You are on page 1of 3

REPLEKTIBONG

SANAYSAY TUNGKOL
SA KAHALAGAHAN NG
PAGTATANIM
(KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK
SA WIKA AT KULTURANG PILIPINO)

Ipinasa ni:
CEDRIC B. MEDALLA
Grade 11 – ESMERALDA (STEM)

Ipinasa kay:
SONIA ROLUNA
Guro
Ang pagtatanim ay tinatawag ding bilang paghahardin, paghahalaman o
pag-aagrikultura. Ito ay maituturing na sining at pag aayos ng ibat’ibang uri ng
halaman sa isang hardin sa loob o labas ng bahay. Hardinero ang tawag sa taong
nagmamantini ng mga halaman. Bagaman madalas na makikita ang mga hardin sa
lupa sa labas ng tahanan, maaari din matagpuan ito sa ibang lugar katulad sa
bubong, biranda, o mga pader. Ang mga halamanan sa mga liwasan o iba pang
pampublikong lugar ay ginagamit bilang mga panghalina at pang aliw sa mga
turista.

Ngayong pandemya ang ating kaligtasan ay walang kasiguraduhan.Ang


ating kalusugan ay mahalaga.Kailangan ng ating katawan ng malakas na immune
system upang malabanan ang mga sakit na nasa ating paligid.Ang pagtatanim ng
gulay ay masayang gawain,dagdag kaalaman din ito.Makakatipid tayo kung
mayroon tayong tanim na gulay sa ating bakuran.Mainam din kung kumakain ng
gulay ang mga anak.Ang pagkakaroon ng halamang ornamental sa bahay ay
makatutulong upang magkaroon ng sariwang hangin ang iba pa nga ay panlaban sa
radiation.

Kahalagahan ng Pagtatanim
Ang mga sumusunod ay mga kahalagahan ng pagtatanim:

1. Ang pagtatanim ng mga halaman na puwede kainin ay pinagkukunan natin


ng pagkain at sustansya sa ating katawan ng tao at hayop..
2. Ang pagtatanim ng mga ibat’ibang uri ng halaman ay nakakatulong sa pagsustini
ng suplay ng oksiheno para sa mga tao at hayop.
3. Ang pagtatanim ng halaman ay nakagaganda at nakakapagbigay ng lilim sa ating
kapaligiran lalo na ng mga ornamental na halaman.
4. Ang pagtatanim ng halaman lalo na ng malalaking puno ay
nagsisilbing proteksyon sa malalakas na hangin at pagguho ng lupa.
5. Ang pagtatanim ay nakakatulong din sa pagmamantini ng malinis na hangin na
ating nilalanghap sa pamamagitan ng siklo ng carbon dioxide at oxygen.
6. Ang pagtatanim ay nakakatulong sa pagpapanatiling malusog ng lupa lalo na sa
lupaing agrikultura.
Bilang isang estudyante na nagpapakita ng kahalagahan ng pagtatanim sa
panahon ng pandemya ay nararapat lamang na maipakita at maibahagi ito sa aking
mga kakilala, kapitbahay o kapamilya upang sa panahon ng pandemya ay malaking
ambag ito sa ating pang araw-araw na pangangailangan.

You might also like