You are on page 1of 1

Nagdaang Buwaan ng Wika 2019

Idinaos noong ika – 11 ng Septyembre, 2019 ang pagdiriwang ng Buwan ng Wika sa paaralang
sekundarya ng Pamantasang De La Salle Dasmariñas, na may temang “Wikang Filipino: Tungo sa
Isang Bansang Filipino”. Ito ay naganap mula ika – 1:30 hanggang ika – 5 ng hapon at ito ay idinaos
sa Ugnayang La Salle. Ang nagpasinaya ng naturang programa ay si Dr. Lakandupil Garcia.
Sa paganyaya ng mga guro, mayorya ng mga dumalo ay nakasuot ng katutubong damit tulad
ng barong tagalog, terno, at iba pa. Kung saan nagwagi ang dalawang indibidwal dito sa kategorya na
may pinakamagandang kasuotan. Sa kaparehong kategorya ay naggantimpala rin ang dalawang guro.
Naipanalo ng mga pinasang bidyo sa kategoryang Shorts Sentimiyento ang mga seksyon ng
STM110, HMS, 25 at HMS 23. Iba’t iba ang tema ng mga naturang palabas, halimbawa nalamang ay
ang paksa tungkol sa diskriminasyon ng mga Tagalog sa mga Bisaya.
Sa kabila nang masigabong pagsuporta at palakasan ng palakpak ng mga lipi para sa kanilang
panlaban sa Mutya ng Wika 2019, ang nagwagi ay si Jianne Villa (STM24) na mula sa Lipi ni Jaime.
Sa kabuuan, ang liping may pinakamalaking nalikom na puntos ay ang Lipi ni Arnold, sumunod
ang Lipi ni Mutien-Marie, at sa ikatlong puwesto ay ang Lipi ni Jaime.

Reperensiya:
Espinosa, A. Z., (2019). Huling programa para sa Buwan ng Wika, idinaos. Nakuha mula sa:
https://www.facebook.com/notes/la-estrella-verde/huling-programa-para-sa-buwan-ng-wika-
idinaos/3053275078080736/

You might also like