naging awit ng pag-ibig.

22
3.Ang DALIT o IMNO ay awit ng papuri, luwalhati, kaligayahan, o pasasalamat.
Karaniwan itong inaawit bilang papuri sa Diyos sapagkat nagpapakita at nagpaparating
ito ng pagpapasalamat.

4.Ang OYAYE o HELE ay awitin para sa pagpapatulog ng bata at karniwang naglalaman


ng mga bilin.

5.Ang TALINDAW ay awit sa pamamangka.

6.Ang DIONA, tulad ng Kundiman, ay awit ng pag-ibig ngunit madalas itong ginagamit sa
kasalan.

7.Ang DUNGAW o DUNG-AW ay makalumang tula at tradisyon ng mga Ilokano na


inaawit bilang panaghoy ng isang taong namatayan.

B. Ang ALAMAT ay isang uri ng panitikan na nagsasalaysay sa pinagmulan ng isang


bagay, tao o pook. Ang alamat ay legend sa wikang Ingles na mula naman sa Latin
na legendus na ang ibig sabihin ay "upang mabasa"
C. Ang PABULAy isang uri ng kathang-isip na panitikan kung saan ang mga hayop o kaya mga
bagay na walang-buhay ang gumaganap na mga tauhan, katulad ng leon at daga, pagong at
matsing, lobo at kambing, at kuneho at leon. May natatanging kaisipang mahahango mula sa
mga pabula, sapagkat nagbibigay ng mga moral na aral para sa mga batang mambabasa.
Tinatawag din itong kathang kuwentong nagbibigay-aral.

D. Ang EPIKO ay tulang pasalaysay na nagsasaad ng kabayanihan ng pangunahing


tauhan na nagtataglay ng katangiang nakahihigit sa karaniwang tao na kadalasan
siya’y buhat sa lipi ng mga diyos o diyosa.Ang paksa ng mga epiko ay mga
kabayanihan ng pangunahing tauhan sa kanyang paglalakbay at pakikidigma.Ang
salitang epiko ay galing sa Griyego na epos na nangangahulugang ‘awit’ ngunit
ngayon ito’y tumutukoy sa pasalaysay na kabayanihan.

E. Kuwentong Kababalaghan - isang uri ng kuwento na tungkol sa mga


kaganapang hindi maipaliwanag nang maayos o mahirap intindihin dahil kakaiba,
hindi kapanipaniwala at ukol sa hindi normal na pangyayari.

F. Ang PISTA (mula sa Espanyol na fiesta) ay isang malaking pagdiriwang bilang


paggunita sa isang mahalagang araw, karaniwang sa kaarawan ng patron ng baryo
o bayan. Bahagi ng pagdiriwang ang prusisyon, parada, paligsahan at palaro,
sayawan, kainan, programang kantahan, palabas na dula, at pagnonobena sa
ngalan ng patron na ipinagdiriwang.Ayon sa kasaysayan, ang pistá ay bahagi ng
sinaunang pasalámat para sa pangangalaga ng mga diwata at espiritu ng mga
ninuno. Isinalin ito ng mga Espanyol sa pagdiriwang ng mga santo”t santang patron
ng Simbahan. Tradisyonal na gawaing pampista noon ang misa, nobena, prusisyon,
at handaan. Nadagdag na kasayahan ang mga parada, palaro, at palabas. Nagiging
magarbo ito kapag todo ang paghahanda sa mga tahanan, paligsahan sa maarteng
parada, paramihan ng bánda ng musiko, at patalbugan sa magastos na programa’t
palabas. Tinangka itong ipagbawal dahil magastos para sa isang bansang
naghihikahos, ngunit hindi nasawata.

23
Naging kasangkapan ang pistá sa patuloy na pag-iingat ng tradisyonal na dulang
komédya, tradisyonal na pagkain, laro, at sining, at ibang kaugaliang Filipino.
Nagiging pang-akit naman ngayon sa mga turista ang iniimbentong mga sayáw
panlansángan (street dancing), na nilalahukan ng mga barangay at institusyon sa
bayan at isinasáma sa parada. (IPC) (ed VSA)
Source:Google Chrome

Suriin

Gawain 3.3. PAGLINANG NG SALITA. Sa mga sumusunod na Kaalamang Bayan,


magbigay ng isang salita na natatangi para sa mga katawagan.

