You are on page 1of 2

Bago ang pagkapkap at paghalughog

Ano ang iyong gagawin kung ikaw ay kakapkapan ng walang


kadahilanan?

Alamin kung ang taong kakapkap ay pulis o pribadong indibidwal. Kung ito ay
pulis, tanungin kong mayroon siyang search warrant. Kung meron, maaari
siya magkapkap liban lamang sa mga maseselang bahagi ng iyong katawan.

Maaari din siyang magkakap para sa mga sandata o ano mang bagay na
magpapatunay sa kaniyang pagkakasala sa batas kahit walang search
warrant, basta gagawin lamang ito matapos ang pagarresto at sa
pinangyarihan ng krimen o sa anumang lugar na saklaw ng taong inaresto.

Maaari ding pumara at magkapkap ang pulis ng sinumang motorista basta (1)
mayroon siyang probable cause na ang motorista ay nagkasala sa batas
bago mangyari ang pagkapkap o, (2) siya ay nakakita sa sasakyan ng
anumang ebidensiya na magpapatunay sa isang krimen.

Bago ang pagarresto

Maaari ka bang arrestuhin na walang warrant?

Hindi ka maaring arrestuhin ng walang warrant liban lamang:


(1) Kung ikaw ay magkakasala,kasalukuyang nagkakasala o kakasala lamang
sa batas sa presensya ng taong dadakip sa iyo;
(2) Matapos mangyari ang krimen, ang taong darakip sa iyo ay may
probable cause batay sa mga bagay at pangyayari na magpapatotoo
sa hinuha na ang taong dinakip ang may sala;
(3) Kung isa kang bilanggo na tumakas sa bilangguan, piitan o anumang
lugar kung saan ginugugol ang sentensya, o nakapiit habang dinidinig
ang kaso; o habang ikaw ay inililipat mula sa isang piitan patungo sa isa.

Liban sa mga nasasaad sa itaas na pangungusap, hindi ka maaaring arestuhin


liban lamang kung ang pulis ay may tama at naangkop na arrest warrant
mula sa huwes.

Habang nakapiit

Ano ang dapat gawin matapos kang arestuhin at ikulong sa piitan?

Dapat kang basahan ng iyong mga karapatan ( Miranda rights), tulad ng:

1. ikaw ay may karapatang manahimik;


2. pagkakaroon ng mahusay at walang kinikilingang abugado ( mas
mainam kung ikaw ang pumili sa abugado mo);
3. bigyan ng walang kinikilingang abugado kung walang kakayahan
makakuha ng isa;

Ano ang mga karapatang pantao na taglay mo bilang bilanggo?

1. huwag piliting magsalita laban sa iyong sarili;


2. karapatang manahimik at pagkakaroon ng abugado;
3. pagkakaroon ng mabilis, bukas at patas na paglilitiis;
4. Umapela mula sa hatol ng korte na ikaw ay napatunayang nagkasala
sa batas;
5. ituring na inosente hanggat hindi pa napapatutunayan na ikaw ay
lumabag sa batas;
6. humarap at mapakinggan ka at ng iyong abugado sa iyong paglilitis;
7. makakukuha ng karampatang proceso sa korte, maging ang sapiitang
pagpunta sa mga taong naghain ng habla laban sa iyo;
8. Makita ng harapan at macros-examine ang mga taong tetestigo laban
sa iyo;
9. pagkakaroon ng preliminary investigation;
10.Di paglitis at pagpaparusa ng dalawang beses sa parehong krimen;
11. Magpiyansa bago mahatulan, liban lamang kung ang mga kasong
nakahain sa iyo ay may parusang habangbuhay na pagkakakulong o
kamatayan, at ang ebidensiya laban sa iyo ay matibay.

Ano ang mga bagay na hindi pwede gawin sa iyo habang ikaw ay
nakapiit sa bilangguan?

1. hindi ka maaari ikulong sa isang tagong lugar, o nag-iisa ( solitary


confinement o incommunicado);
2. hindi ka maaaring pilitin na sagutin ang mga katanungan ng mga pulis
liban lamang kung ikaw ay may abugado na walang kaugnayan sa
pulisya, at ang abugado ay sasama, at susubaybay sa iyo hanggang
matapos ang pagtatanong;
3. hindi ka maaaring i-torture o gamitan ng dahas para lamang umamin
sa isang krimen na ipinupukol sa iyo;
4. Hindi ka pwedeng papirmahin ng waiver para lamang sa preliminary
investigation, liban lamang kung ipinaliwanag sa iyo ng mabuti kung
ano ang kahihitnan sa pagpirma nito at pumapayag ka na hindi
kasuhan ang taong dumakip sa iyo. Tandaan na ang waiver ay hindi
nangangahulugang palalayain ka na mula sa pagkakapiit. Ang waiver
ay isang kasulatan na ikaw ay pumapayag na hindi na kasuhan ang
mga taong dumakip sa iyo, kapag napatunayan na sila ay nagkamali sa
pagarresto o nakagawa ng anumang paglabag sa iyong karapatang
pantao.

You might also like