You are on page 1of 1

Krezelle Franada :)))

Buwan ng Wika 2017, isinagawa sa City Sci

Ipinagdiwang ng Puerto Princesa City National Science High School ang taunang Buwan ng
Wika na may temang "Filipino: Wikang Mapagbago" noong buwan ng Agosto. Pinangunahan ito
ng SAMAFIL sa pamumuno ng kanilang pangulo na si Graciel Ann Paredes at ng mga guro sa
Filipino na sina Gng. Agnes Mendoza at Gng. Mitchelle Aguilar. Ang nasabing programa ay
nilahukan ng lahat ng  mag-aaral at guro ng paaralan. Binuo ito ng anim na aktibidad: Pagbigkas
ng Tula, Pagguhit, Katutubong Sayaw, Pag-awit ng Kundiman, Balagtasan, at Bigkas-Sayaw-Awit.

Ang unang bahagi ng selebrasyon ay ang pagguhit ayon sa tema na isininagawa noong ika-
2 ng Agosto na nilahukan ng mga pambato ng bawat seksyon. Sa larangang ito, nasungkit ng
ika-10 baitang ng seksyon Faraday ang unang pwesto sa katauhan ni Ma. Loisa Angela Cabasag.
Ang ikalawang bahagi ng pagdiriwang ay ang pagbigkas ng tula na ginanap noong agosto 15,
2017 na nilahukan ng mga representante ng bawat seksyon. Iniuwi ni Edril Lagan, kinatawan ng
ika-12 baitang ng seksyon Newton, ang kampeonato sa larangan ng pagbigkas ng tula. At ang
huling bahagi ng pagdiriwang ay binuo ng Katutubong Sayaw, Balagtasan, Pag-awit ng
kundiman, at Bigkas-Sayaw-Awit na siya namang ginanap noong ika-31 ng Agosto.

Bawat seksyon ay nagpakitang gilas sa pagsayaw ng tinikling. Sa huli, nasungkit ng ika-7


baitang seksyon priestly ang unang pwesto. Inihandog naman ng mga kalahok sa Balagtasan
ang palitan ng kanilang mga panig sa pyesang 'Sipag o Talino?'. Iginawad sa ika-10 baitang ng
seksyon Faraday ang kampeonato sa kategoryang ito. Ipinarinig naman ng mga kalahok sa
larangan ng pag-awit ng kundiman ang mala-anghel nilang mga boses sa pyesang 'Ang tangi
kong pag-ibig' ni Kuh Ledesma. Nangingibabaw ang pambato ng ika-12 baitang ng seksyon
Newton sa nasabing patimpalak kaya't sila ang nakakuha ng unang pwesto. At ang huling
patimpalak ay ang Bigkas-Sayaw-Awit na nilahukan ng 15-25 na mag-aaral bawat seksyon mula
ika-9 hanggang ika-12 baitang. Sa huli'y itinanghal na kampeon ang ika-11 baitang ng seksyon
Einstein sa patimpalak na Bigsaywit.

  Ang mga nagwagi bawat kategorya ay tumanggap ng tropeyo na simbolo ng kanilang


kampeonato habang ang mga hindi naman pinalad ay ginawaran ng sertipiko ng partisipasyon.
Itinanghal na pangkabuuang kampyeon ang ika-10 baitang ng seksyon Faraday. Samantalang,
nasa ikalawang pwesto naman ang ika-12 baitang ng seksyon Newton at ang ikatlong pwesto ay
inuwi ng ika-11 ng seksyon Einstein. Ang mga isinagawang aktibidad ay sumisimbolo sa
pagsariwa ng mga pilipino sa pambansang wika ng pilipinas, ang Wikang Filipino.

You might also like