You are on page 1of 3

Sa video na ito, pag-uusapan natin ang 7 tips na kailangan mong gawin, bago ka

bumili ng second hand cars. Dahil kung bibili ka man sa mga direct dealership, oh
direkta mismo sa mga individual owners, ay mahalagang malaman mo ang mga tips na
ito para siguradong wala kang pagsisisihan sa huli.

Kahit hindi brand new, ang pagbili at pagpupundar ng Second hand na sasakyan ay isa
pa ding bossy-move sabi nga ng karamihan. Pero ano nga ang dapat mong gawin, at
ano-ano ang mga bagay na dapat mong iconsider, bago mo ibayad sa Second hand na
sasakyan, ang perang pinaghirapan mo ng ilang buwan oh taon.

7. Do your research
Simulan natin sa Number 7, Do your research. Bawat isa satin ay may mga preferred
na modelo ng sasakyan. Ito yung tipo ng mga sasakyan na kapag nakita mo sa kalsada,
ay talagang maaagaw ang atensiyon mo. May mga taong mahilig sa sedan, SUVs, pick-
ups, vans, at compact cars. At kung medyo bigtime ka, ay maaari kang mahilig sa mga
sports at luxary cars. Pero siyempre, kung bibili ka ng Second hand cars, ay may
mga target models ka na din. Kaya dapat ay alamin mo mismo ang mga engine
specifications, interior at safety features, seating capacity, fuel consumption, at
spare parts availability ng trip mong sasakyan. Magbasa ka din ng mga car reviews,
oh di kaya naman ay manuod ka ng mga videos, gaya ng mga videos na ipinapalabas
natin sa channel na ito. Sa panahon ngayon, ay marami ng information ang available
sa internet. Nandiyan na din online ang mga brochure at manuals ng gusto mong
sasakyan. Maglaan ka ng sapat na oras dito, at basahin mong maigi ang mga
impormasyon at history ng mga issues kung meron man, para maging handa kana sa
pagbili ng Second hand mong sasakyan.

06 – Check the car mileage


Number 6, Check the car mileage. Isa ito sa mga pinaka-importanteng factors kapag
bibili ka ng 2nd hand na sasakyan. Ito kasi ang magdedetermine ng wear and tear ng
sasakyan mo.  Kung mataas ang mileage ng sasakyan, ay maaari prone na ito sa
anumang problema oh pagkasira. Ayon sa research, ang average mileage ng isang
saskyan ay hindi dapat lalagpas sa 19,400 kilometers kada taon. At para naman sa
average mileage, ay maaari mo itong imultiply sa edad ng sasakyan. Ibig sabihin ang
10 year old na sasakyan ay dapat magkaroon lamang ng 194,000 kilometers upang
masabi natin na hindi na-abuse ang makina nito. Isang katibayan sa konsepto na ito,
ay makikita mo sa 2nd hand market price. Isang halimbawa dito, ang mga sasakyan na
5 years pa lamang na may mataas na mileage ay tiyak na mas mura sa mga 10 years old
na sasakyan na may mababang mileage, lalo na kung malaki ang diperensiya sa
distansiya ng dalawa. Dagdag pa dito, ay kailangan mo ding alamin kung saan at kung
sa anong klaseng lugar ginamit ang sasakyan na bibilhin mo. Maaari ngang mas mababa
ang mileage ng sasakyan na nakita mo, pero ginagamit naman itong pang-offroad sa
bundok bilang isang construction service car. Masasabi nating mas delikado itong
bilin kumpara sa mga sasakyan na mataaas ng konti ang mileage, pero ginamit lamang
sa flat na lugar at city driving. Narereset din ang car mileage ng bawat sasakyan
sa dashboard. Tignan din mabuti kung tugma ang mileage sa interior ng sasakyan.
Kapag durog ang interior, pero bata pa ang mileage, ibigsabihin nareset ang mileage
nito.

05 – Full body check


Number 5, Full Body Check. Isa ito sa mga habit ko, bago ako sumakay at magdrive ng
anumang sasakyan. Ugali kong ikutan ang sasakyan bago umalis upang makita kung
mayroon man itong gasgas, at para malaman ko din kung mayroon bang tumama sakin
tuwing matatapos ang araw. Gaya sa pagbili ng 2nd hand na sasakyan, ugaliin mong
ikutan ng todo ang palibot nito. Icheck mo ang bawat sulok, silipin mo ang ilalim
gamit ang flashlight at kalampagin mo para makita mo kung may kalwang. Kapain mo
ang ang mga pintuan, para malaman mo at makita mo kung mayroon itong sira oh tama.
Isa pang mahalagang parte dito, ay kapain mo ding maigi ang pintura ng sasakyan
para maramdaman mo kung mayroon ng nirepair dito, oh di kaya naman ay dumistansiya
ka ng kaunti, at pagmasdan mong maigi para makita mo kung pantay-pantay ba ang
kulay nito. Dagdag pa dito, ay icheck mo din ang interior nito. Tignan mong maigi
ang mga upuan kung may sira, icheck mo din ang control panels at dashboard, para
siguradong walang makakalusot sayo. Sa ganitong paraan, kung sakaling may makita ka
mang problema dito, pero gusto mo pa ding bilin ang sasakyan, ay maaari kang
tumawad at gawin mong dahilan ang halaga ng mga gagastusin mo sa pagpapagawa ng mga
problemang nakita mo.

