You are on page 1of 4

Business Level Strategy

Slide 2. Cost Focus


Ang cost focus strategy ay mainly na ginagamit ng company or business entity na may maliit na
target market kung saan ang goal nila ay mapababa ang cost kumpara sa mga kalabang
company.
Dito, hindi na kailangang makisali sa mabibigat na advertising activities para lang ma’promote
ang produkto o serbisyo, at dapat na mag’focus nalang ang lahat pagdating sa marketing and
promotional activities on selected niche only.
Ang ibig sabihin lang nito, kapag gumamit ang isang kumpanya ng cost focus strategy, ang
disenyo ng produkto at lahat ng mga features nito ay nakalaan lamang para sa satisfaction ng
target market. Sa madaling salita, ang goal ng isang kumpanya ay makakuha ng competitive
advantage laban sa kanilang competitor, sa kanilang target market sa pamamagitan ng
pag’ooffer ng mga produktong may mababang presyo.

Slide 3. Differentiation Strategy


Ang goal ng Differentiation strategy ay makipagkumpitensya sa mga kalabang kumpanya sa
paggawa or pagbuo ng isang produkto na unique or natatangi mula sa pananaw ng mga
customer na may kaugnayan sa value, quality, features, pati na rin yung services na binibigay
after the sale or transaction.

Slide 4: Kapag sinabing Differentiation, maaaring makita yun in the form of packaging, features,
design, technology, brand image, innovation at customer service.

Slide 5: Ang differentiation strategy ay mas nagiging effective under the following situations:
1. When technological changes are fast
-kapag mabilis ang technological changes or mas nagiging up to date ang mga
technology, mas nagiging high-tech at mas nakakaimbento at mas nakakapgprovide ang
isang kumpanya ng mas better na product and service.
2. When there are various ways to differentiate the product
-or kapag ang isang product ay pwedeng gawan ng makabagong design or features, or
pwedeng i-upgrade
Halimbawa ay cellphone katulad ng iphone.
3. When consumers have different needs
-kapag ang consumer ay maraming needs, mas nagiging creative and company to
innovate a new product na mas better na maiooffer sa consumer nito
4. When only few competitors adopt a similar approach to differentiate their products
-kapag kaunti lang yung mga kalabang kumpanya na nag’aadopt sa parehong pagatake
sa consumer, or kapag kaunti lang yung mga gaya-gayang competitor, mas effective
ang differentiation strategy
Slide 6: The two variations of the differentiation strategy are as follows:
1. Differentiation
2. Differentiation focus

Slide 7: Differentiation
Ang Differentiation, ay isang business level strategy, na kung saan idinisenyo para makakuha
ng mas malaking target market and para magkaron ng competitive advantage sa mga kalabang
kumpanya sa pamamagitan ng pagooffer ng mga produkto na unique pagdating sa quality and
value para sa pananaw ng mga customer.

Slide 8: ung uniqueness ng isang product or service ay makikita sa performance, features,


reliability, durability, conformance, serviceability, aesthetics, at perceived quality.
Yung mga Companies na gumagamit ng differentiation strategy, nare’realize nila na dahil sa
paggamit nila ng strategy nay un, mas nakakakuha sila ng higher profits kaysa sa mga hindi
gumagamit ng ganung type ng strategy.

Slide 9: Ang isang product or service ay pwedeng makakuha ng competitive advantage sa


pamamgitan ng differentiation if:
1. yung product or service ay masasabing unique pagdating sa performance, features,
reliability, and so on sa pananaw ng customers
2. at kung ang product ay nakapagbibigay daw ng value pagdating sa pananaw ng isang
customers

Slide 10: Differentiation focus


Ang Differentiation focus ay isang competitive business strategy na naka’focus lang sa needs
ng isang maliit or makitid na target market sa pammagitan ng pag’ooffer ng product or service
na iba sa inooffer ng competitor. Yung mga company na gumagamit ng ganitong strategy e
naniniwala na yung unique product e ang goal lang ay mabigay yung certain need ng isang
marketay mas effective kumpara sa mga produktong ang goal e maibigay yung magkakaibang
pangangailangan ng magkakaibang tao. May mga studies or pagaaral rin na nagsasabi na yung
mga companies na nagamit ng ganitong strategy ay merong mas malaking market share
kumpara sa ibang company na ibang strategy yung ginagamit.

