You are on page 1of 23

7

Filipino
Ikaapat na Markahan – Modyul 3:
Ang Kaharian ng Berbanya at Suliranin
Nito
Filipino – Ikapitong Baitang
Ikaapat na Markahan – Modyul 3: Ang Kaharian ng Berbanya at
Suliranin Nito
Unang Edisyon, 2020
Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring
magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng
Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o
tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay
pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o
tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto
o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na
ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon.
Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa
paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga
may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa
modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-
akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o


ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Joanne May C. Caasi
Editor: Cristy S. Agudera
Tagasuri: Ellen Generalao, Iret R. Flores
Tagaguhit: Mary Grace C. Asis
Tagalapat: Joanne May C. Caasi
Tagapamahala:
Josephine L. Fadul – Schools Division Superintendent
Melanie P. Estacio - Assistant Schools Division Superintendent
Christine C. Bagacay – Chief – Curriculum Implementation Division
Cristy S. Agudera – Education Program Supervisor - FILIPINO
Lorna C. Ragos - Education Program Supervisor
Learning Resources Management

Inilimbag sa Pilipinas ng

Kagawaran ng Edukasyon – Rehiyon XI - Sangay ng Lungsod ng Tagum


Tanggapan: Energy Park, Apokon, Tagum City, 8100
Telefax: (084) 216-3504
Sulatroniko: tagum.city@deped.gov.ph
7

Filipino
Ikaapat na Markahan – Modyul 3:
Ang Kaharian ng Berbanya at
Suliranin Nito
Paunang Salita
Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda
para sa ating mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan.
Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na gagabay sa kanila upang
maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga kasanayang
itinakda ng kurikulum.
Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy
na naglalaman ng mga paalala, pantulong o estratehiyang
magagamit ng mga magulang o kung sinumang gagabay at
tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa kani-kanilang
tahanan.
Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang
nalalaman ng mag-aaral na may kinalaman sa inihandang
aralin. Ito ang magsasabi kung kailangan niya ng ibayong
tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding pagsusulit
sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang
natutuhan. May susi ng pagwawasto upang makita kung tama o
mali ang mga sagot sa bawat gawain at pagsusulit. Inaasahan
namin na magiging matapat ang bawat isa sa paggamit nito.
Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na
ito upang magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag
susulatan o mamarkahan ang anumang bahagi ng modyul.
Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga
pagsasanay.
Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa
kanilang guro kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-
unawa sa mga aralin at paggamit ng SLM na ito.
Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga
tagapagdaloy, umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral
kahit wala sila sa paaralan.

ii
Aralin Ang Kaharian ng

1 Berbanya at Suliranin
Nito

Alamin Natin
Magandang araw sa iyo!

Isa na namang panibagong araw ng pagtuturo at pagkatuto kaibigan.


Binabati kita dahil matagumpay mong natapos ang naunang modyul at
sigurado akong nasasabik ka nang simulan ang sumusunod na gawain.
Sa modyul na ito ay inaasahang mababasa at matatalakay mo ang
literal na kahulugan ang korido ng Ibong Adarna. Inaasahan din na higit
itong makabuluhan dahil sa pag-uugnay ng mga pangyayari sa akda sa mga
pangyayari sa iyong buhay at sa mga tunay na pangyayari sa kasalukuyang
panahon. Layunin din ng mudyol na ito na malinang at maisabuhay ng mga
mag-aaral ang mga ginituang aral na masasalamin sa akda. Ilan sa mga ito
ang mataas na pagpapahalaga sa kapakanan ng pamilya at mataas na
pagtingin o paggalang ng mga anak sa magulang.
May mga gawain akong inihanda para sa iyo upang mahasa ang iyong
kaalaman tungkol dito. Nawa’y magkaroon ka ng kawili-wili at kaaya-ayang
paglalakbay sa modyul na ito.

Pagkatapos ng modyul na ito, ikaw ay inaasahang:

 nagmumungkahi ng mga angkop na solusyon sa mga suliraning


narinig mula sa akda (F7PN-Ivc-d-19)

 nagagamit ang dating kaalaman at karanasan sa pag-unawa at


pagpapakahulugan sa mga kaisipan ng akda (F7PS-Ivc-d-21)

 nailalahad ang sariling pananaw tungkol sa mga motibo ng may-akda


sa bisa ng binasang bahagi ng akda. (F7PB-Iva-b-20)

O, ano handa ka na ba kaibigan? Tara na at matuto!

