You are on page 1of 2

BUWAN NG WIKANG PAMBANSA 2016

Baitang pito, nasungkit ang kauna- unahang


BigSayWit
ni Carmela Anne V. Reveriza

Sa layuning makalinang sa mga mag- aaral ng talino


at kakayahan sa pamamagitan ng mga gawaing
makapagpapaangat ng kultura at kamalayang pangwika,
ipagdiwang sa Pambansang Mataas na Paaralan ng Tubli
(PMPT) ang Buwan ng Wika noong Agosto 26 alinsunod sa
Memorandum Pangkagawaran Blg. 24 s. 2016.
Isa sa naging patimpalak sa naturang pagdiriwang
ang pagsasagawa ng BigSayWit o ang paligsahan sa
Bigkas, Sayaw at Awit.
Naiuwi ng baitang pito ang unang gantimpala sa
sabayang pagbigkas, interpretasyon ng awit , at sayaw
ng lahi samantalang pumangatlo naman sa paligsahan ng
fliptop.
Ang bawat kategorya ng pagdiriwang ay mayroong
sinunod na mekaniks at krayterya upang maging maayos
ang gagawing presentasyon.
Naging lupon ng inampalan sa naturang pagdiriwang
na may temang, Filipino: Wika ng Karunungan sina Bb.
Maria B. Vegim, Gng. Irene T. Aguilar, G. Marcelino D.
Vargas at Gng. Jane Farah Taller na kapwa mga guro sa
PMPT.
Higit na naging makulay ngayon ang pagdiriwang
ng Buwan ng Wika sa ating paaralan sapagkat talaga
namang pinaghandaan ng bawat baitang ang ibat ibang
patimpalak , wika ni Bb. Pinky T. Talion, guro sa Filipino.
Dagdag pa niya, naging matagumpay ngayong taon
ang Buwan ng Wika dahil na rin sa pagtutulungan ng
lahat ng guro at mag- aaral sa PMPT.

You might also like