You are on page 1of 1

KATANUNGAN SA PAGSUSURI

1. Ang pangkalahatang paksa o kaisipang nakapaloob sa tulang sinuri ay pumapatungkol sa


paghihirap ng isang manunulat ng tula makalikha lamang ng isang makabuluhang mensahe
gamit ang tula para sa mga mambabasa. Ayon sa may akda bilang isang manunulat, magtaglay
dapat ng nararapt na malawak na ideya at karanasan na magiging basehan ng iyong tula upang
mapukaw ang atensyon ng mga mambabasa. Nais ding ipahayag ng may akda na sa kabila ng di
birong motibasyon at makasining na pagsasabuhay ng mga manunulat ngunit hanggat may mga
kamay na handing humawak ng pluma at magsulat ng papel ay magpapatuloy ang panulaan
dahil sa layunin nitong pumukaw sa natutulog na diwa ng mga mamamayan. Sa panghuling mga
bahagi ng tula ay nakitaan ko ng mga salitang tumutuligsa sa baluktot at bulok na Sistema ng
pamahalaan na naglalayong makamit ang pantay at nararapat na karapatan para sa mga
manggagawa at magsasaka na sinasamantala ng mga naghaharing-uri.
2. Ang tula ni Rogelio Lo. Ordonez ay mauri bilang isang teoryang realism dahil sa layunin nitong
maipahayag ang mga karanasan ng isang manunulat sa pagsulat ng mga makabuluhang tula.
Higit sa lahat ay ang tuwirang pagtutuligsa sa mga mapang-abusong naghaharing-uri.
3. Ang tula ni Rogelio Lo. Ordonez ay anyo ng tulang pasalaysay kung saan ito ay naglalahad ng
mga tagpo o pangyayari sa pamamagitan ng taludtod. Ito ay nagsasalaysay ng mga karanasan ng
isang manunulat at mga hindi birong nararanasan ng may-akda makabuo lang ng isang
makabuluhang tula. Gayundin ang pagsasalaysay ng baluktot at bulok na sistema ng pamahalaan
na naglalayong makamit ang pantay at nararapat na karapatan para sa mga manggagawa at
magsasaka na sinasamantala ng mga naghaharing-uri.
4. Kung ako ay mabibigyan ng pagkakataong baguhin ang pamagat ng tula nanaisin ko na ito ay
“Layunin ng May-akda.” Ito ang napili ko sa kadahilanang gusto kong bigyang pansin ang
pinakanilalaman o saloobin ng tulang aming binasa. Sa kabila ng mga napakalaking hamon sa
pagsulat ng akda, bakit marami pa rin ang nagsusulat? Bakit sila nagpagod at gumugugol ng
panahon para sa pagsulat ng isang akda na maaring kaunti lang ang makakabasa? Ang mga
katanungan na iyan ay magsasalamin sa aking pamagat na ang “Layunin ng May-akda.”
5. Ang elementong ginamit sa tulang aking sinuri ay ang
6. Matapos kong mabasa at maunawaan ang mensahe ng tula nanaig sa aking damdamin ang hindi
magmamaliw na dedikasyon ng mga manunulat. Napukaw nito ang aking kaisipan at damdamin
patungkol sa nararanasan ng isang manunulat. Hanapbuhay man ito sa iilan ngunit ang
adhikaing maipamalas ang kultura ng isang bansa sa pamamagitan ng pagsulat ang isang
motibasyon na mas lalo pang napapa-unlad ang kaldad ng pamumuhay ng isang mambabasa.

You might also like