Uri ng Kaalamang Bayan Natatanging Paglalarawan

1.Pabula

2.Epiko

3.Alamat

4.Pista

5.Kuwentong Katatakutan

Isaisip
Ano ang Araling Pilipino?

Ano nga bang disiplina ang saklaw ng Araling Pilipino? Paano ito
pinag-aralan?

Sa simula’t-simula kung tutuusin, produkto ng akademiya (ng kolonyal


na akademya) ang pagsilang o pag-usbong ng Araling Pilipino sa kamalayan ng mga
mag-aaral at guro, mga mag-aaral o iskolar sa mga pamantasan sa loob at labas ng
bansa. Masasabi nating pribilehadong kamalayan ito ng mga akademikong may
adhikaing maglunsad ng proyektong nakatuon sa pagtuklas ng ating kaakuhan at
pagkabansa. Pribilehado dahil mga aral sila sa kolehiyo o Pamantasan sa bansa at
maging sa ibang bansa. Nakasentro sa kamalayan dahil maituturing nating
replektibo’t kritikal napag-usisa ito ng “iilang Pilipino” na may akses sa mataas na
antas ng edukasyon at mga pilosopiya/ideolohiya/pananaw-mundong mapupulot sa
ibang bansa/kalinangan/lipunan. Kung kaya’t marapat na tawaging sa unang bugso
ng ebolusyon ng Araling Pilipino ang

24
ganito: Araling Pilipino ng mga Aral na Pilipino. Samakatwid, pinoproblema lamang
ito ng mga aral at iskolar at sa malaking bahagi nito, hiwalay ang diskursong ito sa
hinaing at kalagayan ng maraming Pilipino. At hangga’t ganito ang tabas at tinatahak
ng Araling Pilipino, walang pinagkaiba ito sa makitid, makipot, mapaniil at manipis na
pagturing/aproksimasyon ng kolonyal/malakolonyal na diskursong “bulto-bultong”
inangkat sa labas/Kanluran hinggil sa kalagayan ng nakararaming Pilipino sa bansa.
Sa kasalukuyan, ang pag-aaral sa ating lipunan at kultura ang
pinagkakaabalahan ng mga eksperto sa Araling Pilipino. Sa ganitong tahakin,
nabubuo ang isang talastasang pangkalinnangan o diskursong makabuluhan sa
ating sarili, sa ating pagbubuo ng bansa, sa kaularan natin at mga haharaping
pagbabago’t pagkilos sa hinaharap.

Gawain 3.5. Ibigay ang iyong masinsinang pagpapahayag ng kasagutan ukol sa


“Kalagahan ng Araling Pilipino bilang isang mamamayang nasa bansang Pilipinas.

___________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________

Isagawa

Gawain 3.6. Batay sa iyong mga nabasang kaalaman tungkol sa Wikang Filipino at Pag-
aaral ng Kultura, sagutin ang sumusunod na nga katanungan.

1.Ano ang ugnayan ng wika at kultura?


___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

2.Bakit posibleng hindi pareho ang paggamit at pagpapakahulugan sa wika sa magkakaibang


