You are on page 1of 2

Pagtatanim

Ang pagtatanim ay maaaring tumukoy sa mga sumusunod:


 paghahalaman o paghahardin
 pagsasaka (agrikultura)

Ang paghahardin o paghahalaman ay isang gawain—ang sining ng pagpapalago ng halaman


—na kadalasang ginagawa sa labas o loob ng bahay, sa puwang na tinatawag na hardin. Kung
malapit ang hardin, sa bahay ng mga tao, harding pantahanan ang tawag dito. Bagaman madalas
na makikita ang mga hardin sa lupa na nasa loob, palibot o katabi sa isang bahay, maaari din
matagpuan ito sa ibang lugar katulad sa bubong, biranda, sa mga lalagayang kahon ng mga
halaman, atrium at patio.

Maaari din na makita ang pagtatanim ng halaman sa ibang lugar na hindi pantahanan katulad ng
mga liwasan o parke, publiko at kalahating-publiko na hardin (harding botanikal o harding
soolohikal), aliwan at mga liwasang may paksa (parkeng may tema, o mga theme park), kasama
ang mga pasilyo ng transportasyon, mga panghalina ng turismo at bahay tuluyan. Sa mga ibang
katayuan, pinapanatili ng mga hardinero ang mga hardin.
Ang agrikultura ay ang paglinang at pagpaparami ng mga hayop, halaman at
halamang-singaw para gawing pagkain, hibla, panggatong, gamot at iba pang mga
produkto para gamitin sa pagpapanatili at mapabuti ang buhay ng mga tao.[1] Naging
susi ang agrikultura sa pagsulong ng kabihasnan na nagdulot sa pamumuhay na
nakahimpil lamang o sedentary. Nangyari ang ganoong uri ng pamumuhay dahil ang
pagpapaamo o pagdomestikado ng mga espesye ay nakalikha ng mga kalabisan sa
pagkain. Tinatawag na agham pang-agrikultura ang pag-aaral agrikultura. Nasa libong
taon ang kasaysayan ng agrikultura at ang pag-unlad nito ay lubhang pinapatakbo at
binibigay kahulugan ng iba't ibang mga klima, kalinangan, at teknolohiya.
Namamayani bilang kaparaanang pang-agrikultura ang agrikulturang pang-industriya
na nakabatay sa malawakang monokulturang pagsasaka.

Maaring magkasingkahulugan ang katawagang pagsasaka sa agrikultura ngunit sa mas


teknikal na kahulugan, ang pagsasaka ay ang aktibidad samantala ang agrikultura ay
ang agham ng pagsasaka at ibang katulad na aktibidad.

You might also like