You are on page 1of 2

AP Azarcon leads “Gulayan sa Paaralan”.

Pinangunahan ni Gng. Maritess J. Azarcon, SCNHS Assistant Principal II, ang proyektong “Gulayan sa

Paaralan (GPP)” na may temang, “Garden mo, Ipagmalaki mo”, simula noong Setyembre.

Ang lahat ng mga seksyon bawat baitang ay binigyan ng nakatalagang espasyo na kanilang lilinisin at

bubuuin upang maging isang lugar para sa pagtatanim ng mga binhing naibigay ng mga tagapangasiwa.

Ang mga gawain ay ibinibigay linggu-linggo at ang mga kalahok ay inatasan na magsumite ng mga

dokumentasyon sa pagtupad ng mga gawain sa kani-kanilang mga hukom; ang mga nanalo ay

nakatanggap ng mga kagamitan sa paglilinis ng silid-aralan at sertipiko ng pagkilala.

Ang mga hurado sa nasabing patimpalak ay sina: Ruby A. Sabado (Grade-7), Annalinda D.L. Trinidad

(Grade-8), Evangeline M. Gutierrez (Grade-9), Edwin P. Mactal (Grade-10), Maricel D.C.Santos (Grade-

11), at Lorna M. Abesamis (Baitang-12).

Ang unang linggo ng kompetisyon ay nakatuon sa temang, "Preppin'up the Garden" kung saan

idodokumento ng mga kalahok kung paano nila inihanda ang mga hardin; Kinilala bilang mga nanalo ang

7-Edades, 8-Trustworthy, 9-Dahlia, 10-Abueva, 11-HUMSS A, at 12-TVL.

Sa ikalawang linggo, ang gawain ay ibahagi ang damdamin ng mga kalahok nang makita ang mga punla

na nakapokus sa temang, “The feelings and the Seedlings” kung saan ang 7-Edades, 9-Dahlia, 10-

Einstein, 11-HUMSS A, 12-TVL ay kinilala bilang mga nanalo.


“Pag-aalaga ng mga seedlings” ang tema para sa ikatlong linggo kung saan ang 7-Edades, 9-Dahlia, 10-

Einstein, 11-HUMSS A, at 12-TVL ang tumanggap ng mga pagkilala.

Ang ikaapat na linggo ay nakapokus sa temang, “Watch them grow” kung saan kinilala bilang mga nanalo

ang 7-Edades, 8-Orosa, 9-Orchids, 11-HUMSS A, 12-TVL.

Ang “Harvesting: Reaping, What You Sow” ang tema ng ikalima at ikaanim na linggo at nakuha ng 7-

Edades, 9-Orchids, 10-Einstein, 12-TVL ang pagkapanalo.

Sa kasalukuyan, nagpapatuloy pa rin ang ikapito hanggang walong linggong kompetisyon at ito ay

nakatutok sa temang, “Eating Time” kung saan itatampok kung paano sila nagluluto at nasiyahan sa

kanilang mga ani.

“Masaya ako at nagbunga ng maganda ang mga paghihirap namin habang ginagawa ang garden
namin.” said Mr. Kevin Russel Mendoza, T-II, at isa sa mga nanalo sa nasabing kompetisyon mula
1st hanggang 5th week.

Ayon kay Maritess J. Azarcon, ang aktibidad na ito ay nagturo sa mga mag-aaral na magtanim ng mga
gulay upang masagawa din nila ito sa kanilang sariling bakuran.

“Ginawa ito para hindi na din bumili sa tindahan ang mga estudyante at may aanihin na sila sa
kanilang mga bahay”, dagdag ni Azarcon.

Pagkatapos ng nasabing aktibidad, inaasahang maisasagawa ng mga mag-aaral ang kanilang natutunan
sa kanilang sariling tahanan.

You might also like