You are on page 1of 64

7

Karagdagang Kagamitan
sa Pagbasa
Filipino
Ikaapat na Markahan

Kagawaran ng Edukasyon – Rehiyong MIMAROPA


Karagdagang Kagamitan sa Pagbasa
Filipino
Unang Markahan
Unang Edisyon, 2020

Paunawa hinggil sa karapatang-sipi. Isinasaad sa Seksiyon 176 ng Batas


Pambansa Bilang 8293: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anumang akda ng
Pamahalaan ng Pilipinas. Gayon pa man, kailangan muna ang pahintulot ng pamahalaan o
tanggapan kung saan ginawa ang isang akda upang magamit sa pagkakakitaan ang nasabing
akda. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang patawan
ng bayad na royalty bilang kondisyon.
Ang mga akda / materyales (mga kuwento, seleksyon, tula, awit, larawan, ngalan ng
produkto o brand names, tatak o trademarks, palabas sa telebisyon, pelikula atbp.) na ginamit
sa aklat na ito ay sa nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagtibay sa isang
kasunduan ng Kagawaran ng Edukasyon at Filipinas Copyright Licensing Society (FILCOLS),
Inc. na ang FILCOLS ang kumakatawan sa paghiling ng pahintulot sa nagmamay-ari ng mga
akdang hiniram at ginamit dito. Hindi inaangkin ni kinakatawan ang tagapaglathala (publisher)
at mga may-akda ang karapatang-aring iyon.
Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon, Rehiyong MIMAROPA
Regional Director: Benjamin D. Paragas, CESO V
OIC, Asst. Regional Director: Atty. Suzette T. Gannaban-Medina

Mga Bumuo ng Kagamitang ito para sa Mag-aaral

Mga Manunulat: Rhea T. Bejasa, Jennifer C. Galao, Marilou M. Mutya, Lea O. Dulay, Jennifer L. Antonio,
John Paul G. Salazar, Lorna A. Quiatzon, Maja Jorey B. Dongor, Ma. Jennilyn M. Madeja, Edilyn F.
Lucidos, Mischelle M. Ismael, Jennifer F. Sornito

Pangnilalamang Patnugot: Aljune J. Castillo, Norjenil A. Ical

IPR Reviewers: Joriel D. Alburo, Jinkeelyn P. De Jose, Malone C. Perez


Julie Ann B. Cueto, Elizabeth de las Alas

Mga Tagasuri: Rogelio F. Falcutila, Eduardo D. Ellarma, Nora A. Nangit, Florie M. Regencia, Elalbe F.
Junio, Magdalena B. Morales, Marlon L. Francisco, Luis R. Mationg, Maribel Marayan, Ramil
Marasigan

Tagapag-anyo: Regina B. Lingon

Mga Ilustreytor: Dennis B. Romano, Aljune J. Castillo, Oscar M. Mariposque Jr., Aeryl Dierson P. Magahis,
Ma. Jennifer Z. Pangilinan

Mga Tagapamahala:
Benjamin D. Paragas, CESO V, Regional Director
Mariflor B. Musa, CLMD Chief
Rogelio F. Falcutila, EPS-Filipino/MTB-MLE
Freddie Rey R. Ramirez, EPS- LRMS

Inilimbag sa Pilipinas ng:

Kagawaran ng Edukasyon – Rehiyong MIMAROPA

Office Address: Corner St. Paul Road, Meralco Avenue, Pasig City
Email Address: mimaropa.region@deped.gov.ph
Telephone No.: (02) 8631 4070
7

Karagdagang Kagamitan
sa Pagbasa
Filipino
Ikaapat na Markahan

Ang modyul na ito ay magkatuwang na inihanda at sinuri ng mga


guro mula sa mga pampublikong paaralan ng pitong Sangay ng
Rehiyong MIMAROPA. Hinihikayat namin ang ibang mga guro at nasa
larangan ng edukasyon na mag-email ng kanilang puna at mungkahi sa
Kagawaran ng Edukasyon, Rehiyong MIMAROPA sa
mimaropa.region@deped.gov.ph
Mahalaga sa amin ang inyong mga puna at mungkahi.

Kagawaran ng Edukasyon • Rehiyong MIMAROPA


Talaan ng Nilalaman

Pamagat ng Akda at Kasanayang Pagkatuto

1. Ibong Adarna: Daan sa Pagpapasiya …………………………………… 1 - 3


Unang Linggo
Nailalahad ang sariling pananaw tungkol sa motibo ng may-akda sa bisa ng
binasang bahagi ng akda. (F7PB-Iva-b-20)

2. Ang Panawagan …………………………………………………………….. 4 - 6


Ikalawang Linggo
Naibibigay ang kahulugan at mga katangian ng “korido”. (F7PT-IVa-b-18)

3. Ang Kabiguan ni Don Diego ……………………………………………… 7 - 9


Ikatlong Linggo
Naibabahagi ang sariling ideya tungkol sa kahalagahan ng pag- aaral ng Ibong
Adarna. (F7PSIVa-b-18)

4. PANITIKAALAMAN: Kaligirang Pangkasaysayan ng Ibong


Adarna……………………………………………………………………. 10 - 13
Ikaapat na Linggo
Naisusulat nang sistematiko ang mga nasaliksik na impormasyon kaugnay ng
kaligirang pangkasaysayan ng Ibong adarna. (F7PU-IVa-b18)

5. Ang Tatlong Prinsipe, ang Pagkakasakit ng Hari at ang Ibong


Adarna…………………………………………………………………... 14 - 18
Ikalimang Linggo
Nagmumungkahi ng mga angkop na solusyon sa mga suliraning narinig sa akda.
(F7PN-IVc-d-19)

6. Ang Kataksilan ng Dalawang Prinsipe ………………………………… 19 - 23


Ikaanim na Linggo
Nasusuri ang mga pangyayari sa akda na nagpapakita ng mga suliraning panlipunan
na dapat mabigyang solusyon. (F7PB-IVc-d-21)

7. Tatay Manuel has some bad news | 'Seven Sundays' | Movie Clips…24 - 28
Ikapitong Linggo
Nailalahad ang sariling saloobin at damdamin sa napanood na bahagi ng telenobela
o serye na may pagkakatulad sa akdang tinalakay. (F7PD-IVc-d-18)
8. Si Lilia Paelya (Paella) ……………………………………………………… 29 - 33
Ikawalong Linggo
Naiuugnay sa sariling karanasan ang mga karanasang nabanggit sa binasa. (F7PB-
IVc-d-22)

9. Fernan, nakatanggap ng regalo mula sa mga anak (Pamilya Ko) …. 34 - 37


Ikasiyam na Linggo
Nasusuri ang damdaming namayani sa mga tauhan sa pinanood na dulang
pantelebisyon/pampelikula. (F7PD-IVc-d-19)

10. Paghihintay at ang muling Pagtatagpo ……………………………….. 38 - 42


Ikasampung Linggo
Nagagamit ang dating kaalaman at karanasan sa pag-unawa at pagpapakahulugan
sa mga kaisipan sa akda. (F7PS-IVc-d-21)

11. Gantimpala sa Taong Mapagkumbaba ……………………………….. 43 - 46


Ikalabing-isang Linggo
Nagagamit ang angkop na mga salita at simbolo sa pagsulat ng iskrip. (F7PT-IVc-d-
23)

12. Gampanin ng mga Tauhan ………………………………………………. 47 - 50


Ikalabindalawang Linggo
Nasusuri ang mga katangian at papel na ginampanan ng pangunahing tauhan at
mga pantulong na tauhan. (F7PB-IVg-h-23)

13. Pag-ibig na Wagas ………………………………………………………… 51 - 54


Ikalabintatlong Linggo
Nagagamit ang mga salita at pangungusap nang may kaisahan at pagkakaugnay-
ugnay sa mabubuong iskrip. (F7WG-IVj-23)
Halina’t Tayo’y Magbasa

TEKSTO 1

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang kuwento.

Ibong Adarna: Daan sa Pagpapasiya


ni Edilyn Lucidos Sarito

Noong unang panahon sa Kaharian ng Berbanya ay may isang mabait at


kinalulugdang hari. Siya si Don Fernando. Katuwang niya sa pamamahala sa kaharian
ang kaniyang butihing asawa na si Donya Valeriana. Tahimik at masaya ang
pamumuhay rito. Lahat ay nagmamahalan at nagkakaunawaan.

Ang mag-asawa ay biniyayaan ng tatlong makikisig na mga anak na pawang


mahal na mahal ng dalawa. Sa tamang panahon isa sa kanila ang magmamana ng
trono ng ama. Sino kaya ang karapat-dapat kina Don Pedro, Don Diego at Don Juan.
Ano kaya ang magiging basehan ng hari sa pagpili ng kaniyang tagapaghalili?

Dahil sa labis-labis ng pag-iisip ng hari at dala na rin ng katandaan ay naratay


siya sa ‘di maipaliwanag na sakit. Ipinatawag na ang lahat ng mga magagaling na
manggagamot sa kaharian subalit isa man sa kanila ay walang nakapagsabi kung
paano bang magagamot ang sakit na ito. Naging dahilan ito ng lubos na pag-aalala
ng reyna at nagdala ng pangamba sa buong kaharian.

Isang gabi, habang inaapoy ng lagnat ang hari ay tila isang masayang
panaginip ang dumalaw sa kaniya. Sinabi sa kaniya ng isang mukhang diwata ang
magiging lunas sa kaniyang karamdaman. Ito ay ang marinig ang matamis na awit ng
mahiwagang ibong Adarna na nakatira sa malayo at mala-engkantong bundok ng
Tabor. Kung sino man sa kaniyang tatlong anak ang makapagdadala sa kaniya ng
ibong ito ay siyang magiging tagapagmana niya sa trono at korona. Sino kaya sa tatlo
ang magtatagumpay sa pagsubok na ito?

1
I. Pag-unawa sa Binasa
Panuto: Unawaing mabuti ang mga tanong at piliin ang titik ng pinakatamang sagot.
1. Ano ang motibo ng manunulat sa pagsulat ng bahagi ng akda?
A. Makapagbigay ng paunang impormasyon tungkol sa kaharian ng Berbanya.
B. Maglahad ng kaalaman sa hari ng Berbanya.
C. Ang mailarawan ang Kaharian ng Berbanya.
D. Matulungan ang hari sa pagpapasiya.

2. Makatarungan ba ang sukatan ng hari sa pagpili ng kaniyang tagapagmana?


A. Oo, sapagkat masusukat dito kung gaano kadeterminado ang susunod na hari.
B. Oo, sapagkat masusukat dito ang tatag ng susunod na magiging hari.
C. Hindi, paano kung mamamatay silang tatlo.
D. Hindi, sapagkat hindi sila sanay sa hirap.

3. Bakit payapa at masaya ang pamumuhay sa kaharian ng Berbanya?


A. Dahil sa mabait ang hari.
B. Dahil sa malupit ang hari.
C. Dahil mapagbigay ang hari.
D. Dahil maraming pera ang hari.
4. Ano ang ginagampanan ni Reyna Valeriana sa kaharian?
A. Siya ang tagapayo ng hari.
B. Siya ang nagpapasaya sa hari.
C. Siya ang nagpapagamot sa hari.
D. Siya ang naging katuwang ng hari.

5. Ano ang magiging papel ng ibong Adarna sa kaharian ng Berbanya?


A. Magiging daan ito sa pagkakasira ng magkakapatid?
B. Magiging pag-asa ito sa paggaling ng hari.
C. Magiging balakid ito sa paggaling ng hari.
D. Magiging sanhi ito ng kaguluhan.

II. Pagpapaunlad ng Talasalitaan


Panuto: Basahing mabuti ang mga tanong at piliin ang titik ng pinakatamang sagot.
1. Katuwang niya sa papamahala ang kaniyang butihing maybahay. Ano ang
kahulugan ng salitang nakasulat ng pahilis?
A. Kaagapay C. Katulad
B. Katulong D. Kasangga

2
2. Inaapoy ng lagnat ang hari. Ano ang ipinahihiwatig ng pangungusap na ito?
A. Magaling na ang hari.
B. Mataas ang lagnat ng hari.
C. Gumagaling pa lamang ang hari.
D. Gumagapang sa sakit ang hari.

3. Ano ang kasalungat ng salitang makisig na ginamit sa paglalarawan sa tatlong


anak ng hari?
A. pangit C. patpatin
B. guwapo D. maganda ang pangangatawan

3
Halina’t Tayo’y Magbasa

TEKSTO 2

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang tula.

