You are on page 1of 2

DRAYBER NA WALANG LISENSYA, PWEDENG WALANG LIABILITY

Isang pulis-imbestigador ng Tarlac ang nagtanong:

Tanong: Sir, ako po ay traffic investigator ng aming estasyon. Hindi ko po


alam ang gagawin ko sa isang kaso dahil dalawa ang bersyon ng mga
kasama ko kung sino ang sasampahan ng kaso. Ito po ang nangyari.

Isang Montero ang sumalpok sa Fortuner. Ang drayber ng Montero ay may


lisensya at OR/CR na maybisa. Ang drayber ng Fortuner ay walang lisensya
at wala ng bisa ang OR/CR. Subalit, nasa "right of way" ang Fortuner.

Ayon sa isang grupo sa estasyon, otomatik na dapat na makasuhan ang


drayber ng Fortuner kasi nag maneho siya ng sasakyan ng walang lisensya.
.Ayon naman sa isang grupo, dapat na kasuhan ang Montero sapagkat siya
naman talaga ang puno't dulo ng aksidente. Paglabag sa trapiko lamang
ang kasalan ng Fortuner at hindi dapat na makasuhan

Sagot: Kung binasa natin ang Revised Penal Code Annotated, ibig sabihin
iyong makapal na may mga paliwanag at halimbawa ( ito ang gamit ng mga
abogado), at hindi iyong Codal, ibig sabihin, iyong teksto lamang (kadalasan
gamit ng mga pulis sa training at sa estasyon), malalaman natin na ang
basehan ng criminal negligence o reckless imprudence ay walang iba kundi
- KAPABAYAAN o sa ingles IMPRUDENCE O NEGLIGENCE. Sa madaling
sabi, kung sino iyong may kapabayaan base sa imbestigasyon ng pulisya,
siya ang dapat na makasuhan.

Sa ilalim ng Civil Code, ang isang drayber na may paglabag sa trapiko ,


halimbawa, walang lisensya ay "presumed" negligent. Bakit presumed? Kasi
puwedeng mawala ang presumption kung mayroong siyang ebidensyang
magpapatunay na wala siyang kapabayaan. Hindi sinasabi, mga kasama, sa
Revised Penal Code na kapag ang draybey ay walang lisensya, siya na ang
otomatikong may kasalanan. Itong paniniwala ay minana natin sa mga
sinaunang imbestigador na walang legal na basehan.

Sa ating kaso ngayon, base sa kwento ng ating kasama, ang dapat na


makasuhan sa ilalim ng Revised Penal Code ay ang drayber ng Montero,
dahil lumalabas na sa kaniya ang kapabayaan kung bakit nagkaroon ng
aksidente, kahit pa na mayroong siyang lisensya at OR/CR at ang Fortuner
ay wala. Suportado rin ito ng isang kasong nadesisyunan ng Korte Suprema.
Ngayun, kung gusto mong tiketan ang drayber ng Fortuner dahil sa traffic
violation, puwede mo rin gawin yan.

Please share. Like Facebook page Reynold Villania for PNP Continuing Legal
Education

You might also like