You are on page 1of 2

De Villa,Lyca Mae M.

BSE-2C

A. Kahulugan ng Sanaysay

Ang sanaysay ay isang maiksing komposisyon na kalimitang naglalaman ng personal na kuru-kuro ng


may-akda.

B. Uri at Bahagi ng Sanaysay

Pormal

Ang sanaysay na palana na tinatawag din na impersonal ay naghahatid ng mahahalagang kaisipan o


kaalaman sa ng makaagham at lohikal na pagsasaayos ng mga materyales tungo sa ikalilinaw ng
pinakapiling paksang tinatalakay. Tinuturing din maanyo sapagkat pinag-aaralan ng maingat ang piniling
pananalita kaya mabigat basahin. Pampanitikan din ito dahil makahulugan, matalinhaga, at matayutay
ang mga pangugusap. Mapitagan ang tono dahil bukod sa ikatlong panauhan ang pananaw ay obhektibo
o di kumikiling sa damdamin ng may-akda. Ang tono nito ay seryoso, pang-intelektuwal, at walang
halong pagbibiro.

Isang uri ng pormal na sanaysay ay ang editoryal ng isang pahayagan. Isa itong sanaysay na may opinyon
tungkol sa mga maiinit na mga balita. Bagama't may opinyon, ito ay hindi ginagamitan ng unang
panauhan sa paglalahad.

Di-pormal

Ang sanaysay na di-palana na tinatawag din na personal o palagayan ay mapang-aliw, nagbibigay-lugod


sa pamamagitan ng pagtatalakay sa mga paksang karaniwan, pang araw-araw at personal. Idinidiin dito
ang mga bagay-bagay, mga karanasan, at mga isyung bukod sa nababakas ang personalidad ng may-
akda ay maaring makiramay o maging sangkot ang mambabasa sa kanyang pananalita at parang
nakikipag-usap lamang ang may-akda sa isang kaibigan, kaya magaan at madaling maintindihan.
Personal din ang tawag sa uring ito dahil palakaibigan ang tono nito dahil ang pangunahing gamit ay
unang panauhan. Subhektibo ito sapagkat pumapanig sa damdamin at paniniwala ng may-akda ang
pananaw.

C. Bumuo ng sanaysay na nagpapakilala sa sarili.

Tulad ng ibang tao sa mundo mayroon tayong eksaktong taon, araw, buwan at mga tao na higit na
nakatulong sa ating personalidad sa ating buong buhay.

Ipinagkalooban ng isang natatanging pangalan Lyca Mae mula sa pamilyang namuhay sa simpleng
paraan. Ako ay ipinanganak sa taong 2001 buwan ng agosto sa araw ng 11, isang natatanging araw na
nagbigay sa akin ng buhay at kakayahang tumayo sa tulong ng aking pamilya. Ikatlong anak nina Ma.
Cristina at Lazaro ,mga simpleng tao na nagpalaki sa aming magkakapatid nang puno ng pag-mamahal at
pag-aaruga.

Maliban sa aking mga hilig at mithiin sa buhay, isa sa mga bagay na palaging nasa sa isip ko ay ang aking
personalidad. Ang isang taong may magandang personalidad ay higit na magtatagumpay sa buhay. Yun
ang isinambit ng aking guro. Ang kabutihan naman daw ng isang tao ang makapagaangat sa kaniyang
buhay ang ika naman ng aking ina.

Sa baitang na ika-dalawa ng kolehiyo, higit na marami na aking isinasa-isip hindi dahil ipinipilit sa akin ng
mga tao sa aking paligid kundi para na rin sa aking kinabukasan bilang isang mamamayanat indibidwal sa
lipunan. Muli, ako ay nagmula sa isang simpleng pamilyang punong-puno ng pagmamahal ito ay isang
sanaysay tungkol sa Aking Sarili.

You might also like