You are on page 1of 5

Ang tula, bilang isang anyo ng panitikan, ay ang tagapagbigkis sa pagitan

ng kinalalagyan (context) at ng pagiging taga-doon, ang mismong akto ng


pagiging laman ng kontekstong ito (containment). Sa malalim na
pagninilay-nilay ukol sa panandalian nating paglaganap sa mundong
ibabaw, ang tula ay mistulang bulaklak: sa pagkakataon ng pagpapahayag
ng kanyang kahulugan, makikita lamang ang diwa niya sa paghihintay na
itoy tuluyang mamukadkad at gawing panlabas ang dating panloob. Ang
pamumukadkad na ito ay isang anyo ng pagyakap sa kinalalagyan, habang
ang dating tingkad ng kulay na minsay nanatili sa loob ng bulaklak ay
piniling maghayag, magbunyag ng talulot; isa itong pagbubukas ng sarili
upang maging handa sa katotohanan ng pagdanas, ang siyang
tagapagpatotoo sa kasaysayan ng kanyang buhay at paglaganap.

Ang pagsulat ng tula ay isang anyo ng paglimot. Sa paglimot na ito,


nananahan ang nakaambang kilos ng pag-angkin sa sarili. Kung kayat ayon
kay Bautista, sa panahong nagiging bukas sa panganib ang makata habang
patuloy siyang binabagabag ng mga elemento ng katotohanan na
nakikiapid sa kanyang kamalayan, ay nawawala ang kanyang kahinaan.
Sapagkat ito lamang ang paraan upang humayo ang tula mula sa kanyang
isip patungo sa kamay, patungo sa papel. O patungo sa tubig. Isang
malinaw na tunggalian ang iniluluwal sa kaanyuan ng makata sa puntong
ito: ang pagsulat ay ang paglimot sa panandaliang pagkabagabag sa
konteksto ng pagpapalaya sa sariling tinutugis ng lupa at pinganggalingan.
Nananahan ang Pilipinong kamalayan: ang pagsulat ng tula ay
tila pagsulat sa tubig, sapagkat sa pagkakataong isasagawa ng makata ang
pagpapalayang ito sa sarili, siya namang iniluluwal ang kanyang
patutunguhan habang tumatakbo ang mga kataga sa pahina niyang
pinagtatalaan. Mula ditoy aagos ang kanyang karanasan at isipan. Ito ang
panimula ng isang makatang digmaan. At sa paglimot at paglipad na nais
sanang danasin sa bawat pagsulat ng makata sa mukha ng tubig, niyayakap
niya rin ang kanyang sarili: tinatanggap ng makata ang pagiging makata
ang tungkuling ihayag ang diskurso sa pagitan ng sarili at ng kinalalagyan.

Sa pagsulat ng tula, hindi maiiwasan ang pagsira. Dalawa ang anyo ng


pagsirang ito: ang pagsirang nagbubuhat sa pakikipagniig ng makat(h)ang
kamalayan sa mga ninunong tekstong supling ng malawak na panulaan, at
ang pagsira mismo ng kamalayan upang bumuo ng tula. Sa pagkakataong
ito, nagiging magkahulugan ang anyo ng pagsira sa kilos ng paglikha,
habang isinasagawa ng makata ang pagsasanay sa pagbuo ng
tekstong lantay ang pagka-ginto. Lantay na ginto. Nilulan ba ng pag-usal
ang kaganapan ng kaisipan? Kinalong ba ng kaisipan ang anyo ng pag-usal?
Nagiging mahalaga ang pagsilay sa dalawang katangungang ito, ilan
lamang sa maraming bagay na kinakailangan sa maselang bahaging ito ng
pagbuo ng kadalisayan sa anyo mismo ng tulang isinu(su)lat. Ayon nga kay
Bautista, lalabas lamang ang silbi ng tula kapag nilulan ng kataga ang
kaisipan, at ng kaisipan ang kataga. Dito lamang magiging bukas ang
kanyang tula sa pagsira dito ng mga tula pang iluluwal sa hinaharap. Sa
gayon, isa itong matinding pangangailangan sa pagsulat ng tula, upang ang
bunga mismo nito ay maging ganap na alagad ng panitikan.

