You are on page 1of 2

KATUTURAN NG TULA

Ang tula ay isang kaisipang naglalarawan ng kagandahan, ng kariktan, ng kadakilaan at mga


karapatan. Ito ay isang katas, larawan at kabuuan ng tanang kariktang nakikita sa silong ng
alinmang langit.

Ang tula ay panggagagad ng mga tinig at kamalayang nagpapasigasig. Ang diwa o tema nito
ay batay sa mga karanasan sa buhay, sa mga pambansang isyu at mga pangyayari sa lipunang
kinagagalawan ng tao, atbp.

MGA SANGKAP o SALIK NG TULA

 SUKAT – ito ay tumutukoy sa bilang ng pantig sa bawat taludtod ng tula.

Hal. Wawaluhing pantig

“ noong mga unang araw,

na ayon sa kasaysayan,

ang Berbanyang kaharian,

ay may Haring hinangaan.”

 TUGMA- ito ay tumutukoy sa pagkakasintunugan na huling salita ng mga taludtod.

Hal.

“kung siya mong ibig na ako’y magdusa,

Langit na mataas, aking mababata.

Ako’y minsan-minsang mapag-alaala

Isagi mo lang sa puso ni Laura.”

 MAKABULUHANG DIWA

- tinutukoy nito ang pangkalahatang diwa o kaisipan ng tula na nais iparating


sa mga mambabasa. Sa pamamagitan ng diwa ng tula, pinupukaw ng makata ang damdamin
ng mga mambabasa, pinapaganda niya ang mga pangit na bagay sa paningin ng mga tao;
binibigyan niya ng kabuluhan ang mga karanasang sa palagay natin ay walang halaga.

 ANG KAGANDAHAN o KARIKTAN

- tinutukoy ng sangkap na ito ang paggamit ng mga piling salita sa tula upang
ito’y maging maganda. Ang mga salitang ginagamit ng makata ay tumutulong sa
pagpapatingkad ng diwa ng tula, pumupukaw sa mayamang guni-guni ng mambabasa, at
bumubuo ng mga buhay na larawang-diwa sa tula.

• TULA AYON SA KAYARIAN

 MATANDANG TULA o MAKALUMANG TULA

yaong binubuo ng mga taludtod na may sukat at tugma.


 MALAYANG TALUDTURAN O FREE VERSE

yaong tulang walang sukat at tugma.

MGA URI NG TULA

1. TULANG PANDULAAN

- naglalarawan ng mga pangyayaring naihahalintulad sa tunay na buhay. Ito’y isinusulat


upang itanghal.

2. TULANG PANDAMDAM

- nagsasaad ng masisidhing damdamin ng makata, gaya ng kaligayahan, kasawian,


kalungkutan, kabiguan, poot, tagumpay, galak, atbp.

3. TULANG PASALAYSAY o BUHAY

- naglalahad ng isang kasaysayan o mga tagpo o pangyayari. Kabilang sa ganitong uri ng tula
ang epiko, awit, kurido, atbp.

4. TULANG SAGUTAN

- naglalarawan ng pagtatagisan ng talino at pangangatwiran ng dalawang mambibigkas.

You might also like