You are on page 1of 6

Ang kakulangan sa pag-iingat ang isa sa madalas na dahilan ng mga aksidente sa daan.

Kamakailan lang, isang buhay ang nawala at hindi bababa sa apat ang sugatan sa pagkarambola ng 18
sasakyan sa C5 Ortigas Flyover, Pasig City.

Pero ano nga ba ang mga pananagutan ng driver at ng nakarehistrong may-ari ng sasakyan kapag
nagkaroon ng pinsalang dulot ng hindi maingat na pagmamaneho?

Sa programang "Usapang de Campanilla" sa DZMM, ipinaliwanag ni Atty. Claire Castro na maaaring


sampahan ng biktima ang nagmamaneho ng sasakyan ng 'reckless imprudence resulting to physical
injuries o damage to properties'.

Paliwanag ni Castro, ang 'reckless imprudence' ay ang aksiyon na nagdulot ng isang krimen nang hindi
sinasadya o walang intensiyong gawin pero nakapagdulot ng danyos sa tao o sa ari-arian. Isa itong
criminal liability sa ilalim ng Revised Penal Code.

Mananagot ang driver sa lahat ng danyos na naidulot niya dahil sa hindi maingat na pagmamaneho.

Pero kung ang nagmamaneho ay hindi ang may-ari ng sasakyan, magkakaroon ng pananagutan ang
'registered owner' kung hindi kayang magbayad ng driver.

"Kung 'yung may-ari, kahit hindi ikaw ang nagda-drive, empleyado mo 'to [ang driver]. Tapos hindi ka
naman nagpakita na tama 'yung pagkuha ng empleyado mo, naging pabaya ka rin sa pagkuha ng tamang
empleyado. Ikaw, bilang registered owner ng sasakyan, mayroon ka ring liability," ani Castro.

Kung sakali namang may namatay dahil sa hindi maingat na pagmamaneho, nasa driver ang criminal
liability. Hindi makukulong ang registered owner pero may pananagutan pa rin ito dahil sa mga
nagawang pinsala ng nagmamanehong empleyado.

"Kaya 'yung iba, sine-separate ang pagfa-file ng kaso, kasi puwede mong i-separate yung civil liabilities.
So ang ifa-file mo lang ang criminal liabilities para makulong siya. Pero in your mind, alam mo hindi
naman niya kayang [magbayad] so magfa-file ng separate na kaso for civil liability na ang kakasuhan
naman ang may-ari," aniya.

Kung magkaroon naman ng karambola, makakasuhan ang pinaka naging dahilan ng pangyayari at
maaabsuwelto ang mga nadamay lang sa insidente.

TUMAAS ang bilang ng mga naaaksidenteng sasakyan ngayon. At ayon sa report, lasing ang driver kaya
nangyari ang aksidente. May bumabangga sa poste, pader, convenient store at pati ang kasalubong na
sasakyan ay binabangga. Dahil sa kalasingan ng driver, may sumasalungat (counter flow) at inaararo ang
kasalubong.

Ganito ang nangyari kamakailan nang mag-counterflow ang isang itim na Hummer sa V. Luna Avenue,
Bgy. Pinyahan, Quezon City dakong 5:45 ng umaga at nabangga ang isang motorsiklo. Tumakas ang
Hummer. Namatay ang mga sakay ng motorsiklo. Napag-alamang lasing ang driver ng Hummer at
nakatulog kaya nabangga ang motorsiklo. Natagpuan ang Hummer sa Sariaya, Quezon. Sumuko na ang
driver ng Hummer at kinasuhan ng Quezon City police.

