You are on page 1of 7

Sa tuwing mababanggit ang kanilang pagkaapi, nagiging pangunahing palagay

na kailangang itanghal ang kanilang sarili bilang mga taong mayroon ding karapatan sa

pagkilala at paggigiit. Sa ganitong layon, nagpupumilit silang itatag ang sarili bilang

lehitimong identidad na siyang magbibigay sa kanila ng karapatan na makibahagi sa

kalakaran ng daigdig kung saan itinuturing sila bilang isang “abnormalidad,” isang sakit

na tila baga kailangang alisin.Mapupuna na sa halos lahat ng retorika ng mga uri ng

manggagawa at sa iba pang mga kilusan sa emansipasyon, namamayani ang tinig ng

pagnanais na makilala at mabigyan ng tinig upang mailantad ang kanilang mga hinaing.

Ang tulang Manggagawa ni Jose Corazon De Jesus ay natatangi. Ang tulang

ito ay isang halimbawa ng tulang tradisyunal. Ang buong tula ay isang manipesto ng

kaakuhan ng makata. Makikita sa tula ang kakaibang paraan ng makata na ipadama sa

kaniyang mga mambabasa ang kasalukuyang kalungkutan at pighati ng kalagayang

dinaranas ng persona. Hindi niya ito tuwirang sinasabi subalit ang kaniyang paraan ng

paghabi sa mga salita ay nagpapatunay lamang ng kaniyang pagnanasang maipahayag

ang kaniyang layunin sa tula.

Mula sa tula ay mababanaag ang nararamdamang pagpupunyagi ng may-akda

sa itinuturing bayani ng lipunan – manggagawa. Hindi aniya maitatatwa na malaki ang

gampanin ng manggagawa para maging matagumpay ang isang lipunang kaniyang

ginagalawan. Ang lipunan na binuo at pinanday mula sa kamay ng mga manggagawa.

Sa ganitong kalagayan ay dapat lamang isang idambana sapagkat sila ay dapat bigyan

ng pagkilala sa mga paghihirap at sakripisyong ginawa nila para sa bayan.


“Kaya ikaw ay marapat / dakilain at itanghal

pagkat ikaw ang yumari / nitong buong Kabihasnan.

Bawat patak ng pawis mo’y / yumayari ka ng dangal

dinadala mo ang lahi / sa luklukan ng tagumpay.

Mabuhay ka ng buhay na / walang wakas, walang hanggan,

at hihinto ang pag-ikot / nitong mundo pag namatay.”

Sa bahaging ito ng tula ay ipinahihiwatig ang pagkagalak na nararamdaman ng

persona dahil sa nakikita niyang dapat na pagdakila at papuri kinakailangang iukol ng

lipunan sa mga manggawa na bahagi ng buhay ng sinumang tao mula sa kaniyang

pagsilang hanggang sa kaniyang kamatayan. Mararamdaman sa tula kung gaano kalaki

ang pag-asam ng makata na maipanday sa isipan ng mga mambabasa ang

kahalagahan at pagpapahalaga na dapat na iukol sa manggagawa bilang tagapagbuo

ng lipunan. Bilang kumakatawan sa malaking bahagi ng lipunan na siyang nagdadala

rito tungo sa maunlad na buhay.

“Bawat palo ng martilyo / sa bakal mong pinapanday

alipatong nagtilamsik, / alitaptap sa kadimlan;

mga apoy ng pawis mong / sa Bakal ay kumikinang

tandang ikaw ang may gawa / nitong buong Santinakpan.”

Sa bahaging ito naman ng tula, makikita ang pagtatangka ng persona na isa-

isahin ang ambag ng manggagawa sa lipunan. Ang kahalagahan ng manggagawa sa

kapaligiran at sa pamumuhay at buhay ng bawat tao. Ang hindi madaling paglikha ng


manggagawa na huli ay hindi naman para sa kaniyang sarili kundi para sa ibang tao.

Ipinapakita rito ang hindi pagiging makasarili ng manggagawa. Sapagkat sa kabila ng

apoy pawis na paggawa ay isang kumikinang na lipunan ang kaniyang pinapanday.

Pinauunlad.

Simple lamang ang mga salitang ginamit. Ngunit ang pagiging simple nito ang mas

nagpatingkad sa tula upang magkaroon ng paghihinuha ang mambabasa para unawain

ang mensahe ng tula. Nagawang paglaruan ng makata ang payak na talasalitaan para

makabuo ng isang makabuluhang tula.Kagaya ng sinabi ni Abadilla, “…Kahit mga salita

lamang at karaniwang mga salita, ang mga ito sa mapaghubog na kamay ng makata ay

nabibigyan ng anyong sarili, nakukulayan at napagkakatinig nang ayon sa kanyang

kabuuan…”4 Malinaw na taglay ng tula ang ganitong pananaw sapagkat nagawang

ipakilala ng makata ang kaniyang sariling istilo sa pagsulat ng tula gamit ang mga

karaniwang salita at masining niyang hinulma upang magkaroon ng bagong anyo at

mas lalong maging isang tunay na sining ng panitikan.

Ang tulang ito rin ay maituturing na may kaugnayan sa kaisipang ipinahayag ni

Almario tungkol sa katangian ng makata. Aniya, “Ang makata’y isang manunuklas sa

karurukan ng kaniyang binabathalang paglalang. Walang sagradong dambana sa

panggagalugad ng kaniyang imahinasyon. Tulak ng silakbong propetiko kailangan

niyang humawan ng bagong landas tungo sa manigo at higit na maluwalhating

pagtingin sa buhay. Ang daigdig ng kaniyang panahon at kaisipan ng pandama ay

walang hanggan maging sa gitna ng istruktura, retorika o metrikong musikal.”