3
Subukin Natin
Bilugan ang letra ng tamang sagot.

1. Sino ang hari ng Berbanya?


a. Haring Briseo
b. Haring Linceo
c. Haring Fernando

2. Ilan ang kanyang anak na lalaki?


a. 1 b. 2 c. 3 d. 4

3. Ang ang sanhi ng pagkasakit ng hari?


a. isang sumpa
b. pilyong mga anak
c. masamang panaginip
d. matinding karamdaman

4. Alin sa sumusunod ang lunas ng sakit ng hari?


a. awit ng sirena
b. awit ng isang ibon
c. paggamit ng mediko
d. tinig ng kanyang asawa

5. Sino ang unang naglakbay upang hanapin ang lunas sa sakit


ng hari?
a. Ermitanyo
b. Don Juan
c. Don Pedro
d. Don Diego

4
Aralin Natin

Sa bahaging ito ng modyul, alamin ang kuwento sa kaharian ng


Berbanya at suliraning kinaharap nito sa pamamagitan ng pagbabasa sa
saknong 7-45.

7. Noong mga unang araw


sang-ayon sa kasaysayan,
sa Berbanyang kaharian
ay may Haring hinangaan.

8. Sa kanyang pagmamahal
kaharia’y nanagana
maginoo man at dukha
tumanggap ng wastong pala

9. Bawat utos na balakin


kaya lamang pairalin,
kung kanya nang napaglining
na sa bayan ay magaling.

10. Kaya bawat kamalian,


na sa kanya’y ipasakdal,
bago bigyang kahatula’y
nililimi sa katwiran.

11. Pangalan ng Haring ito


ay mabunying Don Fernando
sa iba mang mga reyno’y
tinitingnang maginoo.

12. kapilas ng puso niya


ay si Donya Valeriana,
ganda’y walang pangalawa’t
sa bait ay uliran pa.

5
13. Sila ay may tatlong anak,
tatlong bunga ng pagliyag,
binata’t na’t magigilas,
sa reyno ay siyang lakas.

14. Si Don Pedro ng panganay,


May tindig na pagkainam,
gulang nito ay sinundan
ni Don Diegong malumanay.

15. Ang pangatlo’y siyang bunso


Si Don Juan na ang puso,
Sutlang kahit na mapugto
ay puso ring may pagsuyo.

16. Anak na kung palayawa’y


sumikat na isang Araw,
kaya higit na kaninuman,
sa ama ay siyang mahal.

17. Salang mawala’y sa mata


ng butihing ama’t ina,
sa sandaling di Makita
ang akala’y nawala na.

18. Sa pag-ibig ng magulang


mga anak ay dumangal
maagang pinaturuan
ng dunong na kailangan.

19. May paniniwala ang ama


na di ngayo’t hari siya,
maging mangmang man ang bunga
sa kutya ay ligtas siya.

6
20. Alam niyang itong tao
kahit puno’t maginoo
kapag hungkag itong ulo
batong agnas sa palasyo.

21. Kaya’t anong kagalakan


ng sa Hari ay kinamtan
nang ang tatlong minamahal
marurunong na tinanghal.

22. Tinawag na’t ang pahayag


“Kayong tatlo’y mapapalad,
angkin ninyo ang mataas
na pangalang mga pantas.”

23. “Yamang ngayo’y panahon


nang kayong tatlo’y tumalaga,
pumili kayo sa dalawa:
magpari o magkorona?”

24. Tugon nilang malumanay


sa magangdang katanungan:
“Humawak ng kaharian
bayan nami’y paglingkuran.”

25. Sa gayon ay minagaling


nitong amang may paggiliw,
tatlong anak ay sanayin
sa paghawak ng patalim.

26. Taglay ng malaking hilig,


sa sanaya’y nakasulit;
ang sandata’y parang lintik
espadang nakasasakit.

7
27. Natupad nang lahat-lahat
ang sa Haring mga hangad,
ito naming tatlong anak
sa ama’y nagpasalamat.

28. Ang kanilang kaharian


ay lalo pang nagtumibay,
walang gulong dumadalaw
umunlad ng kabuhayan.

29. Kasayaha’y walang oras


sa palasyo’y may halakhak,
pati ibon nagagalak
ang lahat na ay pangarap.

30. Ngunit itong ating buhay


talinghagang di malaman,
matulog ka nang mahusay,
magigising nang may lumbay.

31. Ganito ang napagsapit


ng Haring kaibig-ibig,
nang siya ay managinip
isang gabing naidlip.

32. Diumano’y si Don Juan


bunso niyang minamahal
ay nililo at pinaslang
ng dalawang tampalasan.

8
33. Nang patay na’y inihulog
sa balong hindi matarok;
Hari sa kanyang pagtulog
nagising na nang may lunos.

34. Sa laki ng kalumbayan


di na siya napahimlay,
nalimbag sa gunamgunam
ang buong napanagimpan.

35. Mula noo’y nahapis na


Kumain man ay ano pa!
luha at buntunghininga
ang aliw sa pag-iisa!