04 – Bring a mechanic
Number 4, Bring a Mechanic. Kung wala kang masyadong alam pagdating sa sasakyan, ay
paniguradong kailangan mong magdala ng isang mekaniko na mapagkakatiwalaan mo.
Isang mekaniko na tapat sayo at hindi ka lolokohin. Isa ito sa mga pinakamahalagang
tip sa ating listahan, dahil dito nakasalalay ang gastos mo sa future.
Kinakailangang icheck ng mekaniko na ito ang kabuuan ng sasakyan gaya ng mga leaks
oh tagas, oil and coolant levels, head gasket condition, filters, transmission
fluids, electrical power, belts, battery performance, exhaust smoke at marami pang
iba. Dagdag pa dito ang kondisyon ng mga gulong, na isa ding mahalagang bagay, lalo
na sa isang tao na hindi sanay tumingin at maginspection ng sasakyan. Ang mekaniko
na ito ang magsasabi sayo kung pasado ba ito sa kanya, oh kung magkano ang maaari
mong gastusin sa pagpapagawa kung sakaling tumuloy ka sa pagbili ng isang
problemadong saskyan. Kayat siguraduhin mong magaling at experyensado na ang
dadalin mong mekaniko bago ka bumili ng 2nd hand na sasakyan, para siguradong hindi
masasayang ang pera mong pinagpaguran.

03 – Check the history and papers


Number 3, Check Car Papers and History. Siyempre, isa din itong mahalagang tip bago
ka bumili ng isang 2nd hand na sasakyan. Sa panahon ngayon ay marami ng
mandarambong at manloloko sa ating paligid. Kaya siguraduhin mong hindi ka
makakabili ng isang sasakyan na nakaw, dahil baka sa kulungan pa gising mo.
Pagdating sa mga dokumento, ay icheck mong maigi ang mga papeles nito, lalo na ang
OR/CR  oh ang Official Receipt at Certificate of Registration ng sasakyan. Dapat ay
valid at hindi expired ang registration ng sasakyan na bibilhin mo. Icehck mo din
ang IDs ng taong pagbibilhan mo at siguraduhin mong tugma sa pangalang nakalagay sa
OR/CR.  At para lalong makasigurado, ay maaari mo ding icheck ang credibility ng
mga dokumento sa LTO oh Land Transportation Office. Kung may sapat na oras ka din
naman, ay maaari mo ding icheck dito kung mayroon mang criminal or apprehension
records ang plaka ng sasakyan na bibilin mo. Malaking bagay ito upang makaiwas sa
anumang abala sa hinaharap. Dagdag pa dito, ay maaari ka ding maghistory check sa
lugar ng pinanggalingan ng sasakyan. Isang halimbawa dito ay noong panahon ng
Bagyong Ondoy noong 2009, kung saan daan-daang sasakyan ang nilubog lalo na sa
Marikina Area. At ilang buwan lamang ang nakalipas, ay dinagsa ng mura at halos
bago pang sasakyan ang mga 2nd hand markets sa ating bansa, na posibleng ang mga
sasakyan na iyon, ay isa sa mga sasakyan na dating nalubog sa baha. Icheck mo din
ang mga maintenance records ng sasakyan kung meron man. Dapat ay maging aware ka sa
bagay na ito, para makaiwas ka sa anumang problema na maaaring ibigay sayo ng 2nd
hand mong sasakyan.

02 – Test drive
Number 2, Test Drive. Siyempre, kung sakaling pasado na sa iyo ang sasakyan, at
approved na lahat ang documents at history sa iyo, ay kailangan mo naman itong
itest drive. At mas maganda kung gagawin mo ito, kasama ang iyong mekaniko, oh di
kaya naman ay kung siya mismo ang magmamaneho. Sakyan mo ito, paandarin at idrive
sa labas ng kalsada. Subukan mo ito sa traffic, pati na din sa highway.
Pakiramdaman mo ang steering controls nito, ang kapit ng gulong, ang alog ng
suspension, at tunog ng makina. Pakiramdaman mo din ang smoothness ng gear change
nito, pati na din ang kagat ng clutch. Kung may sapat na oras kana man, ay
magyaring icheck mo din ang fuel consumption ito. Idamay mo na din ang test sa mga
ilaw, flashers,electronics, climate control at wipers nito. Pagkatapos mo itong
idrive ay ipasubok mo din ito sa kasama mong mekaniko, dahil siguradong mas
malalaman niya kung may problema ba ang saskyan na bibilhin mo. Ito ang final
checking sa pagbili ng isang 2nd hand na sasakyan, kaya huwag kang magtipid ng
oras, dahil dito nakasalalay ang iyong final decision.

01 – Prepare a budget
Number 1, Prepare a Budget. Kapag nabili mo na ang 2nd hand na sasakyan na gusto
mo, ay kailangan mo pa ding maglaan ng budget kung sakaling mayroon mang masira
dito. Maaari kang magkaroon ng maliliit na problema dito from time to time, kaya
dapat ay laging handa ang wallet mo. Ito ang pinakamalaking pinagkaiba sa pagbili
ng brand new at 2nd hand na sasakyan. Sa mga brand new cars kasi ay wala kang
iintindihin ng halos 5-10 years, basta tama ang timing mo sa maintenance, kaya
talaga namang ride and drive ka lang. Samantala, sa pagmamaneho naman ng isang 2nd
hand na sasakyan, ay lagi mong tatalasan ang iyong pakiramdam. Pakinggan mong
mabuti ang tunog nito, at pakiramdaman mong maigi kung mayroon man itong problema.
At kung hindi talaga maiiwasan, ay dalhin mo ito agad sa isang mekaniko para
masolusyunan ang iyong problema, at hindi na lumala pa. Pero siyempre, para magawa
mo ito ay kailangan mo ng pera, kaya siguraduhin mong kahit papaano ay may back-up
budget ka para dito.

You might also like