Ang Panawagan
ni Ma. Jennilyn M. Madeja
“O, Ina kong mahabagin
Mahal naming nasa langit,
Patiwasayin ‘tong diwa
Upang hindi mapahamak.”

Ako’y isang kawawa lang,


May taglay na kahinaan.
Limitado rin ang dunong,
Di alam lahat ng bagay.

Palaging nagkakamali,
At laging napapahamak.
Ang nais ko na mangyari,
Ay hindi sana mabigo.

4
I. Pag-unawa sa Binasa
Panuto: Basahin at unawain ang mga tanong. Piliin ang titik ng pinakatamang sagot.
1. Batay sa mga saknong ng tula na binasa mo, anong katangian ng tulang Korido
ang ipinapakita nito?
A. Ang Korido ay may sukat lamang at walang tugma.
B. Ang Korido ay may tugma at walang sukat.
C. Ang Korido ay walang sukat at tugma.
D. Ang Korido ay may sukat at tugma.

2. Nagtataglay ng ilang pantig ang tulang iyong binasa?


A. animing pantig
A. Wawaluhing pantig
B. Lalabing- animing pantig
C. Lalabindalawahing pantig

2. Alin ang magkatugmang salita mula sa tulang iyong binasa?


A. mahabagin- langit
B. nang- layo
C. taong- lupa
D. maulap- ang

3. Ano ang ginawa ni Don Juan batay sa kaisipang ipinapakita sa tula?


A. nanalangin
B. naghihinagpis
C. nagmumukmok
D. nagmumuni- muni

4. Kanino humihingi ng awa si Don Juan?


A. kay Donya Valeriana
B. kay Haring Fernando
C. kay Inang Mahabagin
D. Kay Don Diego at Don Pedro

5
II. Pagpapaunlad ng Talasalitaan

Panuto: Basahin ang tula. Piliin ang titik ng pinakatamang sagot.


Palaging nagkakamali,
At laging napapahamak.
Ang nais ko na mangyari,
Ay hindi sana mabigo.
1. Ano ang kahulugan ng salitang nais sa ikatlong taludturan batay sa konteksto ng
tula?
A. gusto
B. sapat
C. lisya
D. mali
Palaging nagkakamali,
At laging napapahamak.
2. Ibigay ang kahulugan ng salitang palagi na ginamit sa tula sa unang taludturan
ay nangangahulugan ng_____
A. minsan
B. madalas
C. buwanan
D. lingguhan
Palaging nagkakamali,
At laging napapahamak.
3. Ano ang kahulugan ng salitang may salungguhit sa ikalawang taluturan?
A. masangkot
B. mapunta
C. malagot
D. malihis
4. “Ako’y isang kawawa lang, may taglay na kahinaan. Ang salitang may
salungguhit sa pahayag ay nangangahulugan ng _____.
A. lakas
B. talino
C. angkin
D. masinop

6
Halina’t Tayo’y Magbasa

TEKSTO 3

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang kuwento.

Ang Kabiguan ni Don Diego


ni Ma. Jennilyn M. Madeja

Si Prinsipe Pedro ay hindi na nakabalik sa kaharian ng Berbanya matapos siyang


utusan ng monarka na hanapin ang Ibong Adarna kaya inutusang muli ng hari si Don
Diego, ang ikalawa niyang anak na hulihin ang ibon. Agad namang tumalima si Don Diego
sa utos ng kaniyang amang hari kaya nagsimula na siyang maglakbay at tumagal ito ng
limang buwan bago n’ya natagpuan ang kinaroroonan ng mahiwagang Ibong Adarna.
Nang makita ni Don Diego ang Ibong Adarna, agad s’yang namangha sa kumikinang na
balahibo ng ibon.

Nagtaka si Don Diego kung bakit ganoon ang ibong nakita niya at agad siyang
naakit dito. Nagpahinga si Don Diego dahil sa matagal niyang paghihintay sa Ibong
Adarna hanggang sa hindi na niya namalayan ang pagdating nito. Narinig na lamang ni
Don Diego na umawit ang kakaibang ibon at tuluyan na nga siyang nakatulog dahil sa
narinig niya ang malambing na tinig nito. Nakita rin ni Don Diego ang pagbabagong bihis
ng ibon sa pamamagitan ng pagpapalit ng makukulay na balahibo nito ngunit hindi niya
naiwasan na mapatakan ng dumi nito hanggang tuluyan siyang naging bato katulad ng
kaniyang kapatid na si Don Pedro kung kaya nabigo rin siya sa paghuli sa Ibong Adarna
na tanging lunas sa sakit ng kaniyang ama. Ang magkapatid ay nagmistulang
magkatabing puntod.

7
I. Pag-unawa sa Binasa
Panuto: Sagutin ang mga tanong at piliin ang titik ng pinakatamang sagot.

1. Anong kabiguan ang naranasan ni Don Diego?


A. Naging puntod si Don Diego katulad ng kaniyang kapatid na si Don Pedro
B. Napatakan siya ng dumi ng ibon kaya naging bato siya.
C. Hindi na rin makakabalik si Don Diego sa kaharian.
D. Hindi nahuli ni Don Diego ang Ibong Adarna.

2. Paano mo ipapakita ang iyong saloobin kapag ikaw ay nakaranas ng kabiguan sa


buhay?
A. Positibo kong tatanggapin ang aking kabiguan ngunit sa susunod na hamon ng
buhay ay sisikapin ko ng magtagumpay.
B. Ayos lang na mabigo dahil talagang nangyayari naman ito sa kahit na sinong tao.
C. Magmumukmok ako at didibdibin ang aking pagkabigo.
D. Paulit- ulit mang mabigo ay ayos lang dahil iyon siguro ang kapalaran ko.

3. Bakit mahalagang pag-aralan ang akdang Ibong Adarna ng isang kabataang


tulad mo?
A. dahil kailangan lang
B. dahil ito ay nakasisiya at nakalilibang
C. dahil gusto lang ng guro ko na pag- aralan
D. dahil ang pag- aaral nito ay kapupulutan ng aral sa buhay

4. Bakit kaya nabigo si Don Diego na mahuli ang Ibong Adarna?


A. Hindi niya namalayan na dumating na at umawit ang ibon kaya napatakan siya
ng dumi nito at tuluyang naging bato.
B. Namangha s’ya at napapatitig na lamang sa ibon.
C. Naakit siya sa malambing na tinig ng ibon.
D. Naging bato si Don Diego.

5. Bakit gusto mong basahin at pag- aralan ang akdang Ibong Adarna?
A. dahil natutuwa ako sa Ibong Adarna
B. dahil kapanapanabik ang kuwento nito
C. dahil may mga pangyayaring katulad ng tunay na buhay na kapupulutan ng
magagandang aral.
D. dahil nakatutuwang pag- aaralan ang mga maharlikang tauhan tulad ng prinsesa
at prinsipe.

8
II. Pagpapaunlad ng Talasalitaan

Panuto: Basahin at unawain ang mga tanong. Piliin ang titik ng pinakatamang sagot.

1. Naging puntod ang magkapatid. Ano ang kahulugan ng salitang puntod?


A. kahon
B. ataol
C. nitso
D. kabaong

2. Kumikintab ang balahibo ng Ibong Adarna. Ang kasingkahulugan ng salitang may


salungguhit sa pahayag ay ____?
A. Lumiliwanag
B. Kumikinang
C. Nakakasilaw
D. Makinis

3. Balak hulihin ni Don Diego ang Ibong Adarna. Ibigay ang kasalungat na kahulugan
ng salitang nakasulat ng pahilis?
A. alagaan
B. tugisin
C. pakawalan
D. dakpin

4. Malambing ang tinig ng Ibong Adarna. Ano ang kahulugan ng salitang malambing?
A. Malakas
B. Matining
C. Malamyos
D. Mahina

9
Halina’t Tayo’y Magbasa

TEKSTO 4

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang nilalaman teksto.

PANITIKAALAMAN: Kaligirang
Pangkasaysayan ng Ibong Adarna
ni Aljune J. Castillo

Magandang araw! Ako si Makisig. Sa araw na ito ay itatampok natin sa


PANITIKAAMALAN ang Kaligirang Pangkasaysayan ng Ibong Adarna.

Samahan mo ako sa pagtuklas ng mga kaalaman tungkol sa isang obra gamit ang
Naratolohiya. Ito ay isang paraan sa pagtukoy sa kasaysayan ng akdang pampanitikan
gamit ang mga tanong na: sino, saan, kailan, at paano. Sabay-sabay tayong mag-aral at
matuto.

10
Ang Pilipinas ay mayaman sa iba’t ibang anyo ng panitikang naglalarawan sa
kulturang Pilipino. Ang mga akdang pampanitikan gaya ng: kuwentong-bayan, alamat,
pabula, parabola, epiko, nobela, maikling-kuwento, sanaysay, tula, salawikain, korido at
iba pang akdang pampanitikan na pamana ng ating mga salinlahi ay nagsisilbing salamin
sa mga katutubong kaugalian, tradisyon, at kultura.
Alam mo ba na may isang korido na kilala sa Pilipinas na maituturing na halaw o
nagmula sa ibang bansa. Ito ay ang akdang Ibong Adarna na naging bahagi na ng pag-
unlad ng Panitikang Pilipino. Ito’y isa rin sa mga akdang pinag-aaralan ng mga mag-aaral
sa Baitang 7. Sa kasalukuyan ay hindi pa rin matukoy ng mga mananaliksik kung sino
ang orihinal na may-akda ng Ibong Adarna. Samantala sa naging pananaliksik ni Pura
Santillan-Castrence ay maaaring hinango mula sa mga kuwentong-bayan mula sa mga
bansa sa Europa ang Ibong Adarna. Batay naman sa kasaysayan, ito ay nakarating sa
Pilipinas sa panahon ng mga Espanyol. Isa ito sa naging kasangkapan ng mga Espanyol
upang ipalaganap ng Kristiyanismo sa bansa. Naging matagumpay naman ito dahil ang
akda ay nagpapakita ng matibay na pananamalataya ng mga pangunahing tauhan sa
Panginoon. Ang mga pangunahing aral nito ang nakahikayat sa ating mga katutubo na
yakapin ang Kristiyanismo.

Bukod sa kasiyahan ay maraming gintong aral ang inihahatid ng Ibong Adarna na


magiging gabay ng sinumang mambabasa sa kanilang pang-araw-araw na pamumuhay.
Ilan sa mga ito ay ang pagmamahal sa pamilya, pagmamalasakit sa kapuwa, pagiging
mabuti at masunuring anak, pagpapatawad, pagiging matulungin, pagkakaroon ng lakas
ng loob sa pagharap sa mga hamon sa buhay, katatagan, pagsasakripisyo at higit sa
lahat ay ang pagmamahal.

Ang akdang Ibong Adarna ay isang halimbawa ng korido na may walong pantig sa
bawat taludtod. Ito rin ay may sukat at tugma na tiyak na kagigiliwan ng mga mambabasa.
Tampok sa akda ang pakikipagsapalaran nina Don Pedro, Don Diego, at Don Juan na
anak nina Haring Fernando at Reyna Valeriana sa Kahariang Berbanya.

Alam kong nasasabik na kayong malaman ang buong kuwento ng Ibong Adarna.
Halina’t magbasa, magnilay, at matuto. Hanggang sa muli nating kuwentuhan.

11
I. Pag-unawa sa Binasa

Panuto: Sagutin ang mga tanong kaugnay ng binasang teksto. Piliin ang titik ng
pinakatamang sagot.