lugar?
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

25
Lagom
Sa panahon ngayon laganap na ang paggamit ng social media, lalo na sa mga
kabataan ng naging bahagi na nga kanilang buhay ang Social Media, naging bahagi
dahil dito sila lumalapit at nakakakuha ng mga mahahalagang kaalaman na
makakatulong sa kanilang pag-aaral o di kaya ay may kaugnayan sa pang-araw-araw
nilang nilalayon na maisagawa. Kahit sa mga simpleng mga mamamayan ay bahagi
ng kanilang buhay ang social media, dito sila nakakapanood ng mga bagong
kaalaman na nagbibigay ng interes sa kanilang sarili, kahit na sa mga taong
nagtatrabaho napakalaki ng tulong ng social media, lalo na ang internet, napapadali
ang gawain o trabaho upang matapos kaagada gamit ang napakaraming kaparaanan
sa loob ng google, youtube, twitter, messenger.
Sa loob ng modyul ay nabigyang pansin ang tungkol sa Mass Media - Ang Mass
Media ay kahit na anong bagay o instrumento para sa pakikipag-ugnayan sa masa o
napakaraming tao sa isang tukoy o saglit na oras. Internet - Ang Internet ay ang mga
magkakabit na mga computer network na maaaring gamitin ng mga tao sa buong
mundo. Naipapadala ang mga datos sa pamamagitan ng packet switching na gamit
ang inayunang pamantayan na Internet Protocol (IP). Binubuo ito ng milyon-milyong
pampribado, pampubliko, pampaaralan at pampamahalaan ng mga network na may
lokal hanggang malawakang saklaw at pinagkakaugnay sa pamamagitan ng mga
kawad na tanso, kawad na fiber-optic, wireless na koneksiyon at iba pang teknolohiya.
Dinadala nito ang mga iba't ibang impormasyon at serbisyo, katulad ng electronic
mail, online chat, at magkakaugnay na mga pahina ng web ng World Wide Web.
Social media - Ang Social Media ay tumutukoy sa sistema ng pakikipag-ugnayan sa
mga tao na kung saan sila ay lumilikha, nagbabahagi at nakikipagpalitan ng
impormasyon at mga ideya sa isang virtual na komunidad at mga network. Ito rin ay
itinuturing na isang pangkat ng mga Internet-based na mga aplikasyon na bumubuo
ng ideyolohikal at teknolohikal na pundasyon ng Web 2.0 na nagbibigay-daan sa
paglikha at pakikipagpalitan ng nilalaman na binuo ng gumagamit. Bukod dito, ang
social media ay may interactive platform na kung saan ang isang indibidwal at mga
komunidad ay maaaring magbahagi, lumikha, tumalakay at baguhin ang nilalamang
binuo ng gumagamit. Ito ang nagbibigay daan sa isang matibay at malaganap na
pagbabago sa komunikasyon sa pagitan ng mga organisasyon, mga komunidad at
mga indibidwal. Kultura - Ang kultura ng isang bansa ay binubuo ng kanyang mga
katutubo at katangi-tanging kaugalian, paniniwala at mga batas. Sa kultura nakikilala
ang isang bansa at ang kanyang mga mamamayan. Ang kultura ay mabisang
kasangkapan sa pambansang pagkakaisa dahil dito naipapahayag ang tunay na diwa
ng pakikipagkapwa. Ang ating mabubuting gawi, kaugalian at kinamihasang Pilipino
ay nailalarawan ng ating mga kaalamang-bayan gaya ng mga alamat, kwentong-
bayan, pabula at epiko. Kahit na ang mga ito ay makaluma, maari itong pagbatayan
ng mga kabutihang asal na dapat ipamana sa mga sumsunod na henerasyon. Kung
kaya’t nararapat nating pananatilihing buhay ang ating mga kultura sapagkat dito
nasasalig ang ating pagkakakinlanlan, kaisahan, kamalayan at kinabukasan.

Sipi sa aklat na “SIDHAYA 11 Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang


Pilipino, Google chrome

26
Tayahin

Pangwakas na Pagtataya

______ 1. Ito ay dating sayaw ng digmaan na ngayon ay naging awit ng pag-ibig.


a.Tambol b. Kumintang c.Gulantang d.Karatula

______ 2. Ito ay awit sa pamamangka


a.Kakaraw b. Balintataw c. Anahaw d. Talindaw

______ 3. Ito ay makalumang tula at tradisyon ng mga Ilokano na inaawit bilang


panaghoy ng isang taong namatayan.

a. Bangaw b. Aliwan. c. Dungaw d. Larawan

4. ay tulang pasalaysay na nagsasaad ng kabayanihan ng pangunahing tauhan na


nagtataglay ng katangiang nakahihigit sa karaniwang tao na kadalasan siya’y buhat
sa lipi ng mga diyos o diyosa.Ang paksa ng mga epiko ay mga kabayanihan ng
pangunahing tauhan sa kanyang paglalakbay at pakikidigma.Ang salitang epiko ay
galing sa Griyego na epos na nangangahulugang ‘awit’ ngunit ngayon ito’y
tumutukoy sa pasalaysay na kabayanihan.

a. Epiko b. Parabula c. Pabula d.Alamat

5. ay awiting may tema ng pag-ibig na malungkot at mabagal. Mula noong panahon ng


Espanyol hanggang ngayon ay kadalasang ginagamit ito para maipadama ang
pagmamahal sa iniibig o pagmamahal para sa bayan o bansa.

