You are on page 1of 1

Three Fold Liability Rule

Sa ilalim ng batas, may tinatawag na Three Fold Liability Rule. Ibig


sabihin, ang isang taong gumawa ng krimen ay pwedeng papag-
panagutin sa tatlong pananagutan:
1. Kriminal - pagkakulong;
2. Sibil - pagbayad ng danyos;
3. Administratibo - pagka-alis o suspensyon sa trabaho o pagkansela ng
permit, lisensya o pribiliheyong ibinigay ng estado.
I-apply natin sa kaso sa baba.
Operator:
1. Kriminal
Kriminal (reckless imprudence resulting in homicide) dahil nagpabaya siya sa
pag maintain ng sasakyan at pag supervise ng driver kaya nawalan ng preno.
Tandaan, walang sinasabi ang Art. 365 (RPC) na sa aksidente sa kalsada,
drayber lang ang may pananagutan. Basta may kapabayaan, pwede ang
reckless imprudence.
2. Sibil - sa kriminal na kaso, otomatikong nakasampa na ang sibil na
aspekto. Maliban na lamang kung mayroong "reservation o independent civil
action" ang biktima. Magbabayad ang operator ng danyos.
3. Administratibo- pagkansela ng prangkisa dahil sa paglabag sa probisyon
nito.
Punta tayo sa driver:
1. Kriminal- pagkakulong dahil may kapabayaan. Hindi naging maingat
otherwise, hindi sana nawalan ng preno. Parehas ng operator, reckless or
negligent rin siya.
2. Sibil - magbabayad rin siya ng danyos sa mga nasaktan o namatayan.
3. Administratibo - i-kansela ang kaniyang lisensya na isang prebilihiyo
lamang na bigay ng estado.
Take note:
Mga kasama, gaya ng anumang kasong isinasampa ng pulis, ang sekreto ay
ang tama at sapat na paglatag ng probisyon ng batas sa kaso. Huwag
maging kampante sa naka-ugalian o sa nakasanayan.
Hindi po siguro ito naituro sa pulis dahil limitado lamang ang ating oras sa
training subalit, ito ay pinag aaralang mabuti ng estudyante ng batas.

You might also like