1. Sino ang may-akda ng Ibong Adarna?


A. Mga Kastila
B. Si Don Juan
C. Ang ermitanyo
D. Hindi pa matukoy ang tunay na may-akda

2. Kailan nagsimula o ginamit ang panitikan?


A. Panahon ng mga Amerikano
B. Panahon ng mga Koreano
C. Panahon ng Kastila
D. Panahon ng Hapon

3. Saan nagmula ang akdang Ibong Adarna?


A. Mga bansa sa Europa
B. Mga bansa sa India
C. Sa Pilipinas
D. Sa Hapon

4. Paano lumaganap ang akdang Ibong Adarna?


A. Ginamit itong aliwan ng mga ninuno
B. Ginamit ito upang mahasa ang mga Pilipino sa pagbabasa
C. Naging inspirasyon ang akda sa pagsulat ng panitikang Pilipino
D. Ginamit ito ng mga Espanyol upang ipalaganap ang Kristiyanismo

5. Paano makabubuo ng sistematikong pananaliksik ng kaligirang pangkasaysayan


ng Ibong Adarna?
A. Magsaliksik ng mga impormasyon mula sa iba’t ibang hanguan, kilalanin ang
inahanguan
B. Magtanong-tanong sa mga nakakatanda at itala ito sa iyong kuwaderno
C. Makipanayam sa mga manunulat ng akda
D. Magsagawa ng sarbey sa mga guro

6. Bakit mahalagang unawain ang akdang Ibong Adarna?


A. Dahil umaangkop ang kalinangan at kultura ng mga Pilipino
B. Maraming gintong aral ang matutuhan mula rito
C. Mapapaunlad nito ang sariling panitikan
D. Upang malibang ang mga mambabasa

12
7. Bilang kabataan, paano mo mapahahalagahan ang panitikan tulad ng Ibong
Adarna?
A. Isabuhay ang mga magagandang aral na hatid ng akda
B. Ikuwento sa iyong kapuwa ang nabasang panitikan
C. Maging mapanuri sa mga nababasang akda
D. Magsulat ng mga akda at ibahagi ito

II. Pagpapaunlad ng Talasalitaan

Panuto: Ibigay ang kahulugan ng mga salitang may salungguhit. Piliin ang titik ng
pinakatamang sagot.

1. Samahan mo ako sa pagtuklas ng mga kaalaman ukol sa obrang ito gamit ang
naratolohiya.
A. paghahanap C. pagsasaliksik
B. paggalugad D. pagpapayaman

2. Pamana ng ating mga salinlahi.


A. pangkat ng mga tao na magkakapanahong iinangnak at nabuhay
B. pagpatuloy ng tradisyon
C. kapanganakan
D. kayamanan

3. Magkagayon man ang nilalaman nito ay umaangkop naman ang kalinangan at


kultura ng mga Pilipino.
A. kahusayan
B. sining ng isang bayan
C. pangangailanagan ng lipunan
D. kabuuang kaisipan, kaugalian, o tradisyon ng isang bayan

13
Halina’t Tayo’y Magbasa

TEKSTO 5

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang kuwento.

Ang Tatlong Prinsipe, ang Pagkakasakit ng


Hari at ang Ibong Adarna
ni Ma. Jennilyn M. Madeja

Si Don Pedro, Don Diego at Don Juan, ay mga pangunahing tauhan sa akdang
“Ibong Adarna”, Si Don Pedro ang panganay, si Don Diego ang pangalawa. Ang bunso
sa tatlong magkakapatid ay si Don Juan at tunay ngang siya ang nagtataglay ng
magagandang katangian. Kilala at tanyag sa buong kaharian ng Berbanya ang tatlong
prinsipe at namumuhay nang masaya kasama ang kanilang inang si Reyna Valeriana at
amang si Haring Fernando.

14
Ang kahariang kanilang kinamulatan ay masasabing isang masayang lugar.
Ngunit isang araw, ang mga tao sa buong kaharian ay naging malungkot sa isang balita
na kung saan ang ama ni Don Pedro, Don diego at Don Juan ay nagkaroon ng malubhang
karamdaman. Mula nang managinip ng masama ang hari ay hindi na ito nakakatulog
hindi na kumakain hanggang naging buto’t balat na siya. Naging labis ang pag- aalala ni
Reyna Valeriana at ng tatlong prinsipe. Hindi matukoy ng lahat ang naging sanhi ng
pagkakasakit ng hari at walang makapagsabi kung ano ang magiging lunas sa
karamdaman ng hari kung kaya’t isang paham na manggagamot ang ipinatawag sa
kaharian upang suriin ang karamdaman nito. Nasuri ng manggagamot na nagkasakit
ang hari dahil sa isang masamang panaginip na ang kaniyang bunsong anak na si Don
Juan ay pinaslang ng masasamang loob at saka itinapon sa malalim na balon.

Sinabi ng manggamot na ang dahilan ng pagkakasakit ng hari ay dahil sa


masamang panaginip nito tungkol kay Don Juan. Sinabi rin nito na ang tanging lunas sa
karamdaman ng hari ay bukod tanging ang awit ng mahiwang Ibong Adarna na
matatagpuan sa Bundok Tabor na ang hapunan ay ang kumikinang na puno ng Piedras
Platas. Sa gabi lamang makikita ang Ibong Adarna sapagkat ito’y nanginginain kasama
ang iba pang mga ibon kung kaya’t mahirap itong hulihin.

Unang inutusan ng monarka ang panganay na anak upang hanapin at hulihin ang
Ibong Adarna. Naglakbay ng tatlong buwan si Don Pedro bago s’ya nakarating sa landas
patungo sa Bundok Tabor. Namatay ang kabayong sinakyan niya dahil hindi nito nakayan
ang hirap sa pag- akyat sa bundok ngunit di nagtagal ay nakita rin n’ya ang Piedras
Platas. Si Don Pedro ay namangha sa kumikinang na puno ng Piedras Platas tulad ng
dyamante ngunit siya ay nagatataka dahil wala man lang dumadapo sa puno mula sa
napakaraming ibong dumating. Hinintay nang matagal ni Don Pedro ang ibon hanggang
siya ay makatulog. Ang pagdating ng ibon ay hindi nya namalayan. Bago matulog ang
Ibong Adarna ay nakasanayan na nitong dumumi. Napatakan ng dumi ng ibon si Don
Pedro kaya sa isang iglap ay naging bato siya. Dumapo na ang Ibong Adarna sa Piedras
platas at nagpalit na ito ng balahibo.

Sumunod na inutusan ay si Don Diego, kaagad na tumalima ito upang hanapin


ang Ibon ngunit sa kasamaang palad pareho din ang naging kapalaran nito kay Don
Pedro. Naging bato rin si Don Diego nang mapatakan ng ipot ng Ibong Adarna.

15
Kapwa nabigo sina Don Diego at Don Pedro sa pagahahanap sa Ibong Adarna at
lalong lumubha ang karamdaman ng hari. Hindi na alam ng hari ang kanyang gagawin.
Gusto ni Haring Fernando na utusan si Don Juan na hanapin ang Ibong Adarna ngunit
nag- aalala s’ya sa maaaring mangyari sa bunsong anak na mapahamak. Naghintay lang
naman pala si Don Juan na utusan ng kanyang amang hari. Nag- aalala si Don Juan sa
mga kapatid na tatlong taon nang hindi nakakauwi sa kaharian ng Berbanya kasabay din
nito ang pag- aalala sa paglala ng sakit ng amang hari. Kinausap ni haring Fernando si
Don Juan na hindi na n’ya kakayanin kapag may masama pang nangyari sa bunsong
anak. Ngunit pumayag na rin ang amang hari na utusan ang bunsong anak na hanapin
ang Ibong Adarna kahit nag- aalala siya sa takot sa maaaring masamang sapitin ng
bunsong anak.

Hindi gumamit ng kabayo si Don Juan sa kanyang paglalakbay. Naglakad lamang


siya upang taluntunin ang landas patungo sa Bundok Tabor na kung saan doon makikita
ang puno ng kumikinang na Piedras Platas na ginagawang hapunan ng Ibong Adarna
kapag sumasapit na ang gabi. Sa kaniyang paglalakbay nasumpungan niya ang isang
matandang ermitanyo na nagturo sa kaniya kung paano hulihin ang Ibong Adarna. Sinabi
rin ng ermitanyo kay Don Juan na kailangang maisagawa nya ang lahat ng paraan kung
paano hulihin ang mailap na Ibong Adarna upang hindi s’ya matulad sa mga kapatid na
naging bato. Tinulungan din ni Don Juan ang matanda sapagkat nakita niya itong
nanghihina at gutom na gutom. Binigyan ni Don Juan ng pagkain at maiinom ang matanda
nang humingi ito sa kaniya. Nagtagumpay si Don Juan sa paghuli sa Ibong Adarna at
tuna’y ngang naiuwi niya sa kaharian ng Berbanya ang tanging lunas sa karamdaman ng
kaniyang amang hari, ang awit ng Ibong Adarna. Kailangang mapaawit ng tunay na
nakahuli ang Ibong Adarna upang marinig ni Haring Fernando ang tinig nito na s’yang
makakapagpagaling sa kaniyang karamdaman.

16
I. Pag-unawa sa Binasa
Panuto: Unawain ang mga tanong at piliin ang titik ng pinakatamang sagot.
1. Ano ang suliraning nagpalungkot sa buong Berbanya?
A. Hindi alam ng hari kung papayagan ba niya si Don Diego na hulihin ang Ibong
Adarna.
B. Hindi nahuli ng tatlong prinsipe ang Ibong Adarna.
C. Nagkasakit nang malubha si Haring Fernando.
D. Nanaginip ng masama si Haring Fernando.

2. Ano ang naging solusyon upang matukoy kung ano ang naging dahilan ng
pagkakasakit ni Haring Fernando?
A. Dinala sa pagamutan si Haring Fernado.
B. Nagpatawag ng mediko sa kaharian ng Berbanya.
C. Nagpatawag ng albularyo sa kaharian ng Berbanya.
D. Hinulaan ng mga taga- Berbanya ang dahilan ng pagkakasakit ni Haring
Fernando.

3. Paano gagaling sa karamdamang iniinda si Haring Fernando?


A. Kailangang mapainom ng gamot ang hari.
B. Kailangang maoperahan si Haring Fernando.
C. Kailangang marinig ni Haring Fernando ang awit ng Ibong Adarna.
D. Kailangang sumailalim si Haring Fernando sa masinsinang gamutan.

4. Paano nakarating si Don Juan sa lugar na kinaroroonan ng Ibong Adarna?


A. Sumakay si Don Juan sa dyip.
B. Sumakay si Don Juan sa bangka.
C. Sumakay si Don Juan sa kabayo upang makarating sa kinaroroonan ng
Ibong Adarna.
D. Naglakad lamang si Don Juan upang makarating sa kinaroroonan ng Ibong
Adarna.

5. Kung ikaw si Don Juan, susunod ka rin ba agad- agad sa utos ng iyong ama?
Bakit?
A. Dahil mahal ko siya at ayaw kong mapahamak siya kaya sinusunod ko ang
mga utos niya
B. Dahil ama ko siya kailangan lamang na sumunud ako sa mga utos niya
C. Dahil gusto kong ipakita na mabuti akong anak.
D. Dahil ayaw ko siyang mamatay agad

17
II. Pagpapaunlad ng Talasalitaan

Panuto: Piliin ang titik ng pinakatamang sagot.

1. Napanagimpan ni Haring Fernando na si Don Juan ay pinaslang ng


masasamang loob. Ano ang kahulugan ng salitang napanagimpan?
A. Naalala
B. Napanaginipan
C. Sumagi sa isip
D. Nakintal sa isipan

2. Ang hari ay may malubhang karamdaman. Ibigay ang kasingkahulugan ng


salitang nasalungguhitan sa pangungusap.
A. malala
B. maselan
C. matagal
D. mahina

3. Mailap ang Ibong Adarna kaya mahirap hulihin. Tukuyin ang kasalungat na
kahulugan ng salitang mailap?
A. Mabagal
B. Matalas
C. Malaya
D. Maamo

4. Unang inutusan ng monarka si Don Pedro upang hulihin ang Ibong Adarna. Ibigay
ang kahulugan ng salitang monarka.
A. Pinuno ng lipunan
B. Pinuno ng kaharian
C. Pinuno ng samahan
D. Pinuno ng kompanya

18
Halina’t Tayo’y Magbasa

TEKSTO 6

Panuto: Basahin at unawain ang kuwento.

Ang Kataksilan ng Dalawang Prinsipe


ni Lea O. Dulay

Inutusan ng ermitanyo si Don Juan na kunin ang banga at punuin ng tubig para
buhusan ang dalawang batong tila puntod na nasa ilalim ng Piedras Platas. Agad sinunod
ni Don Juan ang utos. Agad siyang sumalok ng tubig at nagtungo sa dalawang bato.
Binuhusan ni Don Juan ng tubig ang batong si Don Pedro at agad itong nabuhay. Tumayo
si Don Pedro at nanangis na niyakap ang bunsong kapatid. Isinunod na iniligtas ni Don
Juan si Don Diego at tulad ng panganay na kapatid ay naging tao itong muli. Masayang
nagyakapan ang tatlong prinsipe. Labis silang nagalak sa tiyak na kaligtasan ng kanilang
amang hari dahil sa pagkahuli ni Don Juan sa Ibong Adarna. Nagpunta sa dampa ng
ermitanyo ang tatlong prinsipe upang ipaalam dito ang nangyari.

