You are on page 1of 20

Layunin:

Natatalakay ang
masistemang
pagtatanim ng
halamang-gulay
Crop Rotation
Ito ay isang proseso ng pagsasalit-
salit ng mga pananim ayon sa
kalagayan ng panahon. Binibigyang
halaga nito ang uri ng halaman na
nababagay sa panahon. Sa ganitong
paraan, pinagplanuhan ng mabuti
ang bawat uri ng halaman na
itatanim sa bawat panahon.
Companion Planting
Ito ang pagtatanim at pagpaparami in
ibat-ibang uri ng pananim para sa
pagpuksa ng mga peste sa halaman para
sa pollination at para sa pagkakaroon ng
tirahan ng mga bagay na nabubuhay sa
ilalim ng lupa tulad ngmmga bulate na
nagsisilbing tagabungkal ng lupa sa
halaman.
Intercropping
Ito ang pagtatanim ng higit sa isang
pananim kasama ng iba pang
pananim o multiple cropping;
karaniwang salitan ang mga hanay
ng mga tanim. Nakakatulong ang
paraang ito upang malimitahan ang
pagsulpot ng mga peste sa halaman.
Panuto: Punan ang mga sumusunod na katanungan

___ 1. Ito ay sistemang pamamaraan


ng pagtatanim kung saan
nalilimitahan ang pagsulpot ng mga
peste sa halaman.
___ 2. Ito ay sistema ng pagtatanim
kung saan inaayon sa panahon ang
mga tanim na maganda ang tubo
nito.
___ 3. Sistema ng pagtatanim kung
saan isinaalang-alang dito ang mga
bagay na nakatutulong sa
pagpapalago ng tanim.
___ 4. Sa anong uri ng panahon
maganda ang tubo ng repolyo?
___ 5. Sa anong uri ng panahon
maganda ang tubo ng singkamas?
___ 6. Paano mapanatili ang
kalusugan ng lupa?
___ 7. Ano ang kalimitang
trabaho ng mga bulate sa lupa?
___ 8-11: Ano ang dapat
isaalang-alang sa sistemang
intercropping?
Tamang pangangalaga ng mga pananim
•Pagbubunot ng ligaw na damo
•Pagbubungkal ng lupa
•Pagdidilig gamit ang malinis na
tubig
•Pagpuksa ng mga pesteng sumisira
sa mga halaman
•Paglalagay ng abono
•Mulching-sistema ng paglalagay ng
takip sa lupa, ito ay binubutasan at
doon isinisingit ang halaman upang
doon tumubo. Maaaring gumamit
ng mga dahon, dayami, wood chips,
nutshells o malapad na plastic.
•Paggamit ng mga kasangkapan at
kagamitan
Basket Composting
- Isang paraan ng
pagpapabulok ng
basura sa isang
lalagyan
Kahalagahan ng Organikong Abono

•Nakakabuti sa hilatsa ng
lupa
•Nakakapagpalusog ng tanim
•Napakaepektibong pataba
na hindi magastos
Pamamaraan sa Paggawa ng Organikong
Abono
-Gumawa ng hukay sa lugar na tuyo,
patag at malayo sa bahay.
-Humukay ng may isang metro ang
lalim
-Pagsama-samahin ang mga tuyong
dahon, nabubulok na gulay, prutas,
pagkain at iba pa.
• Ilatag ang mga nabubulok na bagay sa
hukay haggang umabot ng 30cm ang taas.
•Patungan ito ng dumi ng hayop.
•Patungan ito muli ng lupa, abono, o apog.
•Paulit-ulit na gawin ang pagtambak
hanggang sa mapuno ang hukay.
•Diligan ito araw-araw at takpan naman
kung tag-ulan.
•Palipasin ang dalawang buwan o higit pa
bago gamitin.
Page 75 Subukin
6. Bakit mahalagang magkaroon
ng kaalaman sa paghahanda ng
lupang taniman?
• 7. Anong uri ng lupa ang pinaka
angkop sa pagtatanim ng gulay?
• 8. Bakit mas mainam ang paggamit ng
organikong abono?
• 9. Paano makakatulong ang mga nabubulok na
bagay sa mga gulay?
• 10. Bakit kailangang alagaang mabuti ang
lupang taniman ng mga gulay?
• Anu- ano ang nakukuhang
benepisyo sa pagtatanim ng
gulay?Magbigay ng limang
halimbawa.11-15

You might also like