You are on page 1of 1

FIREFOX WAGI SA CHEERDANCE COMPETITION 2015

Nagpakitang-gilas ang ibat-bang koponan ng Dalubhasaang Leon Guinto sa Cheerdance


Competition 2015 na ginanap noong Septyembre 16 sa LGMC Gymnasium.

Sinimulan ng BSBA Tycoons PEP Squad ang sayawan sa kanilang Warrior- themed performance.
Sunod na nagpahiyaw ng gymnasium ang BSA Magnates Cheering Squad na nagpatikim sa mga
manonood ng Ballroom with a Twist – inspired performance. Dinala naman ng BSED Firefox PEP Squad
ang manonod sa circus ng sinayaw nila ang kanilang Clown – themed performance. Bago pa man
matapos ang kompetisyon, humagupit ang depending champion BEED Warriors Cheering Squad na
nagpakita ng kanilang Cowboy – inspired performance.

Inuwi ng Firefox PEP Squad ang kampeonato matapos makalikom ng 90.8 puntos mula sa mga
hurado.Sinundan ito ng Warriors na binigyan ng mga hurado ng 82.6puntos. Nakalikom naman ng 81.8
puntos Tycoons na umupo sa ikatlong pwesto, samantalang nasa ika-apat ang Magnates na may 81.4 na
puntos.

Naging masaya para kay Arven Parafina, ang panalo sapagkat makalipas na tatlong taon ng
kompetisyon ay muli niyang naibalik ang korona sa BSED Firefox na huling napanalunan noong 2012. Si
Arven ang siyang tumayang trainor ng Firefox ng tatlong taong sumali ito sa CDC.

Samantalang namayagpag din sa ibang kategorya ang Firefox sa Big Night ng Sportsfest. Hinirang
na Mr. & Mrs. Sportsfest sina Janiña Angara at Rocel Doce, sinungkit din nila ang dalawang special
awards na “Best in Production” at “Best in Talent”. Umindayog naman sina Mark Alvin Rico at Anni Frid
Garcia para makuha ang medalya sa Dancesport, Cha cha cha at Jive category. Ang tambalang Dennis
Licup at Gazelle Marasigan naman ang nagwagi sa vocal duet.

Taon-taon, ginanap ang cheerdance competition para kilalanin ang mga 6th man na
sumusuporta sa bawat koponan.

You might also like