36. Dahil dito’y nangangayayat


naging parang buto’t balat,
naratay na’t nababakas
ang dating ng huling oras.

37. Nagpatawag ng medico,


yaong marunong sa reyno,
di nahulaan kung ano
ang sakit ni Don Fernando.

38. Kaya ba ang mga anak


pati na ang Reynang liyag,
dalamhati’y di masukat,
araw-gabi’y may bagabag.

39. Sa kalooban ng Diyos


may nakuhang manggagamot,
ito nga ang nakatalos\
sa sakit ng Haring bantog.

9
40. “Sakit ninyo, Haring mahal
ay bunga ng panagimpan,
mabigat man at maselan,
may mabisang kagamutan.”

41. “May isang ibong maganda,


Ang pangalan ay Adarna,
Pag narinig mong kumanta
Sa sakit ay giginhawa.”

42. “Ibong ito’y tumatahan


Sa Tabor na kabundukan,
Kahoy na hinahapuna’y
Piedras Platas na makinang.”

43. “Kung araw ay wala roon


sa malayong mga burol,
kasama ng ibang ibong
nangagpapawi ng gutom.”

44. “Gabi nang katahimikan


payapa sa kabundukan
kung umuwi at huimlay
sa kahoy na kanyang bahay.”

45. “Kaya mahal na Monarka


iyon po ang ipakuha’t
kaagad na gagaling ka
sa sakit na dinadala.”

10
BUOD
Ang Berbanya ay isang mayamang kaharian kung saan
sagana, matiwasay at payapa ang pamumuhay. Madalas na may
piging at pagdiriwang na nagaganap sa kaharian sapagkat mabait

at masayahin sina Haring Fernando at Reyna Valeriana.


May tatlo silang anak na lalaki na pawang may
kakayahang magmana ng trono. Sila ay sina Don Pedro,
Don Diego at ang bunsong si Don Juan. Nakatakda na
silang papiliin kung ang pagpapari o paglilingkod sa
kaharian ng Berbanya ang tatahaking landas. Walang nakahihigit ninuman sa
tatlong prinsipe kung likas na galing at talino ang sukatan kaya lahat sila ay
itinanghal na tagapaglingkod ng palasyo. Nagsanay sila sa paghawak ng patalim at
sandata ngunit sa pagsapit ng takdang panahon ay isa lamang ang maaaring
magkamit ng trono. Hindi maitatwa ng hari na ang paborito niyang anak ay ang
bunsong si Don Juan kaya namayani ang inggit sa puso ng panganay na si Don
Pedro.

Dinapuan ng malubhang karamdaman si Don Fernando


dulot ng isang masamang panaginip. Nakita ng hari sa panaginip
na pinaslang si Don Juan ng dalawang buhong at inihulog sa
malalim na balon. Mula noon ay hindi na nakatulog ang hari at hindi na halos
makakain hanggang sa maging buto’t balat. Labis ang naging pag-aalala ng reyna
at ng tatlong prinsipe dahil walang sinumang makapagbibigay ng lunas sa hari.
Dumating ang isang medikong paham na nagsabing ang sakit ng hari ay bunga ng
panaginip at ang tanging lunas ay ang awit ng isang ibong matatagpuan sa bundok
ng Tabor na nakadapo sa kumikinang na puno ng Piedras Platas. Sa
gabi lamang daw matatagpuan ang ibon sapagkat sa araw ay nasa mga
burol ito upang manginain kasama ang iba pang mga ibon. Noon din
ay inutusan ng pinuno ng monarka ang panganay na anak na hanapin
at hulihin ang Ibong Adarna.

11
Gawin Natin

Sa pamamagitan ng estratehiyang Read and React ay ipayahag ang


iyong saloobin kung ano ang iyong gagawin upang masolusyunan ang
sumusunod na mga pagsubok na narinig mula sa akda.

1. Read:
Dinapuan ng malubhang karamdaman si Don Fernando dulot
ng isang masamang panaginip. (Kung sa i yong sari l ing ama
i to mangyayari , ano ang i yong gagawi n?)

React: ____________________________________________________
___________________________________________________________

2. Read: Mula ng si Don Fernando ay nanaginip ng masama, hindi na


siya nakatulog at hindi na halos makakain hanggang sa siya ay
naging buto’t balat. (Kung merong probl emang ki nahaharap ang
i yong mga magul ang, ano kaya ang maaari mong gawi n upang
matul ungan si l a?)

React: ____________________________________________________
___________________________________________________________

3. Read:
Labis ang naging pag-aalala ng reyna at tatlong prinsipe dahil
walang sinumang makapagbigay ng lunas sa hari. (Kung
i kaw ang i sa sa mga tatlong pri nsi pe paano mo
mapapanatag ang i yong mga magul ang upang hi ndi
mag-al ala?)