Ang malikhaing istilo ng makata ay nagpapakita lamang ng kaniyang husay sa

paggamit ng kaniyang imahinasyon at paglalahad ng katotohanan at karanasan sa

buhay ng isang indibidwal. Kailangan din lamang na maging makatotohanan at

maipadama ng isang makata ang kaniyang layunin sa pagsulat na epektibo namang

naipahayag sa tula.Tunay nga na kung gaano naging kakaiba ang anyo ng

pagkakasulat ng makata sa tula ay siya rin namang nagiging kakanyahan nito mula sa

iba pang tula dahil sa kakaibang paraan ng paglalahad ng makata ng kalagayan at

karanasan ng persona sa tula.Tunghayan ang tulang Manggagawa ni Jose Almojuela

“Manggagawa, kayong lumilikha ng yaman ng bansa

Kayong malaon nang iginupo ng dahas

Magkaisa’t labanan ang pang-aapi

Kahit na libong buhay man ang masawi

Walang kailangan kung ang magiging kapalit

Ay ang kalayaang matagal ng minimithi”

Sa bahaging ito ng tula, malinaw na hinihikayat ang mga manggagawa na

magkaisa, na magsimula ng isang pagkilos ng isang demonstrasyon na magiging

hudyat ng pagbabago sa sistema at kanilang kalagayan sa lipunan.

“Panahon na, panahon na mga kasama

Ipakita ang lakas ng ating pagkakaisa”

Isinasaad din na may puwersa ang mga manggagawa. May lakas silang

magagawa nilang mabuo kung sila ay magtutulungan at magkakaisa na makamtan ang


kanilang layunin. Ipinapakita rin ng makata na dumating na ang hudyat na tuluyan nang

naputol ang pisi na matagal nang iniingatan ng mga manggagawa.

Nang makamtan ng bayan ang tunay na kalayaan.

Makikita ang naging paghahangad ng makata sa layunin ng mga mangggawa na

magkaroon ng isang makatotohanang emansipasyon sa kalagayang kanilang

nararanasan.

Wala tayong maaasahang bathala o manunubos

Kaya’t ang ating kaligtasa’y nasa ating pagkilos.

Iginigiit ng makata sa bahaging ito ng tula na ang kalagayan ng mga manggagawa

ay tanging sila lamang ang nakakaramdam at nakakakita. Na walang sinuman o anu pa

mang nakakakilala sa karanasan kanilang kinamulatan. At walang maaaring

magtanggol sa kanilang kalagayan kundi sila tanging sila lamang liping manggagawa.

Mula sa tula ay makikita ang trahedyang kinasapitan ng isang tao na siya namang

nasaksihan ng persona sa tula. Ipinahahayag ang masaklap na kapalaran ng isang

manggagawa. Isang katotohanan inilantad at ipinahayag ng makata tungkol sa

kalagayan ng mga magsasaka na naglilingkod sa mga makasariling may-ari ng lupa,

may-ari ng mga pagawaan at korporasyon, at kung hindi sila sumunod ay buhay ang

magiging kabayaran.
Maiuugnay ko ito sa sinabi ni Almario na, “Bawat makata ay isang erehe,

(rebelde). Hindi siya nakikiisa ni makikipagsandugo sa anumang kinikilalang lakas,

sapagkat siya, sa kaniyang sariling, ay isa nang lakas. Ang kaniyang henyo ay

nakikisilong sa lunggan ng kumbensiyon…Dapat siyang humakbang, manggalugad,

maglakbay upang makaigpaw sa kalawakan ng mga planeta at bituin, at malabanan

ang grabedad ng mortalidad.”6 Makikita na ang makata ay may bukas na mata at pag-

iisip para mailapat niya ang lahat ng ito sa kaniyang panulat. Ang kaniyang ginawang

paraan ng pagsulat ay pagpapakita lamang ng paghakbang at eksplorasyon sa mga

karanasan at penomenang nararanasan ng tao sa kaniyang lipunan partikular ang mga

aping sektor nito.Isinasaad lamang sa tula ang konsepto ng kasaysayan ng lipunan

noong panahon ng diktadurya ng rehimeng Marcos.

Maiuugnay ko rin sa tula ang kaisipan ni Michael Robbins, “The clamor for

“accessibility” is poetry has always been absurd.” 8 Ang tulang ito ni Almojuela

nagtataglay ng naiibang pamamaraan ng paglalahad ng kalagayan ng persona sa tula.

Ipinakita niya sa tula ang kaniyang kahusayan sa paggamit ng mga salita upang

maiwasan ang pagiging ganap na bayolente ng sitwasyon sa tula. Bagamat

masasabing may kaugnayan din ang lipunan sa buhay ng manggagawa sapagkat

maaaring isa itong simbolismo ng pagsikil sa karapatan at kalayaan ay masasabing

nagamit ito ng makata bilang isang epektibong imahe.

Sa kabuuan, napanatili ng may-akda ang kahusayan sa paglalahad ng kaniyang

mga kaisipan sa pamamagitan ng kaniyang tula, bagamat may paghamon para sa mga

mambabasa ang pag-unawa sa mga tulang ito ni Almojuela ay masasabi kong


matagumpay naman niyang nailahad ang iba’t ibang karanasan at penomena sa buhay

ng isang manggagawa.

You might also like