You are on page 1of 14

TULA

KATUTURAN NG TULA

Ang tula ay isang kaisipang


naglalarawan ng kagandahan,
ng kariktan, ng kadakilaan at
mga karapatan. Ito ay isang
katas, larawan at kabuuan ng
tanang kariktang nakikita sa
silong ng alinmang langit.
Ang tula ay panggagagad ng mga tinig
at kamalayang nagpapasigasig. Ang
diwa o tema nito ay batay sa mga
karanasan sa buhay, sa mga
pambansang isyu at mga pangyayari
sa lipunang kinagagalawan ng tao,
atbp.
MGA SANGKAP
O
SALIK NG TULA
 SUKAT – ito ay tumutukoy sa bilang ng pantig sa bawat
taludtod ng tula.

Hal. Wawaluhing pantig

“ noong mga unang araw,


na ayon sa kasaysayan,
ang Berbanyang kaharian,
ay may Haring hinangaan.”
 TUGMA- ito ay tumutukoy sa pagkakasintunugan na
huling salita ng mga taludtod.

Hal.
“kung siya mong ibig na ako’y magdusa,
Langit na mataas, aking mababata.
Ako’y minsan-minsang mapag-alaala
Isagi mo lang sa puso ni Laura.”
 MAKABULUHANG DIWA
- tinutukoy nito ang pangkalahatang diwa o
kaisipan ng tula na nais iparating sa mga
mambabasa. Sa pamamagitan ng diwa ng
tula, pinupukaw ng makata ang damdamin ng
mga mambabasa, pinapaganda niya ang mga
pangit na bagay sa paningin ng mga tao;
binibigyan niya ng kabuluhan ang mga
karanasang sa palagay natin ay walang
halaga.
 ANG KAGANDAHAN o KARIKTAN
- tinutukoy ng sangkap na ito ang paggamit ng mga piling
salita sa tula upang ito’y maging maganda. Ang mga salitang
ginagamit ng makata ay tumutulong sa pagpapatingkad ng diwa
ng tula, pumupukaw sa mayamang guni-guni ng mambabasa, at
bumubuo ng mga buhay na larawang-diwa sa tula.
TULA AYON
SA KAYARIAN

MATANDANG TULA o
MAKALUMANG TULA

yaong binubuo ng mga taludtod na


may sukat at tugma.

MALAYANG
TALUDTURAN O FREE
VERSE

yaong tulang walang sukat at


tugma.
MGA URI NG
TULA
1. TULANG PANDULAAN
- naglalarawan ng mga pangyayaring
naihahalintulad sa tunay na buhay.
Ito’y isinusulat upang itanghal.

2. TULANG PANDAMDAM
- nagsasaad ng masisidhing damdamin ng
makata, gaya ng kaligayahang,
kasawian, kalungkutan, kabiguan,
poot, tagumpay, alak, atbp.
3. TULANG PASALAYSAY o
BUHAY
- naglalahad ng isang kasaysayan o
mga tagpo o pangyayari. Kabilang
sa ganitong uri ng tula ang epiko,
awit, kurido, atbp.

4. TULANG SAGUTAN
- naglalarawan ng pagtatagisan ng
talino at pangangatwiran ng
dalawang mambibigkas.

You might also like