You are on page 1of 2

[Type here]

3 tips sa pagbili ng motor para sa mga first-timers

facebook sharing buttonmessenger sharing buttontwitter sharing button

(Philstar.com) - June 16, 2020 - 9:00am

MANILA, Philippines —Bunsod ng mga limitasyong umiiral ngayon sa pag-operate ng mga public utility vehicles (PUVs),
naging malaking hamon para sa mga essential workers at frontliners ang pang araw-araw na byahe patungo sa kani-
kanilang trabaho.

Dahil hindi lahat ay may kakayahang bumili ng sariling kotse, maraming nagiging interestedong sa pagbili ng motor
upang magamit sa pansariling transportasyon. Maliban sa mas abot-kaya, nakikita ito ngayong mas ligtas na alternatibo
upang makaiwas sa pagkahawa sa sakit na COVID-19.

Gayun pa man, nananatili pa rin itong malaking investment. Kaya naman dapat ay maging mapanuri ang sinumang bibili,
lalo na kung ito ay first-timer. Narito ang ilang tips na dapat isaalang-alang sa pagbili ng motor:

1. Form vs. function

Sadyang agaw-pansin ang mga design ng mga motor sa merkado ngayon pero huwag basta magpadadala sa itsura. Isipin
muna kung alin ang mas kailangan: ang underseat compartment o cargo space. Siguraduhing kumportable itong sakyan.
Kung walang alok na test ride ang dealership, maaaring upuan ang display unit para mapakiramdaman ang sukat. Isiping
araw-araw itong gagamitin, kaya’t hindi puwedeng mag-"tiis-ganda" sa gitna ng trapik.

2. Cash or installment

Ang motor ay abot-kaya ng nakararami dahil pwede itong bayaran ng hulugan. Pero syempre, merong interest. Ikumpara
ang interest rates ng loan ng mga bangko at ng in-house financing ng dealer. Madalas ay mas maraming requirements
ang sa bangko at mas matagal ang processing time. Kung swak naman ng budget ay maaaring bayaran na ng buo ang
unit para wala ng interest.

3. Second hand o brand new?

Minsan, sa pagbili ng segunda mano ay napapalaki lalo ang gastos sa ‘di kalaunan. Malaking factor sa reliability at service
life ng isang motor ay ang katagalan sa paggamit nito. Kung hindi siguradong nasundan ng dating may-ari ang tamang
preventive maintenance ay baka ikaw ang mag-mana ng karagdagang gastos. Kapag bago naman, maliban sa warranty
ay maaring may kasama pang libreng service coupons mula sa dealer. Mas magiging masaya at worry-free ang
pagmamay-ari lalo na sa first-time buyer.
[Type here]

Bonus tip: Maaari ring magamit ang iyong motor para sa dagdag kita dahil sa mga app-based delivery services na
pwedeng gawing sideline.

Tandaan na mapa-personal man o pang-hanapbuhay ang paggamit ng motor, ugaaliin ang pagsuot ng sapat na riding
gear. Ride safe!

You might also like