Kamakalawa, isang Sports Utility Vehicle (SUV) ang bumangga sa poste ng kuryente sa Quezon Avenue,
Quezon City. Nahirapang mailabas ang lalaki sa sasakyan dahil sa lakas ng pagkabangga. Lasing na lasing
ito ayon sa mga rumespondeng rescuer.Marami pang aksidente ang nangyari dahil lasing ang driver.
Ayon sa Metro Manila Development Authority (MMDA) karamihan sa mga nangyayaring malalagim na
aksidente sa Metro Manila ay dahil sa pagmamaneho ng lasing at paggamit ng bawal na droga.
Karamihan ay bumabangga sa pader, poste ng ilaw at haligi ng MRT. Mayroon ding head-on collision at
may mga namamatay.Nang lagdaan ang “Anti-Drunk and Drugged Driving Act” noong 2013, maraming
natuwa dahil mababawasan na ang aksidente sa kalsada dahil sa mga senglot na drayber. Subalit sa halip
na mabawasan, dumami pa.Sa ilalim ng batas, ang sinumang mahuhuli na nagmamaneho na nasa
impluwensiya ng alak at pinagbabawal na droga ay makukulong ng tatlong buwan at pagmumultahin ng
P80,000. Kapag may napinsala at namatay, magmumulta ng P200,000 hanggang P500,000 at
makukulong.Walang pangil ang RA 10586 kaya maraming lasing ang walang takot magmaneho.
Binabalewala ang batas.Ipatupad ang RA 10586 para mailayo sa kapahamakan ang publiko sa mga
nagmamaneho nang lasing. Parusahan nang mabigat ang mga senglot na driver. Mga hindi dapat gawin
kapag nag mo-motor

Mga hindi dapat gawin kapag nag mo-motor

By: Gene B. Ulag


Well, maraming hindi dapat ginawa pag nag mo-motor, Pero ano nga ba ang mga “DAPAT” na hindi
ginagawa habang nag mo-motor? Marami din kasi sa mga kasama nating mga riders na hindi alam ang
batas tungkol sa pag mo-motor, hindi marunong bumasa ng traffic signs, road lines at iba pa. Kadalasan
ay marunong lang talagang mag motor.

Isang dahilan din ng disgrasya ang hindi pag intindi at hindi pag sunod sa batas trapiko, hindi lang din sa
mga naka motor, kung hindi sa lahat ng motorista sa kalsada.

Ngaun, I break down natin ang mga dapat hindi ginawa kapag tayo ay nag mo-motor. Bukod sa pag sunod
sa BATAS TRAPIKO

Unahin na natin ang PAG INOM NG ALAK.

Mejo guilty ako dito, kasi talaga namang madalas noon ay madalas din akong shumat, Aminin natin,
masarap uminom, lalo na’t nasa tambayan tayo, kasama ang mga ka-tropang nag mo-motor din. Napag
uusapan ang babae, modification ng motor, ikumpara ang bilis ng bawat isa, na pagkatapos ay mag
susuntukan na. Charot lang. hehehe.

Iba ang kwentuhan kapag tropa ang kasama eh, di ba?!

Iba din ang kwentuhan pag nadisgrasya ka, at Mas iba ang kwentuhan, kapag pinag lalamayan ka.
Masakit din sa mahal natin sa buhay kapag tayo ay nadisgrasya, hindi ka man mamatay, eh todong gastos
naman, dahil ma o-ospital ka, tapos pagawain pa sa motor.

Kaya mga ka tropa, hinay hinay lang, tatlong bote ay OK na, at sana ay wag ng so-sobra pa dun, mas konti
mas maganda.
Kaya ang WAG UMINOM NG ALAK o moderation lang sa pag inom ang UNA sa listahan natin.

Pangalawa, MAG SUOT NG HELMET.

Ako man ay guilty din dito, dahil pag malapit lang ang pinupuntahan ko, ay tabo helmet o minsan ay
WALA na talaga akong suot na helmet. Pero, ang pag su-suot ng helmet ay nagbibigay sa atin ng
proteksyon sa pagka bagok, na numero unong dahilan ng FATALITIES sa disgrasya sa motor.

Lagi naman tayong pro-choice, pero syempre, iba na ang nag iingat. Hindi ka man kumpleto sa gears,
atleast, napo proteksyunan ang ULO mo.

Pangatlo, WAG MAG O-OVERTAKE SA KURBADA

Sakit ito ng karamihan sa atin, well, noon ko pa ito alam, kaya hindi na ako guilty ditto [ kala nyo ha ]. Hidi
ko alam kung ano ang meron sa pag o-overtake sa kurbada, at lagging gustong maka una. Hindi naman
race track ang kalsada.

Ilang taon na ang naka lipas, may isa kaming kaibigan, na itago na lang natin sa pangalang DAMULAG
[ Oo, yung DAMULAG sa palabas na DORAEMON ], nasa byahe sila ng isa nyang kaibigan sa mag Tanay,
Rizal, nag biglang nag overtake itong si DAMULAG sa kurbada, ang bumulaga sa kanya ay hindi sina TITO,
VIC and JOEY, kung hindi isang pampasaherong jeep.