a. Kundiman b. Alintana c. Kayamanan d. Harana

6. ay isang uri ng panitikan na nagsasalaysay sa pinagmulan ng isang bagay, tao o


pook. Ang alamat ay legend sa wikang Ingles na mula naman sa Latin na legendus na
ang ibig sabihin ay "upang mabasa"

a. Awiting Bayan b. Alamat c. Kuwentong Kababalaghan d.Epiko

7. Ang pangunahin at maaaring natatanging layunin ng blog na ito ay magbahagi ng


mga resipi at mga paraan sa pagluluto ng masasarap at kakaibang mga pagkain.

a. Photo blog b. Fashion blog c. Food blog d. News blog

8. Nakatutulong ang mga ganitong blog upang malinawan ang mga mag-aaral sa
mga aralin na hindi nila maintindihan sa paaralan. Napakarami ng mga blogger na
ay mabubuting mga puso upang ipaliwanag nang malinaw ang mga aralin.Kabilang
na rito ang blog site na AccountingCoach.com

27
a. News blog b. Humor blog c. Photo blog d. Educational blog

9. Ito ay kilala din bilang sine at pinilakang tabing, ay isang larangan na sinasakop ang mga
gumagalaw na larawan bilang isang anyo ng sining o bilang bahagi ng industriya ng libangan.
Dahil naging pangunahing tagapamagitan para sa pagpapakita ng mga gumagalaw
na larawan ang letratong pelikula sa kasaysayan, kadalasang tinutukoy ang larangang ito ng
akademya bilang ang pag-aaral ng pelikula.
a. Tanghalan b. Pelikula c. Kantata d. Sayawit

10. Ang patalastas ay pagpapakilala, pagbebenta o tuwirang pag-aalok ng mga


produkto, paglilingkod (services), tao, lathalain, pelikula at maging sa
pampolitikong usapin. Naririnig, nababasa at nakikita natin

Ang tawag sa wikang opisyal na wikang ginagamit sa pormal na edukasyon.


a. Pagwawakas b.Palakasan c. Patalastas d. Balagtasan

28
29
Panimulang Pagtataya
ARALIN 1
A.
1. Accountant
2. Surgeon/Doctor
3. Mananangol/Attorney
4. Guro/Teacher
5. Electrician
B. 1.Music
2.Computer
3.Filipino
4.Science
5.Mathematics
C.1.Baker
2.Beautician
3.Bakla
4.Pasahero
5. Sabungero
29.Gawain 1.1
Internet
Patalastas
Thomas Carlyle
4.Media
5. Mass Media
Gawain 1.2
Sagot: Nasa guro ang pagpapasiya kung tama
Gawain 1.3
A.Mass Media
B.Magasin/Newspaper
C.Internet
D. Radio
E. Television
Gawain 1.4 Nasa guro ang pagpapasiya kung tama
Gawain 1.5 Nasa guro ang pagpapasiya kung tama
Gawain 1.6 Nasa guro ang pagpapasiya kung tama
ARALIN 2Gawain 2.1
Nasa guro ang pagpapasiya kung tama
Gawain 2.2
Nasa guro ang pagpapasiya kung tama
Gawain 2.3
Nasa guro ang pagpapasiya kung tama
Gawain 2.5
1.Facebook
2.Instagram
3.Twitter
4.Yahoo
5.Youtube
6.Tumblr
7.Google Drive
8.Google Chrome
9.Messenger
10.Google
30
Gawain 2.6
Nasa guro ang pagpapasiya kung tama
Susi sa Pagwawasto
MGA SANGGUNIAN

Dayag, Alma M., et al. Pinagyamang Pluma Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at


Kulturang Pilipino Quezon City, Phoenix Publishing House, Inc. 2016

Jocson, Magdalena O., Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino


Batayang Aklat 1253 Gregorio Avenue,Quezon City,Vibal Group Inc. 2016

Nuncio, Rhoderick V. et al, SIDHAYA 11 Komunikasyon At Pananaliksik Sa Wika At Kulturang


Pilipino Batayang Aklat 839 EDSA, South Triangle Quezon City, C & E Publishing Inc.

30
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)

DepEd Division of Cagayan de Oro City


Fr. William F. Masterson Ave Upper BalulangCagayan de Oro
Telefax: ((08822)855-0048
E-mail Address: cagayandeoro.city@deped.gov.ph

You might also like