You are on page 1of 2

Batay sa tulang akda na tinalakay sa aralin.

Ang pangunahing paksang tinutukoy nito ay ang konsepto ng


“Aborsyon” ng mga babaeng hindi pa handang maging isang ina. Ito ay nakatuon sa karaniwang
kategoriya ng pag-iisip ng mababasa nito na ginagamitan ng imbensyon sa konsepto ng humanities o
kultural. Na kung saan sa kahit na anong kumbensyonal na pag-iisip ng mga awdyens ng akda ay
mahihinuha na ang ideya ng aborsyon, hindi lamang dito sa ating bansa, kundi sa buong mundo ay labag
at hindi makatao, base man sa kultural na paniniwala o sa legal na panuntunan. Pareho lamang itong
sinasabing labag ang pag-aaborsyo.

Itinuon ng may akda ang kanyang gustong ipahikayat na ideya na ang aborsyon ay hindi nakakabuhay
kundi nakakapatay, sa pamamagitan ng paggamit ng Deduktibong kongklusyon mula sa isang piksyonal
na anekdota ng isang batang nagsalaysay na masaya ang mabuhay kung hinyaaan lamang syang
mabuhay ng kanyang ina. Mas binigyang diin ng awtor ang pasulat Ito ay tumutukoy sa malinaw na
proseso ng paghahanap ng mga argumento na magagamit para sa pagsuporta sa ipinupunto ng
talumpati o akda upang makahinuha ang mga babasa nito ng Induktibong gamit ang pagbuo ng
pankalahatang kongklusyon mula sa partikular na linya ng pangangatwiran mula rito.

Hindi man ito isang tulang may bilang o taludturan, at hindi rin isang liriko o epiko na may sukat at
tugma. Ito pa rin naman ay may makabagdamdaming introduksyon na pagbati ng “Happy birthday” ng
persona sa kanyang sarili, masining na narasyon o paglalahad ng mahahalagang punto tungkol sa isyung
tinatalakay sa paraan ng paggamit ng madiin na emosyon sa bawat pangungusap. Na sinusundan ng
tunggalian ng mga katuwiran na ang sentro pala ng istoryang ito ay aborsyon at hindi ang masayang
batang inakala natin ay nagdidiwang ng kanyang ikatlong kaarawan. At natapos sa isang Kongklusyon na
ang aborsyon ay hindi nakakasalba ng buhay kundi nakasisira pa, at tumutukoy sa hinuhang nabuo mula
rito na sana ay magsilbing leksyon sa ating lahat. Ang pagkakaroon ng lohika at mabisang paglalahad, ng
mga ideya at mga pangungusap ng akdang ito ay kumakatawan sa kahusayan ng pagkakabuo nito,
patunay na may pagsasaaayos at pag-oorganisa ito .

Bagaman ito ay nakasulat sa kolokyal na lengguwahe na madaling mabasa ng kahit sino man. Ang
Akdang “Mommy, ayoko na dito sa daigdig” ay ginamitan ng Malikhain estilo ng pagsusulat. Sa mga
paraan palang na spoken poetry, at ng punto de bista ng persona ng mismong akda, hindi mo agad
maiisip na patay na pala ang pahayag ng karakter sa istorya sapagkat hindi naman pala sya nabubuhay
sa totoong daigdig. Nagbigyang halaga nito ang kasiningan, na maaring piksyon o di piksyon ng may
akda. Katanggap tanggap ang pagbali na ginamit ng manunulat sa mga pauntunan ng pormal na
panunulat na makatulong sa paglalahad ng ideya ng may kaakibat na kilabot sa damdamin. Nagpahayag
din estilong estilistiko na gumamit ng metapora, at ibat ibang eskpresyon upang mapagyabong ang
ideyang nais nitong ipahiwatig.

Dahil sa bigat ng epekto ng akdang ito sa ating mga damdamin, Tiyak na Hindi lamang natin ito
matatandaan dahil sa simpleng pagkakabisa. Kundi sa pagmememoryang ginamit ng may akda sa
pagsulat nito. Sa anyo palang ng akda, masasabi na natin na ginamitan ito ng memorya gamit ang
pagbubuo nito ng imahe ng mismong istorya sa ating mga isipan. Sa pagkakalahad palang ng bawat
pangungusap ay detalyado at nagbibigay deskripsyon sa kung ano ang aktwal na nagyayari o emosyon sa
istorya. Nag-imbak rin ito ng iba pang materyales sa isipan ng mismong paksa ng imbensyon upang
magamit sa isang partikular na okasyon at pangangailangang-improbisyunal ng babasa nito. At kung
paano? Ay sa pamamagitan ng paglikha ng mga natural na asosasyon o pang-araw araw na buhay ng tao
ay may kaugnayan sa puso ng kwento na syang magtuturo kung paano madidibuho ito sa ating isip.
Simbolisayon o pagmememorya ng mga abstract at malalim na kaisipan at realisasyon ng tao tungkol sa
buhay, kagaya ng kung paano napagtanto ng persona sa kwento na maraming bagay ang napgkait sa
kanya, kabilang ang sariling buhay para lamang maiwasang masira ang buhay ng kanyang ina. At
pinakahuli, ang pagmememorya gamit ang eidetica o pagbubuo ng isang imahe sa matalinhagang pang-
unawa natin sa mundo, higit sa realidad na inilalahad ng paksang ito na ang buhay at sadyang
napakapait at hindi ganon kasaya gaya ng naisip natin sa ating musmos na isipan.

Kasama ng Memoryang iniwan sa atin ng akdang “Mommy, ayoko na sa daigdig” ang komprehensibo,
naratibo at nakakapanghikayat nitong Deliberasyon o ang Paghahatid ng mismong akda sa harap ng mga
adyens nito. Kahit na ito ay isang akda na nasa anyong patula, hindi lang naman ito naididelibera sa mga
mababasa sa anyong pasalita kundi sa pasulat rin. Ang paghahatid ng awtor ng kanyang nais ipahiwatig
sa kanyang akda tungkol sa aborsyo ay maayos naman naintindihan at natanggap ng mga mababasa ang
mensahe ng akda sa tulong ng matapang at nakakapanghikayat na diin at punto de bista ng mismong
akdang ito. Na kung iddederehe lanmang ng pasalita ay maninindig ang ating mga balahibo sapagkat,
Ano at ano pa man ang ating dahilan, mapait man ang buhay para sa ating lahat o hindi, Isa lang ang
sinasabi nito. Ang aborsyon ay hindi solusyon, at ang pagkitil ng buhay ay hinding-hindi makakaligtas o
makakapagpapagaan ng pamumuhay.

You might also like