React: ____________________________________________________
___________________________________________________________

12
Sanayin Natin

Tukuyin ang mahahalagang pangyayari sa saknong na binasa at ang


suliraning kinahaharap nito. Maglahad ng sanhi, bunga at maaaring
solusyon na mailalapat dito. Gamitin ang PCES Chart.

Problem Cause Effect Solution


(Problema) (Sanhi) (Bunga) (Solusyon)

Hal. Nagkasakit Masamang Hindi na Tinig ng ibong


ang Hari panaginip makakain at adarna
hindi na
makatulog

13
Tandaan Natin
Nagtataglay ng bisa ang ilang bahagi ng akda na ating binasa. Bakit
kaya isinama at binigyang-diin ng may akda ang mga ito? Ipaliwanag ang
iyong sariling pananaw tungkol sa motibo o dahilan ng may-akda sa
pagsasama nito.

1. Naging matapang ang tatlong magkakapatid sa pagsuong sa


panganib para lamang makahanap ng lunas sa sakit ng kanilang
ama.
Sa aking palagay, ang motibo ng may-akda ay:

2. Ikinalungkot ng buong kaharian ang pagkasakit ng kanilang hari.


Sa aking palagay, ang motibo ng may-akda ay:

14
Suriin Natin

May ilang kaisipan sa akdang makikita sa talahanayan sa ibaba.


Gamit ang iyong mga kaalaman at karanasan ay ipaliwanag ang kahulugan
at patunayan ang pagiging makatotohanan ng kaisipang ito. Pagkatapos,
ipaliwanag ang kaugnayan nito sa ilang isyung panlipunang kinahaharap
ng bansa sa kasalukuyan gamit ang graphic organizer sa ibaba.

Kaisipan sa Akda
Tanyag, sagana at mayaman ang kaharian ng Berbanya. Tahimik at
payapang namumuhay ang mga tao rito sapagkat pinamumunuan ito ng
mabubuti at mapagmahal na mag-asawang Don Fernando at Donya
Valeriana ngunit sa isang iglap ay dinapuan ng matinding karamdaman
ang hari na nagpabagsak ng kanyang kalusugan.

Ano ang pagkakatulad at pagkakaiba ng kahariang Berbanya sa iyong


sariling baranggay o purok?

PAGKAKATULAD PAGKAKAIBA

15
Isyu sa kasalukuyan
Isang napakalaking problema ang kinahaharap ng mundo ngayon, ito ay
ang paglaganap ng sakit na Covid 19, marami na ang nagkasakit at
humantong sa pagkasawi, marami na rin ang naapektuhan sapagkat limitado
ang galaw ng bawat tao.

Paano binibigyang solusyon ng iyong kumonidad upang maiwasan ang


pagkalat ng sakit na Covid 19?

16
Payabungin Natin
Sa bahaging ito ng modyul, isaisip at isapuso mo ang dalawa sa
pinakamahalagang karakter sa akdang Ibong Adarna. Basahin ang
tanong at isulat sa naunang pakpak ng paruparo ang iyong sagot.

IBONG
ADARNA

Kung ikaw ang hari, handa


Kung ikaw naman ang anak,
mo bang isakripisyo ang
susundin mo ba ang utos
buhay ng iyong mga anak
ng iyong amang hari kahit
upang mahanap ang lunas
labag sa iyong kalooban?
sa iyong sakit?

17
Pagnilayan Natin
Sa wakas binabati kita dahil ika’y nasa huling bahagi na ng iyong
modyul, mayroon akong ibinigay na sitwasyon na kung saan ay bibigyan mo
ng solusyon ang suliraning nabanggit.

Nagkaroon ng malubhang sakit ang iyong ama at ito ang naging


dahilan upang matanggal siya sa trabaho, bilang isang anak, ano ang
maaari mong gawin upang maibsan o gumaan-gaan ang suliraning
kinahaharap ng iyong pamilya? (2pts bawat bilang)

18
Susi sa Pagwawasto

Subukin Natin

C 5.
B 4.
C 3.
C 2.
C 1.

19
Sanggunian

K to 12 Filipino Gabay sa Pangkurikulum sa Filipino. Department of


Education Mayo 2016,

All images are credited to DepEd Image

Pinagyamang Pluma 7 (Dokumentong Kurikulum sa Filipino ng Kagawaran


ng Edukasyon)

20
For inquiries or feedback, please write or call:

Department of Education – Division of Tagum City

Tanggapan: Energy Park, Apokon, Tagum City, 8100

Telefax: (084) 216-3504

Sulatroniko: tagum.city@deped.gov.ph

21

You might also like