You are on page 1of 1

Tamang Sasakyan, Para sa Opisyal ng Pamahalaan

Ferdinand Fremista, Jr.

Bilang pagtupad sa kanyang mga nauna nang pahayag sa kanyang mga


talumpati ay ipinagutos na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagbabawal sa lahat ng
tanggapan ng Pamahalaan sa ilalim ng Executive Department sa pagbili ng mga
mamahaling sasakyan. Isang malaking tulong ito upang maibsan ang posibilidad ng
pagkakaroon ng kurapsyon sa pamahalaan gayundin ang pagbawas ng bilang at
bolyum ng sasakyan.

Kadalasan, ang karaniwang dahilan kung bakit nagkakaroon ng mamahaling


sasakyan ang mga opisyal ay para maipakita nila kung gaano sila kayaman at katanyag
sa lipunan. Kailangan rin nila ito para sa kanilang seguridad at kaligtasan. Ang
pagkakaroon ng bulletproof na sasakyan ay higit na makatutulong upang maiwasan ang
anumang banta sa seguridad ng nagmamay-ari nito. Meron namang iba na
nangongolekta ng sasakyan bilang libangan.

Maaaring kailangan nga ng isang opisyal na magkaroon ng sasakyan kung ito ay


para sa kanyang seguridad; ngunit, ito ay limitado lamang sa ganitong dahilan o sa iba
pang rason para sa mas ikabubuti niya. Ipinagbabawal ang mga sasakyan na ang
halaga ay higit at sobra-sobra sa regular na sinasahod ng isang partikular na opisyal.
Gaano ka man kayaman, kapag lumabas na sobra-sobra ang presyo ng pagmamay-ari
mong sasakyan, lilitaw na ang dahilan kung bakit mo ito nabili at dahil sa kurapsyon.
Maaari kang akusahan na nangurakot ng pera kahit na nabili mo ang nasabing
sasakyan sa malinis na paraan. Isa sa mga layunin ng gobyerno ang maibsan ang
kurapsyon sa pamamagitan ng paglimita ng presyo ng pwedeng aing sasakyan ng isang
opisyal at makita rin kung sino ang lumalabag dito.

You might also like