You are on page 1of 1

Panitikan – pagpapahayag ng damdamin, panaginip, at karanasan ng sangkatauhang nasusulat sa maganda,

makahulugan, at masining na pahayag.

Lumilinang ng nasyonalismo at nag-iingat din ng mga karanasan, tradisyon at mga mithiin ng bawat
isa.

Isang ilaw na walang kamatayang tumatanglaw sa kabihasnan ng tao.

Anumang damdamin, saloobin, kaugalian, o tradisyon na naisatitik.

Kasaysayan – pawang mga pangyayari tunay na naganap may pinangyarihan, may sanhi ng pangyayari, at may
panahon.

Atienza et al. – yaong walang kamatayan, yaong nagpapahayag ng damadamin ng tao bilang ganti niya sa reaksyon
sa kaniyang pang-araw-araw na pagsusumikap uppang mabuhay at lumigaya sa kaniyang
kapaligiran at gayun din sa kaniyang pagsusumikap na Makita ang Maykapal.

Bro. Azarias – pagpapahayag ng damdamin ng tao, sa lipunan, sa pamahalaan, sa kapaligiran, sa kapwa, at sa


Dakilang Lumikha.

Webster – anumang bagay na naisatitik, basta may kaugnayan sa pag-iisip at damdamin ng tao, maging itoy
totoo, kathang-isip, o bungang tulog lamang ay maaaring tawaging panitikan.

Maria Ramos – Kasysayan ng kaluluwa ng mga mamamayan dito nasasalamin ang mga layunin, damdamin,
panaginip, pag-asa, hinaing, at guniguni ng mga mamamayan na nasusulat o binabanggit sa
maganda makulay, makahulugan, matlinghaga, at masining na mga pahayag.

Mga Paraan Ng Pagpapahayag


1. Pagsasalaysay – Ito’y isang uri ng pagpapahayag na nagsasalaysay ng isang karanasan.
2. Paglalahad – Ito’y isang paraang nagbibigay katuturan sa isang ideya o konsepto. Nagmumukahi rin ito ng
paraan ng paggawa ng isang bagay.
3. Paglalarawan – ito’y isang paraang naglalarawan ng isang bagay, tao, o lunan. Ang mga detalye ng mga
katangian, o kapintasan ng tao, o bagay na namamalas ay nababanggit dito.
4. Pangangatwiran – Naglalayonghumikayat sa bumabasa o sa mga nakikinig na pumanig sa opinyon ng
nagsasalita o sa sumulat ang paraang ito.

Bakit Dapat Mag-aral ng Panitikan


1. Upang makilala natin an gating sarili bilang Pilipino, at matalos an gating minanang yaman ng isip at angking
talino n gating pinanggalingang lahi.
2. Tulad ng ibang lahi sa daigdig, dapat nating mabatid na tayo’y may dakila at marangal na tradisyong siya
nating ginawang sandigan ng pagkabuo ng ibang kulturang nakarating sa ating bansa.
3. Upang matanto natin an gating mga kakulangan sa pagsulat ng panitikan at makapagsanay na ito’y matuwid
at mabago.
4. Upang makilala at magamit an gating mga kakayahan sa pagsulat at magsikap na ito’y malinang at
mapaunlad.
5. Maipamalas ang pagmamalasakit sa ating sariling panitikan.

Mga kalagayang Nakapangyayari sa Panitikan


1. Ang klima – ang init o lamig ng panahon, ang bagyo, unos, baha, at ulan ay malaki ang nagagawa sa kaisipan
at damdamin ng manunulat.
2. Hanapbuhay o gawaing pang-araw-araw ng tao – nagpapasok ng mga salita o kuru-kuro sa wika at panitikan
ng isang lahi ang tungkulin, hanapbuhay, o gawaing pang-araw-araw ng mga tao.
3. Pook o tinitirahan – Kung ang pook na kinatitirahan ng mga tao ay may magagandang tanawin, mahalaman,
maaliwalas, sagana sa kabukiran, madagat, at mabundok, ang mga ito’y siyang magiging paksa ng panitikan
ng mga taong nagnanasang sumulat.
4. Lipunan at pulitika – nasasalamin sa panitikan ng isang lahi ang sistema ng

You might also like