Dahil ang tula ay isang tagpuan ng tunggalian at digmaan, nararapat


lamang na taglayin ng isang tula ang mga kinakailangang sandata upang
itoy magwagi sa sinimulang labanan. Maaaring ang tulang kinalulunuran
ng mambabasa kahapon ay muli siyang tugisin ngayon upang tugisin rin ng
katotohanan ang kanyang kamalayan. Kung kayat ang tula ay
kinakailangang maging matatag: ang tula, kapag binuwag at tinadtad nang
naaayon sa dami ng ginamit na kataga, ay binubuo ng higit na maraming
tula sa puso ng bawat salitang bumubuo sa piyesang ito. Sa madaling salita,
ang isang kataga sa loob ng isang tula ay tula rin mismo, isang malakihang
pagpapatotoo sa kahalagahan at pagiging kritikal ng bawat pag-usal na
nagaganap sa loob ng magandang panitikan at panulaan. At sa pagtalima at
pagsuko ng mambabasa sa malalim na pag-iisip at pagsamyo sa halimuyak
ng kalooban ng tulang namukadkad, siya mismo ay nagiging tula. Ito ang
ikatlong anyo ng pagsira. Mula sa pagsira ng namuong tunggalian sa isip ng
makata upang mabuo ang tula sa pamamagitan ng pagsulat dito, at kasabay
nitoy ang pagsira sa anyo ng iba at naunang tula upang muling ipahayag
ang napiling tema ng karanasan, hanggang sa muling pagsira ng tula sa
sarili nitong kaanyuan upang sa huliy muling magsaanyo bilang ang
mambabasa na mismo, taglay ng tulang ito ang Pilipinong kaisipan
ng pagputi ng uwak. Ditoy masisilayan, ani Bautista, ang kakayahan ng
katutubo na balikwasin ang mga kongktretong katotohanan sa
pamamagitan ng pagkalas sa pagitan ng kataga at ng karampatan nitong
kahulugan. Ito rin ang kakayahang nararapat lamang na taglayin ng
makata, sa mundong patuloy na pinatatakbo ng prosa at tuwirangsa
gayoy mababaw at hindi ganapna anyo ng pakikipangusap.

Buhay ang tula, tulad ng buhay ng tao sa kanyang pinananahanan. Taglay


ng tula ang kakayahang maghabi ng kahulugan sa sarili niyang
kalaganapan, patayo patayin man ng pagbabasaang makata. At dahil
nga buhay at tulang siya rin mismong karanasan, nagkakaroon ng puwang
sa pagitan ng makata at ng mambabasa, hindi man maiiwasang balikan ng
akto ng pagbabasa ang buhay ng tula sa akto ng nakaraan nitong
pagsulat. Ako. Daigdig. Tula. Sa tulang Ako ang Daigdig ni Alejandro
Abadilla, bigyang diin ang kakayahan ng tulang lapatan ng higit pang
puwang ang makitid na espasyo sa pagitan ng mga
katagang Ako at Daigdig; sa pagitan ng Ako atTula. Sapagkat ang Tula ay
ang mismong Akoang Ako na hindi tumutukoy sa makatang nagsulat,
ngunit sa kalaganapan ng kamalayan ng Tula na mismong buhay, laganap,
humihinga. Ang Ako ng makata, samakatwid, ay tumatayo lamang bilang
panghalip na kumakatawan sa kakayahan ng makatang mag-usal ng
kaisipan sa daigdig ng panitikan, sapagkat sa pagkakataong ang pluma ay
kanyang bitiwan, ang Tula ay humahayo, mula sa pahinay pasulong na
binabagtas ang daan ng paghipo at pagwasak sa sarili habang binubuo ang
kaanyuan at katotohanang ikinukubli sa maskara ng panitikan.

Dahil nga dito, ang tula ay hindi sinasalamin ang katotohanan, sapagkat ito
mismoy katotohanan sa sarili nitong paglaganap. At dahil walang dugong
babasa sa kamay ng mambabasang natuto nang sukatin ang diwa ng
pagiging buhay sa pamamagitan ng kutis na nahahawakan, ang tula, sa
kontekstong ito, ay nagpapanggap na katotohanan sa kanyang anyo ng
pagpukaw.

At sa gitna ng daigdig kung saan laganap ang tinaguriang pagsulong,


nariyan lamang at patuloy na nagbabanta ang dugo ng tula. Payapa siyang
nagmamasid sa diwa ng tahimik na pag-usal. Isa itong pag-usal na
papaloob sa kabila ng palabas niyang pagtarak sa kamalayan. Heto ang tula
at dito, sa mismo nating kinasasadlakan, ay nakaamba itong gumuho at
magpaguho ng mundo at kataga, sa ngalan ng Kataga. Bukas ang kanyang
bumbunan sapagkat may kasaysayang pinaghanguan. Wala siyang
talampakan: tapyas ang ilalim ng kanyang mga paa, at mula dooy umaagos
ang dugo sa patuloy niyang pagbagtas sa lupa ng narito. Ito mismo ang
diwa ng pag-aambang kanyang ipinapahayag: ang kaluluwa ng tula ay
yumayakap sa napipintong tunggalian sa pagitan ng kanyang sarili at ng
mga mapupukaw niyang kaisipan. Sasanib siya sa iyo, sa akin. Bubukas ang
ating bumbunan at matatapyas rin ang ating talampakan. Muling
mawawala ang puwang sa pagitan ng Ako at Tulamuli tayong
ma(g)bubuo matapos ang pagwasak ng tula sa kanyang sarili. Sa karimlang
itinatag ng liwanag ng buwan, mamumutawi sa ating mga bibig ang
matandang anyo ng pag-usal ng tula, na tila ba isang panalangin sa Sariling
ngayon ay Panginoon: Ako ang Tula.

At itutuloy natin ang pagbagtas, mag-iiwan ng marka ng dugo sa bawat


piraso ng lupang wawasakin ng ating mga paa sa pagbuo sa ating sarili.

You might also like