Pinahiran ng ermitanyo ng gamot mula sa botelya ang sugat sa palad ni Don Juan
at agad na gumaling. Nabigla na naman si Don Juan sa panibagong hiwaga na namalas
niya. Nagbilin ang ermitanyo sa tatlong prinsipe na nawa’y makarating sila ng malugod
at mapayapa sa kaharian ng Berbanya alang-alang sa kaligtasan ng hari. Sinabi rin ng
ermitanyo na ang paglililo’y huwag sanang mananahan sa kaninumang puso. Nangako
naman ang bawat isa.

Sila’y mga batang busilak ang kalooban kailanma’y hindi namayani ang inggit.
Hindi mapaghanap. Subalit nakapagtataka. Ano’t biglang nagbago ang ihip ng hangin?

Naging masaya sana ang tatlong magkakapatid kaya lang ay pinag-isipan ng


masama ng kanyang dalawang nakatatandang kapatid si Don Juan. Naunang naglakad
si Don Juan habang dala ang hawla. Palihim namang kinausap ni Don Pedro si Don
Diego.

19
“Papatayin natin si Don Juan,” pabulong niyang wika kay Don Diego.

“Hindi, Hindi, hindi maaaring patayin natin ang ating kapatid,” mariing pagtanggi ni
Don Diego sa kapatid.

Dahil sa panghihimok ni Don Pedro ay napapayag din nito si Don Diego.

“Papayag ako sa gusto mo ngunit huwag nating papatayin. Tandaan mo siya’y


ating kapatid,” pag-aalalang sagot ni Don Diego.

At mayamaya ay pinagtulungan na nilang bugbugin ang bunsong kapatid.

Huwag mong hayaang makahinga! Huwag mong tigilan! Hayaan mong mapugto
ang hininga. Ganiyan nga… tayo na…. Nakatitiyak akong wala na tayong kaagaw… Ha!
Ha! ha!...” sabay tawa ni Don Pedro sa ginawa kay Don Juan.

“Subalit tayo’y magkakapatid,” ang naghihingalong sigaw ng kapatid.

Ang dating mga nagmamahalan at nagsusunurang magkakapatid ay nahalinhan


ng poot at inggit dahil sa nais nilang papuri at paghanga ng amang hari ay sa kanila
ibigay.

“Tayo’y magkakapatid,” pagsusumamong sigaw ni Don Juan.

Sa buhay ng magkakapatid, tunay na nangyayari ang awayan at patayan dala ng


labis na pagkagahaman sa kapangyarihan at kayamanan. Ngunit kung ang bawat isa ay
iisipin lamang ang kapakanan ng bawat isa, ang lahat ay magiging maligaya.

20
I. Pag-unawa sa Binasa
Panuto: Basahing mabuti ang bawat katanungan. Piliin ang titik ng tamang sagot.

1. Ano ang naging motibo ni Don Pedro upang paslangin si Don Juan?
A. Si Don Juan ang nakahuli ng Ibong Adarna at maaaring siya ang labis na
kalulugdan ng ama.
B. Si Don Juan ang tanging magmamana ng kaharian kapag nakabalik na sila sa
kaharian ng Berbanya
C. Nanaig sa puso niya ang inggit at galit dahil ang kaniyang kapatid ang nakahuli
sa Ibong Adarna.
D. Natitiyak niyang magsusumbong si Don Juan sa kaniyang ama na silang dalawa
ni Don Diego ay naging bato.

2. Bakit hindi nagawang gumanti ni Don Juan sa ginawa sa kaniya ng dalawang


kapatid?
A. Dahil alam niyang tutulungan siya ng kaniyang ama sa ginawang pambubugbog
ng kanyang mga kapatid
B. Dahil alam niya sa puso niya na mahal niya ang kaniyang dalawang kapatid at
masamang gumanti sa kapuwa
C. Sapagkat tutulungan siya ng Ibong Adarna upang makaligtas sa kamay ng
kaniyang mga kapatid
D. Sapagkat naisip niyang mas magaling siya sa kaniyang mga kapatid

3. Alin sa sumusunod na pangyayari sa akda ang nagpapakita ng suliraning


panlipunan na dapat mabigyan ng solusyon?
A. Pagtulong ni Don Juan sa dalawang kapatid na naging bato
B. Ang pagpaslang kay Don Juan ng sarili niyang mga kapatid
C. Pagtulong ng matandang ermitanyo kay Don Juan at sa kaniyang mga kapatid
D. Ang pagkakasakit ni Haring Fernando at kailangang hanapin ang Ibong Adarna

4. Ang pagpaslang sa sariling kapatid ay isa sa suliraning panlipunan na ipinapakita


sa akda. Paano, mo ito mabibigyan ng solusyon kung nakita mong pinagtutulungan
si Don Juan ng kaniyang dalawang kapatid?
A. Tutulungan ko si Don Juan sa kamay ng kaniyang mga kapatid sa
pamamagitan ng paghingi ng tulong sa mga nakakatanda.
B. Kukuhanan ko sila ng video at ipo-post ko sila sa socia media upang madali
silang sumikat.
C. Lalabanan ko rin sila upang maipagtanggol si Don Juan.
D. Hindi ako mangingialam dahil maaaring madadamay lang ako.

21
5. Kung ikaw si Don Juan, ano ang gagawin mo kung pinagtaksilan ka ng iyong mga
kapatid o ng iyong mga mahal sa buhay?
A. Kakausapin ko ang aking mga kapatid upang malaman ko kung may sama sila
ng loob sa akin.
B. Hihingi ako ng tulong sa mga pulis para sila ay maikulong at hindi na
manggugulo.
C. Ipagsasawalang bahala ko na lamang ang galit nila sa akin dahil ito ay lilipas
din.
D. Hindi ko sila kakausapin upang hindi nila ako gawan ng masama.

6. Sa mga nangyayari sa kasalukuyan, ano ang iyong maaaring maibibigay na


solusyon kung laganap ang karahasan at krimen sa inyong lugar?
A. Mananatili na lang ako sa bahay sapagkat maaaring madamay pa ako at ang
aking pamilya.
B. Lalapit ako sa kinauukulan upang isumbong ang anumang karahasan at krimen
na laganap sa aming lugar.
C. Sasama ako sa pagtatanod sa aming barangay upang ng sa gayon ay
siguradong walang krimen at karahasan na mangyayari.
D. Hihimukin ko ang mga kabataan na makiisa sa mga programang pang barangay
tulad ng pagtatanim o gawaing pang-isports upang hindi sila napapasama sa
anumang karahasan at krimen sa aming lugar.

II. Pagpapaunlad ng Talasalitaan

Panuto: Ibigay ang kasingkahulugan ng mga salitang may salungguhit ayon sa


pagkakagamit nito sa pangungusap. Piliin ang titik ng tamang sagot.

1. Inutusan ng ermitanyo si Don Juan kunin ang banga at punuin ng tubig para
buhusan ang dalawang batong tila puntod na nasa ilalim ng Piedras Platas.
A. matandang naninirahan mag-isa
B. matandang uugod-ugod
C. matandang may alam
D. matandang matamlay

2. Sila’y mga batang busilak ang kalooban kailanma’y hindi namayani ang inggit. Hindi
mapaghanap.
A. masamang pag-uugali
B. dalisay na pag-uugali
C. walang pakialam
D. mayabang

22
3. Sinabi rin ng ermitanyo na ang paglililo’y huwag sanang mananahan sa
kaninumang puso. Nangako naman ang bawat isa.
A. pagtataksil
B. pagyayabang
C. magmamahal
D. pagtulong

23
Halina’t Tayo’y Magbasa

TEKSTO 7

Panuto: Basahin ang ilang pangyayari sa napanood na bahagi ng isang teleserye na


may pagkakatulad sa akdang tinalakay.

Tatay Manuel has some bad news | 'Seven


Sundays' | Movie Clips
ni Lea O. Dulay

Si Manuel Bonifacio ay isang ama ng tahanan, isang balo at dating punong


barangay ng kanilang lugar. Ang tanging kasama-sama lang sa bahay ay si Jun.
Siya ay mayroong apat na anak na sina Allan, Bryan, Cha, at Dexter. Sa kanyang
kaarawan ang mga ito ay di nakapunta. Malaking kalungkutan sa ama na hindi
makasama ang kanyang mga anak sa mahalagang okasyon ng kanyang buhay, ngunit
ano ang kanyang magagawa may sari - sariling buhay na ang mga ito.Ipinatawag niya
ang kanyang mga anak dahil may sasabihin itong mahalagang balita.

“I’m dying, lung cancer, siguro daw mga dalawang buwan magre-reunion na kami
ng nanay ninyo,” malungkot na wika ni Manuel.
Nabigla ang kanyang mga anak ng sabihin niya ang mga katagang iyon. Hindi nila
alam kung nagsasabi ba ng totoo ang kanilang ama. Sinabi ni Bryan na kung maaari ay
humiling ng ikalawang opinyon upang ng sa gayon ay malaman nila ang totoong sakit ng
ama. Mariing tumanggi ang ama dahil hindi nito gustong magpa-
chemotherapy,maglabas-masok sa ospital at makalbo. Gusto niya pag nagkita sila ng
kanyang asawa sa kabilang buhay ay guwapo pa rin siya.
Sinusuyo siyang mabuti ni Cha upang magpatingin sa doktor. Biglang sumingit sa
usapan si Allan-ang panganay sa magkakapatid. Sinabi niyang hayaan na lamang kung
ano ang desiyon at gusto ng ama. Nasa tamang wisyo naman ang kanilang ama kaya
pagbigyan na lamang kung ano ang gusto nito. Ngunit salungat naman si Bryan sa gusto

24
ng kapatid. Gusto niyang patingnan na muli sa doktor ang ama para makasiguro sila sa
sakit nito. Magkakainitan na sana sina Allan at Bryan, ngunit napawi lamang ito ng biglang
sumingit sa usapan si Jun ang pinsan at kasama ni Manuel sa bahay, sinabi nito na sanay
na ang ama nila. Kung maari ay magbotohan na lamang sila kung ipagagamot ang ama
o hahayaan na lang sa gusto nito. Ang boto ni Cha at Bryan ay para sa pagpagamot ng
ama, samantalang si Manuel, Allan at Jun ay upang pagbigyan ang ama. Bigla namang
dating ni Dex. Tinanong siya ni Bryan kung ano ang desisyon nito ukol sa kaniyang ama.

“Buhay nya, choice niya,” habang nakatingin sa kaniyang ama.

Napapaisip si Bryan habang nakangiti si Manuel sa mga anak.

“Parang lalong ayaw ko ng magpagamot eh!” I like what I see, yun lang naman
ang gusto ko eh, yung nakikita ko kayong kompleto, kasi nung namatay ang nanay nyo
bigla eh, hindi tayo nakapaghanda eh, ni hindi tayo nakapagpaalam ng maayos, pero
ngayon gusto ko sana magkakasama tayo bago ako makipagkita kay San Pedro, tutal
pitong linggo na lang,” wika ni Manuel habang naluluha.

Ramdam sa buong silid na iyon ang kalungkutan sa puso ng bawat isa.

25
I. Pag-unawa sa Binasa

Panuto: Basahin at suriing mabuti ang mga katanungan sa ibaba na may kaugnayan sa
tekstong binasa. Piliin ang titik ng pinakatamang sagot.

