You are on page 1of 12

AP 9

SALIK NG
PAGKONSUMO
RENZ MICHAEL FLORES RAMIREZ

Kapag natapos mo na ang araling na ito, ikaw ay


inaasahang:
• Nakapagpapaliwanag sa konsepto ng pagkonsumo;
• Naiisa-isa ang mga salik ng pagkonsumo; at
• Napapahalagahan ang kaugnayan ng mga salik na ito
sa ating pangaraw-araw na pamumuhay
SALIK NG PAGKONSUMO
Lahat tayo ay bumibili at gumagamit ng mga produkto at
serbisyo. Simula sa mga kagamitan sa eskwela tulad ng
lapis at papel, kagamitang personal gaya ng cellphone at
pabango, mga kailangan natin tulad ng pagkain, damit,
tubig at iba pa, ang lahat ng ito ay ating ginagamit sa ating
pang-araw-araw na pamumuhay. Ang pagbili at paggamit
ng mga produkto o serbisyong ito ay tinatawag na
pagkonsumo. Ito din ay isang gawaing pang-ekonomiya na
tumutukoy sa paggamit ng produkto o serbisyo upang
tugunan ang ating mga pangangailangan at kagustuhan.

02/10
KONSYUMER
ang tawag sa mga taong gumagamit o bumibili ng mga
produkto o serbisyo. Dahil tayong lahat ay bumibili at
gumagamit ng mga produkto at serbisyo para sa ating mga
pangangailangan, tayo ang mga konsyumer.

Ang ating pagbili at paggamit ng mga produkto at serbisyo


ay naaapektuhan ng iba’t ibang mga salik. Ano-ano kaya
ang mga bagay na nakakaapekto sa iyong pagbili? Kailan
ka napapabili ng marami at kailan ang kakaunti? Tayo na’t
alamin ang mga ito!

02/10
MGA SALIK NA NAKAKAAPEKTO SA PAGKONSUMO

Presyo
ito ay tumutukoy sa halagang katumbas ng produkto o
serbisyong ating binibili. Ang salik na ito ay kadalasang
nagiging motibasyon natin sa ating pagbili. Ang mga sale
sa pamilihan ay nakapaghihikayat sa atin na bumili ng
mas marami samantalang ang pagtaas naman ng presyo
ng isang produkto o serbisyo ay hindi nakapaghihikayat
sa pagbili ng marami.

03/10
MGA SALIK NA NAKAKAAPEKTO SA PAGKONSUMO

Kita
isa din ito sa mga bagay na nakakaapekto sa ating
pagkonsumo. Maaari din nitong limitahan o dagdagan
ang pagkonsumo natin sa mga produkto o serbisyo. Ang
pagkakaroon ng pagbabago sa kita ay nangangahulugan
ng paglaki o pagliit ng pagkonsumo ng isang mamimili.

03/10
MGA SALIK NA NAKAKAAPEKTO SA PAGKONSUMO

Panahon o inaasahan
ang pagbili sa mga produkto at serbisyo ay
naaapektuhan nito. Sa panahon ngayon ng pandemya,
mas maraming tao ang bumibili ng mga produkto tulad
ng face mask, sabon at alkohol kaysa sa normal na
panahon. Ang pagdiriwang o okasyon ay nakakaapekto
sa pagtaas at pagbaba ng ating pagkonsumo.

03/10
MGA SALIK NA NAKAKAAPEKTO SA PAGKONSUMO

Utang o mga obligasyon


ang pagkakaroon ng utang ay nagdudulot ng pagbaba sa
ating pagkonsumo. Mas madaming utang na kailangang
bayaran, mas kakaunti ang natitirang pambili sa mga
produktong ating kailangan.

03/10
MGA SALIK NA NAKAKAAPEKTO SA PAGKONSUMO

Demonstration effect
kadalasan, tayong mga mamimili ay madaling
maimpluwensyahan ng mga bagay na ating nakikita o
naririnig. Ang telebisyon, radyo at maging ang social
media ay nagiging kasangkapan upang tayo ay
mahikayat na bumili. Ang brand endorser na ating
iniidolo, magandang tagline at pabalat ng mga produkto
ang ilan sa pumupukaw sa ating atensyon upang tayo ay
mapabili. Kakaunti naman ang mga bumibili sa mga
produktong hindi pamilyar sa atin.
03/10
MGA SALIK NA NAKAKAAPEKTO SA PAGKONSUMO

Ang lahat ng ito ay pawang nakakaapekto sa dami ng


ating binibili o ginagamit. Ang paglaki o pagliit ng ating
pagkonsumo ay nakadepende sa mga salik na ito. Dahil
ang ating pagkonsumo ay naaapektuhan ng iba’t ibang
mga salik, kailangan nating mas maging matalino sa
ating binibili at ginagamit. Dapat ay lagi nating
isasaalang-alang ang kahalagahan at ang paggamit natin
sa mga produkto o serbisyo na ating bibilhin.

03/10
Magbigay ng tatlong Ano-ano ang
bagay na unang madalas mong
binibili ng iyong ina bilhin tuwing
kapag siya ay pupunta pasukan?
ACTIVITY 1 sa palengke

Isulat ang mga hinihingi sa bawat aytem Ano-ano ang mga


Sa anong mga
at sa tabing kolum ay isulat kung anong una mong
napapansin sa lugar sulit
uri salik na nakakaapekto sa
isang mamili? get
pagkonsumo. 1 puntos sa bawat
tamang sagot.
tvcommercial? Market

Anong mga bayarin ang hindi mo


pwedeng ipagpaliban?

04/10
Tanong 1

Sa paguumpisa ng pandemya ay naranasan natin


ang Panic Buying lalo na sa mga essential goods.
Ayon sa mga eksperto ang panic buying ay
maituturing na makasariling paguugali sa
pamimili. Ito ay bunga ng takot at pagiging likas
na gahaman sa pamimili. Ito ay nagreresulta sa
pagho-hoard o pag-iimbak ng mga produkto na
higit pa sa kailangan. Sa panahon ng krisis tulad
ngating nararanasan ngayon, hindi natin
kailangan ang ganitong mga gawi sa pamimili
sapagkat higit na magdudulot ito ng kaguluhan at
paghihirap sa marami. Sumulat ng limang paraan
kung paano natin maiiwasan ang panic buying.

06/10
Tanong 2

Dahil sa krisis na kinakaharap ng ating bansa dala


ng COVID – 19 pandemic, marami sa ating mga
kababayan ang nalugi sa kanilang mga negosyo.
Kaya naman hinihikayat ng ating pamahalaan ang
pagbili at pagtangkilik sa ating mga lokal na
produkto upang matulungan ang ating mga
kababayan na makabangon. Magbigay ng limang
pamamaraan upang labanan ang kaisipang
kolonyal o ang pagkahilig natin sa mga
produktong imported.

Presentation By Jamie Chastain 06/10

You might also like