Tinamaan sya sa hita, at ang buto nya sa hita [ LEFT FEMUR ] ay nahati sa lima. Ilang buwan din syang
hirap maka lakad, hindi ko alam kung ilang opera ang nangyari, at malaking gastusan panigurado. Ng
dahil lamang sa pag overtake sa kurbada.

Pang – Apat, WAG TUTUTOK SA PAMPASAHERONG SASAKYAN

Isa pang dahilan ito ng disgrasya, nasa kanang bahagi ka ng kalsada, nasa bilis na otsenta ang tinatakbo,
ng biglang nakakita ng pasahero ang JEEP sa unahan mo, eh masyado ka nang naka baon, ayun, blagag!
@#$%!!! Tinumbok mo ang likuran ng JEEP, eh buti kung ikaw lang, may natamaan ka pang pasahero.
SAKLAP DI BA?!

Ang mga Jeepney driver, aminin na nating, gusto lang din namang mabuhay nyan, kaya halos walang
pakialam yan kung nakahambalang man sila, o may masasabitan sila sa pagmamadali. Wala eh, sa hirap
ng buhay eh kailangan nilang kumayod para sa pamilya nila, at para sa pangalawang pamilya nila, [ hango
lamang sa kasabihang, basta driver, sweet lover ].

Kaya hanggat maaari, ay tayo na ang umiwas at wag tumutok sa mga pampasaherong sasakyan. Iwas
disgrasya pa.

Pang – Lima, MATUTONG RUMESPETO

Dapat nga, hindi na kasama ito, kaso, isama na natin. Malaking parte kasi ito ng buhay motorista eh. Wag
harangan ang PED XING – RESPETO SA PEDESTRIAN, Wag dumaan sa SIDE WALK – RESPETO SA
PEDESTRIAN, Kapag, kaka GO signal pa lang, wag busina ng busina na parang gusto mong iyabang na
may BUSINA ka na alam mo namang lahat tayo ay meron – RESPETO SA KAPWA MOTORISTA

Wag BOMBA NG BOMBA SA STOPLIGHT na para bang gusto mo eh laging may karera, RESPETO ito sa
KAPWA MOTORISTA, kahit sa tingin mo ay hindi sila naiingayan, NAIINGAYAN SILA, alam nilang naka
RAIDER150 ka at alam nilang mabilis yan, Wag mag assume, kaya kumpuede lang, itigil na din ang
rebolusyon ng rebolusyon.

Ilan lamang sa mga naisip ko yan, paala-ala lamang po hane, hindi ito STANDARD na batas, puedeng wag
mong sundin, puedeng sundin, kung susundin mo naman ito ay wala namang mawawala sayo, kung hindi
mo naman susundin, maaaring buhay mo ang mawala sayo, NOPE, hindi dahil itutumba kita, kung hindi
dahil, IKAW, ay magiging mas prone sa aksidente.

Mahirap na masarap ang mag motor, kaakibat ng mga TOLONGES na batas na ipinapatupad ng LOKAL na
PAMAHALAAN. Pero ang main reason natin ay ma enjoy ang pag mo-motor, at the same time eh ligtas
tayong makakauwi sa kaniya kaniyang pamilya natin. Buo tayong umalis, BUO TAYONG UUWI.
Nakaparada man o tumatakbo, isang maling tapak lang sa pedal o maling pihit ng sasakyan ay maaari
nang maging sanhi ng pag-arangkada ng disgrasya.
Noong 2017, may 66 road crash incidents ang naitatala kada araw, ayon sa Philippine National Police-
Highway Patrol Group (PNP-HPG), na madalas umano ay bunsod ng human error o pagkakamali ng tao.

Magugunitang noong nakaraang buwan lang ay isang malaking vehicular accident ang nangyari sa isang
mall sa Muntinlupa, na nag-iwan sa siyam katao na sugatan

Isang puting AUV ang umatras sa isang restoran sa isang mall noong Abril 18 at sumagasa sa mga
kumakaing kostumer sa loob.

Sasakyan bumangga sa restaurant sa Festival Mall; 9 sugatan

Lumabas

You might also like