1. Paano mo maihahalintulad si Manuel Bonifacio kay Haring Fernando sa akdang


Ibong Adarna?
A. sunod-sunoran sa kanyang tatlong anak
B. mayaman at makapangyarihang ama ng kanilang kaharian
C. mapagmahal at mapag-arugang ama sa anak at asawa
D. sakiting ama at hindi iniisip ang mararamdaman ng kanyang mga anak

2. Bakit niya ipinatawag ang kanyang mga anak sa kanilang tahanan?


A. upang sabihin na siya ay may lung cancer
B. sapagkat ibibigay niya rito ang kanyang mga ari-arian
C. dahil sa pupunta siya sa ibang bansa upang doon na manirahan
D. upang sabihin na magtatayo siya ng negosyo at ang mga anak ang mag-aasikaso

3. Ano ang kahilingan ni Manuel sa mga anak?


A. Iginiit niya na sa ibang bansa na sila titira kasama ang kanyang mga anak
B. Hiniling niya ang ikalawang opinyon upang malaman talaga ang kaniyang sakit
C. Sinabi ni Manuel na gusto niyang makasama ang mga anak bago siya
makipagkita kay San Pedro
D. Gusto niyang ipagdiwang ang kanyang kaarawan kasama ang mga anak sa
kanilang tahanan

4. “I’m dying, lung cancer, siguro daw mga dalawang buwan magre-reunion na kami ng
nanay ninyo,” ang pahayag na ito ay nagalahad ng
A. pamamaalam C. pagbabanta
B. pagsasaya D. pagkagalit

5. Sa kabuuan ng teksto, ano ang iyong naging saloobin o damdamin sa pag-uusap ng


mag-aama?
A. malungkot C. matatakot
B. masaya D. maiinis

6. Alin sa sumusunod ang nagpapatunay na ang nabasang mga pahayag sa teksto ay


may pagkakatulad sa Ibong Adarna?
A. Nagkaroon ng sakit si Manuel at kailangan mahanapan ng lunas

26
B. Nagkaroon ng alitan sina Manuel at ang kanyang mga anak dahilan upang hindi
sila magpansinan
C. Nang malaman nilang may sakit ang ama at walang lunas na makapagpapagaling dito,
nagulo ang kanilang buhay.

D. Mas ginusto ni Manuel na huwag nang hanapin ang lunas sa kaniyang sakit dahil ilang
araw na lang naman ay mawawala na siya sa mundo

7. Kung ikaw ay isa sa mga anak ni Manuel, ano ang magiging saloobin mo gayong
ipinagtapat sa inyo ng iyong ama na siya ay may pitong araw na lamang na lalagi sa
mundo?
A. matutuwa ako dahil hindi ko na siya babantayan pa
B. malulungkot ako sapagkat hindi ko na makikita ang maamong mukha ng aking
ama at hindi ko na rin siya makikita kahit kailan
C. maiinis ako sa kanya dahil hindi baka hindi niya ako bigyan ng anumang mana
D. magiging masaya ako dahil hindi ko na makikita na naghihirap ang aking ama

8. Bilang isang mag-aaral, bakit mahalagang magbigay ng sariling saloobin at


damdamin sa mga pangyayari sa kasalukuyan?
A. Mahalaga na maglahad ng sariling saloobin sapagkat dito mo naipapahayag ang
nararamdaman mo at nakakapagbigay ka ng mga ideya na maaring
makapagbago ng pananaw ng isang indibwal.
B. Dahil dito, nagiging negatibo ang pananaw at saloobin natin sa mga nangyayari
sa kasalukuyan
C. Higit tayong nakikilala sa pagbibigay ng sariling saloobin tungkol sa mga
nangyayari sa kasalukuyan
D. Mas dumarami ang ating nagiging kaibigan dahil sa mga saloobin na ibinibigay
natin

II. Pagpapaunlad ng Talasalitaan

Panuto: Ibigay ang kasingkahulugan ng mga salita o parirala na may salungguhit sa


pangungusap. Piliin ang titik ng pinakatamang sagot.
1. Malaking kalungkutan sa ama na hindi makasama ang kanyang mga anak sa
mahalagang okasyon ng buhay niya, ngunit ano ang kanyang magagawa may
sari-sariling buhay na ang mga ito.
A. may sarili ng pera
B. may sarili ng pamilya
C. may bagong magulang
D. may sarili ng sasakyan
2. “I’m dying, lung cancer, siguro daw mga dalawang buwan magre-reunion na
kami ng nanay ninyo,” malungkot na wika ni Manuel.

27
A. muling magkikita C. muling pagsasama
B. muling magbabalik loob D. muling pag-aaway

3. Mariing tumanggi ang ama dahil ayaw niyang magpa-chemotherapy.


A. paggamit ng mga aparato na ituturok sa katawan upang madaling gumaling sa
sakit
B. pag-inom ng gamot sa upang hindi kaagad kumalat ang sakit
C. pagtingin sa ulo kung may mga namuong dugo
D. pagsusunog na masamang selula ng kanser

28
Halina’t Tayo’y Magbasa

TEKSTO 8

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang teksto sa ibaba.

Si Lilia Paelya (Paella)


ni Lea O. Dulay

Si Lilia Paelya ay isang napakabait at mapagbigay na bata. Lagi niyang baon ang
mga magagandang asal na bilin ng kanyang mga magulang. Nag-iisa lamang siyang
anak. Ang kanyang ina ay kilala sa pagluluto ng napakasarap na paelya- isang lutuing
kanin na madalas nilalagyan ng gulay at ng karne o pagkaing-dagat. Samantalang ang
kanyang ama ay isang magsasaka. Tuwing araw ng Sabado at Linggo ay tinutulungan
niya ang kanIyang ina sa paggawa at pagtitinda ng paelya. Kung minsan ay
napapagalitan siya ng kanyang ina dahil madalas na umuwi siyang walang benta dahil
kapag may nakakasalubog na pulubi ibinibigay niya ng libre ang mga ito. Dahilan upang
tawagin siya ng ilan na Lilia Paelya. Hanga ang lahat ng kanilang kapitbahay sapagkat
pinalaking may pagmamahal sa kapuwa at may takot sa Diyos si Lilia.

29
Maagang pumapasok si Lilia sa paaralan. Kapag nasa silid-aralan ay kinukuha
agad niya ang walis upang maglinis sa kanilang silid-aralan. Iniidolo siya ng lahat, bukod
sa napakasipag na bata ay isa siya sa pinakamasigasig na mag-aaral sa kanilang
paaralan. Nasa Ikapitong baitang na siya at masasabing napakasipag niyang mag-aral.
Wala siyang ginawa kundi magbasa ng libro Lagi siyang nakakatanggap ng parangal
bilang pinakamahusay na mag-aaral sa kanilang paaralan. Isa pang katangian niya ay
napaka maawain sa kapuwa. Binibigyan niya ng baong pagkain ang kamag-aaral kapag
nakikita niya itong walang pagkain.

Isang araw sa paaralan, taimtim silang nakikinig sa kanilang guro ng aralin tungkol
sa Ibong Adarna. Marahil isa sa paborito nilang aralin sa Filipino.

“Magandang umaga sa inyong lahat,” ang masiglang bati ng kanilang guro.

Ang lahat ng mga mag-aaral ay masigla ring bumati sa kanilang guro.

“Ngayong araw ay magkakaroon tayo ng pagbabahagi kung saan iuugnay ninyo


ang inyong karanasan batay sa ating akdang tinalakay.

Binigyan ng dalawang minuto ang bawat mag-aaral upang mag-isip. Lahat ng


mag-aaral ay nag-iisip ng kanilang sasabihin. Hanggang sa biglang tumaas ng kamay si
Lilia.

“Ma’am maiuugnay ko po ang aking sariling karanasan sa saknong 146, Sa


lalagya’y dinukot na, yaong tinapay na dala, iniabot nang maligaya sa matandang
nagdurusa. Base po sa aking karanasan, noong isang araw po biglang may lumapit sa
akin na batang pulubi. Humihingi po sya ng pagkain,” mahinahong pagsasalaysay ni Lilia,
“naawa po ako sa batang iyon sapagkat gula-gulanit ang kaniyang damit at tila hindi pa
kumakain ni umiinom ng tubig. Malugod ko pong ibinigay sa bata ang aking baong paelya
na luto ng aking ina. Dahil po dito masaya niya itong tinanggap at dali-daling umalis.
Ganoon po ang ginawa ni Don Juan sa matandang ermitanyo nang humingi ng tulong.
Bukod po dun, ang nakuha ko rin pong aral ay tumulong sa iyong kapwa lalong lalo na
sa mga nangangailangan.

30
Biglang nagpalakpakan ang kanyang mga kamag-aral pati na rin ang kaniyang
guro sa pagbibigay ni Lilia ng kanyang karanasan batay sa akdang tinalakay. Dahil dito
umani ng papuri si Lilia dahil sa kanyang ibinahagi. at sa pagtatapos ng klase ay nag-
iwan ng mensahe ang kanilang guro, “Maging mapagbigay sa kapwa. Ibahagi sa iba kung
ano mang meron ka.” Sa pagtapos ng klase ay agad na nagpasalamat at nagpaalam ang
mga mag-aaral sa kanilang guro, baon ang mga aral na natutuhan sa paaralan.

31
I. Pag-unawa sa Binasa
Panuto: Basahing mabuti ang bawat katanungan. Piliin ang titik ng pinakatamang sagot.

1. Ano kaya ang mangyayari sa buhay ni Lilia kung patuloy niyang susundin ang
mga bilin ng kaniyang mga magulang?
A. Patuloy silang magiging masaya na magkasama at mananatili sa puso ang
takot sa Diyos na gumawa ng masama.
B. Mananatili siyang walang takot sa Diyos at sa kaniyang kapuwa dahilan
upang sila ay maging isang tanyag sa kanilang lugar
C. Magigi siyang pulubi tulad ng kaniyang mga tinutulungan sa kanilang lugar
D. Mangingibang bansa siya upang doon hanapin ang mas magandang buhay
na wala sa kanilang lugar

2. Bakit tinawag na “Lilia Paelya”? ang pangunahing tauhan?

A. napakamaaawain niya dahil binibigyan niya ng baong pagkain ang kanyang


mga kamag-aral na walang baon sa paaralan
B. sapagakat, kung may nakakasalubog na pulubi ibinibigay niya ng libre ang
mga dala niyang paelya
C. dahil sa maaga siyang pumapasok sa paaralan at agad na naglilinis ng
kanilang silid-aralan
D. dahil lagi niyang baon ang niluluto ng kanyang ina na paelya

2. Sa iyong palagay, bakit madaling naiugnay ni Lilia ang kanyang sariling


karasanan sa pangyayari sa akdang kanilang tinalakay?
A. dahil bukal sa kalooban niya ang paglilinis ng kanilang silid-aralan
B. dahil lagi siyang nagtitinda ng paelya at tinutulungan ang ina sa pagluto
C. dahil araw-araw na niyang ginagawa ang pagtulong sa kanyang kapuwa
D. dahil lagi niyang nakikita ang mga batang pulubi na gula-gulanit ang kasuotan

3. Sa paanong paraan niya naiugnay ang sariling karanasan sa mga pangyayaring


nabanggit sa akdang tinalakay?
A. sa pamamagitan ng pakikipagtalo sa kanyang mga kamag-aral at guro
B. Sa pamamagitan ng pagtala ng ilang mhalagang pangyayari sa kuwento
C. sa pamamagitan ng malayang pakikipag talastasan sa mga kamag-aral at
guro
D. Sa pamamagitan ng pagbibigay ng bilang ng saknong upang mas maihayag
at maiugnay niya ang kanyang sariling karanasan

32
4. Bakit mahalagang maiugnay sa sariling karanasan ang mga pangyayaring
nabanggit sa akdang tinalakay?
A. dahil dito madaling malalaman ang mga pangyayari sa kuwento
B. mas magiging mabisa ito sa mga nagtatanong kung ano ang nilalaman ng
kuwento
C. upang malaman na ang mga pangyayari sa kuwento ay maaaring mangyari
sa totoong buhay
D. madaling malalaman ang takbo ng pangyayari sa kuwento pati na rin ang
mga ginagampanan ng mga tauhan

II. Pagpapaunlad ng Talasalitaan

Panuto: Ibigay ang kasingkahulugan ng mga salitang may salungguhit ayon sa


pagkakagamit nito sa pangungusap.

1. Si Lilia Paelya ay isang napakabait at mapagbigay na bata. Lagi niyang baon


ang mga magagandang asal na bilin ng kaniyang mga magulang.
A. laging nasa puso C laging dala
B. laging nasa isip D. laging gabay

2. Si Lilia Paelya ay isang napakabait at mapagbigay na bata. Lagi niyang baon


ang mga magagandang asal na bilin ng kaniyang mga magulang. Nag-iisa
lamang siyang anak. Ang kaniyang ina ay kilala sa pagluluto ng napakasarap
na paelya. Ano ang kasingkahulugan ng paelya?
A. lutuing kanin na nilalagyan ng gatas at yelo
B. lutuing kanin na nilalagyan ng gata ng niyog at gulay
C. lutuing kanin na nilalagyan ng maraming bawang at sibuyas
D. lutuing kanin na madalas nilalagyan ng gulay at ng karne o pagkaing-dagat

3. Naawa po ako sa batang iyon sapagkat gula-gulanit ang kaniyang damit at


tila hindi pa kumakain ni umiinom ng tubig.”
A. tagpi-tagpi C. bagong- bago
B. sira-sira D. malinis na malinis

33
Halina’t Tayo’y Magbasa

TEKSTO 9

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang teksto sa ibaba. Pagkatapos sagutin ang
mga tanong tungkol dito.