Slide 11: May dalawang competitive strategy, including their variation, ay hindi nakapagbibigay
ng competitive advantage para sa isang kumpanya kapag
1. yung uniqueness ng isang product ay ginaya ng competitors
2. yung basis na nagbibigay ng pagkakaiba-iba sa product or service ay hindi importante
sa mga buyer
3. yung demand sa certain product or service ay nawala
4. kapag nagkaron ng biglaang pagbabago sa technology
5. or kapag ang market ay nagiging less attractive
Slide 12: Cooperative strategy
Ang isang company ay pwede ring makakuha ng competitive advantage or lamang laban sa
mga competitor sa pamamagitan ng pakikipag’cooperate sa ibang companies sa business
industry. Yung business level strategy na ito ay tinatawag na cooperative strategy. Ang goal ng
strategy na to ay ma’achieve ang competitive advantage sa pamamagitan ng
pakikipagcollaborate sa ibang companies.

Slide 13: The two types of cooperative strategies are as follows:


1. Collusion
2. Strategic alliances

Slide 14: Collusion


Ang Collusion strategy ay nage’exist kapag ang magkalabang company ay nagkasundo directly
man or indirectly na bawasan yung production or supply para yung price ng products ay
mag’increase or remain high. Ito ay isang illegal form ng cooperative strategy sa karamihang
bansa wherein kapag nalaman ng government ay pwede silang makasuhan or bigyan ng multa
kung mapapatunayan man.

Slide 15: ang Collusion ay pwedeng explicit or tacit.


Pag sinabing explicit collusion, yung mga company ay nagusap directly or nagkaron ng direct
negotiation.
Pag sinabi namang tacit collusion, yung cooperating companies ay nagusap indirectly through
informal means. Ang Collusion ay nagreresulta sa pagbaba ng competition samantalang yung
consumer naman ang namomroblema.

Slide 16: Strategic alliances


Sa strategy na to, yung mga companies ay gumagawa ng strategic alliances para to magkaron
ng competitive advantage sa pamamagitan ng pagpasok sa long term arrangement na
nagreresulta sa mutual benefits. Yung mga company na napasok sa strategic alliances ay dahil
gusto nila na
1. Mabawasan yung business risks pagdating sa finance, politics, legal matters, at iba pa.
2. Para makapasok sa international market
3. At para ma’improve capabilities ng kumpanya nila.

Slide 17: The following are the different types of strategic alliances that companies may enter
into:
1. Mutual service consortium
2. Joint venture
3. Licensing
4. Value chain partnership

Slide 18: Mutual service consortium


Ang mutual service consortium ay isang partnership na binuo ng similar companies sa isang
business industry na kung saan pinagsasama nila yung mga resources nila pero hindi kasama
dun yung mga core competencies nila para sa isang particular na project which is masyadong
mahala or magastos para gawin ng isang company. Ito ay masasabing mahinang alyansa dahil
madalang lang yung interaction or communication na nagaganap sa pagitan ng mga company.

Slide 19: Joint venture


It ay isang joint venture arrangement na kung saan yung mga parehong participating
companies, ay pansamantalang nagbuo ng isang independent separate unit. Ang newly created
business unit na ito ay independent na ginawa para gawin ang isang proyekto or activity. The
operational responsibilities, ownership, at kahit ang financial rewards ay allocated at divided
lamang sa mag’partner na company. Samantala, ang joint venture ay nadi’dissolved once na
yung project ay completed na.

Slide 20: Licensing


Ang Licensing naman ay nage’exist kapag ang isang company ng isang particular country ay
pumayag or binigyan ng permiso ang isang company sa ibang bansa para makapag’produce or
makapagbenta ng mga products. Ito ay isang effective strategic alliance kapag yung licensing
company ay nakitang magastos na magpatayo or magoperate ng business sa iang bansa.

Slide 21: Value chain partnership


Ang strategic alliance na ito ay binubuoo kapag ang isang company ay pumasok sa isang long-
term agreement sa key supplier or major distributor para sa mutual benefits nilang dalawa.
Yung parehas na company na nagkasundo ay nagwo’wrk closely at madalas ang
communication na nagreresulta sa close at long-term relationship.

You might also like