You are on page 1of 2

RRA#2

Basahin at isulat ang reaksiyon o paliwanag tungkol sa bawat pahayag na nakatala kaugnay ng panitikan.

I.Ayon kay Joey Arrogante (1983)

Isang talaan ng buhay ang panitikan kung saan nagsisiwalat ang isang tao ng mga bagay na kaugnay sa
napupuna niyang kulay ng buhay at buhay sa kanyang daigdig na kinabibilangan. Ginagawa ito ng isang tao sa
pamamagitan ng malikhaing pamamaraan.

 Ang panitikan ay maaring isang maging talaarawan na kung saan naihahayag ang nararanasan sa
araw-araw, ang naranasan sa tahanan,lipunan o sa pandaigdigan. Ang panitikan ay isang
magandang paraan ng paghahayag ng nararanasan sa paligid at may kaakibat na malikhaing
paraan ng paglilimbag.

2. Ayon kay Zeus Salazar (1995)

Ang panitikan ay isang lakas na nagpapagalaw sa lipunan. Dinagdag pa niyang isa itong kasangkapang
makapangyarihan na maaaring magpalaya sa isang ideyang nagpupumiglas upang makawala. Para sa kanya, isa
rin itong kakaibang karanasang pantaong natatangi sa sangkatauhan.

 Kahit ang simpleng mga salita at limbag sa isang libro ay sapat upang palawakin ang isipan ng
mambabasa at magpasiklab ng kaalaman na nananalaytay sa lipunan. Isang nilalang na mabagsik
na maaring magpasiklab ng pagbabago o rebolusyon dahil sa taglay nitong kaalaman.

3. Ayon kina Atienza, Ramos, Zalazar at Nozal

Ang tunay na panitikan ay walang kamatayang nagpapahayag ng damdamin ng tao bilang ganti niya sa kanyang
pang-araw-araw na pagsusumikap upang mabuhay at lumigaya sa kanyang kapaligiran.

 Ang panitikan ay isa ring maging tulay upang maihayag ang emosyon na sinasaloob ng manunulat.
Isang paraan na makakatulong upang ibahagi ang nadadama sa pamamagitan ng malikhaing
pagsulat.

4. Ayon kay Maria Ramos

- Ang panitikan ay kasaysayan ng kaluluwa ng mga mamamayan. Nasasala-min ang mga layunin, damdamin,
panaginip, pag-asa, hinaing at guni-guni ng mga mamamayan na nasusulat o binabanggit sa maganda, makulay,
makahulugan, matalinghaga at masining na mga pahayag. Ito ay lumilinang ng nasyonalismo, nag- iingat ng
karanasan, tradisyon at kagandahan ng kultura.
 Kung susumahin ay isa itong nakaraan, ang panitikan ay isang Bangka na dala-dala ang lahat ng
damdamin,kultura,layunin at kaalaman ng nakaraaan patawid sa kasalukuyan. Ang mga
panitikang nailimbag ng nakaraan ay magiging pundasyon at inspirasyon ng bagong henerasyon
upang gumawa pa ng bagong mga panitikan.

You might also like