Fernan, nakatanggap ng regalo mula sa mga


anak (Pamilya Ko)
ni Lea O. Dulay

Maagang binuksan ni Luz ang bintana ng kanilang kuwarto, siya namang gising
ng kanyang asawang si Fernan. Binati niya ito ng ika-animnapung kaarawan. Mahigpit
na niyakap ni Luz ang kanyang asawa tanda ng pagbati. Masaya namang ngumiti si
Fernan sapagkat tumambad sa kanya ang mukha ng asawa umaga pa lamang.
Hinahanap niya ang kanyang mga anak dahil sa naramdaman niyang napakatahimik sa
ibaba ng kanilang bahay. Upang hindi mahalata ang binabalak ng mga anak ay agad
namang sinabi ni Luz sa asawa na bumalik ulit sa pagtulog. Nang akmang hihiga ay
biglang nagulat si Fernan sa pagpasok ng kanyang mga anak sa loob ng kuwarto.

“Happy Birthday!” masayang bati ng mga anak sabay yakap sa mag-asawa.

Bukod sa pagbati ay iniabot rin nila ang regalo sa kanilang ama na tiyak na
magugustuhan nito. Isang album na naglalaman ng mga larawan nila noong sila ay mga
bata pa. Ayon sa kanyang mga anak ay pinagtulungan nila iyong gawin upang isorpresa
sa ama at bilang tanda ng labis na pagmamahal dito. Tuwang-tuwa naman si Fernan na
nagpasalamat sa mga anak.

“Basta, Tay deserve mo ang isang malaking hug!” ang masayang wika ni Peachy.

34
Ang lahat ay masayang yumakap sa kanilang ama. At muli itong kinantahan
Walang pagsidlan ang saya ng bawat isa ng mga oras na iyon.

Kitang - kita sa mukha ni Fernan ang galak sa pagbati ng kanyang mga anak at
asawa. Sa pakiwari niya ay hindi matutumbasan ng kahit na anong materyal na bagay
ang pagkakaroon ng isang masaya at buong pamilya.

Umalingawngaw sa loob ng silid ang tawanan at halakhakan ng buong pamilya


dahil sa pagbati na inihanda ng mga anak ni Fernan. Tila masayang umaga ang kanilang
pinakawalan ng araw na iyon.

35
I. Pag-unawa sa Binasa
Panuto: Basahing mabuti ang bawat katanungan. Piliin ang titik ng tamang sagot.

1. Ang nangibabaw na damdamin ng mga tauhan sa akdang binasa ay _____.


A. galit C.malungkot
B. naiinis D. masaya

2. Bakit naging masaya ang umaga ni Fernan?


A. sapagkat kaarawan niya ng umagang iyon
B. dahil binigyan siya ng relo ng kaniyang mga anak
C. dahil sa sorpresang pagbati at handog ng kaniyang asawa at mga anak
D. sapagkat lilipat sila sa kanilang bagong tirahan, mas malaki sa kanilang
tinutuluyan

3. Ano ang damdaming namayani kay Fernan ng batiin siya at isorpesa ng kanyang
asawa at mga anak?
A. masayang-masaya C. nayayamot
B. galit na galit D. nalulungkot

4. Ano ang naramdaman ng mga anak nina Fernan at Luz ng pumasok sa kuwarto
upang batiin ang kanilang ama?
A. nanggigigil C. masaya
B. nagagalit D. malungkot

5. Kung isa ka sa mga anak ni Fernan at Luz, ano ang iyong mararamdaman
habang kasama ang iyong pamilya ng araw na iyon?
A. manggigigil C. maiinis
B. magagalit D. masaya

II. Pagpapaunlad ng Talasalitaan


Panuto: Ibigay ang kasingkahulugan ng mga salitang nakasalungguhit ayon sa
pagkakagamit nito sa pangungusap. Piliin ang titik ng tamang sagot.

1. Mahigpit na niyakap ni Luz ang kanyang asawa tanda ng pagbati. Masaya


namang ngumiti si Fernan sapagkat tumambad sa kanya ang mukha ng
kanyang asawa umaga pa lamang.
A. humarap C. tumalikod
B. nasilayan D. nakita

36
2. Kitang - kita sa mukha ni Fernan ang galak sa pagbati ng kanyang mga anak
at asawa. Sa pakiwari niya ay hindi matutumbasan ng kahit na anong materyal
na bagay ang pagkakaroon ng isang masaya at buong pamilya.
A. saya C. inis
B. lungkot D. yamot

3. Umalingawngaw sa loob ng silid ang tawanan at halakhakan ng buong pamilya


dahil sa pagbati na inihanda ng mga anak ni Fernan. Tila masayang umaga ang
kanilang pinakawalan ng umagang iyon.
A. Dumagundong C. Nasambit
B. Narinig D. Tahimik

37
Halina’t Tayo’y Magbasa

TEKSTO 10

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang teksto sa ibaba.

Paghihintay at ang Muling Pagtatagpo


ni Marilou M. Mutya

Maraming araw ang nagdaan, kalungkutan ang nadama ng hari dahil sa pagkawala
ni Don Juan. Nang mapadungaw, nasiyahan si Haring Fernando nang matanaw na
paparating ang kaniyang mga anak. Subalit nawala rin ang kanyang saya sapagkat hindi
niya nakita si Don Juan.

Malungkot na sumalubong at may luha ng magtanong:” Ano’t kayo ay naglaon sa


bundok at mga burol?” Sumagot naman si Don Pedro, “Di rin namin nasumpungan ang
bunso mong minamahal, at sa aming kapaguran ito ang natagpuan.” Sina Leonora ang
nakita nila sa balon at nakalaban daw nila ang higante at serpiyente na nagbabantay sa
dalawang prinsesa.

Nais ni Don Pedro na si Leonora ay ikasal sa kanya samantala si Don Diego naman
ay kay Juana. Subalit tumutol dito sa Leonora dahil sinabi niyang mayroon siyang pitong
taon na panata na mamuhay na mag-isa nang mamatay ang kanyang magulang. Ayon
kay Leonora,” Matapos ko ang panata, haring bunyi sa Berbanya, sa anak mong pinipita,
handa akong tumalima.”

Nang maabutan si Don Juan ng Lobo nakita niyang hinang-hina at maraming sugat
sa katawan. Ginamot niya ito at pinagaling. Nagpasalamat si Don Juan sa ginawa nito sa
kanya. Sa tulong ng Lobo nakarating din sila sa ibabaw ng balon at nagpaalam ito sa
kanya.

38
Habang nag-iisa si Don Juan hindi niya nakalimutan ang magdasal. “O Diyos, Haring
mataas, Panginoon naming lahat, sa alipin Mo’y mahabag na ituro yaong landas.”
Pagtapos magdasal nagsimula siyang maglakad sa kabundukan at nang mapagod ay
nagpahinga sa isang puno. Mahimbing ang kanyang naging tulog kaya hindi niya
namalayan ang pagdating ng Ibong Adarna.

“O, Prinsipe ng Berbanya, katoto kong sinisinta, sa tulog mo’y gumising ka’t ako ay
may ibabadya.” Sinabi ng Ibong Adarna kay Don Juan na kalimutan na si Leonora at
hanapin ang nakatakda para sa kaniya na si Maria Blanca sa Reyno Cristales. Nang
mapansin ng Ibong Adarna na may pangangamba at hirap na pagdadaanan si Don Juan
ito ang kaniyang nawika, “Manalig kang walang hirap na di nagtatamong-palad,
pagmasdan mo’t yaong ulap hinahawi ng liwanag.”

Sa payo ng Adarna, ang Prinsipe ay naglakad na at nalimutan si Leonora. Ang puso


niya’y na kay Maria Blanca na.

39
I. Pag-unawa sa Binasa

Panuto: Sagutin ang mga tanong kaugnay sa binasang teksto. Isulat ang titik ng
wastong sagot.

1. Si Haring Fernando ay nakaramdam ng kalungkutan sa pagkawala ng kanyang


mga anak, ganito rin ba ang mararanasan mo kung isa kang magulang?
A. Oo, dahil matagal na silang hindi umuuwi
B. Hindi, dahil umalis sila dapat alam nila kung paano bumalik
C. Oo, dahil sila ang pinakamahalaga sa lahat kaysa sa anumang bagay
D. Hindi, ang anumang kalungkutan ay nawawala paglipas ng panahon

2. Sa iyong palagay, ano kaya ang nais ipakahulugan kung makita mong
malungkot at may luha sa mata ang iyong magulang katulad ni Haring Fernando
kapag sinalubong ka sa pag-uwi?
A. maaaring may kaaway siya
B. maaaring may problema siya sa kalusugan
C. maaaring may nabasa siyang text na hindi maganda
D. maaaring may hinihintay siya na matagal nang hindi bumabalik

3. Sa iyong naranasan, ano ang sinasagot ng isang anak kapag tinatanong kung
saan nanggaling kapag matagal umuwi ng bahay tulad sa pagtatanong ni
Haring Hernando sa kaniyang mga anak?
A. diyan lang po C. sa kanto lang po
B. sa kapitbahay po D. nanood lang po

4. Kung si Leonora ay may pitong taon na panata na mamuhay mag-isa, sa iyong


karanasan, kailan ginagawa ng mas maraming Pilipino ang panata?
A. tuwing Pasko C. tuwing Mahal na Araw
B. tuwing Araw ng Puso D. tuwing Flores de Mayo

5. Sa panalangin ni Do Juan na, “O Diyos, Haring mataas, Panginoon naming


lahat, sa alipin Mo’y mahabag na ituro yaong landas.” Ano ang iyong kaalaman
sa kahalagahan ng pagdarasal ng isang tao?
A. paraan para makahiling sa kahit anong naiisin
B. paghiling sa mga kagustuhan na makukuha sa pagdarasal
C. isang paraan ng tao upang magpasalamat at manalig sa Kaniya
D. paghingi ng mga bagay na kailangan ng mga tao sa araw-araw

40
6. Anong kaisipan ang nais ipakahulugan ng “Manalig kang walang hirap na di
nagtatamong-palad, pagmasdan mo’t yaong ulap hinahawi ng liwanag.”?
A. mawawala ang anumang kalungkutan kapag sumukat na ang araw
B. maniwala ka na ang buhay ay laging mahirap dahil sa liwanag
C. ang naghihirap sa buhay ay magkakamit ang gantimpala kapag wala ng ulap
D. ang lahat paghihirap na pagdadaanan sa buhay ay may katapat na kaligayahan

7. Sa tekstong binasa, napakahalaga ng kaisipang nais iparating ng bahaging


“nagpasalamat ni Don Juan sa Lobo sa pagtulong nito sa kaniya,” sa paanong
paraan mo magagamit ang karanasang ito sa panahon ng pandemya?
A. magpapahayag ng saloobin gamit ang social media
B. magbibigay ng pagkain sa mga tao kung sila ay karapat-dapat tulungan
C. magtatanong-tanong sa himpilan ng pulisya kung ilan na ang mga di
sumusunod
D. maghahatid ng tamang impormasyon at tutulungan ang mga nanangailangan
sa abot ng makakaya

8. Kung ikaw si Don Juan, paano mo tatanggapin at uunawain ang sinabi ng Ibong
Adarna na kalimutan si Leonora?
A. iiyak na lamang at sasabihin na lilipas din ito
B. uunawain na may ibang nakalaan sa iyong buhay
C. pag-iisipang mabuti kung sino ang karapat-dapat na mahalin
D. magdarasal at hihingi ng gabay kung paano malalampasan ang pagsubok

II. Pagpapaunlad ng Talasalitaan

Panuto: Ibigay ang kasingkahulugan ng mga salitang may salungguhit ayon sa


pagkakagamit nito sa pangungusap. Piliin ang titik ng pinakatamang sagot.

1. Nasiyahan si Haring Fernado nang matanaw na paparating ang kanyang mga anak.
A. namasdan C. nahawakan
B. nakita D. nakatingin

2. “Di rin namin nasumpungan ang bunso mong minamahal, at sa aming kapaguran ito
ang natagpuan.”
A. nakita C.naunawaan
B. nalaman D.naramdaman

41
3. Tumutol dito sa Leonora sinabi niyang mayroon siyang pitong taon na panata na
mamuhay na mag-isa nang mamatay ang kanyang magulang
A. pagmamahal C. pangako
B. pangarap D. pag-ibig

42
Halina’t Tayo’y Magbasa

TEKSTO 11

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang komiks istrip.

Gantimpala sa Taong Mapagkumbaba


ni Aeryl Dierson P. Magahis

Gumawa ang mga mga mag-aaral ng sariling iskrip mula saknong 779-783.
Kailangan maipakita nila ito sa pamamagitan ng isang komiks istrip at nagagamit ang
angkop na mga salita at simbolo.

43
44
I. Pag-unawa sa Binasa

Panuto: Sagutin ang mga tanong kaugnay sa tekstong binasa. Piliin ang titik ng
pinakatamang sagot.

1. “Alam kong buhay ka pa mahal kong Don Juan, pinapunta ko sa iyo ang alaga
kong lobo upang ikaw ay gamutin,” ano kadalasan ang sinisimbolo ng Lobo sa
buhay ng tao?
A. kaputian C. kabaitan
B. kalinisan D. kinatatakutan

2. Anong angkop na salita ang ginamit sa pangungusap na magpapatunay na


naglalakbay si Don Juan sa pahayag na “Tatlong taon na akong naghahanap sa
de los Cristal, narating ko na ang gubat at kabundukan, pero hindi ko pa rin makita-
kita ang aking hinahanap,”?
A. matagal sa pag-iikot-ikot
B. tatlong taong naghahanap
C. naghahanap sa de los Cristal
D. narating ang gubat at kabundukan

3. Mula sa iskrip na, “ERMITANYO: (mahaba ang balbas, may tungkod na hawak) –
sino ka? Ano ang ginagawa mo sa kabundukang ito? (nagtataka ang mukha)”,
angkop ba ang mga salita na ginamit dito?
A. Oo, ang mga salita ay binubuo ng mga pangungusap
B. Hindi, kulang ang mga impormasyon at detalye sa sinabi ng tauhan
C. Hindi, ang mga salita sa pangungusap ay naglalahad ng kalituhan sa
mambabasa
D. Oo, may wastong pangungusap, sino ang nasabi, ano ang sinabi at damdamin
ng tauhan

4. “Anong sarap po ng iyong tinapay, kahit ito po ay maitim at bukbukin,” Ano ang
simbolo ng maitim at bukbukin?
A. kahirapan C. pagkain ng nagugutom
B. walang pambili D. pagtityaga

5. Bakit mahalagang magamit ang angkop na salita at simbolo sa pagsulat ng iskrip?


A. Ito ang nagpapaganda sa usapan ng mga tauhan
B. Para maging angkop ang daloy ng mga pangyayari
C. Dito makikita ang pahayag ng mga tauhan at damdamin
D. Ito ang mga salitang dapat sabihin o batayan sa pagganap ng mga tauhan

6. Sa ginawang pagluhod at pagyuko ni Don Juan sa Ermitanyo, sinisimbolo nito ang


paggalang, sa kasalukuyang panahon, paano ipinapakita ng mga kabataang tulad
mo paggalang?
A. pagsunod sa mga utos
B. pagyakap at paghalik sa pisngi

45
C. paghalik sa kamay o pagmamano
D. paggamit ng po at opo, pagmamano, pagsunod sa mga utos

7. Bilang isang mag-aaral, nararanasan mo ang suliraning COVID-19, paano mo


gagawan ng sarili mong linya o iskrip ang paksang “Gantimpala sa Taong
Mapagkumbaba,” gamit ang angkop na mga salita?
A. Mag-aaral: Mama, iipunin ko ang mga luma kong gamit upang bilhin sa murang
halaga.
B. Mag-aaral: Papa, bigyan natin sila kung ano sobra sa atin, para makilala tayo
ng maraming tao.
C. Mag-aaral: Manong, kayo po ay humaharap sa mga nagkakasakit sana,y
huwag po muna kayong uuwi.
D. Mag-aaral: Ate, sana po makatulong ang mga kagamitang ito upang
mapangalagaan ang inyong kalusugan (ngumiti at nagpasalamat ito).

II. Pagpapaunlad ng Talasalitaan

Panuto: Ibigay ang kasalungat na kahulugan ng mga salitang may salungguhit sa


pangungusap. Piliin ang titik ng pinakatamang sagot.

1. Ngunit inaasam niyang sana’y buhay pa si Don Juan.


A. minamahal C. kinasasabikan
B. hinihintay D.inaayawan

2. Tila hindi matunton ni Don Juan ang daan patungong kaharian ng De los Cristal.
A. malaman C. mawala
B. masilayan D. makita

3. Nanlimos ng pagkain si Don Juan. Sa kanyang gutom, nakuha niyang kainin ang
maitim at bukbuking tinapay.
A. madumi C. malinis
B. masarap D. mabango

46
Halina’t Tayo’y Magbasa

TEKSTO 12

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang teksto.

Gampanin ng mga Tauhan


ni Marilou M. Mutya

Iba-iba ang katangian at papel ginagampanan ng mga tauhan sa Ibong Adarna.


Isang paraan ito upang maging makulay at maging maganda ang isang kuwento.
Kilalanin mo sila batay sa kuwentong ito.

Matapos mahuli ni Don Juan ang Adarna bumalik siya sa Ermitanyo. Nagsaya sila
dahil nasa kanila na ang lunas sa sakit ng ama at bumalik na sa dating anyo ang kanyang
mga kapatid. Nang matapos, pumasok sa silid na maalindog ang Ermitanyo at kumuha
ng gamot. Para sa mga sugat sa palad ni Don Juan mula sa mga hiwa na kanyang ginawa
habang naghihintay na mahuli ang Adarna. Nang gumaling na si Don Juan, bumalik na
sila ng kaharian.

Nang malaman ng hari ang ginawang kataksilan ng dalawang anak, binigyan niya
ang mga ito ng parusa. Ngunit nahabag ni Don Juan at kaniyang nawika, “Sila’y aking
minamahal, karugtong ng aking buhay, kami’y pawang anak naman sa lingap mo
nananangan.”

Samantala, palihim na nag-uusap sina Don Pedro at Don Diego sa masama nilang
plano. Tanong ni Diego, “Sasabay ba ako ngayon? Mamaya’y sino kung gayon ang
magbabantay sa ibon?” Nangyari nga ang kanilang plano na pakawalan ang ibon habang
si Don Juan ang bantay kahit hindi pa niya oras pagbabantay.

47
Nagalit ang hari ng malaman na nawawala ang ibon. Kaya nagboluntaryo ang dalawa
na sila ang hahanap kay Don Juan na sinabi nilang ito ang may kasalanan kung bakit
nakawala ang ibon.

Nagkatagpo din ang magkakapatid sa Armenya. Isang araw may natagpuan silang
balon. Sinabi naDon Pedro “wala ka ring karapatan, pagkat ako ang panganay, nasa akin
gang katuwiran.” Nang magnais na maunang bumaba si Don Diego.

Subalit tanging si Don Juan lamang ang nakababa ng balon sapagkat parehong
natakot ang kaniyang dalawang kapatid. Una niyang natagpuan si Juana at agad siyang
nabighani dito. Sinabi nito, “Tanggapin mo yaring puso, pusong iyan kapag naglaho’y
nagtaksil ka sa pangako.”

Natalo ni Don Juan ang higanteng nagbabantay sa dalaga. Samantala, si Leonora


naman ay binabantayan ng serpiyente. Nagalit ito nang malaman na may tao sa kanilang
lugar. “Iyan ang hinahanap ko, magsisi ka at totoong makikitil ang buhay mo.”

Hindi matanggap ni Don Pedro na ayaw sa kaniya ni Leonora kaya nagdamdam ito
nasabi niyang “Ako’y hindi isang lilo, dakila ang pagsinta ko, lilo pa ba akong itong
matapat na alipin mo.” Sa kabila nito tanging si Don Juan lamang ang gusto ni Leonora
daing niya sa sarili, “Tatlong taon nang mahigit yaring aking pagtitiis, maatim kaya ng
dibdib na makasal sa di ibig?”

Samantala, si Don Juan naman ay patuloy na naglalakbay upang hanapin ang de


los Cristal. Hanggang makarating siya sa isang ermitanyo na may alagang agila na may
batid kung nasaan ang sadya ni Don Juan. Sinabi ng matanda na ihatid niya ito at
sumang-ayon ang Agila; “Isang buwan po’y makukuha, darating pong walang sala sa
banyo ni Donya Maria.”

Ibinaba si Don Juan sa isang puno ng peras ng agila. Nakita niyang naliligo ang isang
magandang dalaga at kinuha niya ang damit nito, tanda na siyang nabighani dito. Nagalit
si Maria Blanca ng di niya matagpuan ang kaniyang baro, “Sino kayang lapastangan ang
naparitong nagnakaw, baka ang utusan naman ng haring aking magulang.”

48
I. Pag-unawa sa Binasa

Panuto: Sagutin ang mga tanong kaugnay ng binasang teksto. Piliin ang titik ng
pinakatamang sagot.

1. Anong katangian ang ipinakita ng ermitanyong gumamot kay Don Juan?


A. maawain C. mahabagin
B. matulungin D. mapagpaggap

2. Bakit kinakailangang mahuli ni Don Juan ang ibong adarna?


A. magiging palamuti sa palasyo
B. gagawing bantay ng palasyo
C. magiging taga aliw ng hari
D. lunas sa sakit ng hari

3. “Sila’y aking minamahal, karugtong ng aking buhay, kami’y pawang anak naman sa
lingap mo nananangan.” Mapapaghinuha na si Don Juan ay may katangiang _____?

A. maawain C. mapagpanggap
B. mapagmahal D. mahabagin

4. “Sasabay ba ako ngayon? Mamaya’y sino kung gayun ang magbabantay sa ibon?”
Ano ang ginampanan ni Don Diego batay sa pahayag?

A. tagapagbantay ng ibon C. tagatago ng lihim ni Don Pedro


B. tagasuri ng kulungan D. tagahawak ng susi

5. Kung susuriin ang pahayag na,” Tatlong taon nang mahigit yaring aking pagtitiis,
maatim kaya ng dibdib na makasal sa di ibig?” Bakit ayaw ni Leonorang magpakasal sa
hindi niya mahal?
A. dahil hinihintay niya si Don Juan
B. dahil natatakot siya sa ugali ni Don Pedro
C. dahil may pangako siya sa kaniyang kapatid
D. dahil may importante pa siyang plano sa buhay

2. Kung ikaw ay isa sa mga tauhan sa Ibong Adarna, anong katangian ang dapat
mong isabuhay?
A. madasalin, mapagbigay, at mayaman
B. mayaman, mapagbigay, at mapagmahal
C. madasalin, mapagtiis at mapagmahal
D. mapagbigay, madasalin, at mabait

3. Sa isang pamilya, malaki ang papel na ginagampanan ng panganay na anak tulad


sa saknong 489, kung ikaw si Don Pedro dapat mo rin bang ipagmalaki ang
pagiging panganay?
A. oo, dahil ang panganay ang nakakaalam ng lahat

49
B. oo, dahil sila ang pinagkakatiwaalaan ng magulang
C. hindi, dahil dapat iniisip siya kung ano ang sinasabi ng magulang niya
D. hindi, dahil dapat marunong siyang magbigay at umunawa sa ibang kapatid

4. Sa kasalukuyang panahon, maraming kabataan ang madalas nagrereklamo


kapag inuutusan ng magulang, ang laging hawak sa kamay ay cellphone/gadget.
Kapag tinawag mo, ang isasagot sa iyo, “mamaya lang”, hindi naman talaga
susunod. Paano mo sila hihikayatin na gampanan ang kanilang tungkulin sa
tahanan?
A. maging huwaran sa kapwa nang matuwa sila
B. ang gawain sa bahay ay tungkulin ng magulang
C. nararapat lamang sundin sapagkat isa itong tungkulin
D. makinig sa magulang sapagkat sila ang nakakaalam ng mabuti para sa anak

II. Pagpapaunlad ng Talasalitaan

Panuto: Ibigay ang kasingkahulugan ng mga salitang may salungguhit batay sa


pagkakagamit sa pangungusap. Piliin ang titik ng pinakatamang sagot.

1. “Sila’y aking minamahal, karugtong ng aking buhay, kami’y pawang anak naman
sa lingap mo nananangan.”
A. hanap C. alaga
B. pagmamahal D. alaala

2. “Iyan ang hinahanap ko, magsisi ka at totoong makikitil ang buhay mo.”
A. masaya C. mababatid
B. mawawala D. mamamatay

3. “Panginoon naming mahal, maglubag ang kalooban.”


A. mawala ang galit C. magalit
B. mawala ang inis D. magtampo

50
Halina’t Tayo’y Magbasa

TEKSTO 13

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang teksto. Pagkatapos sagutin ang mga tanong
sa ibaba.

Pag-ibig na Wagas
ni Marilou M. Mutya

Ang pagsasadula ng Ibong Adarna ay isang mabisang paraan upang maaliw at


matuwa ang mag-aaral. Bago isadula ito, kailangang bumuo ng isang iskrip na magiging
batayan ng daloy ng palabas.

Binigay ng mga mag-aaral sa kanilang guro ang nabuo nilang iskrip mula sa paksa
na “Pag-ibig na Wagas.” Pagkatapos, isa-isa itong binasa ng guro tiningnan niya kung
nagamit ng mga ito ang mga salita at pangungusap nang may kaisahan at
pagkakaugnay-ugnay ang mga ito.

Nang ibalik ng guro ang iskrip, nasimula nang magsanay ang kanyang mag-aaral sa
dula.

MARIA BLANCA: Don Juan, ako’y talagang iyo nang nalimot. Paano na ang iyong
mahal kung ikaw ay magpapakasal kay Donya Lenonora? (Titingnan ang singsing at
hihiling na tila naiiyak pa.)

TAGAPAGSALAYSAY: Nang malaman ni Maria Blanca na ikakasal si Don Juan kay


Leonora siya ay nagbihis emperatris at naghandog ng isang palabas.

MARIA BLANCA: Isang palabas po ang aking ipapakita bago ang kasalan.
Siguradong matutuwa at maaaliw ang ikakasal (payukong paglalahad niya)

HARING FERNANDO: Emperatris na marilag ipakita ang palabas, sana ay


makadagdag ng kasiyahan ng lahat. (nakangiting wika ng hari)

51
TAGAPAGSALAYSAY: Nagsimula ang palabas ng Negrito at Negrita.

NEGRITA: Gunitain mo, Don Juan ang lahat ng kahirapan ni Maria Blanca para
lamang sa iyo.

NEGRITO: (pinalo ng negrita) – huwag, masakit iyan!

TAGAPAGSALAYSAY: Hindi pa rin maalala ni Don Juan ang lahat ng palabas ng


dalawang ita. Kaya nagalit si Maria Blanca.

MARIA BLANCA: Makakamtan ninyo ang aking ganti!” (kinuha ni Maria Blanca ang
prasko at ibinuhos sa palasyo, bumaha)

MAMAMAYAN: “Takboooo, nariyan na ang tubig!

MARIA BLANCA: Don Juan, ako’y talagang iyo nang nalimot. Paano na ang iyong
ang iyong pangako kung ikaw ay magpapakasal kay Donya Leonora? Mamasdan ang
singsing at hihiling sa kanyang singsing na tila naiiyak pa.)

DON JUAN: Maglubag na, aking giliw, sa galit mong kinikimkim, kahit ano ang
marating ako’y iyo’t ikaw’y akin,” (niyakap si Maria Blanca)

TAGAPAGSALAYSAY: Ang wagas na pag-ibig ni Maria Blanca ang naging dahilan


upang magbalik ang alaala ni Don Juan sa kanilang pangako sa isa’t isa.

Kapag ganito ang mabubuong iskrip siguradong maraming manonoood ang


matutuwa.

52
I. Pag-unawa sa Binasa

Panuto: Sagutin ang mga tanong kaugnay ng binasang teksto. Piliin ang titik ng tamang
sagot.

1. Anong mga salita ang ginamit ni Maria Blanca na magpapatunay na siya ay


naiiyak sa pahayag na, “Don Juan, ako’y talagang iyo nang nalimot. Paano na
ang iyong mahal kung ikaw ay magpapakasal kay Donya Lenonora”?
A. nalimutan na siya ni Don Juan C. humiling sa singsing
B. tumingin sa singsing D. sumama kay Leonora

2. Batay sa pangungusap na,” Isang palabas po ang aking ipapakita bago ang
kasalan. Siguradong matutuwa at maaaliw ang ikakasal,” ano ang kaugnayan ng
bahaging ito sa kabuoan ng kuwento?
A. ito ang hudyat ng pagbawi niya kay Don Juan
B. dito makikita kung bakit nagalit si Maria Blanca
C. isang paraan niya upang bigyan ng handog ang ikakasal
D. dito malalaman ang pag-ibig na mayroon sila ni Don Juan

3 “Emperatris na marilag ipakita ang palabas, sana ay makadagdag ng kasiyahan


ng lahat,” anong salita ang ginamit sa pahayag upang ilarawan ang emperatris?
A. Maganda C. marilag
B. Mahinhin D. mabait

4. Ano ang mga patunay na may kaisahan at may pagkakaugnay-ugnay ang iskrip
na, MARIA BLANCA: Makakamtan ninyo ang aking ganti!” (kinuha ni Maria Blanca ang
prasko at ibinuhos sa palasyo, bumaha)?
A. nagsasaad ng damdamin ng tauhan
B. ipinapakita ang nangyari sa mga tauhan
C. nagsasaad ng mga pangyayari na gagawin ng tauhan
D. ipinapakita ang damdamin ng tauhan at kung anong aksyon ang gagawin

5. Sa iyong palagay, ano ang kaugnayan sa iskrip ng (niyakap si Maria Blanca)


pagkatapos sabihin ni Don Juan ang kaniyang pahayag?
A. kiligin ang mga manonood
B. maging kapani-paniwala ang kanyang pagmamahal
C. maunawaan ng manonood na ito ay makatotohanan
D. ipakita sa lahat na ito ay totoong nararamdaman ng gumanap

53
6. Kung ikaw ang gagawa ng sarili mong iskrip, ano-ano ang dapat mong
tandaan?
A. alamin ang paksa at mga pangyayari ng kuwento
B. basahing muli ang nakatalang halimbawa ng iskrip
C. tanungin ang guro, kamag-aral kung paano sisimulan
D. alamin ang nakasulat sa librong binasa at magsimulang magsulat

7. Bilang kabataan, paano mo gagamitin ang mga salita na may kaisahan sa


pagpapaliwanag kung ganito ang sitwasyon, “sa iskrip na bubuoin ikaw ang bida,
pero ng matapos na at bigyan ka ng kopya, paghawak sa mga kagamitan o
props ang magiging gawain mo?
A. magsusumbong sa guro at sasabihing ayaw nila sayo
B. iiyak sa isang tabi at hindi na kakausapin ang mga kagrupo
C. makikipagpalitan sa kagrupo kung sino ang gaganap na bida
D. tatanggapin ng maluwag sa dibdib kung ano ang naging pasya ng nakararami

II. Pagpapaunlad ng Talasalitaan

Panuto: Ibigay ang kahulugan ng mga salitang may salungguhit ayon sa pagkakagamit
nito sa pangungusap. Piliin ang titik ng tamang sagot.

1. Kinuha ni Maria Blanca ang prasko at ibinuhos sa palasyo, bumaha at nasindak


ang mga tao.
A. natuwa C. naiinis
B. natakot D. nagulat

2. “Maglubag na, aking giliw, sa galit mong kinikimkim, kahit ano ang marating
ako’y iyo’t ikaw’y akin.”
A. tinitiis C. tinatago
B. dinaramdam D. tinatanong

3. Gunitain mo, Don Juan ang lahat ng kahirapan ni Maria Blanca para lamang sa
iyo.
A. Kalimutan C. Alalahanin
B. Iwanan D. Intindihin

54
Susi sa Pagwawasto
1. Ibong Adarna: Daan sa 4. C
Pagpapasiya
4. PANITIKAALAMAN: Kaligirang
Pag-unawa sa Binasa Pangkasaysayan ng Ibong Adarna
1. A
2. A Pag-unawa sa Binasa
3. A 1. D
4. D 2. C
5. B 3. A
4. D
Pagpapaunlad ng Talasalitaan 5. A
1. B 6. B
2. B 7. A
3. C
Pagpapaunlad ng Talasalitaan
1. A
2. Ang Panawagan 2. A
3. D
Pag-unawa sa Binasa
1. D
2. B 5. Ang Tatlong Prinsipe, ang
3. A Pagkakasakit ng Hari at ang Ibong
4. A Adarna
5. C
Pag-unawa sa Binasa
Pagpapaunlad ng Talasalitaan 1. C
1. A 2. B
2. B 3. C
3. D 4. D
4. C 5. A

Pagpapaunlad ng Talasalitaan
3. Ang Kabiguan ni Don Diego 1. B
Pag-unawa sa Binasa 2. A
1. D 3. D
2. A 4. B
3. D
4. A
5. C 6. Ang Kataksilan ng Dalawang
Prinsipe
Pagpapaunlad ng Talasalitaan
1. C Pag-unawa sa Binasa
2. B 1. C
3. C 2. B

55
3. B 9. Fernan, nakatanggap ng regalo
4. A mula sa mga anak (Pamilya Ko)
5. A
6. D Pag-unawa sa Binasa
1. D
2. C
3. A
4. C
Pagpapaunlad ng Talasalitaan 5. D
1. A
2. B Pagpapaunlad ng Talasalitaan
3. A 1. D
2. A
7. Tatay Manuel has some bad news | 3. A
'Seven Sundays' | Movie Clips

Pag-unawa sa Binasa 10. Paghihintay at ang muling


1. C Pagtatagpo
2. A
3. C Pag-unawa sa Binasa
4. A 1. C
5. A 2. D
6. A 3. A
7. B 4. C
8. A 5. C
6. D
Pagpapaunlad ng Talasalitaan 7. D
1. B 8. D
2. C
3. D Pagpapaunlad ng Talasalitaan
1. A
8. Si Lilia Paelya (Paella) 2. A
3. D
Pag-unawa sa Binasa
1. A
2. B 11. Gantimpala sa Taong
3. C Mapagkumbaba
4. D
5. C Pag-unawa sa Binasa
1. D
Pagpapaunlad ng Talasalitaan 2. D
1. A 3. D
2. D 4. C
3. B 5. D
6. D
7. D

56
Pagpapaunlad ng Talasalitaan
Pagpapaunlad ng Talasalitaan 1. B
1. D 2. D
2. C 3. B
3. C

13. Pag-ibig na Wagas

Pag-unawa sa Binasa
1. A
2. B
12. Gampanin ng mga Tauhan 3. C
4. D
Pag-unawa sa Binasa 5. B
1. B 6. A
2. D 7. D
3. B
4. C Pagpapaunlad ng Talasalitaan
5. A 1. B
6. C 2. C
7. D 3. C
8. D

57
Sanggunian

De Mesa, Revimarc L. (2002) “Ibong Adarna” C & E Publishing Inc.


htttps://www.kapitbisig.com/philippines/ibong-adarna-booknotes-summary-in-tagalog-
unang-bahagi-ang-buod-ng-ibong-adarna_947.html
Victoria Burgos, Ibong Adarna. https://www.youtube.com/watch?v=77wVQ9p-zK8
ABS-CBN Star Cinema, http://bit.ly/ABSCBNStarCinema (2019) “Tatay Manuel has
some bad news | 'Seven Sundays' | Movie Clips”
https://www.youtube.com/watch?v=NjJb6szIS6MWriter
ABS-CBN Entertainment, http://bit.ly/ABS-CBNEntertainment. (2019) “Fernan,
nakatanggap ng regalo mula sa mga anak (Pamilya Ko)”
https://www.youtube.com/watch?v=77wVQ9p-zK8
https://www.slideshare.net/Mdaby/kahulugan-ng-tula
https://philnews.ph/2020/02/26/eupemistikong-pahayag-ano-ito-at-mga-halimbawa/
https://web.facebook.com/133259643353682/post/balagtasan-aling-wika-ang-dapat-na-
mas-pahalagahan-at-gamitin-sa-paaralan-ng-wikang/489774084368901/?_rdc=1&rdr
https://philnews.ph/2018/11/26/maikling-kwento-nawawalang-sapatos-
kulas/https://web.facebook.com/2061289010571146/post/hinilawodepiko-ng-mga-
bisayang-pag-iibigan-nina-diwatang-alunsina-at-datu-
pauba/2105887519444628/?_rdc=1&rdr

58
Para sa mga tanong at suhestiyon, sumulat o tumawag sa:

Kagawaran ng Edukasyon, Rehiyong MIMAROPA


Meralco Avenue, corner St. Paul Road, Pasig City
mimaropa.region@deped.gov.ph

59

You might also like